logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2: Birthday Revelation

AEVAN'S POV
Nakahiga lang ako at tuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko.
How long has it been? Hindi ko na alam kung ilang araw na akong ganito.
Nanghihina ako dahil hindi pa rin ako kumakain ng kanin at puro tubig saka tinapay lang ang laman ng tiyan ko. Wala pa rin akong ganang kumain. Kahit ang tinapay ay hindi ko magawang ubusin.
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa abandonadong warehouse na iyon. Masyadong nasaktan si Ate Tyra at ang tanga masyado ni Kuya for not listening to me. Naiinis pa rin ako kina Mom at Dad dahil masyado nilang kinakampihan si Jiro. Sinasariwa ko rin sa isipan ang pagligtas sa akin ni Ate. Tama nga ang sinabi niya noong nasa cliff kami.
Hinding-hindi niya hahayaan na dapuan ako ng bala at utang na loob ko kay Ate ang buhay na mayroon ako ngayon.
Sumasakit na ang mga mata ko kapupunas at kakukusot. May mga dugo na rin sa panyo ko kapupunas ng ilong, hindi rin ako makahinga nang maayos dahil sa sipon. Para akong hindi nauubusan ng luha dahil araw-araw pa rin akong umiiyak. Palagi ko na lang naaalala ang ginawa nila kay Ate Tyra.
Pagising-gising ako at hindi makatulog nang maayos. Para akong pinaparusahan dahil sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko si Ate na bumagsak dahil sinaksak siya ni Kuya Bolt. Maitim na siguro ang ilalim ng mga mata ko dahil kulang ako sa tulog. Nahihilo rin ako kapag tumatayo kaya parati akong nakahiga.
Makakatulog ako sandali at nagigising akong umiiyak. Kumakain ng umiiyak. Umiihi ng umiiyak at kahit sa pagdumi ay hindi nagpapigil ang mga luha ko. Kapag nagising ako ay tuloy-tuloy na at hindi na makatulog ulit. Masyado akong naging malapit kay Ate Tyra kaya napakasakit sa akin. Araw-araw kong hinihiling na sana ay buhay pa siya dahil nakita ko siyang wala nang malay habang binubuhat siya ng tauhan niya.
Marami na siyang natamong sugat at bala sa katawan nang makalaban niya si Jiro at ang mga tauhan namin. Nadagdagan pa iyon dahil kina Kuya. Hindi naman solusyon ang paghihiganti at alam kong hindi matutuwa si Jenny sa ginawa nila. Ang mali pa ay naniwala sila sa taong totoong pumatay kay Jenny. Lalo akong napaluha dahil pinain ni Ate Tyra ang sarili para maisiwalat ang katotohanan na hindi talaga siya ang pumatay sa kapatid ko.
Napasulyap ako sa pinto dahil may kumakatok. Sumigaw si Mom at tinakot akong wawasakin niya ang pinto kapag hindi ako lumabas. Hindi ako nasindak at tinatakpan lang ang tainga ko. Galit ako sa kanila at ayaw ko silang marinig o makita.
Kinuha ko ang recorder sa lamesa at pinindot iyon. Sinadya kong lakasan ang volume para rinig na rinig ko. Araw-araw kong ginagawa ito at palagi ko siyang pinapakinggan. Naalala ko pang guluhin niya ang buhok ko at itulak para hindi ako tamaan ng bala.
Maswerte ako dahil nakilala ko siya. Ako ang nahihiya dahil sa ginawa sa kaniya ng pamilya ko. Niligtas niya kami ni Jenny pero ganoon pa ang isusukli ng pamilya ko sa kaniya. Hindi siya nararapat kay Kuya dahil hindi manlang siya pinaniwalaan. Kapag mahal mo ang isang tao ay paniniwalaan mo siya.
Mayamaya ay sumigaw na naman si Mom at kinakatok ang pinto. Lalo kong tinodo ang volume ng recorder at puro putok ng baril ang naririnig dahil nakikipaglaban na si Ate rito.
"Ibigay mo ang dalawang iyan sa kaniya makalipas ang dalawang buwan... m-mahal na mahal ko ang kuya mo, Aevan."
Humagulgol ako nang marinig ang boses ni Ate. Gusto kong sapakin si Kuya para magising siya sa katotohanan at gusto kong ingudngod sa mukha niya itong recorder. Paulit-ulit kong pinakinggan hanggang sa maubusan ng baterya. Pagkatapos ay kinuha ko ang charger para i-charge.
Humiga ako ulit at kinuha ang recorder ni Ate sa drawer. Hindi ko pa alam kung ano ang laman nito at hindi ko rin alam kung pwede ko bang pakinggan dahil para daw kay kuya iyon. Ilang minuto ko pang pinakatitigan ang recorder bago ko pindutin iyon.
"February 15, 6:54pm... Hi Barney ko... JS Prom natin kagabi at hindi ko inaasahang makakasayaw kita. Alam mo bang sobrang saya ko non? Ang totoo kasi ay ikaw lang ang gusto kong makasayaw. Hindi ko makakalimutan ang moment nat—"
"P-Parang diary." Pagak akong tumawa. "Gago ka talaga, Kuya. Ang laki ng sinayang mo."
Napahagulgol akong muli habang pinapakinggan ang ibang sinasabi ni Ate sa recorder. Inabot na ako nang umaga dahil tatlong beses kong inulit iyon. Araw-araw nag-rerecord si Ate hanggang sa hindi na niya ma-irecord dahil ibinigay na niya sa akin.
Mayamaya ay nagulantang ako dahil sa lakas ng pagkatok sa pinto ko. "Aevan! Hindi ka ba lalabas?! Birthday mo na ngayon at nandito sina Bolt! Naghanda rin sina Mom. Lumabas ka na riyan!" Sigaw ni Kuya.
Birthday ko na pala ulit? Dalawang buwan na akong hindi naging masaya sa kaarawan ko. Papakinggan na ba nila ako ngayon?
Naging matunog ang buntong hininga ko at napatitig sa stuff toy. Napagdesisyunan kong iparinig sa kanila ang laman ng recorder. Tamang-tama dahil nandito rin sina Bolt. Tiningnan ko ang baterya ng recorder ni Ate. Wala pa siya sa kalahati at mukhang sa makalawa pa siya malolobat.
Dahan-dahan akong tumayo at napahawak sa dingding dahil nakaramdam ako ng hilo. Umiling ako at pinakiramdaman ang sarili. Naghanda rin ako ng damit bago dumiretso sa banyo.
Pakiramdam ko ay ang kapal na ng dumi sa katawan ko kaya nagkuskos ako nang maayos. Apat na beses pa akong nagsepilyo pero hindi pa rin ako nakuntento. Hindi ako tumigil hanggat hindi bumabango ang bibig ko.
Lumaylay pa ang balikat ko nang makita ang sarili sa salamin. Para akong pulubi at ang laki ng pinayat ko. Mayroon na rin akong adams apple. Ngayon ko lang ulit nakita ang itsura ko dahil abala ako sa kaiisip kay Ate Tyra.
Nangilid ang luha sa mga mata ko nang maalala muli ang nangyari. Hinayaan ko lang ang sariling umiyak habang dinadama ang tubig sa katawan.
Naging mature akong mag-isip nang makasama ko sina Ate Tyra at dahil sa kanila ay natuto akong lumaban. Siguro kung si Kuya pa ang nagtuturo sa akin ay puro Pokemon pa rin ang inaatupag ko ngayon.
Nagbihis ako at inayusan ang sarili. Medyo humaba na rin ang buhok ko at mukha na akong manong kaya kumuha ako ng rubber band para maitali iyon. Kinuha ko naman ang dalawang recorder at inilagay iyon sa bulsa. Nagdala rin ako ng maliit na JBL speaker at connector.
Nagpakawala muna ako ng hangin bago lumabas ng kwarto. Nanghihina ako at para akong mahihimatay. Humigpit ang pagkakahawak ko sa barandilya dahil kamuntikan na akong mahulog sa hagdanan. Napasinghap pa ako at natigilan. Pinaligiran agad ng luha ang mga mata ko nang maamoy ang Fried Chicken dahil naalala ko na naman si Ate Tyra. Pinunasan ko ang luha kong nasa pisngi bago bumaba. Wala sila sa sala at sa komedor kaya dumako ako sa hardin na nasa likod lang ng aming bahay.
Nakita ko silang lahat sa may gazeebo. Tiningnan ko ang mga garden gnomes sa gilid at gusto kong ibato sa kanila dahil nakikita ko silang nagtatawanan.
Makatawa pa kaya kayo kapag nalaman ninyo ang totoo?
Natigil sila sa pagtawa at nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ako. Para silang nakakita ng patay na muling nabuhay.
"Finally! Lumabas ka rin!" nakangiting sabi ni Mom. Hindi ko siya pinansin at naglakad papunta sa kanila.
"Happy birthday, Aevan!" sigaw nina Kuya. Hindi ko sila tiningnan at naglakad lang sa bakanteng upuan sa gitna. Nakatayo lang ako at tiningnan ang mga hinanda nila. Natawa ako nang mapait at napailing dahil may gana pa silang magdiwang ng kaarawan ko. Hindi manlang sila nakonsensiya sa ginawa nila kay Ate Tyra.
"Masaya ako dahil lumabas ka na. Happy birthday, Son," ani Dad.
"Oh... mabuti at lumabas ka na, iho. Happy birthday!" Nakangiting bati ni Janice. Kumunot ang noo ko dahil may dala siyang cake at inilagay pa sa harapan ko.
Ano ako... isip bata? Pokemon cake, really? Tss!
"Make a wish little bro!" nakangiting sabi ni Kuya. Bumuga ako ng hangin at tiningnan ang cake na nasa harapan ko.
Sana buhay at nasa maayos na kalagayan si Ate Tyra.
"H-Hiling kong pakinggan ninyo ako kahit ngayong araw lang. Na wala maski isang salita na sinasabi hanggang matapos ang gusto kong sabihin. Kahit ngayon lang sa kaarawan ko ay masaya na ako," seryoso kong sabi nang hindi tumitingin sa kanila.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay inihipan ko ang mga kandila na nasa cake. Tumingin ako sa kanila at nagkatinginan pa silang lahat. "O-Okay, Son. Wish granted," nakangiting sabi ni Dad.
Bumuntong hininga ako at inurong muna ang cake sa gilid bago umupo. Hinintay ko silang makaupo bago ko ilagay sa lamesa ang JBL speaker at kinuha ang recorder ko. Hindi ko na muna nilbas ang isang recorder ni Ate.
"Alam niyo ba kung ano ito?" Tanong ko at pinakita sa kanila ang hawak kong recorder. Sabay-sabay naman silang nagsitanguan.
"Ate Tyra gave this to me three or four months ago. Ang sabi niya ay pindutin ko ang start button kapag nasa panganib ako. Mata-track daw ako ng kaibigan niya at sasagipin agad ako. Mare-record din nito ang mga nangyari sa akin simula nang madakip ako," sambit ko.
Parang gusto na nila akong pahintuin dahil binabalik ko na naman ang nangyari noon. "Dumating ang araw na nadakip ako at pinindot ko nga ito. Tinurukan pa ako ng lalaki sa likod at nagising akong nasa abandonadong warehouse na. Ang bilin sa akin ni Ate Tyra ay huwag akong lumaban kapag alam kong hindi ko kaya at magtulog-tulugan lang para hindi ako mapahamak. Sinunod ko naman iyon." Panimula ko.
"Dumating nga ang kaibigan na sinasabi ni Ate Tyra at sinagip ako. Pero hindi niya ako malilinlang dahil lagi kong naaamoy ang pabango niya at alam kong si Ate Tyra ang sumagip sa akin."
Nakita kong nagbago ang reaksyon nila dahil sa sinabi ko. "Pakinggan na lang natin ito para mas kapani-paniwala ang mga sinasabi ko." Sinalpak ko ang connector ng recorder sa speaker at pinindot ang play button. Nilakasan ko pa ang volume para rinig na rinig nila.
Narinig namin ang sigaw ni Sheena kaya pinindot ko muna ang stop button para ipaliwanag sa kanila kung bakit siya sumigaw.
"Sigaw ni Sheena iyan. Kasama ko siya nang harangan kami ng mga lalaki. Nagulat din ako dahil may tumulong sa aming lalaki. Kulay itim ang ninja suit niya at kulay dugo ang mask saka belt. Palagi akong binabantayan non dahil nakikita ko siya tuwing uwian namin."
Hirap man sa pagpapaliwanag ay tinuloy ko pa rin. "Nakahinga ako nang maluwag non kasi sinagip niya si Sheena. Balak niya pa akong tulungan pero sumama ako sa mga lalaking dumakip sa akin dahil papatayin daw nila si Sheena kapag nanlaban ako."
Tumikhim pa ulit ako pagkatapos dahil sumakit ang lalamunan ko sa haba ng sinabi ko. Nakita kong nangunot ang noo nila at parang nabitin sa sinabi ko kaya pinindot ko ulit ang play. Pinakinggan lang nila iyon ng mabuti at tinitingnan ko lang ang nagiging reaksyon nila. Inuurong ko rin kapag walang masyadong ganap at pinagpapatuloy ko naman kapag may nag-uusap na.
Bakas sa mukha nila ang gulat ng marinig nila ang part kung saan sinagip ako ni Ate Tyra. Si Kuya naman ay parang gusto nang marinig lahat. Nagbuntong hininga muna ako bago magpatuloy sa pag-explain ng pangyayari.
Mayamaya ay natigilan ako at napatingin sa recorder dahil parang nag-aaksaya lang ako ng oras dito. Parang gusto ko na lang umalis at pumunta sa bahay ni Ate Tyra pero kailangan ko munang sundin ang bilin niya.
Tiningnan ko nang masama si Kuya bago magpatuloy. "Dito ko nalaman na siya ang lider na sinasabi ninyong pumatay kay Jenny. Pero kahit na ganoon ay sinunod ko siya dahil may tiwala ako sa kaniya kahit sino pa siya."
Itutuloy...

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angelo JC Rosalia

    the po

    13/07

      0
  • avatar
    Marilou Borlado

    this story was so nice

    07/07

      0
  • avatar
    Psalms Thea

    good

    25/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata