logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 7

NAPATIGIL si Vince nang mapansing ang mga masasamang titig ng limang kalalakihan ay sa kanya nakalaan. Hinawakan niyang mabuti ang pera at dahan-dahang itinago sa likod. Hanggang sa nasa harapan niya na ang mga ito.
"Vince, ang magaling na Volleyball player. Wala ba kaming balato diyan? Ha?" nagtawanan ang mga ito.
"Ang perang napanalunan ko ay para sa mga magulang ko." Napapaatras ang binata.
"Talaga lang? Hindi mo kami bibigyan kahit kalahati?" nagbabadya ang kamao ng iba.
"Bigyan mo lang kami at hindi ka masasaktan, bata." Sa kanyang pag-atras ay siya namang paghakbang ng lima.
Kinakabahan si Vince. Gusto-gusto niya ng tumakbo ngunit alam niyang wala pang pagkakataon. Kinakabahan na siya nang labis. Sa isip niya, sana'y walang may masamang mangyari. Naalala niya ang sinabi ng kanyang mga magulang, kapag nasa gitna ng ganitong sitwasyon ay ibigay na lamang ang hinihingi ng mga ito.
"Hindi. Makakatulong ito sa inyo, Inay at Itay." Sa isip ng binata.
"Ano? Huwag mo na kaming galitin pa." May panggigigil pa sa mukha ng isa.
"Ibigay mo na." Nakaabot naman ang mga palad ng isa.
"Ayaw ko!" sigaw ni Vince at isang mabilis na takbo ang kanyang ginawa.
"Habulin siya at huwag patatakasin." Utos ng may malaking katawan.
Halos maluha ang binata sa mabibilis at malalaking hakbang na binubuo. Panay ang dasal niya na sana'y makatakas siya. Sa likuran, patuloy ang paghabol ng lima. Pumasok si Vince sa bawat eskinita. Tingin sa kanan at kaliwa sabay takbo kung saan man siya mapunta.
"Para sa mga magulang ko ang perang ito." Tangi niyang sabi at patuloy sa pagtakbo.
Hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata sapagkat nasa harap niya ay isang malaking pader. Tumingin siya sa kanan at kaliwa, wala ng malulusutan. Paglingon niya sa likuran, naroon na ang limang kalalakihang nakangiti ng masama at gumagawa na lamang ng mahinang hakbang.
"Pinagod mo kaming bata ka!" bulalas ng isa.
"Kung ibinigay mo lang sana. Hindi ka pa masasaktan." May kinuhang kutsilyo sa tagiliran.
Napaatras ang binata nang makita iyon. Nakadikit na siya sa pader at wala ng matatakasan. Inilabas din ng iba ang mga patalim. Tuluyang nakalapit ang limang kalalakihan.
"Vince! Vince." Dalawang beses na tawag ng may malaking katawan.
Nagkatitigan ang lima at may unang sumaksak sa tiyan ng binata. Sa bilis ay hindi siya nakapaglabas ng tinig.
"H-hah..." mahina niyang sambit at nagsuka ng dugo.
Sunod ang ay ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na saksak mula sa natitirang kalalakihan. Nabitawan niya na ang perang mahigpit na hinawakan. Mabilis iyong kinuha ng isa.
"Kung nakinig ka." At sinaksak ng huling lalaki sa kanang dibdib.
Mabilis na nagtakbuhan ang limang kalalakihan palayo at iniwan ang binatang unti-unting napapaluhod. Ramdam ni Vince ang nalalapit niyang kamatayan.
"I-inay. I-itay..." putol-putol niyang sabi at tuluyang napadapa sa lupa at marahang ipinipikit ang mga mata.
-----
NABIGLA ang buong Zifornum ganoon din sa daigdig ng Zenerus.
"Ano po ang nangyari? Patay na po ba ang itinakda?" tanong ni Reyna Darlyn sa matandang mangkukulam.
"Bakit hindi natin siya tulungan?" gulat ding tanong ni Razelle.
"Huwag tayong mag-alala." Rinig ng dalawang daigdig ang tinig ng matandang mangkukulam. "May dapat muna siyang makilala sa Cofdam upang maging matatag siya sa hamon ng kapalaran." Sa huling bigkas nito ay naunawaan ng lahat ang kahahantungan ng itinakda.
Ang Cofdam ay lugar o nakatagong daigdig kung saan napupunta ang mga yumaong may mabubuting puso o may nagawang karangalan para sa kalawakan.
-----
DALAWANG nilalang ang tumatawag sa pangalan ng binata.
"Vince... Vince... Gumising ka." Napakalamig na tinig.
Napamulat ng mga mata ang binata. Ngunit naipipikit niya pa iyon dahil sa maliwanag na paligid. Marahan siyang napapatayo habang takip ng dalawang palad ang mukha.
"Vince, lumapit ka." Tinig ng isang lalaki at nagpalinga-linga siya sa buong paligid kahit halos puti lamang ang kanyang nakikita.
"Sino po kayo? Bakit ang silaw?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ipikit mong muli ang iyong mga mata." Tinig naman ng isang babae at sinunod iyon ng binata.
Muli niyang iminulat ang mga mata. Nakaupo siya sa kumikinang na upuang may napakagandang disensyo. Napatingin siya sa mga kamay na nakayakap sa kanyang leeg at balikat. Ibinaling niya ang tingin sa mga mukha ng dalawang nilalang na katabi niya ngayon. Nakangiti ang isang babae at lalaki na pawang hindi niya mga kilala.
"Sino po kayo?" tanong niya sa dalawa at binigyan ng titig ang bawat isa.
Ibinaling ng dalawang nakangiti ang titig sa kung saan. Naghihintay ng sagot ang binata. Pinagmasdan niya rin ang buong paligid. Napakaganda at hindi niya maipaliwanag. May makikislap na bagay ang nagliliparan. Napakagaan ng kanyang pakiramdam sa lugar na kinalalagyan ngayon. Para bang lahat ng kanyang suliranin ay nakalimutan na.
"Vince, anak namin." Sa tugong iyon ay labis ang pagtatakang naramdaman ng binata at muling pinagmasdan ang mga katabi.
"Anak?" naibigkas ng mahina niyang labi.
"Oo. Anak ka namin. Kami ang tunay mong mga magulang, Vince." tugon naman ng lalaki.
"Po? Hindi ko po maunawaan? Papaano?" muling nagbalik sa isipan ng binata ang kanina lamang nangyari. Ang ipinakitang dalawang daigdig sa kanya. Ibig sabihin, hindi iyon isang panaginip. Mabilis itong isinalaysay ni Vince.
"Totoo ang lahat ng iyon, Vince. Sandaling ipinakita sa iyo ang ating mga tahanan." Paliwanag ng babae.
"Ngunit, paano ko kayong naging mga magulang? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ko man lang kayo nakilala o nakasama? At nasaan po ba tayo?" naguguluhang mga tanong nito.
Lahat ay isinalaysay ng kanyang ama na si Zion. Mula ng siya'y isilang sa Zifornum at tangkaing kunin at paslangin ng demonyo. Naikuwento rin ang pagkamatay nila at ang pagliligtas sa kanya ng lola o matandang mangkukulam. Ngayon, may kaunti ng nalalaman ang binata.
"Bakit po ako kailangang kunin ng demonyong sinasabi ninyo?" naitanong nito.
"Sapagkat, ikaw ang itinakda. Ikaw ang hari at prinsipe ng lahat. Ng buong kalawakan. Ikaw ang tagapagtanggol at nakatadhanang wawasak sa Delum o itim na mundo." Tugon ng kanyang ama ngunit may pagkalito pa rin sa kanyang isip.
"Huwag mo munang alamin ang iba. Darating ka rin doon. Ang mahalaga, nakita at nakilala mo kami kahit mga patay na. Ang lugar na ito ay ang tinatawag na Cofdam. Lugar ng mga yumaong nilalang na may mabuting puso at layunin noong sila ay nabubuhay pa." Paliwanag ng Ina.
"Kung ganoon, patay na ako?" diretsong tanong ni Vince.
"Sadyang napakatalino mo anak dahil sa dami ng iyong katanungan. Hindi ka pa patay. Ito ay paglalakbay lamang upang makilala mo kami. Kahit napaslang ka ng limang kalalakihan sa mundo ng mga tao, babalik kang buhay at kukunin ang perang ninakaw nila sa iyo." Sa huling mga katagang nabigkas ay lumakas ang liwanag sa buong paligid. Napapatakip ng mukha ang binata dahil sa pagkasilaw.
"Gawin mo ang nararapat at tungkulin..." huli niya pang narinig sa Ama.
-----
IDINILAT niya ang mga mata at nakadapa siya sa sementadong daan o kalsada. Itinulak niya ang katawan gamit ang dalawang kamay upang bumangon. Pinagmasdan niya ang buong katawan at naroon pa ang nanuyong dugo. Ngunit nagimbal siya nang makitang wala siyang kahit anong galos o sugat mula sa ginawa ng limang kalalakihan. Napangiti siya nang maalala ang pakikipag-usap sa dalawang nilalang na nagsasabing kanyang tunay na mga magulang.
"Hah!" malakas niyang sigaw nang biglang sumakit ang marka sa kaliwang dibdib at magliwanag iyon.
Diretso ang tingin niya sa kung saan at nagliwanag din ang kanyang mga mata. Tumatagos ang kanyang paningin sa bawat pader at kabahayan. Nakita niya ang limang kalalakihang tuwang-tuwa habang naglalakad.
"Kailangan kong kunin ang perang dapat ay sa aking mga magulang." Gumawa siya ng mga hakbang habang nagliliwanag pa rin ang mga mata.
IPAGPAPATULOY...

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Reychel Rodriguez Sobreviga

    hello po

    6d

      0
  • avatar
    AmpuanAlinhor

    hyy

    24d

      0
  • avatar
    Len Sinadjan

    good

    08/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata