logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 2: THE REFUSE

KABANATA 2: THE REFUSE
***
(ASHIANNA RAILEY POINT OF VIEW)
Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi nila. How? How they can easily say that to my face? Ganito na lang ba nila ako itapon o ipamigay?
"What? Biro lang ba ito? Kung hindi ito biro ay hindi ko ito matatanggap," sabi ko habang pilit na pinapakalma ang aking sarili.
Tiningnan ako ng diretso ni mama sa mata. "Hindi ito biro, binayaran nila ang utang natin lahat kaya ito ang hiningi nila na kapalit at hindi pera. Kailangan mo pumayag sa hinihingi nila," simpleng sabi ni mama at ako naman ay halos mapalaki ang aking mata sa narinig.
Ganito ba ang gusto nila? Ipamimigay na nila ako sa iba dahil sa utang nila? Dahil nabayaran na ang utang nila at ako naging kabayaran.
"I will not accept this. I can't marry their son. I can't marry a man that I didn't know. I will find a way pero hindi sa ganitong paraan," galit kong sabi at nagulat ako dahil bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae at lalaki.
Kaedad lamang sila ni mama at papa pero mapuputi sila. Ang gaganda nila dahil nakasout ang babae ng long black dress na hanggang talampakan na long sleeve style. Plain lamang ito pero ang lakas ng dating. She has a long eyelashes with her beautiful hazel brown eyes na bumagay sa matangos niyang ilong, mahaba rin ang buhok nito na curly ang dulo. While ang lalaki ay naka-formal attire ito at may itim na mata. Matangos ang ilong na may mahahabang pilikmata. He looks like a strict man.
Pumasok na sila tuluyan at sinara ng butler yata nila ang pinto namin. "Nasabi niyo na ba sa anak niyo ang kapalit?" tanong ng babae at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa.
"Nasabi na namin," sagot ni mama kaya lumingon ako sa kanya.
Galit na galit ako sa kanila. "Hindi ako papayag, gagawin ko ang lahat para hindi ako pumayag," matigas kong sabi kasi gagawa ako ng paraan.
Napangisi naman ang babae habang 'yong lalaki ay nakatitig lang sa akin. Nakatayo lamang silang dalawa na walang balak na umupo. "Really? Nakapirma na sila ng contrata na pumapayag sila sa gusto namin? Pirma mo na lang ang kulang. Alam mo ba ang kapalit kapag hindi ka pumayag? Makukulong ang mga magulang mo. Gusto mo ba mangyari 'yon?" nakangising tanong sa akin ng babae kaya naman pumatak ang luha mula sa aking mata.
"I need to think,"
Pagkasabi ko ng katagang 'yon ay umakyat na ako sa aking kwarto pero bago ako tuluyan makapasok ay narinig ko ang sinabi ng lalaki. "My son is not here but he is agree about this,"
Sinara ko tuluyan ang pinto at sumalpak sa likod ng pinto. Sumandal ako roon habang patuloy na umiiyak. Bakit kailangan maramdaman ko ito? Ang gusto ko lang naman ay simpleng pamumuhay. Kinuha ko ang radyo na maliit na paborito ko.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at pinaandar ang radyo. I want a peace of mind. Masyado akong nagulat sa nalaman ko.
"Nagbabagang balita sa oras na ito. Isang dalagitang natagpuang patay sa ilog ng Kirai Villages sa mismong Barangay Santos. Ayon sa nakakita sa bangkay ng babae, nakita nilang palutang-lutang ang katawan ng babae sa ilog bandang 5:50 ng hapon. Napansin ng ilang taong nakakita ang daming dugo sa damit ng babae at dalawang butas sa leeg nito na ayon sa sabi-sabi ay kinagat ng aswang pero may isang tao na nakapagsabi na bampira raw ang may gawa. Inaalam pa ngayon ng mga pulis ang sanhi ng kinamatay ng babae kaya pinaalahanan ang mga tao ngayon na huwag na lumabas kapag gabi na. Dapat manatili na sila agad sa bahay nila pagsapit ng alas kuwatro ng hapon,"
Pinatay ko ang radyo dahil sa binalita nila. Aswang? Bampira? Naniniwala ako sa aswang dahil nakakita na ako nito noong huling dalaw namin sa bahay ni lola sa probinsya. Pero, hindi naman sila nanakit o pumapatay kasi nanakot lamang sila. Bampira? I don't think that kind of creatures is exist. That just a fiction that created to scare and amaze some people.
Pero may nalaman ako dati na mayroong mga bampira sa England ilang dekada na ang nakalipas. But, it is just an opinion and walang ebidensya. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko na yata mararamdaman ang salitang happiness kung pinagkait ito sa akin ng mga magulang ko. Sinara ko ang aking mga mata kung sakali man na paggising ko ay makalimutan ko ito.
***
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock dahil naka-set na ang alarm nito araw-araw. Nakatulog pala ako rito sa pinto habang nakasandal. Tumayo ako at pinatay ang alarm clock. Masakit ang aking katawan sa pagkatulog ko pero hindi ko na lang pinansin. Kinuha ko rin ang radyo at binalik sa lalagyan nito.
Mabilis kong ginawa ang morning rituals ko at saka na lumabas ng tuluyan sa kwarto pagkatapos ko magbihis. Wala akong gana na harapin ang mga magulang ko dahil may pera pa naman akong ipon. Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko sina mama at papa na kumakain ng almusal.
Parang wala lang sa kanila 'yong deal dahil hindi naman sila 'yong masasaktan dahil ako 'yon. Napatingin silang dalawa sa akin. "Anak, kumain ka na," aya sa akin ni mama pero hindi ko siya nilingon.
"Hindi na ako kakain baka ma-late ako sa school," tanging sabi ko at dinala ang payong na nakasabit sa bintana malapit sa sofa.
"Sige, mag-iingat ka," paalala sa akin ni mama pero lumabas na ako sa bahay.
Hindi ko pa kayang makausap sila at makasama dahil nasasaktan ako sa sinasabi nila. Mas pinili kong maglakad sa school dahil walking distance lang ito sa amin. Ito ang pinili ni mama na school dahil sikat at malapit sa akin. Scholar ako at working student bilang assistants librarian.
Kada lunch break ako nagtatrabaho sa library at binabayaran naman ako ng school. Napapatingin ako sa dumadaan na mga kotse lulan ng mga schoolmates ko. Hindi naman ako nahihiya na mahirap ako.
Saka wala naman silang pakialam sa akin. Commoner ako at kahit kailan they never tried to talk to me. May mga kaklase ako na kinakausap lamang ako for school purposes. Kaya si Penelope lang kaibigan ko sa school. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa gate ng school at napapatingin ako sa mga kotse na pumapasok sa school.
Mga mamahalin itong sasakyan tulad ng Ferrari, MCLaren, Jaguar, Mustang at iba pa. Pinakita ko sa guard ang school ID ko at pinapasok na nga niya ako. Strict ang school na ito sa mga policy pero may ilan na hindi ko maitindihan na patakaran.
Tulad ng walang lalamang ng patalinuhan sa isang certain people kapag may nakita silang 95 above ang average ay binubugbog ng ilang student o pinapahirapan. Naawa nga ako sa mga nerds na kinakawawa nila but wala akong magawa kundi manood.
Natatakot nga rin ako kasi 94 ang average ko last year at kinakabahan ako this semester. I am Grade 12 HUMSS A at same section kami ni Penelope. 89 ang average ni Penelope dahil hindi naman niya kailangan mag-maintain ng grades.
Pumunta ako sa HUMSS Department at nakita ko agad ang room namin since nasa bakuna lang ito ng entrance ng HUMSS. Pumasok na ako tuluyan at ang usapan nila ay 'yong binalita kagabi about sa babae.
Napansin ko na umiiyak 'yong kaklase namin na si Claudette, one of the queen bees and cheerleader dito sa Royal Blood Academy. I don't know kung bakit ganito ang name ng school namin.
"Ano pala nangyari?" tanong sa kanya ni Ami na kaibigan niya rin.
"Kasalanan ko kung bakit namatay si Pamsy. Kung sana sumama ako sa kanya at hindi siya iniwan edi sana hindi siya mapapahamak," naiiyak na sabi ni Claudette at pinapatahan naman siya ng mga kaibigan niya.
Umupo na ako sa aking upuan malapit sa bintana sa first row. "Huwag mo sisihin ang sarili mo, Claudette. By the way, saan pala siya pumunta bago siya matagpuang patay sa ilog?" tanong ni Jasper na isang beke sa amin, may lahi itong marites dahil halos lahat ng issue sa room o kahit sa boung RBA ay alam niya.
"Sumama siya sa isang lalaki na nakilala niya sa social media. Nagustuhan niya ito at nagplano sila ng mag-meet kaya nag-meet sila kahapon but hindi ko akalain na mawawala na si Pamsy. Sana sumama na lang ako sa kanila kung ganito ang mangyayari," naiiyak na sabi ni Claudette.
Nanahimik na lang ako sa tabi pero nakikinig ako sa pinag-uusapan nila. Biglang may pumasok na lalaki este beki pala na kaibigan ni Jasper. Siya si Gabriel na mukhang pinagpawisan ng tudo.
"May nakalap akong chismis. Papasok na raw ang lider ng Verticulum Versity sa tagal nitong hindi pumapasok at isa pa ayon sa bali-balita na bampira raw ang gumawa ng bagay na 'yon kay Pamsy,"
Napaisip ako sa sinabi ni Gabriel. Lider ng Verticulum Versity or tinatawag na Versity 4? I don't know that man pero lagi kong naririnig ang tungkol sa kanya. According to them he is heartless, rude and bastard. Superior siya sa boung RBA.
Bampira? I don't think that creatures are existing? That is just a work of imaginary things and fiction.

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Syrljynxs

    next na fless

    08/11

      0
  • avatar
    Lopez felicianoAngelica

    nice

    18/07/2023

      0
  • avatar
    AlcalaHannah Kimberly

    Very interesting

    05/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata