logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko habang papalabas sa airport. Ang tagal ko ring hindi naapakan ang bansang ito. I was only 10 when we migrated in China.
My mom is a full blooded Filipino, and my dad is a full blooded Chinese that makes me Filipino Chinese.
Mabuti na rin pala ang rule ni mom. Na pag sa bahay, we should always speak tagalog. Kaya kahit ilang taon akong nanirahan sa China, hindi ko talaga nakalimutan magsalita ng tagalog.
Inayos ko ang face mask na nakatakip sa mukha ko. Iginala ko ang mata ko para makita ang pinsan ko. Nasaan kaya 'yon? Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan siya pero hindi ko pa napipindot ang calling button nang biglang may batang bumangga sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mawalan ng balanse.
Napapikit na lang ako sa takot na tuluyang bumagsak. Pero bago pa 'yon mangyari, naramdaman ko na ang malakas na brasong sumalo sa akin.
"Putcha! Mag-ingat ka kasi Miss!" Minulat ko ang mata ko. Isang napakagwapong lalaki ang bumungad sa akin. May magagandang kulay asul na mga mata, matangos na ilong, at mamula-mulang labi.
I have been in the showbiz industry for many years. I met many handsome guys, but not as breathtakingly as this guy in front of me. 
Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Napakaperpekto ng kanyang mukha. Ilang sandali lang ay kumunot ang noo niya.
"Hoy Miss Chinita! Gising na sa pagkakatulala. Pasensya na kung hindi mo matitigan nang matagal ang kapogian ko. Wala na akong oras, eh. Nagmamadali ako." Agad akong napabitiw sa kanya. Napasimangot ako. Gwapo sana, mahangin naman.
"Thank you," pilit kong sabi.
"Tsk, minsan kasi Miss. Huwag i-ugali ang pagiging tanga, huh." Kumindat siya pero walang naging epekto sa akin dahil nag-init ang ulo ko sa narinig mula sa kanya.
"Don't call me dumb! Kung babastusin mo lang ako. Sana hindi mo nalang ako tinulungan. Pangit!" Tinapakan ko ang paa niya at mabilis na hinila ang maleta ko.
"Aww! Shit!" Narinig ko pa ang malakas niyang daing. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko para makalayo.
"Hoy babae!" sigaw niya pero nagpanggap akong hindi siya naririnig.
Nasaan na kasi si Kuya? Tatawagan ko pala. Pero nanlaki ang mata ko nang hindi ko mahanap ang cellphone ko. Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Hayst! Nahulog ko siguro kanina. Napagulo na lang ako sa buhok ko. Nasa labasan na ako.
Nanibago ako sa init. This country is really hot.
"Faye?" Napalingon ako sa likod ko.
"Kuya Brandon!" Agad ko siyang niyakap.
"Uy! Hinay-hinay princess," tumatawang sabi niya.
"I miss you!" nakangiting sabi ko.
"I miss you too, Princess. Tara na, mabuti nga at nakita na kita. Kanina pa kita hinahanap," aniya at inakbayan na ako. Kinuha na rin niya ang maleta ko.
"It's because of that arrogant guy," I murmured. 
Napakunot-noo siya. "Are you saying something?" Napairap na lang ako. "Nothing, kuya." Ayaw ko nang maalala ang lalaking 'yon.
Manghang-mangha ako sa mga nakikita sa labas. Mga hindi ko nakita noon. Marami na talagang nagbago.
"Sobrang saya kong umuwi ka na prinsesa. Na miss ka namin."
"Gusto kong manirahan muna rito habang nagpapagaling," mahinang bulong ko.
"Right decision, I will try my best to help you."
Napangiti ako. "Thank you kuya."
"Anything for our princess. But princess, are you really sure about your plan?" Tumango ako. Alam kong nag-aalala rin siya. Hirap na hirap kong kinunbinsi si Daddy para rito.
I want to live simple and I can only do that when I don't use my family name.
"Ready na ang dorm mo. Naayos na ang lahat. Kung ako lang sana ang masusunod. Kukuha ako ng condo mo at sa pang mayamang University ka mag-aaral."
"Kuya!" Nag-puppy eyes ako. Napabuntong-hininga siya.
"I respect your decision. Huwag kang mag-alala. Dadalawin din kita lagi at saka malapit ang hospital sa University. Para mas madali ang check up mo."
"The best ka talaga." Tumawa lang naman siya.
"Diretso muna tayo sa mansion, maraming nag-aabang sa iyo doon. Kung wala ka mang fans na sa China. Dito fans mo ang buong pamilya natin." Kumindat pa siya. Napailing ako at pilit pinigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
I'm so touched by his words.
***
Arg! Ang sakit ng paa ko. Walang utang na loob ang babaeng 'yon. Sana hindi ko na lang sinalo. Kung may previous button lang sana ang buhay oh. Akala mo naman kagandahan, ang init dito sa Pilipinas balot na balot kung hindi ba naman tanga.
Pesteng Angelo pa 'yon! Sabing mayaman ang susunduin ko sa airport. Eh, sa hirap kong magbuhat ng mga bagahe at layo ng hotel na pinaghatiran ko. 400 pesos lang binayad sa akin, mga kuripot tangina!
Mabuti nang ibinalik ko ang taxi niya. Wala namang kwenta! Hindi naman ako kumikita. Mas marami pang perang napupunta sa gasolina kaysa sa kinikita ko.
"Hijo, anong nangyari sa iyo? Bakit iika-ika ka?" Nag-aalalang salubong ni Aling Betty. Ang napakabait kong kapit-bahay.
"Tinapakan po kasi ako ng elepante," natatawang sagot ko.
"Hay nakong bata ka! Puro ka biro. Sige, hintayin mo ako riyan. Titignan ko kung may gamot pa ako."
"Sige po, take your time." Tinitigan ko ang paa ko. Masyadong madiin ang pagtapak ng babaeng 'yon. Hindi na talaga ako lalapit sa mga babaeng may heels.
Pero ang babaeng 'yon, hindi ko siya mapapalagpas!
Humanda siya talaga sa akin pagnagkita kami ulit.
Papahirapan pa ako sa pagtatrabaho nito. First day pa naman na bukas, mababawasan na naman ang savings ko dahil sa pesteng enrollment fee. Di bale, graduating naman na ako. Isang taon na lang!
"Hijo, ito inumin mo para mabawasan ang kirot." Nagliwanag ang mukha ko nang makita ang limang tabletang iniabot niya.
"Salamat Aling Betty. The best ka talaga." Kinindatan ko siya at agad na kumuha ng isang tableta saka inisang lagok.
"Oh, siya ipahinga mo muna yan."
"Aye! Aye, captain!" Pumasok na ako sa maliit kong apartment.
"Wala pa pala akong ulam, sardinas na lang siguro." Kinapa ko ang bulsa ko para maghanap ng barya.
Napatigil ako sa pagkapa. Saka ko lang naalala ang cellphone noong tangang babae. Pinagmasdan ko, mamahalin parang bago pa.
Napangisi ako nang may maisip na ideya.
"Kung ibenta ko nalang kaya 'to? Siguradong kikita ako."
***
Pagdating namin sa mansion. Agad akong niyakap isa-isa ng mga kamag-anak ni mommy. Nakatutuwang wala man lang nandiri sa akin. I can freely show my face.
Naramdaman ko ulit ang pakiramdam na tanggap ako. Nagkwentuhan at nagkamustahan lamang kami.
"Magpahinga ka na, hija. Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo? You know, you're always welcome in this house." Hinawakan ko ang kamay ni Tita Solene. Kapatid ni mommy.
"Tita, I want to experience living a simple life. Being independent. Buong buhay ko, itinuring akong prinsesa. Kaya sobrang kumapit at naniwala akong perpekto ang buhay ko. Kaya itong nangyari siguro sa akin, may gustong ipakita sa akin ang panginoon."
"I'm proud of you, my niece. At such young age, you are already mature thinking about these things." Napangiti ako.
"I'm slowly changing my beliefs, Tita."
Gumuhit ang matamis na ngiti sa mukha niya. I can feel how proud she is. "Oh siya, matulog ka na." Tumango ako at humiga na.
Maaga akong nagising kinabukasan. Siguro sa sobrang excited na rin.
"Dadalaw ka kahit minsan dito, huh?"
Halos hindi talaga nila ako gustong paalisin.
"Opo tita." Niyakap ko sila nang mahigpit. Bago sumakay sa kotse.
"Kung inaantok ka. Pwede kang umidlip muna. Medyo malayo rin naman 'yon," nag-aalalang sabi ni Kuya Brandon nang mapansing humihikab pa ako. Tumango ako at pumikit na.
Iba pa rin pala talaga ang pakiramdam na tumapak sa isang unibersidad. Mula bata kasi ako, home schooled na ako. At dahil naging sikat rin ako, hindi rin ako nakapaghighschool sa isang eskwelahan.
"Ito na ang pinakamaayos sa lahat ng kwarto rito. Kaya 'yan na ang pinili ko." Manghang nilibot ko ang tingin sa kwarto. Maliit man kumpara sa kwarto ko sa bahay. Malinis naman ito at okay na sa akin.
"I like it Kuya, don't worry." Nilapag ko ang maleta ko.
"Alis na ako. Good luck to your first day."
"Bye! Thank you kuya, you are the best!" Niyakap ko siya nang mahigpit.
Pagkaalis ni kuya. Mabilis ko nang inayos lahat ng laman ng maleta ko.
Pagkatapos kong mag-ayos. Agad akong bumagsak sa kama, sa sobrang pagod.
Little by little. I will learn everything.
I assured that.

Komento sa Aklat (128)

  • avatar
    BeltranGeneva Olive

    nice story i love it

    8d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    ngayon kolang to napanood buti na lang dinawload koto

    26d

      0
  • avatar
    Kiel Esteban

    nice

    26d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata