logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

"Ah! Excited na akong makita si Prince Charming!" kinikilig na sabi ni Bea habang naglalakad kami papunta sa room ng seniors. Saktong naglalabasan na ang mga studyante.
"Bea! Aayon siya oh!" Turo ko nang makita si Phythos. Phythos naman siguro talaga ang pangalan niya pero pagbaling ko. Wala na siya sa tabi ko.
"Faye, alis na ako. May emergency kasi!" sigaw niya habang hawak ang cellphone niya. Parang takot na takot pa ito. Naguguluhan man, tumango na lang ako.
Sana, kung ano man ang emergency 'yon. Okay lang sana.
"Oh, ang galing naman pala ng pang-amoy mo, Miss Tanga. Nahanap mo ako kaagad." Nakangisi ito pagbaling sa akin. Napasimangot ako.
"Bakit may suot ka na namang ganyan?" Turo niya sa face mask ko. Aalisin niya sana pero pinigilan ko.
"Huwag mo tanggalin! Wala ka na bang pasok?" Tumango siya. "Tara na!" Anyaya ko. Ang dami na kasing nakatingin sa amin. Nagbubulungan pa.
Inakbayan niya ako pero tinanggal ko. May pagkapilyo talaga ang lalaking ito. Saka napaka feeling close.
"Ah! Ang sakit ng paa ko. Pambihira, akala ko ba nandito ka para pagaanin ang buhay ko." Napasimangot pa ito at bahagyang lumayo sa akin.
Naparoll eyes na lang ako halata namang umaarte lang siya. Ako na lang ang kumuha sa kamay niya at inilagay sa balikat ko.
"Swerte mo, ang daming babaeng pinapangarap na akbayan ko," nakangising turan niya.
"Tsk, ang hangin!" Tinawanan lang naman niya ang sinabi ko.
Pagdating namin sa labasan. Nilingon ko siya dahil hindi ko alam kung saan kami sasakay.
"Huwag mo sabihing hindi mo alam magtawag ng masasakyan natin?"  Napakagat ako sa labi at umiling.
Hindi ko rin alam kung saan kami sasakay. There are 3 wheels na dumadaan 'yong parang motorcycle pero may bubong. Kahit kailan hindi pa ako nakasakay noon.
"Hay! Ano ba nga ba!" Napabuntong-hininga siya. Eh, sa hindi ko alam.
"Kuya, para po!" sigaw niya. Agad namang may tumigil sa tapat namin. Sumakay na siya, pero nanatili pa rin akong nakatayo. Parang sobrang maaalikabokan naman kami.
"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Hinatak na niya ako pasakay. May kutson din pala sa upuan.
Nilingon ko siya.
"Ahm, anong pangalan nito?" tanong ko sabay turo sa sinasakyan namin.
"Hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Kaya nga, nagtatanong diba?" asar kong balik na tanong sa kanya.
"Ito, tricycle ang tawag dito. Kapag hindi naman ganun kalayuan ang pupuntahan mo, dito ka sumakay." Napatango ako.
"It's cool." Ngumiti ako.
"Yan ang hirap sa hindi pilipino, eh." Nanlaki ang mata ko. "Excuse me, pilipino ako! Kaya nga ako marunong magtagalog."
"Marunong ka nga, pero simpleng tricycle hindi mo pa alam." Napaismid na lang ako. Nakakainis siya!
Ngumisi naman siya nang makita ang reaksyon ko. "Uy! Joke lang!" Hindi ko siya pinansin.
"Hoy! Ito naman, nagbibiro lang." Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang sa kiniliti niya na ako.
"Ah! Stop it!" Pilit ko siyang pinipigilan dahil malakas talaga ang kiliti ko sa bewang.
"Hijo, saan ko kayo ibababa?" Buti na lang at nagtanong si manong kaya tinigilan niya ako.
"Diyan na po sa eskinita."
"Uy, may 20 pesos ka ba riyan?"
Binuksan ko ang pitaka ko at puro 1000. Napailing ako.
"Aish! Problema sa mayaman oh." Hinalughog ko muli ang pitaka ko. Napangiti ako nang makitang may isang 100.
"But, I have 100 pesos here."
"Ang laki pa rin niyan." Pero kinuha na rin niya.
"May barya po ba kayo manong?" tanong niya.
"Ah, sige titignan ko." Bakit ang mura? Ang layo rin kaya.
Nang ibibigay na ni manong ang iba pang barya. Pinigilan ko na.
"Manong, okay na po. Sa iyo na po 'yan."
"Pero hija, 20 pesos lang ang pamasahe niyo."
"Oo nga." Pinanlakihan ko ng mata ang katabi ko.
Ngumiti ako pagbaling kay manong.
"Okay na po, sa iyo na lang. I know, you work hard for a living."
"Salamat po!" Bakas ang tuwa sa mukha nito. Napangiti na rin ako.
"Ang laki naman ng binayad mo. Naging tig 50 pesos ang pamasahe, eh ang lapit-lapit lang naman." Nakasimangot na sabi ng katabi ko.
"You're so mean! Nakita mo ba si manong. Matanda na siya pero nagpapakahirap pa rin siyang magtrabaho."
"Alam mo Miss Tanga---" I cut him off.
"It's Faye! Don't call me that!" inis kong sigaw.
Ngumisi lang siya tila tuwang-tuwa pa sa reaksyon ko. "Faye, but I prefer calling you, Miss Tanga." Lalo akong napasimangot.
"Alam mo rito sa Pilipinas, marami pang taong mas nagkakanda-kuba sa pagtatrabaho. Kung lahat ng tricycle drivers dito bibigyan mo ng tip ng ganoong kalaki. Aabusuhin ka!" Pinitik niya pa ang noo ko.
"Aray!" Reklamo ko at napahawak dito.
"Tara, bilisan mo." Naglakad na siya papasok sa may kasikipang kalye. Agad akong tumakbo para mahabol siya.
"Asan tayo?" tanong ko.
"Punta muna tayo sa apartment ko may kukunin lang ako." Tumango ako at sumunod sa kanya. Ang sikip ng daan saka mabaho.
"Sigurado ka bang may apartment dito?" naniniguradong tanong ko.
"Oo nga, dito nga ako nakatira." Napatigil siya sa isang may kalakihang bahay. Marami itong pinto. Mukhang marupok na ito at parang haunted house.
"Ito 'yong sinasabi mong apartment?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo." Hinila na niya ako papasok sa sira-sirang gate.
Pinanood ko lang siyang buksan ang isa sa mga pinto at napipilitang pumasok din ako. It really looks haunted. Kung maliit na ang tingin ko sa dorm ko, mas maliit pa pala ito.
Paano kaya siya nagkasya rito? Ang laki niyang tao pero ang liit ng tinitirahan niya. Ngayon, alam ko ng hindi siya nagsisinungaling. Mahirap talaga siya.
But how come? He got blue eyes. So, malaki ang posibilidad na may lahi siya. It really made me curious but I can't ask him directly. Baka may rason siguro siya. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi.
Lumabas siya na may hawak na malaking Barnie costume.
"What about that?" tanong ako.
"Ito ang trabaho ko," simpleng sagot niya. 
"What the hell! Huwag mong sabihin isusuot ko 'yan?" Tumaas ang isang kilay niya.
"Well, isusuot mo siya at sasayaw ka pa, kasi 'yon ang trabaho ko," madiing sabi niya.
"Pwede bang magback out? Babayaran na lang kita." Pakiusap ko. Naiisip ko pa lang na isusuot ko 'yon, mahihimatay na ako.
"No, no! hindi pwede! Dapat may isang salita ka." Parang nanghina ako. Wala akong lusot.
"Okay, Miss sigurado ka ba talaga na kaya mo?" tanong sa akin noong boss ni Phythos. Napipilitang ngumiti at tumango ako.
"Opo! Kayang-kaya!" Puno ng kompyansang sabat pa ni Phythos. Napairap na lang ako.
"Well, that's good. Swerte itong si Phythos at may magsa-substitute sa kanya."
"Gwapo kasi ako, Ma'am." Natatawang dagdag pa ng katabi ko. Ang sarap tadyakan!
"Uy, ang cute mo namang barnie," natatawang sabi niya at kinurot ang pisnge ko.'' Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ang bigat nito! Parang matutumba ako." Nakangusong reklamo ko.
"Hindi 'yan, kaya mo iyan. Ikaw pa!" Tinanggal niya ang face mask ko.
"Bakit mo tinanggal?" inis kong sigaw.
"Para makahinga ka, mainit 'yang costume tapos magsusuot ka pa ng ganyan!" Napaismid ako.
"Basta sumayaw ka lang, kahit anong steps. Tapos ako naman ang magbibigay ng mga flyers." Tumango na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa.
I can't believe, I will be doing this!
Isinuot na niya ang ulo ni Barnie at inakay na niya ako papunta sa gitna ng mga nagdaraang tao.
Nang may music na, wala akong nagawa kundi sumayaw.
I dance, how I dance in my concerts. Wala namang makakakilala sa akin.  dito.
I am free!
"Uy! Ang galing niya!"
"Ang cute!"
"Barnie!"
"Wow!"
Hindi ko namalayang ang dami na pa lang taong nanonood sa akin. 'Yong iba, sumasabay pa sa akin. I couldn't help but to smile.
I may not be here as Doll Chua, the superstar. But just a simple girl in a Barnie costume. 
But the feeling of being adored is so good. 
I love this feeling! I am so happy! 
Being loved by people, once again.

Komento sa Aklat (128)

  • avatar
    BeltranGeneva Olive

    nice story i love it

    7d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    ngayon kolang to napanood buti na lang dinawload koto

    25d

      0
  • avatar
    Kiel Esteban

    nice

    25d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata