logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

Umupo s'ya sa tabi ni Lander, hindi na s'ya namumukhaan nito, halos isang taon na din noong huli n'ya itong nakita, napakabilis ng pangyayari ngunit nagpapasalamat s'yang natapos din iyon at mas naging magaan ang loob n'ya ng makita n'yang buhay ang lalaking tumulong sa kan'ya.
"Napapansin ko lang kuya, ginagawa mo yan pag libre ang oras mo, hindi mo ba yan ipagbibili?". 
Tanong ni Eliana bago pagpagin ang kan'yang bestida, hindi ito lumingon sa kan'ya ngunit napansin n'ya ang pag ngiti ng binata.
"Ireregalo ko to".  Napangiti nalang si Eliana sa sinabi ni Lander nguni may kaunting kirot na naramdaman s'ya sa kan'yang puso.
"mabuti at gising ka na". nag-aalalang mukha ni Nanay Yasemin ang bumungad sa bagong gising na dalaga.
Kuya. 
Napanaginipan nanaman n'ya ang lalaking iyon kahit na hindi na n'ya gusto pang maalala.
Imposibleng kasabikan n'ya pa na makita ang lalaking iyon, masaya na siguro ito ngayon.
Wala man s'yang pagkakataong tanungin ang tungkol sa importanteng tao na pinoprotektahan ni Lander, ayos na din siguro na manatili nalang kung ano lang ang nalalaman n'ya.
Tama na.
"Eliana". nahimasmasan s'ya nang marinig niyang muli ang boses ni Yasemin sa kan'yang harapan.
Nabungaran nanaman n'ya ang mukha nitong puno ng awa sa kan'ya, nahahalata na rin ang pagkalubog ng mga balat nito sa mukha.
Hindi ka naman ganyan noon.
Tiningnan n'ya ang higaan sa tabi n'ya ngunit wala na ang huling babaeng nakikita nyang nakahiga doon dalawang buwan na ang nakakaraan, sa bagay ay minsan na lang din naman s'ya kung dumalaw sa kanila.
pinayagan naman din kasi s'ya ni Yasemin ngunit pinagtataka nalang n'ya kung bakit wala manlang komento si Reggie, halos isang Linggo na din ng huli s'yang pumunta sa tarro para isagawa ang ritual na hinihiling sa kan'ya ni Reggie.
Nagsisimula nanaman sila, wala s'yang alam kung anong koneksyon ng pag aalay sa proteksyon at sa huling babaeng dinadala ni Reggie doon, higit pa roon ay mga ulilang babae ang mga iyon sa suot palang nila.
"Pasensya na, hindi n'yo na sana ako dinala dito,". Pagbawi ni Eliana, hindi n'ya alam kung kailan nagsimulang maramdaman n'ya ang kabaitan ng ginang na nasa kan'yang harapan.
"Mahihirapan kang maghanap ng matutuluyan kaya dito ka nalang muna".
Bumait din sa kan'ya si Yasemin, hindi n'ya alam kung kailan n'ya simulang naramdaman ang pagiging maalaga nito sa kan'ya, samantalang tinanggihan s'ya nito noong una silang nagkita.
Sa bagay ay hindi n'ya pa kilala ang sarili noon, at wala sa sariling natawag n'yang "mama" si Yasemin.
"Pasensya na sa pagiging malamig ko sa'yo noon, iba lang siguro ang inaasahan ko". 
Alam n'ya na kung anong tinutukoy nito, hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ito sa kan'yang anak na labing walong taon ng patay.
"Yung babae? San n'yo s'ya dinala?".
Tanong n'ya.
"Wala na s'ya" napansin ni Eliana ang lungkot na gumuhit sa labi ni Yasemin.
"Bakit di ka nalang tumigil? Sinasaktan mo lang ang sarili mo". Tanong ni Eliana at sinuot ang kan'yang panyapak.
"Hindi ko alam kung paano, umaasa pa rin ako". Sandali itong huminto ngunit nagdala ng pagkadismaya sa kan'ya ang salitang binanggit ni Yasemin.
"Napapadalas na nawawalan ka ng malay, limitahan mo lang kung hanggang kailan mo isusuot ang kwintas". Kinuha ni Yasemin ang kamay n'ya at nagsimulang punasan ang mga iyon ng tela, at marahan s'yang pinaupo.
Napalunok nalang si Eliana sa sinabi nito hindi n'ya alam na May alam pala ito sa kwintas na suot n'ya.
Anong tinatago mo? Yasemin? 
"Kaya ko po sarili ko". Walang pagdalawang isip na sagot ni Eliana pagkatapos n'yang kunin ang basang telang hawak ng matanda.
Kanina pa ba s'ya nito pinupunasan? Ng sulyapan n'ya ang bintana ay maliwanag na sa labas, nakatulog s'ya ng matagal.
"Maraming nagkalat na bandido ngayon, huwag ka munang lalabas,". Paalala sa kan'ya ni Yasemin.
"Matagal na silang nagkalat, pero sa palagay ko hindi ako sa kanila dapat matakot ". Tiningnan n'ya ng matagal si Yasemin ngunit hinawakan lang ng matanda ang kanyang mga palad.
"Eliana, sabihin mo May iba ka pa bang kinatatakutan?".  Huminga s'ya ng malalim ng gumaan ang kan'yang dibdib
Inosente ang matanda, hindi n'ya maiwasang makaramdam ng awa dito.
Pano kung ginagamit ka lang ni Reggie?.
Ikatlong bangkay na ang nakita n'ya kahapon, at lahat ng bangkay na nakita n'yang May ganoong paraan ng pagkamatay ay naging pasyente nila ni Reggie, ngunit maliban doon, ang balahibong nakita n'yang suot ng lalaki ay puti samantalang itim ang huling talisman na binigay nila dito.
"Lumayo ka sa kan'ya". Muling pagbasag n'ya ng katahimikan na nagpakunot ng noo ni Yasemin.
"Anong sinasabi mo?".  
"Wag n'yo ng lokohin ang sarili n'yo, hindi n'yo na maibabalik ang buhay ng anak n'yo". 
"Tigilan mo ang mga pinagsasabi mo" sagot ni Yasemin.
"ilang babae na ang dinala n'yo dito at tinatawag n'yo sa parehong pangalan, ni hindi ko na alam kung sino ba ang Gabriel na tinutukoy n'yo".
umiling lang ang matanda sa kan'ya na para bang hindi nito kayang tanggapin ang sinasabi n'ya.
"tama na!" Napasinghap s'ya ng sumigaw si Yasemin.
"Pasensya na". Napayuko nalang s'ya sa kahihiyan.
Naramdaman n'ya ang mainit na brasong yumakap sa kan'ya.
"Turuan mo ko kung pano ko titigilan ang kabaliwan ko, tulungan mo ko". 
Naging ganito din ba ang kan'yang ina sa kan'ya? Nabaliw din ba ito para lang makita s'ya? O ang kapatid n'ya? 
Napangiti s'ya ng mapait.
"Salamat".
"Hindi ka na ba babalik sa pagawaan?".
"Babalik pa po ako sa kubo pagkatapos kong kumain, ang mga bata? Hindi ko na sila nadadalaw".
tumayo si Eliana at tumungo sa kusina halos kalahating araw din s'yang tulog kaya't nakakaramdam na rin s'ya ng gutom.
"Ayos lang sila bumabalik naman sila sa pahingahan tuwing gabi at pag kakain".
Sandaling tumigil  si Yasemin at muling nagsalita.
"Kailan ka babalik?".
"bigyan n'yo lang ako ng panahon".
"Hindi ka na tutuloy sa palasyo?".
"Tutuloy ako, kahit bigyan n'yo pa ako ng isang Linggo pa".
mahinahong sagot nalang ni Eliana saka nagsandok ng makakain sa isang maliit na mangkok na gawa sa kahoy.
Bahagyang ngumiti si Yasemin bilang pagsang-ayon sa kan'ya.
"Natutuwa akong nakakausap na kita ng maayos din gaya noon"
Ngumiti lang si Eliana bilang sagot.
Sinusubukan ko.
___
Nagpalipas s'ya ng ilang oras sa kanila, nananakit pa ang kaniyang mga katawan dahil sa mga pasang natamo n'ya para lang makakolekta ng mga sandatang pwede n'yang ibenta ng doble sa bayan ng Galfas.
"Eliana, saan mo nakuha yan?". 
nagulat s'ya ng marinig ang boses ng ginang sa likuran.
Agad n'yang binalik ang pagkakayakap ng balabal sa kan'yang katawan.
"Gagaling din po 'to". Pinilit n'yang manatiling normal ang pag-uusap nila pagkatapos ng nangyari kanina.
"Nakikisali ka din ba sa mga siraulo sa labas?". Tumabi sa kan'ya si Yasemin.
Umiling lang s'ya.
"Magpagamot ka sa templo, naapektuhan ka pa rin ng mga nakaraan mo hindi ba?". 
Kinuha nito ang dalawang ginto sa bulsa saka iniabot sa kan'ya.
"Hindi ko yan kailangan, hindi naman ako magiging normal na tao kahit na lumapit pa ako sa mga manggagamot". Ngumiti ng bahagya si Eliana.
"Nananaginip ka pa rin ng masama, ilang beses na iyong nangyayari, gusto ko lang na subukan mo".
"Wala ng dahilan para gawin ko yon". 
Wala na sila papa, wala ng silbi pa para mabuhay ako.
"Pasensya na, gusto ko lang na mabuhay ka ng normal,". Napangiti nalang s'ya sa sinabi ni Yasemin, nanariwa lang muli ang mga ala-ala n'ya dahil sa salitang binibigkas ni Yasemin, iyon din ang hiling ng kan'yang ama noon.
"Nay, Mas kailangan n'yo yan hindi ba?". Pagpapatahimik n'ya kay Yasemin.
Napayuko nalang s'ya, at sinubukang pigilan ang sarili, kung hindi s'ya titigil ay masasaktan nanaman n'ya ito, pinagpatuloy n'ya lang ang pagbibihis, muli n'yang isinabit ang lumang ipit sa loob ng kanyang kasuotan.
"Pasensya na, naguguluhan pa rin ako". Sagot ng matanda.
Binalot sila ng sandaling katahimikan ngunit nawala iyon dahil sa mga hakbang na nagpapaingay mula sa labas.
"Hindi natin alam kung nakalayo na ang gumawa ng pagpaslang". Mga pulis iyon na nag uusap buhat ang bangkay na dala nila sa isang gurney.
Muling tumambad sa kan'yang mata ang pamilyar na bangkay na nakita n'ya kagabi.
"Eliana, wag ka na munang lumabas". Naramdaman n'ya ang pagkalabit ni Yasemin sa kan'yang balikat.
”sabihin n'yo sa'kin kung anong dahilan para sundin ko kayo". Seryosong sagot n'ya kay Yasemin saka isinukbit ang kan'yang espada.
"Dadalawin ko pa rin kayo wag kayong mag alala, makikita n'yo pa rin ang mukha ko hanggat wala pa ako sa palasyo". pagpapaalam n'ya kay Nanay Yasemin, napangiti s'ya nalang s'ya ng malamlam.
"mag ingat ka". Malungkot na tugon ni Yasemin.
binalot s'ya ng konsensya habang pinagmamasdan ang hitsura ng ginang kanina.
Sa paglabas n'ya ay natagpuan n'ya sa basurahan ang manikang palagi n'yang nakikita sa loob ng kwartong walang nag mamay ari.
"Gabriel". bulong ni Eliana 

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    DumpMerry

    nice

    27/06

      0
  • avatar
    BoXiao

    This is a good story. Please continue 🥺💕🥺

    18/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata