logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

The moon was shining brightly under this island of battlefield. Unang gabi pa lamang ay marami ng dugo ang dumanak.
Tuloy parin ako sa paglalakad at kapag may nakakasalubong akong mga demons ay mabilis ko ring pinapatay. Ngunit napakarami nila at parang hindi sila maubos-ubos. Nagtataka nga rin ako kung paano nagkaroon nang ganitong klaseng Isla. Siguro'y dinadakip nila ang mga demons na narito mula sa mga misyon.
Napapagod na ako at marami na akong natamong mga maliit na sugat pero hindi ko na iyon ininda pa at ipinagpatuloy na lamang ang nais ko.
Tuwing nakikita ko sila, naaalala ko ang sinapit ng Dawn Village kaya't kahit hinang hina na ako ay ito ang siyang tumutulak sa akin para lumaban.
Habang tumatagal mas lumalakas ang mga nakakasalubong ko. Mas marami na sigurong tao ang mga nakain nila.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa dalampasigan sa paglalakad ko. Nilinis ko muna ang mga sugat ko sa tubig at ininda ang hapdi nito.
Tinitigan kong mabuti ang mga sugat na natamo ko. I'm sure this will leave a scar but I don't really mind. For me, Scars are a symbol of hardships for someone who endure's physical pain.
Naging alerto ako nang may marinig na kaluskos. Mukhang may paparating at hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos ng isang minuto ay may lumitaw mula sa kadiliman ng kagubatan, isang nilalang na inaasahan ko.
Kinuha ko ang isang dagger ko at itinapon sa kanya. I aimed on its head but unfortunately it dodged. Hmmm..that's not normal for low level demons. Low levels aren't rational. Sulong lang sila nang sulong at hindi sila gumagamit ng utak kaya't mukhang kakaiba ang isang ito. This might be one of the mid-level.
Itinapon ko nang sunod sunod ang mga daggers ko sa kanya ngunit nakakaiwas siya kaya't dumadaplis lamang ang mga ito. It ran straight to me with it claws ready to rip my flesh. I was about to get my dagger but looks like I used all of them.
"Shit!" I've got no choice but to use my last card.
Kinuha ko ang aking espada at sinalag ang atake nito. The sound of my sword and it's claws are echoing in the whole beach as we clash.
Nahihirapan akong salagin ang mga atake nito dahil dalawang kamay ang gamit niya samantalang Isa lang ang espada ko. Lumayo ako saglit para sana mag-isip ngunit tumakbo ito papalapit sa akin. Sinalag ko ulit ang atake nito sa kaliwang kamay ngunit ang kanan hindi ko na nasalag na naging dahilan ng pagtapon ko sa malapit na puno.
Pinilit kong bumangon habang hawak ang bewang na nasugatan. Nanlalabo na ang paningin ko at dala na rin siguro nang pagod ay nanghihina na ang katawan ko. Kanina pa kasi ako nakikipaglaban at mabilis lang ang naging pahinga ko.
Hinawakan ko nang mahigpit ang espada ko gamit ang isang kamay habang hinahawakan naman ng isa kong kamay ang sugat ko na patuloy ang pagdurugo. Pumapatak pa ang dugo ko sa buhangin na kinatatayuan ko.
Sa nanlalabong paningin nakita kong tumatakbo na papalapit sa'kin ang kalaban ko. Napangiti ako nang mapait. Paano ako makakalaban nito? Nanghihina na ako.
Malapit na akin ang halimaw at handa na akong patayin nang mga oras na iyon ngunit bigla nalang akong may naramdamang brasong yumakap sakin mula sa aking likuran at may nakita akong baril na nakatutok sa kalaban kong papalapit. Pinihit ako nito patalikod mula sa halimaw at sa nanlalabong paningin naaninag ko ang isang lalaking nakatingin sakin.
"Rest Vee, I'm here. Sorry kung nahuli ako nang dating," sabi nito bago ako nabingi sa putok ng baril at kasabay non ay ang pagbibigat nang talukap ng aking mga mata. Ang kulay pilak na krus na nakasabit sa leeg nito ang huli kong naaninag bago ako nawalan ng malay.
Unang mulat palang ng mga mata ko, nakangiti na niyang mukha ang una kong nasilayan. Napansin ko pa ang kanyang kwintas na nakasisilaw kapag natataman ng sinag ng araw. Tanghali na pala akong nagising. Nakasandal siya sa puno ng niyog samantalang nakahiga naman ako sa kanyang mga hita.
"Good morning Vee."
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at agad kong naramdaman ang pagkirot ng sugat ko sa bewang. I looked at my wound and I've seen that it was covered in bandages.
"Thank you for saving me last night." I might be dead by now if not because of him. Ngumiti naman sya sakin.
"We're a team, remember?" Team?kailan pa?
"Pardon?" He smirk.
"Kahapon pa tayo naging team, hindi ka lang informed." Nakangising aniya.
I rolled my eyes on his remark. I can't really understand how his brain works. I looked around at the peaceful beach and then I remembered something.
"I thought you're with Eljay?"
"Naman! Ako yung nandito pero iba ang hinahanap mo!?" Dahil sa sinabi niya, nakatanggap sya nang matalim na tingin mula sakin.
"Hehe... Vee, naman hindi na mabiro. Naghanap siya ng mga prutas para may makain tayo. Kailangan nating maka-survive dito ng ilang araw kaya kailangan natin maghanap nang makakain at konti nalang ang natitira sa mga dala nating tubig kaya't hindi rin magtatagal ay maghahanap din tayo nang mapagkukuhanan ng malinis na tubig." mahabang lintanya nito. Maka Vee siya parang close kami. I should remind myself that he's feeling close.
"I see."
Hinintay naming dumating si Eljay at sinimulan na naming kumain.
"Eljay, observations?" Giyu asked while we're eating.
"I have found a lot of demons while gathering food. Some of them tried to attack me but because of the sunrays, they died immediately however, I saw some mid-level demons taking shelter on caves. Safe pa tayo sa ngayon pero wag lang sanang umulan dahil hindi tayo pwedeng sumilong kung saan saan lang at pwede tayong magkasakit  kung magpapaulan tayo." listening to Eljay's observations, mukhang mahihirapan nga naman kami kapag umulan.
"Eljay, meron ka bang nakitang mga examinees habang nangangalap ka ng pagkain?" Ako naman ngayon ang nagtanong kay Eljay. Napaisip naman siya sa tanong ko.
"isang grupo lang yung nakita ko kanina at dalawa sa kasama nila ay sugatan." tumango tango naman ako habang nakikinig.
Pagkatapos naming kumain nagligpit na kami nang kanya kanya naming gamit.
"Ito nga pala ang mga daggers mong pinulot ko kaninang kinaumagahan." Ibinigay sakin ni Giyu ang mga daggers ko at inilagay ko naman ito sa aking bulsa.
"Thanks."
"No prob. Siya nga pala, patingin ng sugat mo, kumikirot pa ba?" Hindi ako nagsalita at Itinaas ko nalang ang t-shirt ko sa bandang sugat ko para matignan niya.
"Mukhang kailangan nating palitan ang benda mo mamaya," aniya.
Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin ay sabay sabay kaming lumakad papasok sa gubat para maghanap nang mapagkukunan ng malinis na tubig dahil malapit nang maubos ang mga dala namin.
We are still searching around the forest when I suddenly stop walking. I saw gray clouds approaching. I sigh. This is bad news.
"I think we should find shelter." I said while still looking up in the sky.
Napatigil naman ang dalawa sa paglalakad at tumingin sa tinitignan ko. Napamura si Eljay.
"Bakit naman ang bilis! Kanina ko lang hiniling na sana wag umulan eh! Ba't nabaliktad!?" Pahihimutok pa niya. Well, nature is unpredictable.
"Then we don't have any choice....." Napatingin kami Kay Giyu dahil sa sinabi nya. He look at us seriously.
"We have to raid a cave."

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    BuctuanLiezel

    more chapter pa please...nakakabitin basahin. sobrang intense..sana completed na soon

    24/07/2023

      0
  • avatar
    RedLancaster

    the story is exciting

    22/12/2022

      0
  • avatar
    AMBANDOL

    Nice. keep writing!

    30/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata