logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

Chapter 1: Ang Bagyo
Nagsimula ang lahat sa isang panaginip. Panaginip na lagi akong dinadalaw simula noong bata pa lamang ako. Hindi ko matukoy kung ano ba ang dapat gawin sa mga oras na iyon. Wala pa ako sa wastong pag-iisip at tanging pag-iyak pa lamang ang alam kong gawin.
Pitong taong gulang ako nang magsimula siyang magpakita sa akin. Nagpatuloy iyon hanggang sa maglabing-isa ako. Walang naniniwala sa akin. Tinatawag nila akong baliw sa tuwing sinasabi kong totoo ang mga nakikita ko. Maging si nanay ay sinasabing baka dala lang daw iyon ng imahinasyon ko. Sana nga kathang-isip ko lang ang lahat.
Alam ko sa sarili kong totoo siya. Lagi ko siyang nakikitang nakatanaw sa akin mula sa isang puno. Tila nagmamasid ng patago. Hanggang sa bigla-bigla na lamang akong manghihina na para bang hinihigop niya ang lahat ng lakas na mayroon ako. Pero nagbago ang lahat nang isang araw.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mas lalo lang akong kabahan nang sumapit ang ika labing-dalawang taon ko dahil hindi ko na siya muling nakita pa.
Nakaramdam ako ng tuwa at kaba nang bigla na lamang siyang hindi nagpakita. Para akong nabunutan ng malaking tinik dahil sa pangyayaring iyon. At labis ko iyong pinagpapasalamat.
Lumipas pa ang apat na taon at hindi na nga siya nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero dapat matagal ko na siyang
nakalimutan. Pero hindi. Hanggang ngayon ay parang buhay na buhay pa rin siya sa isipan ko at patuloy akong pinagmamasdan sa malayo kung saan hindi ko siya nakikita.
Labing pitong taong gulang na ako ngayon. Pero pakiramdam ko kasama ko lang siya palagi.
Lagi akong nagtataka dahil parang may laging tumatawag sa akin. Sa pangalan ko, pero kapag hinahanap ko kung sino iyon ay wala naman. Marahil gawa na lamang sana ito ng aking imahinasyon.
"Lypse! Come on! I have something to show you!" Matinis na sigaw ni Desiree habang hinihila niya ako papunta sa table namin sa cafeteria.
Hindi na ako nagpumiglas at nagpahila na lang din ako sakaniya. Nang marating namin ang parang naging tambayan na namin dito sa cafeteria, ang mesa namin na parang nakareserve na talaga para sa amin ay nakita na namin na nakaupo roon ang iba pa naming mga kasama.
"Thalia! Kate!" Sigaw ni Desiree dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ng lahat.
Ibinagsak ko na ang bag ko sa upuan at humarap na sakanilang lahat.
"Busy ako kasi pinapatawag ako sa office tapos iniistorbo niyo ako."
Inirapan naman ako ni Thalia habang naglalagay siya ng liptint sa labi niya. "Mas importante pa yung sasabihin namin kesa sa sasabihin nila sayo sa office, duh."
Tumango naman si Kate habang inilalagay niya yung damit niya sa cheering sa kaniyang bag. "Pati ako inistorbo ng mga 'to e may practice pa kami."
Masama naman naming tinignan si Desiree habang nakangisi lang at busy sa pagtingin ng mga magazines na puro damit ang nakalagay.
Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng mga kaibigang ganito. Mga galante, maarte, sikat at masusungit. Basta bigla nalang nila akong nilapitan at niyayang kumain noon, four years ago.
Si Desiree, model siya ng mga products na galing sa business ng family niya. Napakaganda niya at ang hilig niya sa fashion. Mayaman sila at napakalakas ng dating niya.
Ang mahinhin namang si Thalia, mahilig siya sa make up at pagpapaganda. Congressman ang daddy niya at may sarili silang restaurant. At ang isa ko pang kaibigan na si Kate. Syempre mayaman din siya. Parehong negosyante ang mga magulang niya at mahilig siyang sumayaw. Cheerleader nga.
Halos lahat naman ng nag-aaral dito sa Forester University ay mayayaman. Nakapasok lang ako rito dahil may sumusuporta sa akin na scholarship. Dahil kung walang laman ang utak ko, hindi talaga rito ang bagsak ko.
Mahirap lang kami at wala akong maipagmamalaki kundi ang mga sandamakmak na medals at certificates ko lang. Ako ang kasalukuyang nangunguna sa klase at iyon pa lamang ang pinanghahawakan ko magmula nung bata ako. Kulang man sa pera, mayaman naman sa kaalaman.
"May sasabihin ka ba?" Tanong ulit ni Thalia.
Bigla namang napatayo si Desiree at dali-daling inilabas ang isang sobre sa sling bag niya.
Itinaas niya hawak at ngumiti.
"Nakatanggap ako ng invitation from our class president last year at nagpaplano silang magkaroon tayo ng trip bago matapos ang school year! Since hindi natin 'to nagawa last year, babawi raw tayo ngayon. Excited na ako!" Hagikgik pa niya.
Nagulat ako nang makipaghiyawan ang dalawa kong katabi.
"Talaga?"
hindi makapaniwalang wika ni Kate habang tinutupi ang skirt niya.
Napatango-tango si Thalia habang marahang inaayos ang kaniyang buhok. "Nakakaexcite naman..."
Nakangiti lang si Desiree, at mukhang alam ko na agad ang iniisip niya. Makakasama niya ang boyfriend niya sa trip na 'to nang hindi nalalaman ng parents niya. Hmm.
Napailing ako at ipinagpatuloy na lang ang pag-nguya. Wala akong masabi.
Tumikhim si Desiree, "Sama tayo, okay?"
Sumang-ayon sina Thalia at Kate habang ako, nakapalumbaba lang at nakatingin sakanilang mag usap-usap.
"Hindi ako sasama."
Isang napakasamang titig ang pinakawalan ng tatlo sa akin nang madinig ang sinabi ko.
"Lypse!" sabay-sabay nilang sigaw.
Umayos ako ng upo at bumuntong hininga, "Hindi ako papayagan ni nanay, at saka wala akong budget para sa mga ganyan," Sabi ko na lamang at tumayo na. "Mauna na muna ako sa office. Tas kailangan ko pang mag review para sa prelims mamaya.
Kita nalang tayo sa room."
Nagmadali na akong naglakad palayo at palabas ng cafeteria. Buhat-buhat ang bag, mga folders at mga reports na pinagawa sa akin ng team. Mahirap talaga maging officer. Maraming pinapagawa.
Habang naglalakad sa hallway ay napakaraming mga ka-batch ko ang bumabati sa akin. Yung iba totoong ngiti, Yung iba kunwari lang. Nginingitian ko na lang din sila pabalik dahil sila-sila rin ang bumoto sa akin para maging officer ako ng batch namin.
Pero syempre, hindi maiiwasan sa eskwelahan ang mga kontrabida.
Ang totoo niyan ay may kalaban talaga ako bilang nangunguna sa klase namin. Nataasan ko siya ng isang punto lang pero hindi siya pumayag. Gusto niya siya lang yung nasa una. Sinubukan
niya ngang bayaran na lang ako ng limang libo para lang ibigay sakaniya ang spot ko. Pero syempre hindi kami pumayag ni nanay. Sabi ni nanay roon sa kalaban ko, "Galingan mo nalang sa susunod hija. Yung tipong hindi mo na
kailangang bilhin yung grado mo."
Napahiya siya sa harap ng guro namin noon. At doon na niya sinimulang pahirapan ang buhay ko rito sa University. Lagi niya rin akong pinapahiya sa maraming tao. Matalino siya pero hindi niya ginagamit sa tamang paraan. Sikat siya sa University namin bilang bully at kinatatakutan siya ng marami. Kahit babae siya ay napakatapang niya. Hindi ko na nga lang siya pinapatulan at hinahayaan ko na lang. Para hindi na lumaki pa ang gulo.
Napahinga ako nang malalim nang bigla na ngang nagpakita ang laman ng isipan ko. Speaking of.
"Oh, it's you again!" Sarkastikong anas niya nang marating na niya ang harapan ko. "How are you? Lypse."
Mataman ko na lamang siyang tinignan at akmang lalampasan na siya ngunit hinarangan pa ako ng mga kasama niyang mukhang mga ligaw na langaw.
"Huwag mo akong talikuran dahil kinakausap pa kita, Miss rank one."
Nanatili na lamang akong nakayuko habang nagsimula na silang palibutan ako.
Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sakanila at bakit nila ako ginaganito.
Napaigtad ako nang biglang hilain ni Leticia ang kamay ko at itinulak dahilan para mapasandal ako sa pader. Nakuha namin ang atensyon ng mga estudyante dahil sa pangyayari. Hindi naman na ako gumawa pa ng ingay at hakbang dahil mas magkakagulo lang kung papalakihin ko pa.
"Look at this woman! Eto ba 'yung binoto niyo? Wala na ba talaga kayong taste? Mahirap 'to, mayaman ako! Mas maganda ako rito, bakit hindi niyo ako binoto--"
"Stop it, Leticia!"
Isang malakas na tinig ang umalingawngaw sa buong lugar. Iginalaw ko ang aking ulo at tinignan kung sino iyon. Tsk, bakit dumating pa siya? Mas lalo lang lalaki yung gulo.
"Z-Zoren..." Mahinang bulong ni Leticia. Dahan-dahan na siyang lumayo sa akin kasabay nang pakikiusisa na ng marami.
Tumalim ang titig sa amin ni Zoren habang nakakuyom ang mga kamao niya.
"What's happening?!" Pagalit na tanong ni Zoren kay Leticia.
Naiiling na napatampal na lang ako sa noo ko at inayos ang pagtayo.
Tinignan ko si Zoren, "Hindi niya ako tinulak. Natumba lang ako." Sabi ko na lang at tangkang aalis na sa harap nila pero bigla na naman akong hinawakan ni Zoren sa balikat.
"Lypse, nakita ko na--"
"Tama na." Pagputol ko sa sasabihin niya at nilisan na silang lahat.
Wala na akong balak pang palakihin yung nangyari dahil sanay na ako. Paulit-ulit nalang.
Dadating si Leticia tas ipapahiya ako at ayan na si Zoren para pagsabihan si Leticia tapos mauulit nanaman. Laging ganon. Nakakasawa na, paulit-ulit lang.
Alam ko na matagal na akong gusto ni Zoren, kasama ko siyang nanalo bilang representative ng batch namin at matagal na ring pinagpapantasyahan ni Leticia ang lalaking 'yon. Isa na rin siguro iyon sa mga dahilan kung bakit ganon nalang yung ugali sa akin ng babaeng iyon. Pero hindi ko gusto si Zoren. Oo, mabait siya at gusto siya ng marami pero hindi ako. Ewan ko kung bakit pero hindi talaga ako nagkakagusto sa isang lalaki magmula noong pumasok ako rito.
Agad na rin akong nakarating sa office at laking pagpapasalamat ko nang wala ang teacher namin. Kaya iniwan ko na lang yung mga dala ko sa mesa niya at nagmadali na ring umalis.
Kailangan ko pang magreview.
"Lypse!" Napapikit na uli ako nang marinig ang matinis na boses ni Desiree na papalapit sa akin. "Narinig ko yung nangyari sa inyo ni Leticia! Walang hiya talaga yung babaeng yon! She's so annoying!"
Nginitian ko siya at inilabas na ang notebook ko para magreview.
"Tsk!" Sumama ang tingin ko kay Kate nang bigla niyang hampasin yung notebook ko. "Bakit?"
Tumawa nang malakas si Kate. "No need to review! Papauwiin na raw tayo kasi may bagyo!"
Agad naman akong napatingala sa langit dahil sa sinabi niya.
Napansin kong nagsisilabasan na nga ang mga estudyante at umaandar na rin yung mga school bus para maghatid ng mga mag-aaral.
Dumidilim na rin ang paligid pati na ang mga ulap na nagbabadya sa malakas na pag-ulan. Nakadagdag pa ang pagkulog at kidlat kung kaya’t nagmamadali nang mag- sisakayan ang mga estudyante sa mga sasakyan.
"Ang lakas ng hangin," bulong ko dahil halos maputol na ang mga puno sa pagkampay dahil sa lakas ng pag-agos ng hangin sa mga ito. Maging ang mga dahon ay nalalagas na at nagsisihulugan na ang mga sanga.
"Come on! Ako na maghahatid sa inyo!" Anunsyo ni Kate na siyang may dalang kotse sa amin.
Nagpasya na kaming dumiretso sa parking lot kung nasaan ang kulay pink na kotse niya.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    MontallanaRizza

    😘😘😘

    8d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    jjxjfjfjferjjrjfjfnxndndjjdjfjjfjfjdjfnncncjdjej me and mama not sure if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺 djdhd

    19/07

      0
  • avatar
    PhoebeTheylove

    I have a tip bc it also gave me lol

    11/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata