logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4: The Truth Part II

ACE POV
Parang ayaw maniwala ng utak ko sa mga narinig at gusto kong ipaulit sa kaniya ang sinabi ni Jiro. Tinitigan ko pa ang recorder na para bang nakikita ko siya roon.
Sila ang kinakatakutan na organisasyon sa lahat ng organisasyon?
Kaya pala ganoon siya kagaling sa pakikipaglaban at nasasabayan niya pa si Mom. Nakakalaban ko dati si Mom sa tuwing sinasanay niya ako pero hindi ko manlang siya masugatan at siya lang ang nakagawa non kay Mom.
Hindi pala sila basta-basta na organisasyon. Hindi rin sinabi sa amin ni Mom ang tungkol dito. Kung ganoon ay kailangan namin silang katakutan?
Nanatili akong nakinig at pinakinggan lang ng mabuti ang mga pinag-uusapan nila. Parang may sumuntok pa sa dibdib ko dahil bigla akong nahirapang huminga. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig at nanatiling nakatingin kay Aevan na lumuluha na.
Ayaw kong maniwala pero ang recorder na mismo ang nagsasabi sa akin ng katotohanan. Gusto kong umalis at magkulong ulit sa kwarto ko. Parang ayaw ko nang marinig pa ang iba pero ayaw sumunod ng katawan ko. Hindi ako makatayo at parang kinukuha ang lakas ko.
"T-Tinulak ako ni Ate Tyra sa parte na iyan dahil b-babarilin ako ni Jiro. Siya ang n-nabaril imbis na ako. N-Naiinis pa ako sa sarili ko dahil napahamak siya ng dahil sa akin."
Nanigas ang katawan ko sa nalaman. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib.
Prinotektahan niya talaga si Aevan?
Hindi pa rin ako makapaniwala at natitiyak kong kahit sina Mom ay gaya ko rin na nagugulat sa mga narinig. Nagpatuloy kami sa pakikinig at hindi inaasahan na binalak ni Jiro na patayin si Aevan. Bumilis ang paghinga ko at para akong inaagawan ng hangin ng malamang siya talaga ang may pakana sa nangyari dati.
Si Jiro talaga ang totoong pumatay kay Jenny?
"Dito sa parte na ito siya inatake ng mga tauhan at nabaril niya si Jiro. Siya lang din mag-isa ang prumotekta sa akin. T-Tinutukan pa ako ng baril ng tauhan ni Jiro pero hindi ako nabaril dahil hinarang ni Ate Tyra ang katawan niya kaya siya ang nabaril. Pumikit na lang ako ulit sa parte na ito kasi hindi ko kaya ang nakikita ko."
Muli akong kinilabutan at nangilid ang luha ko. Totoo ngang nabaril siya ng dalawang beses bago kami dumating. Hindi ko akalain na ito pala ang totoong nangyari. Puro putukan ang naririnig namin at naghintay pa kami sandali bago may magsalita ulit.
"Ibigay mo ang dalawang iyan sa kaniya makalipas ang dalawang buwan. Mahal na mahal ko ang Kuya mo, Aevan."
Kumibot ang labi ko nang marinig ang boses niya. Ngayon ko na lang ulit narinig na mahal niya ako at tumagos iyon sa kaibuturan ng puso ko. Totoo nga ang mga sinabi niya noong araw na iyon.
"May nilagay si Ate sa k-kamay ko na isang recorder at para sa iyo iyon, Kuya. Nasa akin iyon at ibibigay ko sa iyo mamaya. Iyon ay kung gusto mong kuhanin. Kung ayaw mo ay okay lang naman. Dito sa parte na ito niya binaril si Jiro at diyan na kayo darating."
Para sa akin? Parang gusto ko nang kuhanin ngayon at marinig ang laman non.
Habang nakikinig ay biglang humagulgol si Aevan. Dumugo na rin ang ilong niya sa kapupunas. Ngayon pa lang ay sising-sisi na ako sa nagawa. Ang laki kong tanga dahil naniwala ako kay Jiro.
Bakit hindi ko pinaniwalaan ang girlfriend ko?
"P-Papatayin na sana niya si Jiro pero hindi natuloy dahil binaril mo siya, Kuya." Humihikbing sabi ni Aevan.
Bumuntong hininga ako at pinigilan ang luhang malapit nang bumagsak. Sariwa pa sa isip ko ang nangyari na para bang kahapon ko lang ginawa iyon. Pinakalma muna ni Aevan ang sarili bago ipaliwanag ang iba.
"D-Dumating si Ate Naomi sa parte na iyan. Alam kong siya iyon dahil sa pabango niya. Siya ang nabaril mo Kuya dahil tinulak niya si Ate Tyra."
Kung hindi siya tinulak ni Naomi ay mababaril ko na naman siya. Naikuyom ko ang kamao at nanatiling nakatingin kay Aevan.
Isa kaming hangal. Masyado kaming napaniwala ni Jiro sa mga kasinungalingan niya.
"Pinili pa rin nilang sabihin sa inyo ang totoo pero sarado ang isip ninyo at puro paghihiganti lang ang inatupag ninyo. Kahit nabaril na siya ni Mom ay nakipaglaban pa rin siya kahit na marami na siyang tama ng bala. Nakikita ko siyang may kinukuha sa bulsa at tinuturok malapit sa sugat niya. Baka pain killer iyon para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya."
Muli siyang humagulgol at humihikbi na, muli niyang pinakalma ang sarili bago nagpatuloy." Tapos sinabihan mo pa ang tauhan natin na patayin sila. Mas pinanigan at niligtas niyo si Jiro kaysa sa taong nagligtas sa akin. Pinilit kong pigilan ka Kuya pero hindi ka nakinig."
Napakatanga ko dahil hindi ko pinaniwalaan si Aevan. Masyado akong nilamon ng matinding galit kaya hindi ko siya nagawang pakinggan.
"Walang awa mong sinipa si Ate kung saan siya binaril ni Mom at hiniwa mo pa sa likod pero hindi siya nanlaban sa iyo dahil mahal ka niya, Kuya. T-Tapos binaril mo na naman siya Mom. Babarilin mo pa dapat siya 'di ba... pero mabuti na lang at may sumipa ng kamay mo kaya hindi mo na naituloy."
"S-Sigurado akong matutuwa ka sa part na ito, Kuya. Pinilit niyang sabihin sa iyo ang totoo pero nakipaghiwalay ka sa kaniya at sinampal mo pa siya ng sobrang lakas. H-Hindi ka pa nakuntento at sinampal mo pa siya ulit 'di ba? Masarap bang manampal ng babae, Kuya? Natuwa ka siguro nang makita mo siyang sumuka ng dugo."
Naikuyom ko ang kamao at hinayaang umiyak ang sarili. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa mga sinasabi niya. Naaalala ko pa ang itsura niya noon ng gawin ko iyon at pinagsisisihan ko na iyon ngayon. Wala akong kwenta dahil sinaktan ko ang taong nagmahal sa akin ng tunay.
Sa dami ng maling nagawa ko ay sana mapatawad mo ako, Barney.
Hindi ko masyado marinig ang ibang nagsasalita sa recorder pero ang sigaw sa amin ni Naomi dati ay rinig na rinig ko na para bang nasa harap ko lang siya. Para akong pinaparusahan ng puso ko. Parang gusto na niyang tumigil sa pagtibok dahil napapagod na siya sa isang tangang tulad ko.
"M-Mahal na mahal ka ni Ate Tyra, Kuya. Mahal ko si Ate kaya pinaniwalaan ko siya. Kahit mali ay paniniwalaan ko dahil iyon naman ang dapat kapag nagmahal ka. Matagal na niya tayong pinababantayan. T-Tinuruan niya akong makipaglaban at sinagip niya kami ni Jenny. Ang laki ng utang na loob natin sa kanila pero ano ang ginawa ninyo? Pinakain ng maalat na muffins, sinaksak, hiniwa, sinampal, binaril. Sa totoo lang, maswerte tayo dahil nakilala natin sila." Seryosong sabi ni Aevan.
Napapailing ako dahil nakikita ko siya sa isip ko. Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang pagsampal at pagbaril ko sa kaniya.
"H-Hindi ko alam kung buhay si Ate o patay na. Nadurog ako nang makita ko siyang walang malay habang buhat-buhat ng tauhan niya at makita ang mga dugong natulo sa kaniya. N-Nababaliw na yata ako... M-Mom. Sa dalawang buwan kong nagkulong ay pinapanalangin kong buhay si Ate at siya lang ang laman ng isip ko. Halos hindi ako makatulog sa kaiisip habang kayo ay naghahanda ng kaarawan ko at nagsasaya rito sa labas. Siguro nga ay masaya na kayo dahil pinatay niyo si Ate. S-Sana patulugin kayo ng konsensiya ninyo."
Walang nakapagsalita sa amin at iyak lang namin ang naririnig ngayon. Alam kong gaya ko ay nagsisisi rin sina Mom sa ginawa. Napasabunot ako sa buhok ko at umiyak nang umiyak.
Paano kung wala na si Barney? Paano kung patay na nga siya?
Para akong mababaliw. Nanginig ang katawan ko at nanghina ako bigla. "B-Barney."
Itutuloy...

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angelo JC Rosalia

    the po

    13/07

      0
  • avatar
    Marilou Borlado

    this story was so nice

    07/07

      0
  • avatar
    Psalms Thea

    good

    25/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata