logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

IKAPITONG YUGTO

Mula nang araw na iyon ay iniiwasan ko na talaga silang sdalawa ni Troy. Oo, pati si Troy iniiwasan ko na para iwas isyu. Baka kasi sa susunod iba na iyong isyu na matatanggap ko and worst baka umabot pa sa kanila Mama at Papa. Kaya, kahit labas si Troy sa aming dalawa ni Ryan kailangan kong iwasan silang dalawa.
“Jayna! Tawag ka ni Ms. Cruz.” Ani nang isa kong kaklase nang makitang palabas ako ng room.
“Bakit?”
“Ewan ko basta iyon sabi niya. Isa pa baka magtatanong siguro kung bakit hindi ka sumipot sa Christmas Party.” Ani saka isinukbit ang bag nito sa likod.
Kahit na nagugulumihan ako ay kinuha ko na rin ang bag ko saka tinahak ang daan papuntang teacher’s room. Kahit na pampubliko ang paaralan namin ay mayroon kaming teacher’s room. Habang tinatahak ang daan patungong teacher’s room ay nakita kong nasa pintuan si Ryan na para bang may hinihintay.
“Ryan!” rinig kong tawag ng isang babaeng matangkad maputi at maganda.
Malayo sa akin ang kaanyuang taglay nito. Minsan naisip ko paano kaya o kung kasingganda ako ng mga babaeng nakapaligid kay Ryan? Could he looked at me the way he looks at them?
“Ryan, thank you nga pala kanina ha? I really do appreciate your kawanggawa.” Maarte nitong sabi.
Tumawa naman si Ryan. “Okay lang, if you need some help just call my name and I’ll be there.”
‘I’ll be there!’ ani ko sa sarili saka naglakad na palayo.
Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang may isang tinig akong narinig. Nilakihan ko naman ang hakbang ko para hindi niya ako maabutan pero may pagka-tikbalang yata ang taong ito nahawakan ba naman kasi ang braso ko kahit na ilang hakbang na ang layo ko.
Nakalimutan ko nga pala athletes iyong humabol sa akin kaya hindi imposibleng maabutan niya ako.
“Do you think matatakasan mo ako gamit ang mga paa mong iyan?” Anito habang may tono ng panunuya. “Did you forget that I’m one of the varsity player here in campus?”
Tiningnan ko ito nang nanlilisik ang mga mata. Hindi sa pandak ako pero sa aming klase ako iyong mas matangkad compare dun sa mga kaklase kong babae.
“Ano ba kailangan mo? Mahalaga sa akin ang oras kaya kung may sasabihin ka spill it!” inis kong sabi dito.
Narinig ko namang suminghal. “May nagawa ba akong ikinagalit mo? Look, I am your friend and I deserve an explanation. H’wag mo naman akong tratuhin na parang basahan. Ano ba iyong nagawa ko bakit iniiwasan mo ako?”
Nang marinig ko iyon ay yumuko ako. Sasabihin ko ba ang dahilan? Pero ayokong masaktan o makita itong nasasaktan.
“Jayna, alam mo bang dahil sa ginagawa mo nasasaktan ako? Nasasaktan ako! Alam mo ba iyon?! Jayna, okay naman tayo ah, di ba? Ni hindi na nga kita siningil sa regalo mo eh, pero bakit ganon? Alam ko na iniiwasan mo si Ryan pero bakit pati ako?”
“T-Troy”
“Wala ka na bang sasabihin kundi ang pangalan ko? Naman Jayna! Napapagod na ako”
“Kung pagod ka, bakit hindi ka sumuko? Imbis na magplano ka how to unlike me bakit mo pa ako kinakausap? Bakit mo pa ako tinawag kung napapagod ka na pala? Magalit ka sa akin Troy! Hindi iyong hahabulin mo ako at tatanungin kung ano iyong kasalanan mo sa akin!"
“Hindi, hindi ako napapagod na magustuhan ka kundi napapagod ako kakahabol saiyo tuwing uwian o tuwing recess! Saka how can I unlike you kung ikaw iyong happiness ko?"
“Magustuhan?” Nilingon ko ito. “Ano ibig mong sabihin nun,Troy?”
“Isn’t it obvious? I like you Jayna, since the day I saw you. Hindi ko lang ipinahalata kasi usap-usapan sa boung eskwelahan na malabo kang magkagusto sa iba kasi nakatatak na sa puso at isip mo ang pangalan ni Ryan.”
“Troy, bakit ako? Simpleng babae lang ako unlike sa mga babaeng naghahabol sa iyo.” Naiiyak kong sabi.
Hindi ko alam pero imbis na matuwa ako sa pag-amin ni Troy sa akin ay parang pinipiga iyong puso ko iyong tipong parang hindi ko alam kung ano ba iyong dapat kong sabihin o gawin. Should I accept his confession or reject just like Ryan did? Kasi alam ko ang pakiramdam na mareject at masaktan. Alam ko iyong pakiramdam na pagtawanan dahil ang akala nila laro lang ang ginagawa ko.
“Iyan din ang hindi ko alam. Siguro kasi lagi mong taglay iyong ninanais ng puso ko iyong tipong ‘you are always in yourself’ kaya ganun siguro iyon.”
“Nagustuhan mo ako because of being me?”
“Uhuh, I like the way you smile, I like the way how you stand or how to make your decisions knowned by your actions. Most of I like your efforts to caught his attention.” Tumingala ito saka tumawa ng mahina. “Siguro kung ako iyon ang ginawan ng efforts na ganun, siguro ako na iyong pinakamasayang lalaki sa mundo. Kasi, sa milyon-milyong tao sa mundo may isang tao na nakakita na worth it ka, na you are important in this universe. Cool right?"
Nang marinig ko iyon ay lalo akong napaluha. Kung ganito lang ang set ng mind ni Ryan, siguro hindi magiging miserable ang buhay ko at mawawalan ng pag-asa o gana sa salitang like o love.
“Nung una nga akala ko, na-astigan lang ako sa mga ginagawa mo pero habang kasama kita. Doon ko nakilala ang isang Jayna Abarac. A simple girl but full of determination for her love. And Ryan is the luckiest stupid guy I’ve meet in my whole life.”
Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
“Luckiest stupid guy, I like that and it makes my heart shattered.”
“Well, I am glad that you like it.” Tumawa rin ito. “let me repeat it Ryan is the luckiest stupid guy I’ve meet in my whole life!”
Lalo akong napatawa nang mag-echo sa hallway ang boses ni Troy. Buti na lang at walang estudyante sa hallway na iyon. Dahil pag nagkataon dadami na naman ang magiging haters ko.
Magugulat na lang ako kasi may nambabato na ng mga wasted product sa akin na siyang pinag pasalamatan ko na hindi pa naman nangyayari.
“Alam mo Troy? Napaka-mo kapag may nakarinig saiyo na sinabihan mo ng ganyan si Ryan tiyak na ako ang malalagot. Keso tinuturuan o bad influence ako sayo.”
Tumawa naman ito saka ginulo ang buhok ko na magulong-magulo dahil sa hangin na tumatama sa akin.
“Tawagin mo lang pangalan ko. Pangako, pupunta ako para maprotektahan ka at handa maging shield mo. Syempre, pwede ring tawagin mo akong superman and I will always be there for you.”
“Always be there. Ang sarap pakinggan.” Ngumisi ako. “Salamat Troy ha? Kahit na inaaway at iniwasan kita ng walang rason nandito ka lagi sa tabi ko. Salamat talaga.”
“So, you’re avoiding me?” Umiling-iling ito. “Bakit kasi iniiwasan mo ako? Nanghingi lang naman ako ng regalo nung isang taon ah.”
Napayuko ulit ako saka nilaro ang mga daliri ko at kinagat ng mariin ang mga labi ko. Hindi niya dapat malaman na dahil sa kanya ay kinompronta ako ni Ryan. Hindi naman sa selfish ako pero ayokong masira si Ryan kay Troy.
“Trip ko lang, syempre nakakasawa kaya iyang itsura at kakulitan mo. You gave me some of wrinkles you know?” Ani ko sabay hilot sa noo ko para ipakitang stress na stress ako.
“Eh? Ako ba iyong dahilan kung bakit ka nagkaroon ng wrinkles? I thought you have it when you are in fetus.” Anito na tuwang tuwa pa.
“Ab-oh geez! Nakalimutan kong pinapatawag pala ako ni ms. Cruz!”
Tumawa naman ito ng malaka. “Wrong timing ba iyong pag-uusap na ito? Kasi para sa akin it is not.”
“Para sayo! Hay naku! Dyan ka na nga!” Ani ko habang tumatakbo palayo dito.
Ah, it feels good when your best buddies approach and appreciate your efforts. Kung pwede lang talaga na si Troy-
Ngumiti ako saka huminto sa pagtakbo. “Why not give him a chance, di ba?”

Komento sa Aklat (319)

  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    nice story 😊

    1d

      0
  • avatar
    ト FAIRONIE

    good

    13d

      0
  • avatar
    Khloe Judea Gonzal

    good

    16d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata