logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 5: THE NEW MUSICAL HAS ARISE

CHAPTER 5: THE NEW MUSICAL HAS ARISE
Inalalayan ni Dree si Nic papasok sa sasakyan matapos ang inuman nila. Siya na rin ang nagmaneho dahil ano ba naman ang maaasahan niya kay Nic sa lagay niya, na ngayon ay mahimbing na natutulog sa likod nang driver's seat.
"De-dree? Sa'n ta-yo?" mahina at utol-utol na saad ni Nic habang nakahiga sa likod.
Kunot-noo niyang tinignan si Nic, "We're going home."
"Ba-bakit ta-tapos na ba ang inuman?" bahagya pang minulat ni Nic ang kanyang mga mata at bumalik ulit sa pagkakahiga.
Napangiti si Dree, "Hindi ka naman uuwi, kung hindi pa tapos. Just shut up there."
Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa bahay ni Nic. Bumaba ako at binuksan ang pinto sa likod, "Nic, wake up," paggising ni Dree
Nang magka-isip na ay inalalayan siya ni Dree papalabas nang kotse, "You no-know what, Dree, you sho-should find a girl-girl friend," aniya.
"Bukas na bukas hahanap ako," natatawang sagot ni Dree.
Nang biglang
"Fu*k, Nic!!!! Lagot ka sa'kin bukas!" salubong na kilay na saad niya, matapos sukahan ni Nic.
Binaling ni Dree ang tingin sa bahay ni Nic, "Tulog na yata," mahinang saad niya.
Lumapit sila sa pinto at pinukaw ang kapatid ni Nic, "Tao po? Ms. Nicole?" saad niya.
Walang sumagot, "Ms. Nicole? Tao po, Ms. Nicole?"
Papaalis na sana si Dree para iuwi na lang si Nic sa bahay nila. Nang napatigil siya at napalingon sa bahay ni Nic nang may magsalita, "Iuwi mo na 'yan. Sayo na 'yan!" sigaw ni Ms. Nicole at saka binuksan ang pinto. Naka-pajama na ito at mukhang nagising niya pa yata.
"Saan naman 'yan galing?" seryosong saad niya na naka-cross arm pa.
"Ah, sa Frinsvelt village po, sa bahay ni Ray," maamong sagot ni Dree.
Pinagmasdan niya pa si Nic, "Sige. Pakipasok na lang sa loob."
Bago si Dree umuwi ay nagpaalam muna siya kay Ms. Nicole, "Mauna na rin po ako."
"Dree, salamat!" aniya.
Pagtalikod ni Dree sa kanya ay nakahinga siya nang maluwag, masyadong seryoso at napaka-ate ang itsura ni Ms. Nicole kay Nic. Pumasok siya sa kotse at saka naghanap nang wipes para ipampunas sa suka ni Nic. Kinuha niya ang kit na nasa likod nang sasakyan at buti na lang ay may wet wipes with alcohol.Tinignan niya ang kanyang relo at 9:30 na.
10 minutes after
Pagdating niya sa gate nang bahay ay pinagbuksan siya ng isa sa mga maid nila. Pinark niya sa grahe ang kotse at pinagmasdan ang itim na kotse na sana tabi nang kotse niya at napabuntong hininga.
"Ah manang, is dad here?" tanong niya kay manang Elizabeth. Isa sa mga kasambahay nila.
"Nasa loob na siya, iho. Kanina pa dumating," sagot ng maid.
Ngumiti siya, "Thank you po, manang!"
Umalis din si manang Elizabeth at sa likod na dumaan. Bago siya pumasok sa loob nang bahay ay nag buntong hininga na siya sa kung ano mang sitwasyon ang masasaksihan niya pagpasok niya nang bahay.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya sina Mr. and Mrs. Reyes na nasa sala at nag-uusap. Nag-beso siya sa kanilang dalawa, aalis na rin sana siya para makapagpahinga, nang magsalita si Mr. Reyes, "Where did you go?" seryosong saad niya.
"Frinsvelt village, at Ray's house. We just hang out," sagot ni Dree.
Napatayo si Mr. Reyes habang naka sentro pa rin kay Dree ang tingin niya,"Hang out? Did you ever think that there are much important things to do rather than hanging out?!" malakas na saad niya.
"Hon, please. Your son need to rest," saad ni Mrs. Reyes na nasa tabi ni Dree.
"Dad, it's just Ray and Nic," sagot niya.
"Well I don't care, of who the hell they are!" malakas na saad ni Mr. Reyes na nagpa-echo sa buong bahay.
"Andrei, did you ever think that those time you spent with your friends are less valuable than you practise?! And even have to missed your class for half day?!" dag-dag pa niya.
Hindi na si Dree nagtaka, he knows everything about him. Mr. Reyes is the conductor in Ford Academy at Professor sa Music and Arts. Gusto niya na sundin ni Dree ang yapak niya bilang isang musikero, kaya naman, walang sinasayang na oras para mag-practise. He is callous and narcissistic.
"I just know!" naka-cross arm na saad niya.
"Maging responsable ka naman, Andrei! Please do value your time, ni hindi mo na nga kailangang magtrabaho, all I need you to do is to practise. 'Yun lang hindi mo pa magawa nang maayos!!!" magkasalubong ang kilay na saad niya.
Hindi na si Dree sumagot, and just that, comparing, belittle and blaming. Sanay na siya sa ganitong klaseng pag-uusap.
"Wala kang—" putol na saad ni Mr. Reyes.
"What?!" agad na sagot ni Dree.
"Go to your room!" pagsenyas niya pa nang kamay niya.
Habang paakyat si Dree ay rinig na rinig niya pa ang sabi ni Mr. Reyes in front of his Mom, "I never expected to have a son like him!" nakahawak sa bewang ang kamay niya.
Matagal nang tanggap ni Dree na wala siyang kwentang anak. Despite of what they have right now: the big house, clothes, foods and bunch of money, they can't deny the fact that their family is still broken. Walang pagmamahal, puro na lang ambisyon ang inaalala. Na kailangan maging musikero din sila, na kailangan maghirap sila sa lahat nang gagawin nila, dahil 'yun ang nakatatak sa isip ni Mr. Reyes, kahit na they both know na ayaw ni Dree gawin ang gusto niya.
———
ADELAIDE'S POV
Halos three days na rin ,since Ray and I met at that locker incident. Unang kita ko pa lang sa kanya ay hindi ko nakilala that he's Ray, ang laki kasi nang pinagbago niya. The posture, the skin and the face, well, he's more handsome now, compare to the past 15 years. Ang ganda nang katawan niya, he's fit and those sweet smiles really set my eyes.
Nang makapasok ako sa loob nang campus ay halos wala pang tao dahil nga alas siyete pa lang nang umaga. Kaya dumiretso na ako sa room namin sa second floor nang media department. Kinuha ko ang notes ko at sinamantala ang oras para pag-aralan ang mga lessons that I missed. Ilang saglit ay dumating din si prof. King.
"Good morning, prof," bati ko sa kanya.
"Good morning din, Ms. Manzano. Napaaga ka yata ah," aniya habang nilalagay sa lamesa ang mga gamit niya.
Napalingon ako sa direksiyon niya, "I just woke up early, prof. So, maybe that's the reason," pabiro kong sagot.
"Bakit pa nga ba ako magtataka? Since first year ka ay maaga kana talagang pumapasok," saad ni prof. habang nakatuon ang tingin sa kanyang laptop.
Ngumiti lang ako at ibinaling ang atensyon ko sa notes. Kalahating minuto ang nakalipas ay nagsidatingan na rin ang mga classmates ko.
Nang biglang nagtaas nang kamay si Millie.
"Yes, Ms. Valencia?" Pagtawag sa kanya ni prof na nasa gitna na.
"Ah prof, before we start. Why is it that you look young kahit na alam mo na, tumatanda na tayo?" walang preno na saad ni Millie habang nakatingin sa buong mukha ni prof.
Napatingin ang buong tao sa kaniya,"Huy Millie, maghinay-hinay ka nga. Konting preno naman," seryosong saad ni Brayle.
"Mahiya ka nga, Millie," saad naman ni Gyle.
"It's okay class. Going back to your question, Ms. Valencia. The possible answer is, it's in the genes," nakangiting sagot ni Prof.
"I have an half blood, my dad is pure Filipino and my mom is a Spanish," dag-dag pa ni prof.
"So now, you all know. I'm hoping that I answered your question, Ms. Valencia," sabay ngiti ni prof.
Habang nagdi-discuss si Prof ay hindi ko maiwasan na mapatingala sa orasan dahil baka late naman kaming i-dismissed, but thankfully ay nasa oras naman. Matapos niya kaming i-dismissed ay dumiretso na ako sa canteen para bumili nang pagkain bago pumasok sa next class. Bihira lang na makakapasok ako na sunod-sunod sa klase. Sa isang taon yata five times lang ako nakakapasok na sunod-sunod, depende sa semester. Kaya sasamantalahin ko na muna ang oras na 'to para makapaghabol sa lessons.
"May na sa canteen pa ba?" pabirong tanong ni prof. Acuna. Professor namin sa production. Siya yung professor na kaibigan ng lahat, nakikisabay sa mga estudyante pero professional na once nasa loob nang room.
"Wala na po," sagot ni Gyle.
"Good. Diretsuhin niyo na kasi ako na pupunta kayong canteen, 'wag 'yung idadahilan niyo pa ang cr," pabirong saad ni prof. habang inaasikaso ang lesson namin.
Ilang saglit pa, "Good day,students, " bati niya saamin.
"Good day, professor. Acuna," sagot ng lahat.
"We are now on half of our lesson. So now, lets study—" putol na saad ni Prof. nang may biglang kumatok sa pinto.
Nabaling lahat ang atensyon namin sa pinto kung saan nakatayo si Frey. Nagsalubong ang kilay ni prof na tumingin kay Frey, "Yes?!" seryosong tanong niya.
"Ah, hihiramin po sana ni Ms. Eysi si Adelaide, urgent lang po," mahinang saad ni Frey.
Tinignan ako ni prof, "Pa'no kung ayaw ko?"
Tinignan naman ako ni Frey, "Ah sasabihin ko na lang po kay Ms. Eysi."
"Thank you po," dag-dag pa ni Frey. Aalis na rin siya sana nang magsalita si prof.
"Ms. Manzano, tawag ka na naman!" malakas na saad ni prof, kaya napatigil sa paglakakad si Frey at bumalik sa pinto.
"Can I go, prof?" maamong tanong ko sa kanya.
"Do I have any choice?" sarkastikong saad niya.
Niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo, "Thank you, prof," nakangiting saad ko sa kanya.
"Ms. Manzano? Kailan naman 'to matatapos?" iritang saad ni prof. bago ako umalis.
"In four months prof," saad ko. At saka sumama kay Frey na naghihintay sa pinto.
"Thank you—" putol na saad ni Frey dahil hindi alam kung sinong professor ang kausap niya.
Tumingin siya sa'kin. Nag eye-roll ako at binanggit sa hangin ang apelyido ni prof, "A-cu-na," walang tunog na saad ko.
Ngumiti sa'kin si Frey, "Thank you, professor. Acuna!" nakangiting saad ni Frey.
"Umalis na kayo at baka mag-iba pa ang isip ko," sagot niya.
Habang naglakakad kami papunta sa theater room, "Is that your professor that you're talking about na mabait? Parang 'di naman," he said na nakakunot-noo.
"Yup," sagot ko.
"Gano'n lang talaga 'yun. Hindi kana nasanay," dag-dag ko pa.
"Give me your schedule, para alam ko kung sinong Professor mo once sumundo ako," sabay lahad niya ng kanyang palad.
"Kailangan pa ba? I'll email you na lang," sagot ko.
"Masanay kana kasi. But I'll tell you, mabait 'yung si prof. Acuna," I'm trying to convince him.
Napakunot-noo siyang tumingin sakin, "I disagree."
Nasa hallway na kami ngayon papunta sa theater room, "By the way, you said urgent. Anong meron? Nasabi ba sayo ni Ms. Eysi?" tanong ko sa kanya.
"Nope. Wala siyang binaggit sa'kin. The only thing she said ay sunduin ka," sagot niya.
"I hope, its a good news," mahinang saad ko.
Pagpasok namin sa theater room ay bumungad saamin ang mga kasama namin na nagtitipon sa ibabaw ng stage. Kompleto din ang buong team, I don't know kong ano ang urgent na sasabihin ni Ms. Eysi. Dali-dali kaming pumwesto ni Frey sa center stage kasama ang iba. Ilang saglit pa ay pumunta sa gitna si Ms. Eysi na may dalang microphone.
"Mic test.... Mic test," saad ni Ms. Eysi.
"So, good day, Creatives. I have something to tell you," pabitin ni Ms. Eysi. Na mas lalong nagpakaba saaming lahat.
"What's with your faces? Its not a bad news, perhaps its a good news," nakangiting saad niya.
"You ready?" nakangiting tanong ni Ms. Eysi.
"We are!!!" malakas na sigaw ng lahat.
"Its been three days no'ng sinabi ko sa inyo na wala pang schedule nang next show. But now, makakabalik na kayo. The curtain rises for every Creatives. We have an upcoming show this coming December, so basically may two months pa tayo to prepare. All of the five schools ay bibisita saatin and present their own show. The team decided to play Hamilton, I know familiar na kayo diyan, but I'm sorry pero nalaman namin na may gagawa na. So we do, Disney presents: Creatives: Lead the way. Where the five school's will emerged to us and showcase their talents," masayang saad ni Ms. Eysi.
Naghiyawan ang buong team sabay yakap sa isat-isa. It is a moment of joy for all of us, pati buong team ay napangiti habang pinagmamasdan kaming lahat na nasa centerstage.
Hindi na rin kami nakapasok at nanatili na lang sa theater nang half day. Inabot kami nang gabi dahil initially na plinano ng buong team ang gagawin for the said event. Gabi na nang lumabas kami sa theater para makauwi. Nakayuko ako na lumabas sa gate, nang biglang napatigil ako nang makita na may sapatos na nasa harapan ko at hinaharangan ako sa paglalakad.
———
Dumaan si Ray sa hospital hindi kalayuan sa Ford Academy para magpa-check up kung pwede nang tanggalin ang kanyang benda sa kamay, "Doc, pwede na po bang tanggalin ang benda?" tanong niya sa Doctor nang nasa loob na nang clinic.
"Let me see," sagot ng Doctor.
"How long you have this?" tanong ng Doctor.
"Ah, a week," aniya.
Lumapit ang Doctor sa kanya at unti-unting tinanggal ang benda, "Let's unwrapped your arm," nakangiting saad ng Doctor.
Matapos matanggal ang benda ay nagtanong ang Doctor sa kanya, "How was it?"
"It's fine, doc. No more pain," nakangiting sagot ni Ray.
"Thank you, doc," dag-dag pa niya.
"You're welcome, Mr. Warren," nakangiting sagot ng Doctor.
Lumabas si Ray nang clinic ng Doctor niya nang maalala si Mr. Cruz, "Mr. Cruz is here," mahinang saad niya.
Pumunta siya sa counter, "Nurse, Mr. Cruz please," aniya.
Chineck ng Nurse ang kanyang lista, "Room 20 second floor," sagot ng Nurse.
"Thank you," aniya.
Pagdating sa room 20 ay nakita niya si Mr. Cruz na halos may benda ang lahat nang katawan. Papasok na siya sana nang biglang may lumabas na babae galing sa cr at umupo sa tabi ni Mr. Cruz.
Kunot-noo na nakatingin sa kanila si Ray, gusto niyang malaman kung sino ang babae kaya naghintay siya nang ilang minuto. I-aalis na sana ng babae ang kanyang mask nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napatingin sa kanya ang babae, at tumakbo na rin siya papalabas nang hospital.
Sinagot niya ang kanyang cellphone, "Ray, where are you. Male-late kana," saad ni Dree.
"I'm on my way," sagot niya.
"Where are you? Bakit parang hinihingal ka?" tanong ni Dree.
"I'm in the hospital, nagpatanggal nang benda sa kamay," aniya.
"Bakit hinihingal ka?"
"Okay, I'm on my way," aniya.
Pagdating sa Ford Academy ay napatakbo si Ray papunta sa room nila, "Nandito na ba si prof. Dela Peña?" tanong niya habang hinihingal.
"Hindi pa nga. Anong oras na," sagot ni Dree.
"30 minutes nang late si prof," sagot ni Nic.
"Ilang araw na siyang ganyan. Mga ilang araw na rin na hindi siya nakakapag-lesson," saad ni Dree.
"Since that accident happened ay madalas na hindi na pumapasok si prof," dag-dag pa ni Dree.
"Dree, may alam ka ba? Since, professor si Mr. Reyes," tanong ni Nic.
"Of course not," salubong na kilay na sagot niya.
Napatingin silang dalawa kay Ray na natulala. Nic, snap his fingers, "Ray, anong nangyari sayo?" tanong ni Nic.
"Nothing," mahinang sagot niya.
Tumingin siya kina Dree at Nic, "I guess, alam ko kung bakit," aniya.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    AlexXanderaroso

    yo it's nice

    24d

      0
  • avatar
    Kim Ashley

    goods

    24d

      0
  • avatar
    JulianoCaiden

    good story

    17/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata