logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

The Rookie
"When you're down, someone will pulled you out to rise up."
Iyan ang unang tumatak sa utak ko simula nang mangyari ang hindi inaasahan. Kahit sa mundong puno ng mga taong mapagpanggap, mapaghusga ay meron pa palang may busilak na puso.
Minsan lamang na magkaroon ng uportunidad katulad na lamang nito. Suot ko ang uniform ng Bitter and Sweet Café. Kulay dirty brown ang long-sleeve polo samantalang dark brown naman ang vest at Ribbon. Gayundin ang kulay ng pang-ibaba, ang kaibahan nga lang ay slacks ang para sa lalaki at pencil skirt naman sa babae na hindi naman lalampas nang sobra sa tuhod. Hindi rin mawawala ang itim na apron na may logo ng Café sa harapan---isang kwago na nakadapo sa isang tasa ng kape.
Habang abala ako sa pagma-mop ng tiles na sahig ng Café ay hindi ko mapigilang hindi humanga kay Sir. Raff. Bukod sa siya ang nag-hired sa akin dito, tinulungan niya ako pagdating sa pansamantalang tirahan ko.
Tinanong ko sa kanya kung bakit ganoon siya kabait? Bakit niya ako tinutulungan at bakit niya ginawa ang lahat nang ito. Ang sagot lang n'ya?
"The best way to live is to help those people who in needs." Kalmado lang niyang sabi. "Life is short. You have to do good deeds before you regret it." Dagdag pa nito.
Walang pag-aalinlangan niyang ipinahiram ang isang duplicate key ng Café, maging ang Dressing Room at CR para raw makapag-ayos at makapagpahinga ako.
Ako pa lang mag-isa at wala pa ang Staffs at ang Boss dito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa wakas ay may trabaho na ako.
Maya-maya ay tumunog ang bell kasabay nito ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang lalaking tumulong at nagbigay nang trabaho sa akin dito sa Café, si Boss Raffy Nuevo.
Pinasadahan niya ako nang tingin. Kapagkuwan ay bumungad ang mapuputing niyang ngipin nang ngumiti siya. Maganda at simpleng cream-colored polo shirt na nagpalabas ng ma-ugat at mamasel niyang mga braso,  at kahit maong pants lang ang suot niya ay hindi naman nabawasan ang angkin niyang kakisigan. May dala itong itim na backpack.
Simple pero nakakagwapo.
Lysa... Behave.
Tumigil siya sa harapan ko at binati ako. "Good morning, Lysa." Tiningnan niya ulit ako ngayon nang maiigi. "You look great in that uniform. It suits you."
Nilalabanan ko ang pagngiti. Mahigpit ang pagkapit ko sa handle ng mop.
Baka ako mahulog.
Maaliwalas ang baritonong boses nito. Ganoon rin ang kaniyang itsura. Maliban sa simple lamang niyang suot ay halata pang basa ang kanyang buhok at bagong gel.
"Good morning too, Boss... " Magaan kong tugon. "Hindi naman siguro, maganda lang talaga 'yung uniform ng Café..."
Muli na naman siyang ngumiti. Ganito ba talaga siya? Palaging ngumingiti?
Ingat Lysa, higpitan mo ang kapit.
Trabaho ang hanap mo. 
Lihim nalang akong napabuntong-hininga sa pagpapangaral sa sarili.
"So, your night in here was okay?" Tanong naman niya.
Agad naman akong tumango. "Maayos naman, salamat..."
"Good," hindi pa rin nawawala ang kaniyang ngiti na lalong nagpapalabas ng kanyang biloy sa kanang pisngi. "call me if you need help kung may costumer na. Maya-maya nandito na rin ang iba pang Staff."
"Yes, Boss."
Naglakad siya papunta sa opisina niya. 'Di sinasadyang malanghap ko ang natural na amoy at ng panlalaking pabango niya.
Mabango...
Kahit na nasa loob na siya ng kanyang opisina ay hindi pa rin nawawala ang mabangong amoy. Talaga bang nag-effort siyang pumunta dito? Hindi ko man lang malanghap ang amoy ng pawis o aircon ng kotse niya. (Kung may kotse?)
Iwinaksi ko na lang ang mga pumapasok sa utak ko. Hindi masyadong malusog lalo pa't bago pa lang ako dito. Kaya't ang ginawa ko'y ipinagpatuloy ko ang pag-ma-mop.
Matapos ay in-spray-an ko ng disinfectant ang bawat lamesa. Inayos ko rin sa bawat kategorya ang bawat libro sa bookshelves.
Nagdidilig naman ako sa munting halaman sa gilid nang tumunog ang bell at bumukas ang pinto ng Café. Tumambad sa akin ang mga nag-gagandahang dalawang kalalakihan at dalawa rin na kababaihan.
Akala ko ay mga costumer sila pero 'yun lang ang akala ko.
"Boss! Sorry, we're la---"
Hindi na natuloy ng isang lalaki na may brown ang buhok dahil para siyang nakakita nang bagong mukha. Agad nagkaroon ng gitla sa kanilang mga noo nang makita nila ako.
Bagong kasamahan, bagong mukha. Iyon siguro ang nasa isipan nila.
Kahit hinahalukay ang loob ko dahil sa kaba ay bumati ako sa kanila at nagpakilala.
"G-Good morning... I'm Lysa,  nice meeting you."
Inilapag ko muna ang gamit sa pagdidilig at pinunasan ang kamay sa dala kong panyo bago ko inilahad ang sariling kamay sa kanila. Hindi ko maiwasang mautal.
Ang lalaking matangkad na may beanie sa ulo ang unang tumanggap nang pakikipagkamay ko.
"Hi! My name is Dan. One of the waiter here." Nangingiti itong tinapik ako sa balikat. Energetic siya nararamdaman ko na. "So... you're the rookie?"
Mabagal na lang akong tumango.
Isa-isa naman niyang ipinakilala ang mga kasama. "That's Rin. She's the cake maker." Turo niya sa medyo kulot na buhok na may kulay pula sa dulo.
Bukod sa mga kape ay meron din kaming sine-serve na mini cakes, cakes at cupcakes 'yon ang sabi ni Boss Raff nang sinabi niya sa akin ang basics tungkol dito sa Café.
"This is Eron, the cleaning crew." Sabay hila niya sa lalaking kulay Brown ang buhok na nagsalita kanina.
Tipid lamang itong ngumiti.
"And that's---"
"Aizen." Pagpapatuloy ng babaeng nakabraid ang buhok.
Mestiza at balingkinitan ang katawan. Animo'y model na rumarampa dahil sa ganda at tangkad. Bigla ako nitong niyakap at nginitian ako nang malawak.
Napakamot nalang sa batok si Dan.
"Hi! Aizen Diego, one of the waitress here in Bitter and Sweet Café..." Hindi ko maiwasang mailang dahil sa accent niya. May lahi kaya siya? "How old are you?" Sandaling tanong nito.
"18..." sagot ko.
"Woah, you're...." Si Eron. Gumuhit sa mukha ang bahagyang pagkagulat.
Masama ba'ng magtrabaho ang isang 18 years old?
"Too young." Prenteng pagtatapos ni Rin.
Mukhang seryoso siya. Ni hindi man lang niya ako nginitian katulad ng iba pang mga kasama.
"She's not. She's in a legal age..." pumakling sabi ni Aizen.
Nabuga lang nang marahas na hininga ang babaeng nangangalang Rin. Kapagkuwan ay nauna itong naglakad at pumunta ng Dressing Room para sa mga babae, magpapalit siguro ng uniform.
Nakaramdam ako ng tensyon. Ayaw ba niya ako dito?
"Don't worry about her, she just had a bad morning earlier." Pag-aalo naman ni Dan. "Kung may kailangan ka pang malaman about dito sa Café, don't hesitate to ask our help."
"Yeah, bukod sa mga nakatalagang posisyon namin ay pwede kaming magpalit-palit ng mga gagawin depends on the situation." Ani Aizen. Mas magaan ang loob ko sa kanya. Tumango-tango naman ako.
"Well, except about the cake and pastries... Tanging si Rin lang ang may alam niyan.  About the coffee, me and Boss Raff will charge in that matter." Pagpapaliwanag pa ni Eron.
Wala akong magawa kundi sumang-ayon. Expert na sila pagdating dito kaya kailangan ko talagang tulungan ang sariling abutin ang makakaya nila.
Mahirap ang naiiwanan pagdating sa ganitong sitwasyon. Ang paghahanap-buhay hindi lang basta basic, hindi lang basta may alam ka, okay na 'yon. Hindi lang dapat nakadepende sa kasamahan mo kung ano ang mga dapat gagawin dahil una, ang sarili mo mismo ang 'yong makakapitan. Ang sarili mo lang ang makakatulong sa'yo.
Kapwa sila ngumiti sa akin at nagpaalam na magpapalit na nang uniform. Matapos ang ilang minuto ay naghanda na rin sila. Inumpisahan na nilang isulat ang menu at ilagay ang board sa labas ng Café para i-post ang tema ngayong araw.
At March ngayon, mga light coffee at cupcakes ang hinanda nila. Hindi ko naman firstime pagdating sa ganitong trabaho pero iba pa rin talaga kapag sa Maynila.
Maya-maya ay patuloy ang pagdating ng mga costumer. Si Dan sa Cashier, si Eron naman ang naglilinis nang mga kalat at pinagka-inan kapag wala na ang kostumer. Si Rin naman ang bahala sa mga cakes pero tumutulong rin siya kapag may nag-o-order.
Samantalang kaming dalawa naman ni Aizen ang bahala rin sa mga order.
Napasulyap naman ako sa Boss namin na nakatingin rin pala sa akin. Katulad ng magaang ambiance dito sa Café nahahalintulad ang ngiti niya tulad ngayon.
Lumabi sya at kahit hindi ko naririnig ay alam ko ang bawat salitang lumabas sa bibig niya.
'You okay?'
Sinagot ko siya nang pagngiti saka tumango.
"Lysa," napukaw ang isip ko sa tawag ni Dan. "2 Caramel de espresso sa Table 7." Instruction nito na agad ko ring sinunod.
Kinuha ko ang nasabing order sa counter saka maingat na inilapag sa Table 7 na may dalawang babaeng estudyante.
Binigyan ko sa kanila ang kanilang order saka ngumiti sa kanila. "Thank you for your order ma'am. Have a great day in our Bitter and Sweet Café."

Komento sa Aklat (178)

  • avatar
    InesRhian

    thank you for your help me

    20h

      0
  • avatar
    Angelica Beo

    180.00

    12d

      0
  • avatar
    Arochajamila Farrahmae

    Maganda ang story

    19d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata