logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

Back to present na tayo.
Isang umaga na naman ang dumating. Kailangan kong pumasok nang maaga sa aming School upang magresearch ng topic for my History class. May reporting kami about sa iba't ibang bansa sa mundo. Bawat Student ay magrereport ng isang bansa na naka assign sa kanya. Jordan ang bansang napunta sa akin. Kaya kailangan kong pumunta sa aming Library para makapagresearch of anything about Jordan. Kailangan kong mag allocate ng oras bago ang pasukan para sa reporting ko.
Maagang pumapasok si Mama sa opis nila. Nagluluto na ito ng almusal pagkagising niya. Nagbabaon rin kasi siya sa trabaho at nag-aalmusal sa Bahay. Iiwan nito lagi ang baon kong pera sa ibabaw ng telebisyon. Ako naman, pagkagising ko ay maglilinis ng Bahay. Iyan ang task ko for weekdays. Kasama diyan ang dalawang Kuwarto namin ni Mama, ang Sala, ang Kainan at Banyo. Kaya madalas 2 hours before ako pumasok ang aking gising. Kapag maaga nakauwi si Mama galing trabaho, siya na ang nagluluto ng hapunan. Medyo gabi na rin kasi ang uwi ko galing School. Madalas ay 6:30 or 6:45 na ako nakakauwi sa Bahay. Kapag nangyari iyon, bumibili na lang si Mama ng ulam sa karinterya. Magsasaing na lang ako pag-uwi ko para mainit ang kanin.
Hindi pa kasi ako magaling magluto. Oo, may alam akong ilang putahe pero hindi naman puwedeng ganoon lagi ang luto ko. Kaya kapag may oras si Mama ay nagluluto na ito ng ulam sa umaga pa lang. Iinitin na lang sa gabi o bibili kaming lutong ulam sa Karinderya. Kaya naman kapag may oras ako o kaya sa weekends, inaaral ko talaga magluto para mas makatulong kay Mama. Para kapag kakain kami ay lutong bahay at fresh. Alam ko rin kasing pagod na siya kaka-usap sa mga Clients niya sa mga binebenta niyang Bahay at Lupa. Kaya gusto ko mabawasan rin ang mga iniisip ni Mama sa gawaing bahay.
12:15pm to 6:15pm ang class hours ko from Monday till Friday. Every Tuesday naman ay may P.E class ako around 7am till 10am. Isama mo pa ang C.A.T every Saturday morning. Mas maraming activity talaga kaming mga graduating Students kesa sa lower level. This morning papasok ako nang 11am, to have 1 extra hour going to the Library for my History class reporting. Kailangan kong pang maglakad palabas nang Subdivision para yung ipambabayad ko sa Tribike ay mapunta na lang sa saving ko. May pinag-iipunan kasi ako, kaya todo tipid ako sa baon ko. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin mula sa gate ng Subdivision. Kaya keri lang maglakad palabas ng Subdivision. Around 10 minutes lang, mararating ko na ang labasa. Chaka naman ako sasakay ng Jeep going sa School. Along the highway ang School namin. Kaya may total of dalawang sakay ako if hindi ako maglalakad para makarating sa School namin.
Okay naman ang status namin ni Mama sa buhay. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman kami naghihirap. Sakto lang. Super sakto to live ng maayos sa mundo. Still, matipid pa rin ang Mama. Isa yan sa mga unique characteristic niya. Madiskarte siya sa buhay at masinop sa pera. Hindi naman linggo-linggo kung makabenta ang Mama ng bahay at lupa. Kaya sinisigurado niyang may saving kami lagi. Para sa mga panahon na wala siyang benta, may madudukot kami.
Tignan mo nga! Nakakapag-aral ako sa isa sa malaking School sa lugar namin and private pa ito. Dito rin nakapagtapos ang Mama nang High School. Ganoon katagal na ang School namin. First batch of graduates sila Mama. Kaya todo push din siya na maka graduate ako sa Roosvelt College, sa kanyang alma mater. Yun nga lang, hindi lahat ng hinihiling ko kay Mama ay ibibigay niya. She will provide the needs of me. Pero para sa mga wants ko, kailangan kong magsumikap and to have good grades para mapagbigyan niya. Kaya nga ako nag-iipon, para kapag may gusto akong bilhin ay hindi na ako hihingi kay Mama.
Super strict pa ni Mama. No Jowa hanggang hindi nakakatapos ng pag-aaral. Bahay, School, Bahay ang peg ko sa weekdays. And sa weekends naman, taong bahay tayo. Sometimes, pinapayagan niya akong mag Mall or pumunta sa Park kasama ang mga kaibigan ko. Pero may rules ito. Kailangan akong ipaalam kay Mama ng mga kaibigan ko. As in pumunta sa Bahay namin at ipaalam ako kay Mama in person. Need rin nila explain kung saan kami pupunta at sinu-sino ang kasama at anung oras ang uwi. Kahit sa pag-uwi ko, kailangan nila akong ihatid sa Bahay since sila rin naman daw ang nagpaalam kay Mama. Ang laging sinasabi ni Mama ay ginagawa niya ito para protektahan ako. Minsan lang nakakasakal na.
Diba? Super strict ni Mama. Dati kasi kay Tita Lita ako nagpapaalam or nagsasabi ng mga bagay-bagay. Maluwag ang Tita at kapag late pa nga ako minsan, napagtatakpan ni Tita ako kay Mama. Since wala na ang Tita, nagstep in na si Mama sa pagbabantay sa akin. Alam ko naman na worried lang siya sa mga lakad ko or sa welfare ko. Pero minsan O.A. na siya. Parang walang tiwala sa akin. One more thing. Sa buong klase namin, ako na lang ang walang cellphone. AKO NA LANG ANG WALANG CELLPHONE. My gosh.
Ang Mama may cellphone at may landline din kami sa Bahay. Kailangan kasi niya ito para sa trabaho niya. Pero lahat ng Students sa School namin ay may cellphone na. Nagsabi na ako sa kanya na ibili ako para naman madali niya akong macontact kapag nasa labas ako. Kaso sabi ng Mama, masyado pa daw akong bata para magkaroon ng cellphone. As in, sabi niya ay bata pa ako for cellphone. Hello, graduating Student in High School bata pa. Isa lang din itong wants ng mga kabataan at hindi needs. May landline naman daw para gamitin incase na may kailangan akong tawagan. Pero may limit rin ang landline. For important use only. Bawal ang telebabad.
Kung kailangan ko makipag-usap sa mga kaibigan ko, ang landline ang gagamitin. Na hindi rin puwedeng telebabad. Dahil anytime maaaring may tumawag na client ang Mama para sa trabaho niya. Kaya nga nag-iipon ako ng pera pambili ng cellphone. Ako na lang ang bibili para sa sarili ko. Naglalakad na lang ako palabas o kaya papasok ng Subdivision namin. Para makatipid at makabili ng cellphone kahit na second hand man lang o kaya china phone. Keri na yun.
Anything na pasok sa "wants" box ni Mama, kailangan kong iproved sa kanya na karapat-dapat akong magkaroon nito. Pero kung ako naman ang bibili nito para sa sarili ko mula sa allowance ko o kaya sa savings ko, papayag naman siya. Talagang strict siya sa pera. Wala akong dapat iworried sa mga bagay na pasok sa "needs" box. She will give it all. Pero anything na kapritcho for her, kailangan kong pagsumikapan para magkaroon ako. Katulad ng walkman ko. Ipon ko ang pinambili ko dito. And ngayon naman cellphone ang pinag-iipunan ko.

Komento sa Aklat (44)

  • avatar
    Christian Pejas

    nakaka tuwa na nakaka iyak Basta nag enjoy ako sa pag babasa salamat ❤️

    06/08

      0
  • avatar
    SilvaAlexander

    550

    02/08

      0
  • avatar
    Radzmir Pinagal

    what

    24/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata