Tatiana's POV. "Pamela..." parang nangilabot ako dahil sa narinig kong tawag sa 'kin ni Drystan! Nangingilid ang luha n'ya at malungkot ang mga mata n'ya. Agad ko naman s'yang nilapitan dahil konti nalang ay tutulo na ang luha n'ya. "D-drys" utal kong sabi at lumapit sakanya. Niyakap ko s'ya atsaka isinandal ang ulo n'ya sa may tyan ko. Nakaupo s'ya at nakatayo ako. Hindi ko alam pero nadadala ako sa emosyon n'ya. "H-h-hindi ko... p-pinatay si P-pamela" mahinang sabi n'ya, yung saktong ako lang makakarinig. Naawa ako sakanya nang yumakap ito pabalik atsaka palihim na nagpunas ng luha. Para s'yang bata na pinagalitan at nagsusumbong ngayon. Yumuko ako nang bahagya at bumulong sakanya. "Pag-usapan natin mamaya, kwentuhan mo 'ko ah?" mahinang sabi ko at agad naman s'yang tumango. Hindi ko alam pero naaawa ako sa kanya. Inalis ko na ang pagkakayakap ko at umupo sa tabi n'ya. Ngumiti pa ako sakanya bago ibinaling ang tingin sa iba. Wala akong balak makipagdaldalan ngayong vacant namin. Hindi ko alam pero napatingin ako bigla kay Ralph na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Siya naman magsusungit ngayon? Hindi ko na muling pinansin pa at tumingin ako kay John. "Tukmol" tawag ko sakanya at humarap naman s'ya. Ha! Halatang tukmol ngang talaga! "May sasabihin ka diba? Sabihin mo na" naiinip na sabi ko at lumapit naman siya. Ayun nanaman ang mga marites at bogart naming mga kaklase. "Hindi ba pwedeng sa labas?" tanong n'ya kaya naman sarkastiko akong ngumiti. "Bakit? Hindi pa ba sapat ang mga audience mo rito sa loob at balak mo pang ipagpalabas ang speech mo?" sarkastiko kong sabi kaya naman umiiling-iling s'yang bumuntong hininga. "T-tungkol sana kay... kay Lica---hmm" nagkamot batok pa ito at tumingin kay Lica. Napatingin naman ako kay Lica na parang kinilig. Sa totoo lang, nabubwisit ako sa nakikita ko. Kaibigan ko ba talaga 'to? Hindi 'to si Lica, hindi s'ya ganito. Ayaw naming dalawa ay ang may nasasaktang tao. Bakit ganito s'ya? Napatingin ako kay Ria na tulala at parang hindi naman pinapakinggan ang pinag-uusapan namin. Ibinalik ko ang tingin ko kay John at masama ko itong tinignan. "Oh? About sa kaibigan ko?" taas isang kilay na tanong ko kaya napalunok pa ito at nagpilit ng ngiti. "B-balak ko k-kasi s'yang l-ligawan ulit..." bakas ang kaba ng lintik na malanding lalaking 'to. Oh e ba't sa 'kin s'ya nagpapaalam? Mukha ba 'kong si Lica? O mukha ba 'kong parent ni Lica? Abnormal! Napatingin ako kay Ria na tulala parin. "E pa'no 'yang nabuntis mo?" tanong ko sakanya atsaka isinenyas si Ria. Gulat itong tumingin sa 'kin at hindi malaman ang sasabihin. "Omg! Buntis ka Ria?" "Bakit hindi namin alam?" "Bakit hindi mo sinabi!?" Ayan ang bulungan ng mga marites at bogart kong kaklase. Bakit hindi raw sinabi at bakit hindi raw nila alam? Pati 'yon ba naman ay dapat updated sila? Pero nakakapagtaka nga dahil sa pagiging papansin ni Ria, imposibleng hindi n'ya ipagkalat 'yon sa lahat. Dahan-dahan itong tumingin kay Ria atsaka sinamaan ito ng tingin. Pathetic John. "Oh ano?" nabobored na tanong ko atsaka nilaro-laro ang mga kuko ko. "H-hindi ako ang ama non!" sabi ni John. "Bakit naman halatadong defensive ka masyado?" sarkastiko kong tanong atsaka s'ya inirapan "Kung hindi ikaw ay sino?" hindi nawawala ang sarkasmo sa tinig ko. "Malay ko dyan! E sa daming nakalandian nyan baka isa sa mga yon!" sigaw n'ya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Isa kang malanding walang paninindigan" sabi ko sabay irap. Napatingin ako kay Lica na disappointed sa sinabi ni John. "Yan ang lalaking bet mo? Kalandian ang alam" nakangiwing sabi ko kaya naman umiling s'ya. Kitang-kita ko ang pagsama ng mukha ni John. "Panagutan mo kung ano ang dapat, baka magsisi ka sa huli" yon lang ang sinabi ko atsaka inilabas ang cellphone at earphone para mag-soundtrip. Nakasandal ako kay Lica habang nagsasoundtrip kaya naman nakaharap ako kay Drystan. Naalala ko nanaman ang eksena kanina. Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya. NOW PLAYING: With A Smile Song by: Eraserheads ~Lift your head, baby, don't be scared Of the things that could go wrong along the way~ Hindi ko maiwasan na hindi maalala si Drystan dahil sa nakayuko s'ya kanina at umiyak sa 'kin. ~You'll get by with a smile You can't win at everything, but you can try~ Iexplain mo sa 'kin ang mga bintang nila sa 'yo, makikinig ako. ~Baby, you don't have to worry 'Cause there ain't no need to hurry No one ever said that there's an easy way~ Maiintindihan din ng lahat 'yon. Hindi ko alam bakit kampanteng-kampante ako na mabuti kang tao. Katangahan na kung tawagin pero hays hindi ko alam. Siguro dahil mabuti ka sa 'kin, kaya ganon ang paningin ko sa 'yo. ~When they're closing all their doors And they don't want you anymore This sounds funny, but I'll say it anyway Girl, I'll stay through the bad times~ Kung sila ay hindi ready na makinig sa paliwanag mo, ready ako. Kung sila ay may doubt sa sinasabi mo, ako wala. ~Even if I have to fetch you everyday We'll get by with a smile You can never be too happy in this life~ Hindi ka magiging masaya kung makukulong ka sa gano'ng klaseng ala-ala. Totoong palaging walang reaksyon ang mukha n'ya, pero andaming sinasabi ng mga mata n'ya. At totoong malungko ang mga mata n'ya. Nakakahawa. ~'Cause in a world where everybody hates a happy ending story It's a wonder love can make the world go round But dont let it bring you down And turn your face into a frown You'll get along with a little prayer and a song Let me hear you sing it~ Some people doesn't want happy endings, they hate it. Pero ako, gusto ko ng happy ending... happy ending mo, Drystan. Gusto kong maging masayang tignan ang mga mata mo. Gusto kong may ngiting natural lagi sa labi mo. Hindi pilit, natural na natural, walang halong kemikal. Napangiti ako sa naisip ko. Kalokohan nga naman. ~'Cause in a world where everybody hates a happy ending story It's a wonder love can make the world go round But don't let it bring you down And turn your face into a frown You'll get along with a little prayer and a song Lift your head, baby, don't be scared Of the things that could go wrong along the way You'll get by with a smile Now it's time to kiss away those tears goodbye Let me hear you sing it~ "Lift your head, baby, don't be scared~" hindi ko namalayan na nasabayan ko na pala ang kanta. Napatingin sa 'kin si Drystan at para sa 'kin ay kuminang ang mga mata n'ya. W-what the hell, Tatiana!? Mabilis kong iniiwas ang tingin sakanya atsaka maayos na umupo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Ano ba 'tong naiisip ko? Tsh! Crazy! Inis kong inalis ang earphone ko at pinatay ang cellphone ko at isinuksok ito sa bag! Ano-anong naiisip! Tsh! "Ayos ka lang? You don't look fine" parang nangilabot ako nang marinig ko ang boses ni Drystan! Ano bang nangyayari saken!? Bakit palagi nalang siya ang nakakapansin kapag nag-iiba mood ko!? Tsk! "Are you free later? I'll tell you who's pamela" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya, bahagya itong nakangiti. Sino ba kasi 'yang pamela na 'yan? Tsh! Hindi ko na s'ya sinagot. "I heard what the girl said to you a while ago" muling paninimula n'ya. Hindi ulit ako sumagot. "It's true that pamela is a almost perfect girl. She has everything" nakangiting kwento n'ya pa. "But heaven needed an angel, so she decided to go up there" bahagya pa s'yang natawa pero nagbabadyang tumulo ang luha n'ya. "It's sad that the time my girl became an angel, I became a demon on people's eyes. They believe that Pamela died because of me" tumingala s'ya para hindi s'ya tuluyang maiyak. "Ahhh, so girlfriend mo si Pamela? Namatay s'ya at akala nila ay ikaw ang dahilan bakit s'ya namatay? Kaya ganun nalang ang sinasabi sa 'yo ng mga yun?" patukoy ko sa lalaki kanina at yung babae. Tumango naman s'ya at pilit na ngumiti. "H-hindi naman totoo 'yon diba? I mean--- hindi naman ikaw ang may kasalanan kung b-bakit s'ya n-namatay?" nag-aalangan pa 'ko magtanong sakanya dahil baka mahurt s'ya pero wala e, nasabi ko na. "I'll answer that later. Are you free?" tanong n'ya pero umiling ako. "Birthday kasi ng Tatay ko e, hindi ako pwede mamaya, uuwi ako kaagad" sagot ko kaya naman tumatango siyang ngumiti. "Tell your father that I wish him a happy birthday" nakangiting sabi n'ya kaya naman napangiti ako at hindi na muling nagsalita pa. Nagring na ang bell, senyales na uwian na. Nagligpit kami ng mga gamit namin atsaka lumabas. Kasabay ko sa paglabas ang kaibigan kong si Lica na walang kibo dahil panigurado nanaman akong iniisip n'ya si John. Tsh! "Lica" narinig ko si John na malapit sa 'min. "Lica, talk to me please? Let me explain, Lica" nagmamakaawang sabi nito kaya hinarap s'ya ni Lica. "You don't have to explain anything, John. We're done, remember? Please, just take a good care of Ria and the baby" sinserong sabi ni Lica atsaka tumingin sa 'kin. "Una na 'ko, beh. Ingat ka ah" sabi n'ya at tinapik ko s'ya sa balikat. Magkaibang way din naman kasi ang dadaanan namin. Sinundan ko pa sya ng tingin bago tumingin kay John. "Fix yourself para sa magiging pamilya mo. I wish you luck" sabi ko atsaka tinapik ang balikat n'ya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha n'ya, hindi n'ya inaasahan ang ginawa ko. Tss. Ganon na ba 'ko kasama sa paningin n'yo!? Muli akong naglakad pababa ng building at naramdaman kong may sumabay sa 'kin. "Hatid na kita pauwi?" si Drystan. "Hindi na, nakakahiya naman" "Tss. Nakasabay naman kita kanina ah?" "Oo nga" "E anong nakakahiya?" "Isasabay mo nanaman ako?" "Bakit naman hinde?" "Trip mo atang maging driver e? Ano ka service ko?" nakangiting biro ko kaya naman ngumisi ito dahil halatang natawa s'ya. "Kung gusto mo ay ako nalang ang maghatid sa 'yo, tutal alam ko na rin naman kung saan ka nakatira" nagulat ako nang biglang sumulpot sa kabilang side ko si Ralph! Nakay Drystan ang seryoso n'yang paningin. "Naku maglalakad nalang ako hehehe" sagot ko atsaka nakarating kami sa gate. "Are you sure? Para mabati ko rin ng happy birthday ang tatay mo sa personal" natawa naman ako sa sinabi ni Drystan. Akalain mo, yun pa gawing palusot!? Tsh! Di ako uto uto! "Huwag na nga, ang kukulet" sabi ko atsaka nagsimulang maglakad. Habang naglalakad ako pauwi ay humarang sa dinaraanan ko si Ria. "Thank you ah? I didn't expect that you'll show me kindness kahit na hindi maganda ang pakikitungo natin sa isa't isa" nakangiting sabi n'ya at mukhang sincere naman s'ya. "Oh? pananagutan na ba n'ya? Nag usap na kayo?" tanong ko sakanya. "Hmmm, hindi pa kami nag-uusap dahil totoong ayaw n'ya talagang makipag-usap sa 'kin, pero dahil sa sinabi n'yo ni Lica ay pumayag s'yang makipag-usap sa 'kin. I didn't know that you're that matured, lalo na si Lica. Ayaw kasi akong kausapin ni John dahil umaasa pa s'ya kay Lica, and Lica doesn't want to turn him down" mahabang sabi nito atsaka bumuntong hininga. "Hmm, akala nga ni Lica ay hindi talaga kay John 'yan" sabi ko sabay tingin sa tyan n'ya. "Buti nga ay tinulungan mo 'ko, salamat talaga" sinserong sabi n"ya atsaka tinapik ako sa braso. "Sinong hindi tutulong sa 'yo. Nakita mo ba itsura mo kanina? Kahabag-habag kang tignan, ampangit mo" biro ko sakanya at tatawa tawa naman s'yang pinalo ako sa braso. Sadista amp. "You're so mean talaga, anyways. I need to go home! See ya" sabi n'ya at nagngitian muna kami bago s'ya dumiretso sa pag-alis. Sinundan ko pa s'ya ng tingin bago ako nagpatuloy sa paglalakad pauwi. "Tatiana" napatingin ako ng may magsalita sa tabi ko. Paglingon ko ay si Drystan "Oh? Nasan kotse mo?" tanong ko sakanya atsaka nagpalinga linga na para bang mahahanap ko ang kotse n'ya sa paglinga ko. "Hmm. Nasa parking lot. Sasamahan na muna kitang maglakad. Hahatid kita sainyo" sabi n'ya. Ang kulit naman nito. "Ano ba 'yan? Magpapagod ka pa?" kunwaring inis na tanong ko atsaka naman s'ya tumango-tango "Kunin mo na kotse mo! Hatid mo 'ko bilis!" sabi ko kaya naman napangiti s'ya at walang pasabing tumakbo papunta sa parking lot. Maya-maya pa ay dumating na s'yang nakakotse. Nag-effort pa s'yang bumaba para alalayan akong sumakay. Nang makasakay na ako ay sumakay na rin s'ya. Nagtanong siya kung saan ako nakatira kaya nman sinabi ko kung saan at itinuro ko ang directions kung saan kami dadaan. Nang makarating kami ay pinababa ko muna s'ya. "Dito na, sama kana sa 'kin" nakangiti kong aya sakanya kaya naman natitigilan s'yang tumingin sa 'kin. "Are you sure?" paniniguradong tanong pa nito kaya tumango naman ako. "Oo nga, tara" sabi ko atsaka hinawakan ang kamay n'ya at hinila s'ya papasok. "What's up!?" sigaw ko kaya naman napatingin sila sa 'kin. "Ay ano 'yan?" narinig kong sabi ni Kuya Simeon habang nakatingin kay Drystan. "Wag kang issue boi! Classmate ko yan!" sabi ko sakanya kaya tinawanan naman nya ako. "Pa!" tawag n'ya kay Tatay na lumabas mula sa kusina. "Baket? Ang ingay ingay mo buset---" hindi na natapos ni Tatay ang sasabihin dahil napatingin s'ya sa 'kin. "Ah, pa, si Drystan po, classmate ko" sabi ko atsaka tinignan si Drystan. Lumapit s'ya kay Tatay at nagmano. "I'm Drystan Frasco, Sir. Nice to meet you and Happy Birthday, Sir" sabi ni Drystan. Natawa naman ako. Sir amp. "Ahh thank you" sabi ni Tatay atsaka tumingin sa kin "Eto regalo mo sakin nak? Boyfriend mo?" natawa naman ako at nanlaki ang mga mata. "Hoy, Tay! Anong boyfriend!? Classmate nga e!" tatawa tawa kong sigaw atsaka siya dinuro. "Alam ko. Binibiro ka lang e. Kala mo naman pilit na pilit" sabi ni Tatay na halatang nang-aasar! Tsh! Nakatingin parin sina Ate Sanya, Kuya Simeon at Ate Jessa. Kapansin-pansin ang reaksyon ni Ate Sanya. Maya-maya ay lumabas si Mama at doon nagsalita si Ate Sanya. "Frasco? Kapatid ni Hannah Frasco?" TO BE CONTINUED... _________________________________________ You being here is highly appreciated! Thank you for the support! Votes and comments are highly appreciated! Thank you! -LadyEscritora
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Next pls!!!
30/01
0GANDAA😭
22/06/2024
0nakakarelate🥹
24/04/2024
0Tingnan Lahat