logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Natulala ako nang madatnan ang mga nakahanay na estudyante sa gymnasium.
"Ang dami pala natin" biglaang wika ni Andi
Liningon ko lang ito na walang kahit anong reaksyon.
Makakapasa kaya kami rito? Sobrang dami jusko.
"Girls, wag kayong lalagpas ng linya para di kayo mawala" paalala ni Sir Mendoza.
Ilang minuto lang kaming nag antay don at agad rin tinahak ang ibang bahagi ng campus kung saan kami kukuha ng pagsusulit.
Nasa may isang hall kami napadpad at iilang estudyante lang ang namumukhaan ko dito. Pawang mga estranghero ang karamihan.
Nagsimula na kaming sumagot nung meron na itong nilapag sa harapan ko.
Mukhang nagustohan ko naman ang pagsagot kahit umabot kami ng dalawang oras.
Matapos ang pagsusulit ay hinintay ko pa si Andi na hindi parin tapos.
Nasa labas na lamang ako habang kasama ang iilang mga estudyante na hindi ko kilala.
"Nahirapan yata ako sa Math, natapos mo ba?" Rinig kong sabi ng katabi.
"Oo naman, buti nga dalawang oras yung binigay satin"
"Nga pala, hanggan kailan matatapos yung checkpoint sa San Lorenzo? Kinakabahan ako pag dadaan tayo don"
"Hindi ko alam, matatalino din kasi yung ibang rebelde palaging matiyempohan pag walang nakabantay"
Naghalo halo na ang mga kwento na narinig kaya di ako masyadong nainip.
Ilang minuto ay lumabas na ang mga kasama.
Mukhang napagod yata ang mga ito kaya wala ng imik ng sumalubong sakin.
"How's the exam?" boses ng lalaki na nagpalingon sa amin.
"Sir Lao, okay naman po. Kayo po?" Tanong ni Andi na agad namin tinawanan, para talagang tanga.
"Hahah I am good, are you done?"
"Thank you sir, sensya na tinawag lang ng kalikasan" biglang sulpot ni Sir Mendoza.
Natawa kami sa narinig.
Ilang sandali pay binigyan muna kami ng ilang oras para maglibot- libot. Nakasunod lamang kami kay Sir Mendoza habang busy ang iba kakakuha ng litrato.
Ramdam mo ang inosenting kalikasan, malamig na hangin ang mapapansin sa kabila ng init ng araw.
Nababagay na binibisita ito ng karamihan bukod sa isa tong unibersidad. Di mo mapapansin ang tahimik at lungkot ng lugar kung maraming tao ang pumaparito.
May malaking field kaya tanaw sa kabila ang tila butil na imahe ng tao.
Para ka lang nasa isang bakasyon at pwedeng magnilay nilay.
Doon kami huminto sa may malalaking puno, tinatakpan ang liwanag ni haring araw.
"Girls Groufie tayo!" rinig kong aya ni Kim.
Agad kaming mas lumapit at nagpakuha ng litrato.
Ilang sandali pa ay tinahak namin ang daan para mananghalian.
Mukhang wala na kaming ibang gagawin matapos hinintay ang mga kasama kaya bumalik na kami ng maiayos na ang ibang gamit.
Sobrang dali lang ng oras bukas matagalang biyahe na naman.
Tapos na naming inayos ang mga gamit at naghintay na lamang ng sasabihin ni Ma'am Ruiz.
Alas otso ng gabi, nakatambay lamang kami sa labas. May mga bench na nakahanay papasok sa entrance door.
Tila ngayon lang kami nagkasama sama ng ganito maliban nung unang araw na naghihintay lang kami sa babaan ng bus.
Napabaling ang atensyon ko sa nag uusap na Andi nung pansin kong may isang grupo sa tabi na kanina pa tingin ng tingin sa gawi namin.
Oo na ang kapal ko na naman.
"Hoy cath! Kanina pa yan ah! Pansinin mo naman" suhestiyon ni Shane na katabi ko lamang.
"Ayoko nga, wag mo nalang pansinin nakakahiya"
Ilang sandali pay nasali na ako sa chika ng mga ito.
"If ever papasa ako, gusto ko sana Filipino" kwento ni Kim sa kabila.
"Gusto ko Mapeh, alam mo na" sagot naman ni Shane.
Dahil sa narinig, napaisip tuloy ako sa gustong tahakin pag college.
Di ko pa yata alam, meron naman akong gusto pero feeling ko di yun matutupad.
Uuwi na ako bukas, balik reyalidad na naman. Mag isa na naman, kaya siguro di ako sanay sa sobrang daming tao maliban pag nasanay na ako gaya ng sa campus at sa mga kaibigan ko.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Toothpaste?"
"Pwede mo ng itapon yan wala rin namang laman na"
"Jazz folder mo baka makalimutan"
"Pantay ba kilay ko Shane?"
"Baka may nakalimutan pa kayo ha?"
Rinig ko sa mga kasama habang nasa labas na ako ng pinto.
Babae rin naman ako pero nasobrahan yata ang mga ito sa kabagalan.
Nabigla pa ako nung napansin ang tinahak na daan ni Sir Lawrence. Dito yata papunta. Di talaga mapapansin dito ang bakas ng pagiging guro lalo pa't naka civilian lamang.
"Catherine right?"
"Yes yes opo sir" nabibigla kong sagot.
Agad nalang ako tumayo sa gilid para maka daan ito papasok ng pinto.
Alam kong ilang segundo lang ay magkaroon na ng ingay sa loob.
"Omg!!! Aalis na yata"
"Hoy bilisan niyo diyan"
"Saglit lang"
Natatawa na lang ako sa boses na naririnig.
"Yes po sir, ready na"
"Hoy hindi pa nga"
Tanaw ko si Kim na tinitingnan pa ang pisngi tila pinapantay ang kulay.
Unang lumabas si Shane na nabigla sa bisitang pumasok.
"Cath, nakakahiya!!!!!" Namomroblema nitong sabi sakin.
Ilang minuto pay nakalabas na ang lahat sa kwarto.
Nasa lobby na ang lahat at hinintay na lamang ang bus na dumating.
Ngayon ko lang mas lubusang napapansin ang mga mukha ng mga kasama.
"Titig titig mo dyan? Ikaw ha"
Liningon ko ang katabi.
"Di no? Baka ikaw" sagot ko kay shane na mukhang nag eenjoy sa mga nakikitang kasama.
"Ang cute nung naka polo. Tingin mo?"
Ulit niyang tanong sakin, tiningnan ko ang tinutukoy.
"Marami namang naka polo"
"Dito kasi sa gilid, puro ka sa harap nakatingin"
Sinunod ko ang sinabi nito.
San ba dito marami namang nakapolo. Doon ko lang nakuha ang ibig sabihin nito nung dumaan sa harap namin si Sir Lawrence.
Binigyan ko ng kakaibang tingin si Shane.
"Peace! Sabi kasi ni Andi di mo dw sya bet. Mukhang di mo nga bet! Grabe ka ha, ang perfect kaya niya"
Mukhang nagkakasundo talaga sila ni Andi sa usapang lalaki.
"May hitsura naman, oo" sagot ko rito pero mukhang di parin sya kontento sa narinig.
"Uy ano yan ha? Chismis?" Biglaang sulpot ni Andi sa usapan. San kaya nagsosoot tong babaeng to.
Ilang minuto lang ay dumating na ang bus. Gaya nung unang araw kung sino yung unang dumating ay yun din ang unang uuwi.
Di ko alam kung pang ilan kami basta dalawang bus lang yung gamit sa school.
Alas 8 nung nakapasok na kami ng bus, bigla agad ako nagtaka kung nanggaling paba to sa school o kahapon lang sila dumating. Tumambay lang sa kung saan.
Gaya ng nakaraang pwesto gusto makipagpalit ni Andi sakin, mukhang alam ko naman kung bakit kaya pumayag na ko. Kaya lang sa di inaasahan ay ibang classmate ang pumalit sa pwesto ni Sir Lawrence.
Para tuloy kakain ng buhay ang katabi ng nadismaya sa mga pangyayari.
Umunang umalis ang unang dalawang bus pagkatapos sinundan namin.
Rinig sa likod ang ingay ng bus na nakasunod sa amin. Mukhang yung mga grupo yata ng lalaki na sobrang ingay nung unang araw.
"May party yata sa likod" sambit ni Andi na nilingon ko naman, agad ko siyang tinawanan dahil sa reaksyon nito.  Wala yata sa mood 'tong kasama ko.
Ilang sandali pa'y di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Mahimbing lamang akong natutulog nang makarinig ang tenga ng kakaibang ingay.
"Nako! Ito na nga ba sinasabi ko!"
"Ha? Anong nangyari?"
Agad huminto ang bus dahilan para mapaayos ako ng upo.
Nilibot ko ang tingin sa bus na ngayon ay halos nakatayo na ang karamihan, inosenting malaman ang pangyayari.
"Class, kahit anong mangyari wag kayong tatakbo ng mag isa. Naintindihan?"
Wala kaming naintindihan sa sinabi ni Sir Mendoza.
"Cath, ano bang nangyari?" Tanong ni Andi sakin na dinudungaw pa ang pangyayari sa labas ng bintana.
Kita kong pinalabas ang ibang students sa sinundan  naming bus.
Linapitan ito ng mga dalawang lalaking nakakulay green at may dala dalang armas.
Ilang sandali pay di namin inasahan na may papasok rin sa bus gaya ng hitsura na nakita ko sa labas.
Tatlong Military na mukhang gusto kaming palabasin.
"Cathhh!" ramdam ko ang malamig na kamay ni Andi.
"Shhhhh tahimik ka lang" bulong ko sa kanya dahil maging ako man ay natakot nung dumaan ang armas nito sa gawi namin.
Pano kung puputok iyon ng basta basta.
Napansin nalang namin na lumabas na ang ibang kaklaseng nasa unahan.
Hinawakan ako ni Andi at agad kaming sumunod sa mga pangyayari.
Tiningnan ko ang kabuuan.
Nasa gitna kami ng daan, napalibutan ng puno kaya't kahit umaga pa ay tila pa dilim na.
Napansin ko ang nakahanay na mga bus, mukhang dito yung sinasabing checkpoint ng mga babae kahapon.
Agad kung naalala ang nabanggit na mga rebelde dahilan para mas kinabahan ako.
May itinanong lang ito at isa isa kaming hinanapan ng ID. Nang makontento ay lumabas ito at pinasok ang nakasunod na bus.
Nakahinga kami ng maluwag nang mapagtantong ganun lang yun kailangan sa amin.
Nagsimula ng magsipasukan ang ilang estudyanteng nasa unahan ng bigla kaming nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril.
Agad akong napahawak kay andi na nakayakap na sa kin.
Nagsilabasan yung mga estudyanteng nakapasok sa bus at dali daling tumakbo sa gawi namin.
Dahil sa mga pangyayari agad kaming napatakbo sa di malaman laman na dahilan.
Patuloy parin ang ingay ng baril dahilan para mas matakot kami.
"Cathhhh" unti unti kong naririnig ang hikbi ni Andi pero patuloy parin kaming tumatakbo.
Naunahan na kami ng ibang mga estudyante kaya hindi na namin alam kung sinong mga nakasabayan namin.
Halos lahat ng nakapalibot sa amin ay matatayog na puno, tanging ingay lang ng tao ang naging direksyon namin.
Liningon ko si Andi na mas lumala ang pag iyak kahit wala itong boses.
"Asan sila?" Tanong nung nasundan naming babae sa kasama.
"Dito yata" suhestiyon ng isa.
"Mukhang mas madilim diyan, dito nalang"
Umuna itong tumakbo, kaya sunod parin kami ng sunod.
"San na tayo?" Nagpatuloy sa paghikbi si Andi, maging ako man ay kinakabahan sa mga pangyayari.
Sunod parin kami ng sunod kahit pakiramdam namin apat nalang kaming tumatakbo dito.
"Sandaliiiiiiii" rinig ko mula sa malayo, agad ko itong nilingon.
"May iba pa kayong nakikitang kasama?" Hinihingal nitong tanong sakin.
"Kami nalang" walang reaksyon kong sagot.
"Cath naiiwan na tayo tara na" Tanaw ko pa yung dalawang kasama kanina kaya dali dali namin itong sinundan.
Napahinto kami sa isang malaking bato na tinatakpan ang kasunod na daan.
Napalingon sa amin yung dalawang kanina pa namin sinusundan. Mukhang taga ibang school yata.
Agad kaming napalingon kay Andi na ngayon ay nakaupo na sa damo.
Iyak ito ng iyak kaya nilapitan ko na lamang.
"Wala nang ibang daan dito, madilim pa" rinig kong wika ng babae.
"Naiwan ako ng mga kasamahan ko" malungkot na sabi nung lalaking tumawag samin.
"Balik kaya tayo?" Suhestiyon nung isang sinundan namin ni Andi.
Malungkot kaming nakasunod doon sa dalawa, yung isang lalaki naman ay kasabayan na naming naglalakad.
Napahinto kami nung mapansin ang iilang liwanag kahit natakpan parin ito ng mga puno.
Napaupo bigla yung lalaking sinundan namin kaya tumigil kami sa paglalakad.
"Mukhang nagkakahiwalay hiwalay na nga tayo Mich" wika nito sa kasama.
Agad lumingon yung babae sa aming tatlo.
Mich pala name nito.
Bumuntong hininga ito tsaka umupo rin.
"Ano name niyo? Cousin ko si Allen, Mich"
Pakilala nito samin kaya nagulat ako.
"Warren" pakilala ng katabi kong lalaki.
"Catherine, bestfriend ko naman si Andi" Tumango lang ang mga ito tsaka umupo.
"Grabe sa dami natin lima lang tayong nandito" wika ni Warren na hanggang ngayon ay tila namomroblema parin.
"Baka nasa paligid lang yung ibang kasamahan natin, makakauwi rin tayo"
Tumahimik na lamang kami at mas piniling magpahinga.
Isang bag lang yung dala ko, pero di ko nalang inisip ang ganung mga bagay.
Pakiramdam ko sobrang layo na namin mula sa hinintuan ng bus.
"Drake? Drakeeeeee!!!!!"
Agad kaming napalingon kay warren nung bigla itong sumigaw. Tumayo ito at sinalubong yung iba niyang kasamahan.
Isang lalaki at dalawang babae. Di ko rin namumukhaan.
Lumapit ang mga ito sa gawi namin.
"Guys kaibigan ko si Drake, tol mga kasabayan ko kanina"
"Hi!" Bati ng lalaki samin.
"Mga kasabayan ko rin, si Tim at Jessy"
Nginitian ko lang yung dalawang babae tsaka kinilabit si Andi na kanina pa niyayakap ang bag.
"Makakauwi rin tayo, tiwala lang" bulong ko rito.
Nakapalibot lamang kami, tila hindi parin nakakamove on sa mga pangyayari.
Tanging mga damo ang naging upuan. Ilaw mula sa puno ang nagbibigay liwanag.
Tahimik lang kami, walang gustong magsalita.
"May parating" biglang wika ni Allen na nasa harap ko. Agad akong napalingon sa likod ng mapagtantong dun nanggaling ang tinutukoy nito.
Napatayo ako ng mapansing kilala kung sinong parating.
Huminto ang lalaki nung napansing may mga tao dito.
"Sir Lao?" Boses ni Andi at tuluyan ding lumapit
Agad ko siyang sinundan nang mapagtantong meron kaming panibagong karamay.
"Sir, buti nandito po kayo!" Masayang wika ni Andi.
"Yes, finally for almost one hour, i found familiar faces"  masayang sambit nito samin.
"Buti po safe kayo, kayo lang mag isa?" Tanong ko sa kanya.
Kahit naiilang ako dito pero bahala na.
"Yes, nahuli akong nakatakbo. I thought i'll be alone forever. Thanks God"
Ngumiti lang kami tsaka inaya itong sumama sa nakaupong mga kasama.
Pinakilala namin ang mga ito at nagpatuloy sa pagpapahinga.
"Aren't you hungry? It's past 12 already" sambit nito samin ni Andi. Kaming tatlo yung mas malapit kesa sa anim na bagong kasama. Pero nakapalibot parin kami.
"Maghanap kaya tayo ng ibang mapahingaan. Baka may ilog o kahit anong may tubig" napalingon kami sa lalaking nagsasalita. Ito yung tinawag ni Warren kanina, nakalimutan ko ang pangalan.
"Yes, I agree with that, as long as we are hydrated we don't need much food to intake"
Pansin kong nabigla ang ibang kasamahan pero tumango lang ito sa sinabi ng Guro.
Napangiti ako sa biglaan nitong pag eenglish, pero nawalan rin ang ideyang yun nung naramdaman ko ang siko ni Andi.
Bakas ang pagod sa aming hitsura, ang tanging nasa isip ko lamang ay nais ko nang magising kung ito man ay panaginip lamang.
"I still can't believe this is happening"
"Sana nga joke lang to'"
Pinakinggan ko lang ang mga katabi na patuloy na naglalakad.
"Mukhang nandito na tayo" sigaw nung kaibigan ni Warren na nangungunang naglakad samin.
Ilang sandali pay rinig namin ang agos ng tubig sa di malamang direksyon.
Matapos makadaan sa iilang malaking bato, pansin namin ang bakas ng daanan na tila napupuntahan ng tao.
Sumalubong ang matatayog na kawayan. Ilang sandaling hakbang pababa ay tanaw na namin ang ilog sa malayuan.
Nakaramdaman kami ng hangin na tila nilimot ng ilang taon.
Napapapikit kami sa liwanag na dala ng ilog. Ilang oras din kaming palibot libot sa madilim na gubat.
Nang makaapak sa iilang bato, agad kaming uminom sa nasilayang likido.
Di namin namalayang alas tres na pala ng hapon.
Masarap sanang magtampisaw sa gantong oras pero di ko magawang maging masaya sa ideyang isa na kami sa mga naliligaw.
Di ko maisip ikumpara ang komportableng buhay na meron ako, sa kalagayan namin ngayon. Para kaming preso na hawak ang kalayaan.
Tiningnan ko si Andi na seryosong nakatitig sa kawalan.
Maging si Sir Lao na nilibot ang tingin sa paligid.
Si Mich at Allen ay walang ginawa kundi magkwentuhan.
Si Warren at ibang kasama nito ay nilibang na lamang ang sarili sa iba't ibang mapag usapan.
"Cath, kung sakaling dito tayo mamamalagi, san tayo matutulog?" Biglaang tanong ni Andi dahilan para lumingon ang iilan.
Maging ako man ay di ko rin alam. Umaasa pa rin ako na panaginip lamang ang lahat.
"I don't think it's not safe to return to San Lorenzo"
"Bakit po?" Tanong ni Andi.
"We're not sure if there's an AFP assistance after the incident last morning"
Sabagay, so ano ng mangyayari? Hanggang didto nalang kami habang buhay?
"Ayoko pa naman maging Eva or Queen of the Jungle"
Natawa kami sa narinig.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Joannamae G. Aragdon

    napakahusay

    19d

      0
  • avatar
    DanglipenHelbert

    very good

    27d

      0
  • avatar
    t Phn

    hay

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata