logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6: Sakurai

ACE POV
"W-What the hell!" Rinig kong sabi ni Blaze.
"Do you believe me now?!" Singhal ni Aevan na lumuluha pa rin. "Matagal kong hinintay ang dalawang buwan. Alam niya sigurong hindi kayo maniniwala sa akin kung sasabihin ko agad at baka kuhanin saka itapon niyo pa ang ebidensya!"
Hindi ko mapakalma ang sarili. Para akong mahihimatay sa halo-halong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko matanggap na nagsasaya kami nitong mga nakaraang araw. Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa kahihiyan. Imbis na magpasalamat kami ay sinisi namin siya sa pagkamatay ni Jenny at pagdukot kay Aevan.
"B-Bakit ko ginawa iyon," naiiyak na sabi ni Mom.
"Napaglaruan lang tayo, Hon. P-Pinaikot tayo ni Jiro," umiiyak na sabi ni Dad.
"B-Binaril ko ang Anak ni Helen! I'm so s-sorry, Son. Naging masama ako sa kaniya nang ipakilala mo siya sa akin. I'm so sorry." Lumapit si Mom sa akin at hinawakan ang balikat ko.
Hindi ako tumugon at patuloy lang sa pag-iyak habang nakatingin pa rin sa recorder na para bang hinihintay ko pa siyang magsalita ulit. Ilang minuto na ang nagdaan ay hindi ko na marinig ang boses niya dahil kinabukasan ay dinukot na si Aevan kaya hindi na siya nakapag-record.
Para akong napipi at hindi makapagsalita. Lalo akong napaiyak nang maalala ko ang mga nagawa ko kay Barney. Pare-parehas lang kaming may kasalanan at ayaw ko silang sisihin dahil tulad ko ay alam kong nagsisisi rin sila sa nagawa nila. Nakaramdam ako nang matinding galit kay Jiro at gusto ko siyang sugurin ngayon para patayin. Kung hindi niya dinakip ang kapatid ko ay hindi mangyayari sa amin ni Barney ito.
"Kung nakinig lang sana kayo sa akin!" Sigaw muli ni Aevan.
"K-Kailangan natin silang puntahan," seryosong sabi ni Dad kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Biglang nanikip ang dibdib ko at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Lumapit pa siya kay Mom para punasan ang luha at yakapin.
Sana mapatawad mo ako, Barney. Gusto na kitang makita at makausap. Alam kong napakagago ko para sabihin sa kaniyang mahal na mahal ko pa rin siya matapos ang lahat ng ginawa ko.
"B-Baka maghiganti sila dahil sa ginawa natin kay Tyra," tugon ni Dave.
"I don't know... but we have to try. Ilang beses nila tayong initindi. It's time for us na sila naman ang intindihin natin kung magalit sila sa atin. Napakalaki nang utang na loob natin sa kanila dahil dati pa nila tayong tinutulungan at pinoprotektahan. Hindi ko akalaing babantayan pa rin nila tayo kahit galit na galit tayo sa kanila dati." Tumikhim pa si Dad. Alam kong pinipigilan niyang maluha.
"It's all my fault. I'm so sorry," sinserong sabi ni Mom.
Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago punasan ang mga luha. "Gusto kong malaman kung buhay pa siya," garagal kong sabi.
Tuluyan nang bumagsak ang luha ni Dad dahil sa sinabi ko. Binaling namin ang paningi kay Aevan dahil bigla siyang tumayo. Naging matunog pa ang buntong hininga niya at parang kinakalma ang sarili. Inayos niya ang tali ng buhok niya at hinarap kami.
"Let's go? I miss her so much," seryoso niyang sabi at sa akin nakatingin. Hindi ko alam kung bakit may iba akong naramdaman. Tumingin pa muna siya kina Dad bago kami talikuran.
"A-Ang laki ng pinagbago niya," ani Janice.
"Sumama kayo sa amin," baling ni Dad kina Blaze.
Kinuha ko ang recorder at nilagay sa bulsa bago tumayo. Nagmadali akong pumanhik sa kwarto para kuhanin ang susi at patakbong pumunta sa garahe.
Nagpahatid si Aevan sa driver namin at hindi na sumabay kina Mom, sariling sasakyan naman ang gamit nina Bolt. Naunang umalis si Aevan at sumunod ako. Napapaisip pa rin ako sa sinabi niya kanina. Ayaw kong mag-isip ng kung ano dahil malabong mangyari iyon.
Sana bigyan mo pa ako ng ikalawang pagkakataon, Barney. Hinding-hindi na kita sasaktan.
Wala pang limang minuto ay narating na namin ang village nila. Hinarang sila ng guard at kinausap pa si Aevan. Napatingin din sa amin ang guard bago kami papasukin. Bumusina ako sa guard at kumaway naman siya sa akin. Dumagundong ang puso ko dahil malapit na kami sa kanila. Hindi pa man kami nakakarating sa harap ng mansyon nila ay bumukas na agad ang malaki nilang gate pero wala namang lumabas na sasakyan.
Akala ko ay hihinto sina Aevan sa harap ng mansyon pero dumiretso sila pa loob kaya sumunod na rin ako. Nagtaka ako dahil sinalubong kami ni Felix at nagbigay-galang sa amin.
Alam ba niyang pupunta kami? Hindi ko inaasahang magbibigay-galang pa siya sa amin pagkatapos ng ginawa namin. Pumarada kami sa gilid. Lalo akong kinilabutan at kinabahan nang makababa ako. Tumingin pa ako sa paligid at baka nasa labas si Barney pero bigo ako. Nagkatinginan pa kami nina Mom dahil nanatiling nakayuko si Felix.
"Kumusta kayo... Hazegawa. Kay tagal nating hindi nagkita," bati ni Felix. Base sa tono ng pananalita niya ay nagagalak siyang makita kami.
"K-Kailangan namin silang makausap," nauutal na tugon ni Mom.
Hinintay naming tugunin kami ni Felix pero nanatili lang siyang nakayuko.
"W-Wala kaming dalang armas," dagdag ni Dad.
Bahagyang natawa si Felix at umayos nang tayo. Sa tindig at postura niya ngayon ay hindi mo aakalaing isa siyang driver. Muli kaming nagkatitigan nina Mom dahil sa kinikilos ni Felix. Tiningnan niya pa kaming lahat. Kahit ang pagkunot ng noo niya ay nakita ko nang makita ang itsura ni Aevan. Bumuntong hininga pa siya bago ibalik ang paningin kay Mom.
"Papapasukin ko pa rin kayo kahit may mga armas kayong dala dahil iyon ang huling habilin sa akin ng boss ko," nakangiti niyang sabi.
Lumakas ang tibok ng puso ko at bigla akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Gusto kong tumakbo papunta sa loob at hanapin si Barney.
Huling habilin? Anong ibig niyang sabihin?
May kinuha siya sa bulsa at tinapat iyon sa gate. Napatingin kaming lahat nang biglang sumara iyon.
"Sumunod kayo sa akin." Kalmadong sabi ni Felix bago kami talikuran.
Wala pa ring pinagbago ang bahay nina Barney nang makapasok kami. Akala ko ay sa sala kami maghihintay pero dumiretso sa paglalakad si Felix. Kumatok pa siya bago buksan ang pinto at hinarap kami para senyasan na pumasok sa loob.
Nang makapasok ay nilibot ko ang paningin sa buong espasyong ito. Mayroong isang mahabang lamesa sa gitna at hindi ko mabilang ang mga upuan na naroon dahil sa dami. Umagaw sa atensyon ko ang dalawang black throne sa magkabilang gilid ng lamesa. Nakatitiyak kong doon naupo si Barney dahil may disenyong dragon iyon at kapareha ng tattoo niya. Hindi ko alam kung anong kwarto ito pero mukha siyang meeting room.
May bumukas na pinto sa dulo at iniluwa si Sebastian na may dala-dalang mga pagkain. Nginitian niya kami bago ilapag ang mga bitbit sa lamesa.
"Maupo muna kayo," nakangiting sabi ni Sebastian.
Umupo ako sa gitna at tumabi si Bolt sa akin. Nagtaka ako dahil maraming nakahain na pagkain. Nakapukaw din ng atensyon ko ang Red Spider Lily Flower na nakalagay sa flower vase.
Kaya pala pamilyar sa akin ang tattoo niya dati sa kaliwang braso dahil siya ang nagbigay ng Red Spider Lily Pendant kay Jenny. Napakagandang bulaklak at kasing ganda mo iyon, Barney. Bumaling ang paningin ko kay Sebastian. Nakapang-pormal siyang uniporme at may suot na puting gloves. Para siyang isang propesyunal na mayordomo dahil sa tindig at kilos. Pinupunasan muna niya ang mga baso at sinisigurong walang makikitang bakas ng daliri bago niya salinan nang juice.
Mayamaya pa ay dumating ang magulang niya na akala ko ay magulang ni Barney. Nagtaka ako dahil may dala-dala pa silang mga pagkain kahit may mga pagkain nang nakahain sa lamesa. Ginawaran nila kami nang matamis na ngiti at nagbigay-galang pa sa amin. Maingat namang nilapag ni Sebastian ang baso sa lamesa na para bang ayaw niyang makarinig ng anumang ingay.
"H-Hindi kami narito para kumain. Kailangan namin silang makausap," sabi ni Mom.
"I understand. Pero malalagot ako kapag hindi ko kayo pinakain. Ayaw niyang nagugutom kayo," tugon ni Sebastian at tumingin sa akin. Napalunok ako dahil biglang sumeryoso ang mukha niya. "Umalis sila kagabi."
Umalis? Ibig sabihin hindi pa sila nakakauwi. Saan kaya sila pumunta.
"Kailan sila pwedeng kausapin?" Tanong ni Dad.
"Pauwi na sila. Kumain na muna kayo habang hinihintay sila. Bilang nila ang mga pagkaing hinanda namin at magagalit sila kapag nakitang hindi nabawasan." Hindi ko alam kung nagbibiro siya dahil seryoso pa rin ang mukha niya. Nagkatinginan pa kami nina Dad.
Pati pagkain ay bilang nila?
"Ipapatawag ko na lang kayo kapag nandiyan na sila," sabi ni Sebastian. Nagbigay-galang pa muna sila bago umalis.
Natahimik kaming lahat at nakatingin lang sa mga pagkain. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko nang malaman kong pauwi na sila. Ibig sabihin ay buhay ang Barney ko.
"Sa lahat ng ginawa natin sa kanilang mali ay kabutihan pa rin ang pinapakita nila sa atin." Binasag ni Dad ang katahimikan.
"Dati pa silang mabait sa atin. Masyado lang akong nadala ng galit at nauto ni Jiro, " Malungkot na sabi ni Mom.
"From now on. I promise to protect her." Napatingin kaming lahat kay Aevan ng sabihin niya iyon. Agad na tumindig ang mga balahibo ko sa sinabi niya.
Ha? Bakit siya ang gagawa non?! Hindi pa siya ganoon kagaling lumaban!
Kumuha siya ng pagkain at halatang gutom na gutom na siya. Magana siyang kumain dito pero sa bahay ay halos mandiri siya sa mga inihanda ni Mom sa kaniya.
"O-Okay, Son. Kung iyan ang gusto mo," nauutal na tugon ni Mom. Tatango-tango pa si Aevan habang nanguya.
"Bakit ikaw ang poprotekta sa kaniya. Ako ang boyfriend niya at ako ang gagawa non." Kumunot ang noo ko dahil bahagya siyang natawa at may kinuha sa bulsa.
Pinakita niya pa sa akin ang recorder at inilapag sa lamesa. "Gusto mo bang pakinggan natin ulit ang mga sinabi mo sa kaniya non? Mukhang nakalimutan mong nakipaghiwalay ka na sa kaniya, Kuya. Wala na akong makitang ibang rason para protektahan mo siya dahil tinapos mo na ang relasyon ninyo two months ago. Kaya simula ngayon ay ako na ang gagawa non," seryoso niyang sabi nang hindi manlang tumitingin sa akin.
Umawang ang labi ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin. Lumaylay ang balikat ko nang maalala ang mga sinabi ko kay Barney. Kahit ang pananakit ko sa kaniya ay tanda ko pa at parang kahapon lang iyon nangyari. Bumuntong-hininga ako at pinigilan ang luha ko.
Nakipag-hiwalay nga pala ako sa kaniya.
Napatingin ako kay Mom nang hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya ng pilit at sinenyasan akong kumain.
"M-Mapoprotektahan mo ba siya, Aevan? I mean. H-Hindi pa bumabalik sa dati ang katawan mo. Hayaan mo na munang siya ang gumawa non," singit ni Dave at tinutukoy ako.
Tumigil sa pagkain si Aevan at tumingin kay Dave. "Labanan mo ako nang malaman mo."
Napalunok si Dave sa sinabi ni Aevan. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Hindi na siya tulad ng dati na malambing magsalita at parating mahinahon. Kung kausapin niya kami ngayon ay parang kakilala lang niya.
"A-Ahhh... Joke lang iyon. Si Tyra naman ang nagsanay sa iyo, kaya sigurado akong kaya mo siyang protektahan," kamot-ulong tugon ni Dave.
Kahit sa pagkain ay siya ang laman ng isip ko. Pinapanalangin kong sana maayos ang lagay niya at mapatawad ako. Hindi ko na alam kung ilang minuto kaming nakatunganga at nakatunghay lang sa pinto. Hinihintay lang naming iluwa ng pinto si Sebastian.
Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali. Mayamaya ay iniluwa ng pinto si Katherine. Tiningnan muna niya ang mga pagkain sa lamesa at parang sinigurong kumain talaga kami.
"Come with me," nakangiti niyang sabi.
Muli akong napabuntong-hininga. Kinabahan ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Kanina ay nasasabik akong makita at makausap siya pero nawala na lang iyon na parang isang bula at napalitan ng takot. Natatakot ako sa mga sasabihin niya sa akin. Natatakot ako na baka hindi na niya ako mapatawad at ayaw nang makita pa.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angelo JC Rosalia

    the po

    13/07

      0
  • avatar
    Marilou Borlado

    this story was so nice

    07/07

      0
  • avatar
    Psalms Thea

    good

    25/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata