logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 3

Hawak
Katatapos lang namin ngayon. Alas- nueve na nang gabi. Ikatlong araw ko na pala ngayon dito sa Café. Napaupong nag-iinat-inat ako sa isang upuan malapit sa counter. Talagang nakakapagod pero worth it.
Maging sina Dan at ang iba pa ay umupo muna saglit marahil ay sa pagod rin. Talagang marami ang naging costumer namin ngayon at hindi iyon nababawasan sa bawat araw na dumating.
Parehong napukaw kami sa pagpalakpak ni Boss Raff. Maging siya ay napagod rin dahil hindi lang siya ang may- ari nitong Café, Manager rin siya.
Ang sabi nga ni Eron ay may Manager talaga. Kaso hindi na nito nasabi kung bakit ngayon ay wala na dahil tinawag nun ni Rin ang kasama. Isa rin sa nagtitimpla si Boss Raff. Ang karamihan sa mga kapeng nasa menu ay gawa niya.
Nakakamangha...
"Alright ladies and gentlemen,  good work for today. Ako na ang bahalang magsara nang Café. For sure, may mga duty pa kayo."
Agad na sumipol si Dan kay Boss Raff.
"Nice, Boss thank you!"
"Sure ka Boss? May time pa naman kami." Ani Eron na nagtatanggal ng kanyang apron.
"Ako may night-duty pa sa Hospital, eh." Si Aizen na nauna nang pumasok sa Dressing Room. 
"I can help, Boss. I still have time." Ani Rin na ngayon ay nag-aayos nang natirang cake sa Display. "You also drained your energy."
Umiling naman si Boss Raff. "Don't worry, I can handle myself, Rin. Madali lang naman ang pagsasara nang Café."
"But Boss---"
"Rin, let's go. May gagawin pa tayong project proposal sa Research." Pagputol ni Dan rito.
College students na sila, Engineering course at mag-classmate. Pareho silang scholar sa University of Sto. Tomas. Pareho silang apat na part-timer. Depende rin sa araw kung anong oras sila papasok sa Café.
Sinamaan naman ng tingin ni Rin si Dan na nagkibit-balikat lang.
"Go on, ako na ang bahala dito." Ani Boss Raff.
"Thank you, Boss! Bawi na lang kami kapag hindi na busy sa Research." Ani Dan. Tumayo na ito at pumasok na sa Dressing Room para sa lalaki.
Mukhang wala namang magagawa si Rin kaya sumunod nalang siya. Pero bago pa siya makapasok sa Dressing Room ay sumulyap ito sa akin.
Nakaramdam naman ako ng tensyon sa tingin niya. Tingin na nanunuri.
Guni-guni ko lang ba 'yon? Parang inirapan niya ako bago siya pumasok sa Dressing Room.
Sunod namang pumasok si Eron. Nagsabi na rin itong babawi na lang siya sa susunod.
"Lys, mauna ka na muna sa apartment natin ah? May night duty pa kasi ako ngayon sa Hospital eh..." wika ni Aizen nang makalabas na siya.
Isa siyang Nurse sa Phillipine General Hospital kaya ngayon ay todo nagmamadali siya. Nakapagpalit na rin siya nang damit.
"Okay, ingat ha?" Sabi ko sa kanya. Bumeso naman siya sa akin. "Nga pala? Magluluto nalang ako nang escabeche mamaya." Favorite niya kasi 'yun.
Naging magkaroom-mate kami dahil sa kanya. Siya na muna ang nagbayad ng upa para sa apartment at dahil wala rin siyang kasama kaya pinilit talaga niya ako. Eksakto rin naman ay wala pa akong nakikitang apartment.
Nasabi ko nalang nung mga oras na 'yon na isa siyang hulog ng langit.
Okay lang naman sa akin. Dapat nga babayaran ko nalang siya pero ang sabi niya sa susunod na buwan na lang. Ang kaso'y nahihiya ako kaya ang sinabi na lang niya ay ako nalang ang magluluto ng ulam, sawa na kasi daw siya sa Cup noodles at karinderya.
Namimiss na daw niya ang lutong-bahay kaya ang sabi ko ay mas lalong okay dahil iyon ang kinahihiligan ko ang magluto.
Nakita kong sumaya pa si Aizen sa sinabi ko. Take note, ayaw na ayaw niyang tawagin ko siyang ate dahil feeling niya mas lalo siyang tumatanda.
Gayundin ang iba ayaw nilang matawag na Kuya dahil ang sabi nila?
May anak na ba ako para tawaging Kuya?
May puti na ba ako sa buhok?
Natawa na lang ako nun sa mga biro nila Dan at Eron. Tatawagin lang Kuya pero napunta na sa may anak na at Lolo na.
"Ay, bet ko yan! Wag mong tipirin ang sahog ha?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Opo, sige na po ate, male-late ka na sa Duty mo po.." pabirong inirapan niya pa ako. Tinawag ko kasi siyang ate.
"Hayy... tumatanda na ako..." pareho na lang kaming natawa. 23 years old pa lang naman siya. "Boss.. una na ako." Paalam niya kay Boss Raff.
Tumango naman si Boss saka tuluyan nang umalis si Aizen.
******
"Hindi ka pa ba uuwi?" Muling tanong ni Boss Raff sa akin.
Ako na ang nagvolunteer na tulungan siya sa pagsasara nitong Café. Nauna nang pumunta sa kani-kanilang duty sina Rin, Dan at Eron.
May time pa naman akong magluto at saka marami pang kailangang ayusin dito. Natapos na naming i-organize ang mga libro, lamesa at upuan.
"Kapag natapos natin 'to Boss. Nakakahiya naman na ikaw lang ang gumagawa ne'to." Nailagay na namin ang board sa loob. Pag-off at pag-lock na lang ang kulang.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'to." Tumingin naman ito sa kanyang relo na nasa pulsuhan niya. "It's quarter to Ten pm. Gabi na, masyadong delikado sa daan."
Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi pa kasi ako sanay na hindi kasabay si Aizen pauwi. Ngayon lang kami na hindi nagkasabay kasi may duty pa ito. 
"Okay lang 'yan, Boss. Makakaya ko naman sigurong umuwi. Kabisado ko naman ang daan pauwi." Wika ko.
Na-off na niya ang ilaw at na-ilock na rin ang pinto ng Café. Bumaling naman si Boss Raff sa akin. Kita ko sa kanya na nag-aalala siya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalinlangan niya na hindi ko naman matukoy kung bakit.
Pareho kaming nasa labas ngayon ng Café. Medyo tahimik na rin ang paligid at paminsan-minsan na lang ang pagdaan ng mga sasakyan. Kapagkuwan ay kinuha niya mula sa bulsa ang car keys saka ni-on ang Kotse na naka-park sa labas ng Café.
Patingin-tingin siya sa paligid. Nakailang basa at kagat rin siya sa kanyang mapulang labi.
Hindi ba masusugatan ang labi niya sa pakagat-kagat niya?
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya.
"Sige, Boss. Una na ako." Paalam ko.
Subalit hindi pa man ako nakakahakbang ay agad na niyang hinawakan ang pulsuhan ko. Banayad at marahan lamang ang kanyang paghawak.
Ewan ko ba. Pero sa ganitong paghawak niya ay parang napapaso ako. Simpleng paglapat lang nang balat namin ay pwede nang matunaw ang pwedeng matunaw.
Baka pati puso ko ay matunaw.
Nang mapagtanto niya ang paghawak sa akin ay agad niya akong binitiwan na parang siya pa ang napaso.
Binasa ulit niya ang labi at kinagat bago siya nagsalita sa akin.
"You wanna ride? I'll usher you to your apartment. " Alok niya.
Agad akong tumanggi. "No, Boss, kahit hindi na.. kaya ko ang sarili ko."
'Yun kaya ang dahilan nang pag-aalinlangan niya?
"Marami pa naman ang tambay dito." Napabaling ako nang tingin sa kanya. "Marami na rin ang mga rapies dito... kawawa naman ang mga umuuwi na walang kasama."
Tinatakot ba niya ako? Nagpaparinig pa siya nang mga kwentong kesyo baka raw may mang-holdap sa akin. Hindi ko alam kung alam ba niya na gumagana ba ang mga sinasabi niya.
Pwes, gumana nga. Nag-alinlanganan tuloy akong umuwi ngayon.
"Ano? Sabay ka na?" Nakangisi niyang alok.
Hindi ko alam na medyo mahangin rin pala ang Boss namin. Mukhang wala na akong magagawa.
"Sige, Boss. Sasabay na lang ako." Napilitan na lang ako.
Tutal, mukhang tama naman siya. Masyadong delikado.
Mas lumawak pa ang pagngisi niya. "After you."
Nauna akong naglakad patungo sa kotse niya. Nasa likuran ko lang siya, nakasunod. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat saka sumakay.
Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pinto at muling pagbukas sa Driver's seat. Kaagad rin siyang sumakay at binuhay ang makina ng sasakyan.
Akmang ikakabit ko na ang seat-belt nang maunahan niya ako. Na-istatwa ako sa lapit ng mukha namin. Nalalanghap ko ang amoy mint na hininga niya.
Kung hindi lang siya natapos sa pagkakabit at bumalik sa kanyang pag-upo ay baka maubusan na ako nang hininga.
Baka ako'y makabitaw sa matinding kapit.
Matapos ay sinimulan na niyang paandarin at imaneho ang sasakyan. Tinanong na lang niya sa akin ang address  na ibinigay ko rin naman.
Tahimik lang ang biyahe. Walang nagsasalita. Isinandal ko na lang sa bintana ang sarili at iniwaliw ang mga mata sa tanawin sa labas.
Nakarating kami sa mismong tapat ng apartment. May gate at may maliit na pahingahan rin.
Nakababa na rin ako nang kanyang sasakyan at nagpasalamat. kala ko ay hindi na siya bababa pero muli na naman niyang hinawakan ang pulsuhan ko.
Napapaso na naman ako.
"May kailangan ka pa ba, Boss?" Tanong ko sa kanya.
Itinatago ko lang ang kaba ko dahil sa hawak niyang hindi pa rin nakabitaw.
Hinihintay ko ang sasabihin niya pero natahimik lang siya habang nakatiim na nakatingin sa akin. Titig na pwede akong parupukin.
"S- Sige, Boss una na ako. Salamat ulit sa paghahatid." Ako na ang unang nagpakawala sa hawak niya. Baka kasi hindi ko kayanin. Baka mas lalo akong malula "Goodnight."
Bumuka ang kaniyang labi ngunit itinikom nya rin ng huli. Nagpakawala siya nang mahabang hininga at hinirap ako nang kanyang ngiti. Ngiting parang pilit.
"Goodnight..."
Lumayo na siya saka sumakay ng sasakyan at pinaandar. Naiwan na lang akong nakatulala na naguguluhan habang nakikitang papalayo ang sasakyang lulan siya.

Komento sa Aklat (178)

  • avatar
    InesRhian

    thank you for your help me

    14h

      0
  • avatar
    Angelica Beo

    180.00

    12d

      0
  • avatar
    Arochajamila Farrahmae

    Maganda ang story

    19d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata