logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7: The game

Gabby POV:
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay kuya Jeffrey. Di ako magchecheer. Uupo nalang ako doon at manahimik dahil wala akong alam sa laro at sabi ni Ayen sa akin na manahimik nalang ako.
Pareho naming hindi namalayan na malapit na pala kami sa kanila. Ang sama ng tingin ni Ayen at ganun rin si Bretney sa gilid niya. Naghihintay sila sa amin.
Inalis agad ni Kuya Jeffrey ang kamay niya sa balikat ko. Unti-unting naging seryoso at dumistansiya ng kaunti papalayo sa akin. Napatingin naman ako sa pagmamadali niya. May mali ba?
"Ang tagal mo Jeffrey!" Sabi ni Kervy na kanina ko lang naka-usap. "Buti naman at dinala mo rito si Gabby"
Bretney cleared her throat. She doesn't like it, obviously! At sa tingin ni Ayen kay kuya Jeffrey halatang iba rin.
Kuya Jeffrey laugh ackwardly. "A-ah, O-oo"
"Ouy...nagbigay ka ng snack kay Gabby. Nasaan ang amin?!"
"Damot mo talaga Jeffrey!"
"Hindi sa akin yan. Kay Ayen yan-"
"Gabby, dito ka" malamig na sabi ni Ayen sa akin. Napatingin kami lahat sa kanya na ang sama na ng tingin kay Kuya Jeffrey. Tinignan niya ulit ako dahil hindi ako sumunod sa gusto niya.
"No! Dito lang ako kay Kuya Jeffrey". Matigas na sabi ko at halos iditdit na ang sarili kay kuya Jeffrey.
Kuya Jeffrey laughed ackwardly. Napalunok siya at binulungan ako. "Gabby, dun ka muna kay Ayen"
"Ayoko"
"Gabby, dito ka" si Ayen.
Ano bang problema ng lalaking ito?
"Where's the team Falcon?" Narinig ko ang sabi ng isang babae. May dala itong papel at ballpen at nakasuot din siya ng mic. Lumapit ito sa amin. "Kayo po ba si Ayen?" tanong ng babae kay Ayen.
Pero hindi ito binalingan ni Ayen. Bagkus ay nakatingin lang ito sa amin.
"Oo miss siya nga. Magsisimula na ba?"-si Kervy.
"Yes po, proceed po tayo rito" Turo ng babae sa isang silyang tig lilima ang upuan.
"T-tinatawag na tayo" kinakabahang sabi ni Kuya Jeffrey. Ayen deadly glared won't stop. What is wrong with this man?!
Hinatak niya ako papalayo kay Kuya Jeffrey at napasubsob ang buong mukha ko sa dibdib niya. My face literally buried on his broad chest! It hurts! At nakakahiya!
"What the-?!"
"Kapag sinabi ko na dito ka. Dito kalang"
MAGKATABI kami ni Bretney sa isa sa mga upuan dito sa front seat. I mean, may bakanteng upaun na namamagitan sa aming dalawa.
Ilang beses na nanalo ang grupo nila Ayen sa laro at ang totoo hindi ko alam kung paano sila nanalo. Wala akong kaalam-alam at ayokong alamin.
Malakas na palakpakan at hiyawan ang bumalot sa lugar namin dahil nanalo ulit sila Ayen sa laro. Si Bretney naman ay nauna pang lumapit sa kanila. "I told you, mananalo kayo!" sabi nito at malanding sinuntok si Ayen sa dibdib. Ngumiwi naman ako sa nakita.
"Thanks Bretney" sabi ni Ayen at tinignan ako. Nilagpasan niya si Bretney na agad nawala ang ngiti at napalingon sa akin na masama agad ang tingin.
"Mag-12 pm na. Lalabas tayo ngayon para kumain. May gusto ka bang restaurant?"
Hindi ko nakain ang sandwich kanina pero nakalahati ko ang juice dahil mainit ang lugar. Dahil sa sinabi ni Ayen unti-unti akong nakaramdam ng gutom. Sinabi ko agad sa kanya ang lugar na gusto ko at doon kami pumunta lahat. Nalaman ko rin na kasali sila sa finalist ng laro. 2 pm daw magsisimula.
We ate our lunch at bumalik agad sa White Club House. Nasa gilid lang ako ni Ayen at kapag nakita niya na humiwalay ako ng konte ay tatawagin niya agad ako. Pagagalitan at pagsasabihan pa. Err..
Nasa stage na ang grupo nila para sa final contest ng ML. He is at the stage and still, he is glancing at my side for a thousand times like I have a plan to excape from him! I'm not! Wala nga akong kilala rito maliban sa kanila.
Hindi pa nagsisimula ang laro. Masama ang tingin na pinukol ko sa kanya. He is still as hard as rock! Ganun parin ang reaction niya kanina. What is his problem?! Dapat ako ang magagalit sa kanya sa lahat lahat ng ginawa niya ngayon. I mean, overall ang oangit ng ugali niya.
May tinuro siya sa gilid ko at sinenyasan na ibigay sa kanya. When I glanced at it, it's a bottle of water na nakalagay sa gitna namin ni Bretney. Tinignan ko siya at sinipatan. Kapal ng mukha niya, gagawin niya pa akong alipin.
Himinga ako ng malalim at akmang kukunin ko yun pero may nauna na sa akin. It's Bretney. Sinundan ko siya ng tingin ng tumayo siya at ibinigay iyon kay Ayen.
Ayen smiled at her and said his thank you. Ininom niya agad ito at ibigay kay Bretney ulit.
Bretney smiled widely going back to our seat. Sinundan ko siya ng tingin. Umupo siya. Mayabang niya akong tinignan habang ibinalik ang tubig sa gitna namin.
"Kaibigan ko si Ayen simula palang noong grade 10 pa kami. Ikaw naman, ngayon palang kayo nagkakakilala, sinasaloob mo na ang kabaitan niya" parinig niya sa akin.
Napataas ako ng kilay.
"Excuse me? Kabaitan?"
Natawa ako sa sinabi niya. Nasaan ang kabaitan ni Ayen na pinagsasabi ng babaeng ito? Well, nanlibre nga siya but his personality? It didn't pass. Andaming niyang reklamo!
"Maang maangan kapa. Grade 8 ka pa lang pero lumalandi ka na sa matatanda sayo. If I know, may gusto ka kay Ayen, nag-iinarte kalang!"
Oh my ghad! I laughed sarcastically. Sino sa amin ang may gusto kay Ayen? Nung pumasok ako rito, kulang nalang babakuran niya si Ayen.
"May gusto ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Baka ikaw?! Ikaw tong galit na galit sa akin and telling me that you are friends since grade 10. Ako pa ang binabaliktan mo"
"Alam mo? Kanina pa ako nagpipigil sayo! Ang arte arte mo pa, bata ka! May pa Japanese restaurant kapang nalalaman. Umuwi ka nalang kaya sa inyo, wala ka namang kwenta rito. Nagbibigay kalang ng init sa ulo namin!"
"Oh really?! Bakit hindi mo nalang tanggapin na ikaw talaga tong may gusto kay Ayen? Don't worry, hindi ko aagawin si Ayen sayo. Isaksak mo siya sa baga mo! Mukbangin mo narin!"
Masama niya akong tinignan ganun rin ako sa kanya.
"Ang bata bata mo pa pero ang pangit na ng ugali mo!"
"At least I'm still a child. Eh ikaw?! Laki-laki muna pero mas pangit pa ugali mo sa akin!"
Kung hindi lang nagsalita ang bakla at babaeng mc sa harap namin baka nasambunutan ko na siya.
"This is the final game for the two team survivor. Ang magwawagi sa larong ito ay uuwi ng premyong fifty thousand pesos! Para sa ating criteria...."
Tinignan ko ang bawat isa sa kanila. Ganito pala ang final?
"Let me hear the cheer of team RKing!". Napatingin ako sa kabila at doon nakita ang mga kalaban nila. Malakas ang hiyawan. "Talaga namang mababagsik ang fans ng team RKings. How about the Team Falcon?!" Mas lalong lumakas ang hiyawan. Hindi na ako humiyaw dahil para saan pa, madami na sila. Malamang nangunguna si Bretney.
Pinakilala isa isa ang lahat. They smiled and wave to the audience. Pumalakpak lang ako nung si Kuya Jeffrey ang pinakilala at mga kasamahan niya. Tumigil rin ng pinakilala si Ayen na halos lahat ng mga tao roon ay pinapalakpakan at sumisigaw sa pangalan niya.
Napatingin siya sa akin. Manigas ka diyan Ayen. Hindi kita i checheer, bahala ka!
Mas lalo lang nawala ang gana ko ng marinig ang marinding sigaw ni Bretney sa gilid ko.
"Go Ayen! Whoo!"
"Talaga nga namang marami fans itong si Mr. Ayen". Ang babaeng mc.
"Gwapo nga...pwede ka ba ngayong gabi? Ayy!" Ang baklang mc. Naghiyawan naman ang mga tao. "Charot lang kayo talaga!"
Napatingin ako kay Ayen na parang walang nangyari. Maybe becuase he is used to it.
"Wag na tayong magharutan, simulan na natin ang laro"
Nagsimula na agad ang laro. Ang kaibahan lang kanina at laro ngayon ay nakikita nang buong audience ang laro sa screen na nasa harap namin. At inaamin ko na naguguluhan ako sa nangyayari. Sa galaw palang ng screen camera hindi ko na maintindihan. Totoo nga talagang naiiba ako rito. Everyone was cheering their idols and ofcourse Ayen team has a lot of fans.
The first thing that comes up in my mind is the sound. It is kinda scary. I think sila Ayen ang nakablue habang ang mga nakared naman ay ang mga kalaban nila. Nagtaka pa ako dahil ang isang hero ay mabilis na nakapunta sa blue na monsters. Para siyang spiderman na may dalang sword. Pinapatay na niya ang monster ngayon. Nang tuluyan niyang napatay ay agad na lumapit sa cute na cabbage na gumagalaw, pinapatay niya na rin ito. Pero naunahan siya ng isang hero na may malaking braso na nagbabaga ang kamay.
The first 5 minutes ay walang nangyaring patayan. Hanggang sa biglang umatake ang hero na mukhang spiderman.
*First Blood!*
Halos magsigawan ang lahat maliban sa akin. What happened? Then nakita namin ang hero na naging rocket ship at papunta na ngayon sa spiderman na hero. My eyes widened. He will k*ll that hero for sure.
Isang suntok at napatay niya nga. I gasped.
Bretney voice boom the whole club. Doon ko lang nalaman nahero ni Ayen iyong naging rocket ship.
I thought they are the blue one kaya noong namatay ang isang kakampi nila, malapit na akong pumapalakpak. Buti nalang at hindi agad ako nagreact agad.
May fullscreen sa likod nila kung saan kami nanunood ngayon. I am confuse the whole time kasi iba-iba na ang hero na nakikita ko. At mas lalong naging agresibo at mabilis ang lahat. The thing that I only understand is that Ayen's Team won the competition.
Napatalon talon ang lahat. Nakikisabay nalang ako sa pagpalakpak. Nakita agad ako ni kuya Jeffrey na sininyasan akong lumapit sa kanila. Pero nabaling ang tingin ko kay Bretney na maarteng tumakbo papunta sa gawi niya.
"Gabby, picture tayo!" Kuya Jeffrey. I smiled and stood up.
"Gabby, dali na"
Doon na ako tuluyang lumapit.
We take a lot of photos. May reward rin sa harap namin habang hawak hawak nila. I onky smile and congratulate everyone of them. Hindi ko na pinansin si Ayen na nakatingin sa akin the whole time. Malayo siya ngayon sa akin dahil pinagitnaan siya ng lahat dahil dala niya ang trophy. Katabi ko naman si kuya Jeffrey ngayon.
They had a party at kuya Jeffrey's house. They invite me to come and I just go with the flow. Having fun is not bad, after fighting with two ignorant-Ayen and Bretney deserve ko naman sigurong magsaya ngayon. 4 pm pa lang at gusto niya na akong ihatid pauwi. My mouth pouted when I entered his car.
"It's 4 pm! May oras pa ako. Pwede naman tayong pumunta roon ah?"
"Wala kang kilala doon maliban sa amin, maboboring kalang doon"
I pouted again. "Pero mas boring sa bahay! Kilala ko naman sila kuya Kervy, kuya Jason, kuya Jeffrey..." at ikaw. Pero hindi ko tinuloy. "Sila nalang kakausapin ko roon"
"Maraming bisita mamaya at hindi ka mababantayan"
"I can take care of myself!"
"Wag makulit Gabby. Iuuwi kita ngayon"
Sa huli, ako ang nagwagi pero tama nga siya dahil maraming tao at wala akong kilala. Kung may babati man, di ko namumukhaan. Kung di ko kasama si Ayen, malamang mag-isa akong nak-upo sa sulok at ngingiti lang kung may lalapit at batiin ako.

Komento sa Aklat (108)

  • avatar
    RubiaMichael

    ML Lucky

    21d

      0
  • avatar
    Liza Ongco Afable

    ang cute naman nang binasa ko parang nakaka proud lahat ng nababasa ko nakaka excite talaga mag basa dito sa Novelah I think gusto kona maging totoo lahat ng Binabasa ko ang cute kasi kahit nanonood ako ng TV Nagbabasa Rin ako at mabilis na akong Nag babasa ng Mga comek at ang ganda naman ng movie kahit hindi ko maintindihan ang mga binabasa ko and yun lang ang masasabi ko sa mga Story at Ang ganda ganda xgskvdkdh x kdvskgsnsushbsjsjdvjsusvdjxijd s x ixbdjshbdkdjdb. dkdhkshshsvsjsjjsbsbd dndns

    26d

      0
  • avatar
    Kim Ryan Ibanez

    pogi

    03/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata