logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chasing Trilogy II: Chasing Her

Chasing Trilogy II: Chasing Her

RinnJalalon


Chapter 1: Move On

ACE POV
"Ace! Hanggang kailan ka ba magkukulong diyan?" sigaw ni Mom. Kinakalampag niya pa ng malakas ang pinto.
Tiningnan ko lang ang pinto pero hindi ako tumugon. Hindi ko pa sila gustong makita at makausap. Gusto ko na munang mapag-isa at magmukmok.
Ilang linggo na rin akong umiiyak at nagwala dahil hindi ko matanggap ang nangyari. Paulit-ulit kong nakikita ang katawan niyang bumagsak sa isip ko. Kahit ang hagulgol ni Naomi nang makita siya ay hindi ko malimutan. Hindi ko na nga alam kung anong araw na ngayon. Maghapon lang akong nakaupo sa higaan at nakatunghay sa mga stufftoy na sinira ko.
Dinadalhan ako ni Janice ng pagkain pero tubig at biskwit lang ang kinukuha ko. Hindi ako nakararamdam ng gutom at ayaw ko pa ring lumabas.
"Hanggang kailan ba kayong ganiyan ni Aevan ha? Magdadalawang buwan na! Magpapakamatay ba kayo dahil sa babaeng iyon?!"
Hindi pa rin lumalabas hanggang ngayon si Aevan?
Galit pa rin siguro siya kay Mom. Nabigla rin siguro siya sa nangyari dahil ang pinagkatiwalaan at iniidolo niya ay ang pumatay sa kapatid namin.
Hindi rin ba siya kumakain?
Magdadalawang buwan na pala kaming nagkukulong ni Aevan. Hindi ko akalaing nakaya niya iyon. Matakaw siya at hindi niya kayang hindi kumain kaya nagulat ako sa narinig.
Kinuha ko ang cellphone at tiningnan, bukod sa NDRRMC ay wala pa ring nag-chat o tumatawag sa akin. Kahit sina Bolt ay hindi manlang nagpaparamdam. Naging matunog ang buntong hininga ko nang makita ang Barney sa messenger.
Ako na rin naman ang nagsabi na ayaw ko na siyang makita 'di ba? Patay ka na ba talaga?
Pinagmasdan ko ang Dragon keychain na naka sabit sa cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong itapon iyon o sirain manlang. Galit ako pero mayroong pumipigil sa akin na gawin iyon. Siguro ay isang ala-ala na lang.
Wala pa rin akong gana. Parang tumakas ang kaluluwa ko sa katawan at para akong manika na nakaupo buong maghapon at nakatingin lang sa kawalan. Halos masaulo ko naman ang bituin sa gabi dahil sa balkonahe ako tumatambay. Hindi ko na rin alam kung kailan ang huli kong ligo. Para na akong pulubi dahil ang gulo-gulo na ng buhok ko at humaba na rin.
Para akong nasa abandonadong kwarto dahil wasak ang bathroom sink at nakakalat sa sahig ang mga bubog. Kahit ang mga salamin at bintana ay binasag ko. Napakadilim din sa gabi dahil binasag ko rin ang bulb ng ilaw kaya tanging liwanag nang buwan lang ang nagsisilbing ilaw ko sa gabi.
Tanging pagsirit lang ng tubig at paghagulgol ko ang naririnig sa kwarto tuwing gabi. Natatakot pa akong matulog dahil nakikita ko siya sa panaginip at para akong babangungutin.
Mayroon sa loob-loob ko na gustong alamin kung buhay pa ba siya o talagang patay na. Minsan ay gusto kong umalis at pumunta sa kanila. Minsan ay hinahanap-hanap ko siya at nagsisisi sa ginawa. Minsan naman ay kinamumuhian ko siya at gusto ko na talagang mamatay siya dahil sa ginawa niya sa kapatid ko.
Kaunti na lang ay mababaliw na ako dahil kapag umiinom ako ay kusa kong inaabot sa kawalan. Masyado akong nasanay na kapag natapos akong uminom ay binibigay ko sa kaniya dahil gustong-gusto niyang uminom sa iniinuman ko.
Ilang beses ko ring pinag-isipan na kalimutan na lang siya dahil alam ko namang hindi na siya babalik at hindi na pwedeng balikan. Isa na siyang kalaban na hindi pwedeng mahalin. Isang masasayang ala-ala na lang ang lahat ng mga pinagsamahan namin.
Hanggang ngayon ay kinukuwestyon ko pa rin ang sarili kung talaga bang naging totoo siya sa mga pinaramdam at pinakita sa akin. Kahit si Naomi na tumulong sa akin dati ay dapat ko na ring kalimutan.
Kinabukasan ay kinatok pa rin ako ni Mom. Araw-araw niyang ginagawa iyon at kung ano-anong mura na ang naririnig ko. Nagkaroon pa ng lamat ang pinto dahil sa pagsipa niya. Dumaan ang ilang araw ay napagpasiyahan kong pumunta sa HQ. Ininda ko ang sugat sa paa ko dahil sa bubog na natatapakan. Naghanap din ako ng masusuot at nilabas iyon bago pumasok sa banyo.
Hinayaan ko lang na bumagsak ang tubig sa katawan ko. Nakaramdam ako ng awa nang makita ang sarili sa salamin. Hindi ko na makilala ang sarili dahil ang laki ng binagsak ng timbang ko at mukha na akong kalansay.
Apat na oras akong nagbabad sa banyo at ilang beses kong kinuskos ang katawan. Dumugo ang gilagid ko dahil ilang beses din akong nagsepilyo. Kahit ang gargle ay naubos ko. Pagkatapos maligo ay kinuha ko ang cellphone at susi ng kotse bago lumabas ng kwarto.
"S-Son." Nagulat si Dad nang makita ako. Hindi ko siya tiningnan at dumiretso na sa komedor para kumain.
"Ang laki nang nabawas sa timbang mo," ani Janice.
Hindi ko sila pinansin at tumingin lang sa pagkaing nakahain sa lamesa. Dali-dali namang nagluto ng ibang putahe si Janice nang makita kung gaano ako kalakas kumain.
"Clean my room," utos ko sa kaniya.
"S-Sige," tugon niya.
Para akong patay gutom dahil sa dami ng kinain ko. Wala rin akong pakialam kung nakikita ako ni Dad na ganito kumain. Pinagmasdan lang nila ako at hindi kinausap. Alam kong naaawa sila sa itsura ko.
"Mabuti naman at lumabas ka na sa kulungan mo!" Sabi ni Mom. Hindi ko siya tiningnan at kumain lang ako nang kumain. Umupo pa siya sa harapan ko at pinagmasdan akong kumain.
"Siguro naman ay nakamove-on ka na sa babaeng iyon. Akala ko ay aabutin ka ng isang taon sa kwarto mo. Ang tigas ng ulo nang kapatid mo dahil ayaw pang lumabas!" Dagdag niya pa.
Kumain ako nang kumain kahit busog na busog na ako. Para akong robot na salpak lang nang salpak ng pagkain sa bibig.
Kumuha ako ng juice at ininom iyon. Natigil ako nang iabot ko na naman sa tabi ko ang juice kahit walang tao roon. Napatingin ako sa kanila at bakas ang pagtataka sa mukha nila dahil sa ginawa ko. Napapikit na lang ako sa inis at nagpakawala ng hangin. Padabog kong nilapag ang baso sa lamesa bago tumayo. Hindi na ako nagpaalam sa kanila at dumiretso na sa guest room.
Pumunta ako sa balkonahe at nagsindi ng sigarilyo. Ang sakit pa sa mata ng liwanag sa labas. Hindi na ako sanay at para akong mabubulag. Binuga ko nang dahan-dahan ang usok saka tumunghay sa ulap.
Mayamaya ay bumaba na ako at dumiretso sa garahe. Tinawag pa nila ako pero hindi ko sila pinansin at hindi na ako nagpaalam. Sakto lang ang bilis ng pagmamaneho ko. Binati pa ako ng guard at nanibago sa akin. Nainis pa ako dahil hinanap niya ang babaeng iyon.
Naabutan pa ako ng traffic dahil may nagkabanggaan daw sa may stoplight. Nagpakawala ako ng hangin dahil nadaanan ko ang village kung saan siya nakatira, hindi ko iyon tiningnan at humarurot na nang takbo saka walang habas na lumiko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Bobbie na maraming bitbit na bucket ng Chicken at pasakay pa lang ng kotse. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Lalo kong binilisan ang takbo at huminto sa may bar nina Blaze para pakalmahin ang sarili. Hindi ko inaasahang makikita ko siya at ayaw ko ng may makita pang iba.
Nang makita ko ang Chicken ay naisip kong buhay pa siya. Hindi siya pinapagastos ni Bobbie at siya lang naman ang mahilig sa Chicken kaya nasisiguro kong buhay siya. Nakarating ako sa HQ ng mabilis dahil sa shortcut ako dumaan. Nagbigay-galang pa ang mga tauhan nang makita ako. Tinanong ko pa sa isang tauhan kung bakit dumami ang tauhan ni Jiro dito.
Nalaman kong pinababantayan kami ni Jiro at baka raw balikan kami at pasabugin ang HQ namin. Hindi ba niya naisip na alam na rin nila kung nasaan ang HQ nila? Dapat rin silang mag-ingat, tsk!
Pagkatapos kong magbihis ng ninja suit ay dumiretso na ako sa shooting range. Kumunot ang noo ko dahil may naririnig akong ingay sa loob.
"Oh! You're here." Nagulat ako dahil nandito sina Dave.
"What are you doing here?" tanong ko.
Nagkatinginan pa sila. "Bawal na ba kami rito?" Seryosong tanong ni Bolt.
Natigilan ako sa paglalakad at napakamot sa ulo. "S-Sorry... nabigla lang ako. Kumusta?" Tugon ko. Mukhang nakalimot na sila sa mga nangyari.
"We're fine. Ang tagal ka naming hinintay," ani Blaze.
Pumunta ako sa lamesa at kumuha ng baril. Nilagyan ko iyon ng magasin at tinutok nang maige sa dummy saka binaril. Hindi sila nag-ingay at sinamahan lang akong mamaril.
Nabaril ko ng tatlong beses ang dummy. Napalunok ako nang makita ko ang babaeng iyon na may tama ng bala. Nanginig ang mga kamay ko at kumibot ang labi. Napailing ako at mukhang nagha-hallucinate na naman ako dahil nakikita ko siya. Naibagsak ko ang baril at nasapo ang noo.
Hindi pa rin siya mawala sa isipan ko. Pinakalma ko muna ang sarili bago pumunta sa sofa para magkapagpahinga.
"Ano na ang balak natin?" Tanong ni Dave. Tumabi siya sa akin at binigyan ako ng tubig pero hindi ko iyon kinuha.
"Tanggal na sila sa organisasyon. Bago na ang mga ranggo ninyo. Ikaw na ang segunda, Bolt... ikaw ang tercera, Blaze... at Cuarto si Dave." Tugon ko.
"Malapit na ang pasukan. Fourth year na tayo," pag-iiba ni Blaze sa usapan.
"Ang bilis nga ng araw eh. Parang kailan lang," ani Dave.
"Ang dami pa nating project na gagawin dahil hindi na tayo nakapasok noon," ani Bolt habang inaayos ang tabi shoes niya.
"P-Paano kapag nakita natin si Tyra sa school?" Tanong ni Dave.Hinintay kong sagutin nina Blaze at Bolt ang katanungan ni Dave pero nakatunghay lang sila sa dummy.
"Kung talagang buhay pa siya ay hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya napapatay. Napaslang na siya ni Bolt kaya hindi na natin siya makikita pa," tugon ko.
"S-Sabagay... balita ko bago tayo makarating doon ay nabaril na siya ng dalawang beses. Tapos nabaril mo at binaril din siya ni Boss, nahiwa mo siya ng katana sa likod at nasaksak pa siya ni Bolt. S-Sino pa ba ang makakaligtas noon?" Ani Dave. Napahawak ako sa dibdib dahil parang may bumabaon na karayom at tinutusok-tusok ang puso ko.
"S-Saan mo naman nabalitaan iyan?" Tanong ni Blaze.
"Sa tauhan ni Jiro," tugon niya.
"Paano na si Naomi?" Tanong ni Dave pero hindi sumagot si Bolt.
"Si Tyra lang ang plano kong patayin. Wala na siya kaya hindi na ako interesado kung humihinga pa ba si Naomi," seryoso kong sabi.
"Nabaril siya ni Boss sa dibdib 'di ba? B-Baka patay na rin siya," ani Blaze.
Natahimik kami sa sinabi niya. Sinulyapan ko si Bolt at bakas sa mukha niya ang lungkot. Nangilid ang luha niya at alam kong pinipigilan lang niya ang pagbagsak no'\n.
"Sorry," ani Bolt.
"Bakit ka nagso-sorry?"
"Ako ang nag-recruit sa kanila at pinilit pa kita. Wala akong ideya na siya pala ang hinahanap natin. Pwede kang mapahamak dahil sa ginawa ko. Halos hindi ako makatulog sa kaiisip. Paano kapag may nangyaring masama sa iyo nang dahil sa katangahan ko," tugon niya.
Huminga muna ako nang malalim bago siya sagutin. "Hindi mo kasalanan. Masyado lang tayong nagtiwala sa kanila. Naiinis pa ako sa sarili ko dahil minahal ko siya... Mabuti na lang at naabutan natin si Jiro na buhay. Kung namatay siya ay baka patay na rin si Aevan pagdating natin. Malaki ang utang na loob natin sa kanila dahil tinulungan nila tayo," sabi ko bago humiga sa sahig.
"Pero ang laki ng pinayat mo. Nag-adik ka ba?" Tanong ni Dave. "Aray naman!" Daing niya nang sipain ko siya.
"Ngayon lang ako lumabas ng kwarto simula nang mangyari iyon," seryoso kong sabi.
"Ano?!" sigaw nila.
"Nakayanan mong hindi kumain?!" Tanong ni Blaze.
"Biskwit lang at tubig ang laman ng tiyan ko. Halos isuka ko ang mga kinain ko kanina dahil sa dami ng sinalampak ko sa bibig," tugon ko.
"Akala ko nga kanina walking dead eh!" Natatawang sabi ni Dave. Sinamaan ko siya ng tingin at sisipain pa dapat pero nakailag siya.
"Bwahahaha! Bwiset na iyan," ani Bolt.
Marami kaming napagkwentuhan at parang bumalik kami sa dati noong kami lang lagi ang magkasama. Ngayon na lang ako nakatawa ulit. Akala ko ay hindi na ako nakararamdam ng ganoon.
"Dre, mauna na ako." Paalam ni Bolt bago pumunta sa kotse niya.
"Nandito lang kami palagi. Pumunta ka na lang kapag nami-miss mo kami," nakangiting sabi ni Dave.
"Sige, mag-ingat kayo," tugon ko.
Hinintay ko silang makaalis bago ako sumakay sa kotse. Inabot na rin kami ng gabi sa HQ. Hindi na rin ako kumain ng hapunan pagkauwi. Dumiretso na ako sa guest room at binagsak ang katawan sa kama.
Lumipas ang isang linggo ay hindi ko pa rin kinakausap sina Mom. Nakabalik na rin ako sa kwarto at ayos na rin ang banyo. Wala na ang mga sirang stufftoys sa gilid at tanging Dragon keychain na lang at mga laman sa cellphone ang ala-ala ko sa kaniya.
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang dalawang buwan ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Aevan kaya pinuntahan ko siya.
Hanggang kailan ba siya magiging ganiyan. Hindi pa rin ba siya nakakalimot?
"Hoy! Aevan! Hindi ka pa ba lalabas? Birthday mo na bukas ano ba!" Sigaw ko. Kinakatok ko ang pinto niya pero hindi niya binubuksan.
Pati ba naman sa birthday niya ay hindi siya lalabas?
"Gusto mo bang sirain ko ang pinto?" Pananakot ko pero hindi siya tumugon.
Nilapat ko ang tainga ko sa pinto at pinakinggan kung ano ang ginagawa niya. Mukhang may pinapanuod siya sa cellphone dahil may nagsasalita at may mga putok ng baril pa akong naririnig.
Kung ako nga ay ganito na kapayat baka paglabas niya riyan ay kalansay na siya, tsk!
Kinatok ko pa nang kinatok ang pinto. Nang mapagod ay bumalik na ako sa kwarto at bukas ko na lang siya ulit kukulitin.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angelo JC Rosalia

    the po

    13/07

      0
  • avatar
    Marilou Borlado

    this story was so nice

    07/07

      0
  • avatar
    Psalms Thea

    good

    25/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata