logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Isn't it amazing how a person was once just a stranger, suddenly meant the world to you? We've actually met through social media. Who would have thought that he's just a stranger but I can share my problems with him. I may not be able to see him because were miles away from each other, but I know I can always talk to him through chat. I admit that he's a good listener and a stranger with a good heart. I can say that he's one of my friends. Internet friends to be exact and he's more likely my brother. And Caleb proved that "every good friend was once a stranger."

Masyado niya na akong kilala dahil nga masyado rin akong madaldal kaya lahat lahat ay nakukwento ko na sa kaniya. Kahit wala siya sa tabi ko parang feeling ko kasama na siya sa lahat ng mga nangyayari sa akin since kinukwento ko lahat sa kaniya. And now I realized na ang sarap pala sa pakiramdam ng may kaprehong ugali. Yung as in sobrang same na same vibes talaga. Kahit na malayo kayo sa isa't isa nandoon talaga yung pagkakapareho niyo sa lahat ng bagay. Na kahit na malayo siya sayo pwede mong sabihin ang lahat ng nararamdaman mo ngayon through chat. Ngayon, nakikita ko na sobrang laking tulong talaga ng social media sa lahat ng bagay. Hindi ko kasi ito napapansin dati kaya parang wala lang ito sa akin.

"Are you ready to talk to her? No matter what happens, kayo pa rin ang magbestfriend na nakilala ko, okay? You need to talk to her para hindi na kayo magiwasan." Napahawak ako sa kamay ni Laurice at tinitigan siya ng matagal. "I can't do this." Napailing ako at yumuko. Hindi ko pa kaya. Nahihiya ako at hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Ayokong ako ang unang mag-aproach sa kaniya kahit na kasi mag bestfriend kaming dalawa, alam ko na nandoon yung wall sa pagitan namin at alam kong mabigat ang loob niya sa akin.

"Kaya nga si Sir muna ang kakausapin mo. Tapos tsaka mo na lang kakausapin si Dannie once na nakausap mo na siya. Okay ba iyon?" Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung magiging okay pa ako after nito. Do I have to do this thing? Pero may part kasi sa akin na gusto na rin siyang kausapin. I miss dannie so much. 4 years na kaming magkaibigan, ayoko ng ganito. Sabay kaming pumasok ni Laurice sa classroom at nagsisimula na silang kumanta ng worship song. Nakapatay ang ilaw dito at ang TV lang ang tanging nagsisilbing ilaw. Hindi naman gaano kadilim dito dahil nakabukas naman ang ilaw sa labas ng classroom.

Every morning kumakanta talaga kami ng mga worship songs and then magdadasala. After that, flag ceremony pero dito lang sa loob ng room namin. Sanay na kami n agawin ito dahil sinanay rin naman kami ni Sir Moore dito.

"Hey, good morning! Late ka na ah." Kinuha ni Kian ang bag ko at hinila na ako papasok ng tuluyan sa room. Sa pinakadulo ang lugar naming dalawa kaya wala masyadong nakapansin sa amin dahil busy ang lahat na nakatingin sa screen ng TV habang kumakanta. "Morning din. Oras na ako nagising kanina eh." Sinuot ko ng maayos ang ID ko at tumayo ng tuwid sa tabi ni Kian.

"Sir Moore told us that after this you and Dannie will talk." pagkukwento niya sa nangyari kanina nung wala pa ako. "Talagang sinabi niya yun sa lahat?" tanong ko dito, siya naman ay tanging tango lang ang nagawang sagot.

Sana mamaya pa ito matapos para may oras pa ako maghanda sa paguusap namin ni Dannie. Hindi kasi talaga ako sanay at hindi ko rin naman alam kung anong gagawin ko. Natupad naman ang gusto kong mangyari dahil tinawag ng ibang teachers si Sir Moore kaya naman nakahinga pa ako ng maluwag. Matapos kaming mag-flag ceremony, umupo na ako at tahimik lang na nagmamasid sa mga kaklase ko. Ganoon rin itong si Kian.

"Sheena, tawag ka ni Sir Moore doon sa office. Magusap raw kayo." Tinawag ako ni Marc kaya tumayo na ako pero napalingon ako kay Kian nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Why? May problema ba?" I asked. "Nope. I'll come with you." Kasabay noon ang pagsisimula kong maglakad habang magkahawak kamay pa rin kami ni Kian.

"Are you sure? Pero kasi paguusap namin ni Dannie ito. Hindi mo na ako kailangan pang samahan." Tumanggi ako sa gusto niyang mangyari. "Eh you look uncomfortable. Hindi pa naman kayo maguusap eh. Kayo raw muna ni Sir ang maguusap." Dahil makulit si Kian at ayaw niya akong iwan, pumayag na lang ako na samahan niya ako. Seryoso namang nakatingin sa akin si Sir Moore at nagulat pa dahil magkasama kaming pumunta ni Kian dito sa office.

"Totoo ba na nagaway kayo ni Dannie because of Kian?" diretso niyang saad dahilan para mapatingin ako sa kasama ko at pinanood ang reaksyon niya. "Hindi mo ba yun alam Kian? Then I think kayo muna ni Sheena ang magusap ngayon dito. Iiwan ko muna kayo para makapagusap since magkaayos naman kayo." Grabe talaga si Sir, masyado siyang straightforward. Hindi ko inaasahan na gagawin niya yun. Wala namang reaksyon itong si Kian. Nakatingin lang siya sa akin tila ba naiinip na dito sa loob ng office.

"Ako raw ang pinagawayan niyo? Totoo yun?" Nagtatakang tanong niya. "Ahh, do you really want me to tell you that thing?" I asked him and then he just nodded. "I'm not really sure if it's you. It's just that..." Napayuko na lang ako at hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba na sabihin sa kaniya ito. "Just go on, Sheena. It's okay with me." Tumango pa ito para siguro masiguro na okay nga lang talaga sa kaniya.

"I'm sorry. But Dannie likes you so much and then nagseselos yata siya dahil palagi tayong magkasama. Kaya hindi niya ako kinakausap dahil doon. But I don't know if tama ang hinala kong iyon." Ang buong akala ko magagalit siya o maiinis dahil siya ang dahilan ng hindi namin paguusap pero tumawa lang ito. "Childish," saad nito at napailing habang tumatawa pa rin. "I think your friend is here already. Magusap kayo. Don't worry about me. I'm fine. And I'm sorry because it was my fault." Kasunod noon ang pagalis niya. Tsaka naman pumasok si Dannie. Umupo lang siya sa tabi ko at hindi ako tinitignan.

"Wala naman gusto si Sheena dito kay Kian. Bakit hindi mo pa rin siya kinakausap? Ganiyan ba ang totong magkaibigan? Hahayaan mo bang matapos ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa isang lalaki? Sa totoo lang, wala namang kasalanan si Sheena dito. Yun ang nakikita ko. Pero magusap pa rin kayo." Pinagsabihan kaming dalawa ni Sir Moore. "D-dannie, I'm sorry." bulong ko dito dahilan para mapatingin siya sa akin. Mababaw lang ang luha ko kaya napaiyak agad ako dahil dito. Binuhos ko lahat ng nararamdaman ko. I just can't get her point. Bakit niya kasi hindi ako kakausapin ng ganoon ganoon na lang?

"Papayag ka ba talaga na masira ang 4 years na pagkakaibigan natin para lang kay Kian? Hindi ko naman gustong lapitan niya ako. Paano ko siya maiiwasan kung kabilang siya sa mga circle of friends ko. Bukod doon, kaklase natin siya. Ang pangit naman kung hindi ko siya papansinin. It's just a misunderstanding, Dannie. Alam mo naman na hindi siya ang gusto ko at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan dahil nga iba naman talaga ang gusto ko." mahabang lintanya ko.

Nakayuko lang si Dannie habang nakatakip sa mukha niya ang handkerchief, lagi naman siyang ganiyan. Ayaw niyang ipakita ang mukha niya sa akin. Bukod doon, ayaw niya pa rin yata akong kausapin. "Sorry rin." Rinig kong bulong nito. "Sus. Magkakabati rin pala pinatagal niyo pa. Ayoko ng maulit pa ito ah. Huwag niyo ng uulitin ito. Hindi magandang nagaaway kayo at kay Kian pa talaga. Nahihibang na ba kayo? Jusko! Oh magyakapan na kayo."

"Sir!" Reklamo naming dalawa.

"Ay kailangan sabay kayo? Magyayakapan lang naman kayo eh. Arte ninyo. Bilisan niyo na!" Wala na kaming choice kaya nagyakapan na kami at bumalik sa loob ng classroom. Pero bago kami pumasok sa loob eh nagusap muna kami kahit papano.

"Okay na ba tayo? Bati na tayo?" paninigurado ko dito. "Oo nga." Natawa pa ito.

Hindi nagtagal ay bumalik rin kami sa dati na para bang walang nangyari. Naguusap pa rin naman kami ni Kian pero hindi na yung kagaya nung dati. Hindi ko na hahayaan pang magselos itong si Dannie. Oo wala naman silang label at wala siyang karapatan na magselos pero mas mabuti na alam ko ang limitations ko. Ayoko na rin namang maulit yun. Aminado rin naman si Dannie na ang isip bata niya sa part na iyon. Kaya simula ngayon, hindi namin hahayaang may makasira pa sa pagkakaibigan naming dalawa. Okay na kami. Wala ng problema. Naging maingay ulit sila Harlon at Patricia dahil kasama na nila ulit ako. Lalo na't ako talaga ang nangunguna sa pagiingay sa aming magkakaibigan.

"Grabe, namiss ka namin." Yinakap pa ako ni Patricia, siya kasi yung pinakaclingy bukod sa akin. "Namiss ko rin naman kayo. Kaya mula ngayon wala ng magaganap na ganoong eksena. Ano? Tara, hanap na tayo ng bagong crush ni Dannie." "Kaloka! 2 years niyang crush si Kian. Hindi nagsawa sa mukha nung lalaking yun!" Kaming apat lang naman ang magkakasama kaya wala kaming pakialam kahit na mag name drop pa kami ng mga pangalan dahil nga kami lang ang nandito sa pinakasulok na lugar at wala namang ibang nakakarinig.

Dito ko nalaman na napakatibay ng pagkakaibigan naming apat, nagkakaroon man minsan ng misunderstanding pero hindi magtatagal hindi rin namin matitiis na hindi kausapin ang isa't isa. And that made me realized that I already found a true bestfriends whom I can lean on when I needed to. At nangako na rin kami na once tumanda kami, kami pa rin ang magkakaibigan. Ganoon katibay ang pagkakaibigan namin na kahit ilang taon na ang lumipas, hinding hindi pa rin namin kakalimutan ang isa't isa. Because that what's friends for.

Siguro tama nga ang sinasabi ng iba tungkol sa akin na napakswerte ko. Because I have a friends like them and also I have a complete family. Aaminin ko na lately ko lang na-realized kung gaano ako ka-swerte. Hindi man ako i-crush back lahat ng mga crush ko. Hindi ko man makatuluyan ang gusto ko. The most important to me is that I have my friends and I have my family. I still have them no matter what.

Caleb Alonte: Kakapalan ko na ang mukha ko.

Napakunot ang noo ko sa chat niya. Anong meron? Anong kakapalan ang mukha? Hindi ko siya maintindihan.

Sheena Camille Alameda: huh?

Caleb Alonte: Diba englishera ka? Tapos writer ka pa?

Sheema Camille Alameda: Yes, why? Kukunin mo ba akong writer? OMG! Yung family mo ba ang may-ari ng isa sa mga kilalang publishing company?

Caleb Alonte: Sira! Itatanong ko sana kung pwede ko sayong ipagawa yung essay ko. Pwede ba?

Sheena Camille Alameda: Hmmm. Pagiisipan ko..

Caleb Alonte: Free ka ba? Magagawa mo ba yun?kung hindi, okay lang naman. Kahit konti lang, tapos ako na magtutuloy.

Sheena Camille Alameda: Send mo yung instructions ng essay

Caleb Alonte: Ano email mo? Sa email ko kasi ito pwedeng masend.

Sheena Camille Alameda: sheenaalameda@gmail.com

Caleb Alonte: Sige send ko na sayo pre

Sinend niya sa email ko ang instructions ng gagawing essay. I'm not actually that good sa mga essays. Though kaya ko naman talaga siyang gawin. Ang inaalala ko lang since college na siya baka mahirapan ako dito. Baka mataas ang standards ng prof nila pagdating sa mga essay.

Caleb Alonte: May tiwala ako sayo lods. Grades ko nakasalalay diyan. Sana ayusin mo ah.

Sheena Camille Alameda: Don't worry, I already asked some of my friends if alam nila itong essay mo just incase lang na hindi ko masagutan agad. Medyo complicated at nakakadugo ng ilong.

Caleb Alonte: Buti nga sayo ilong lang ang dudugo. Eh kamusta ako? Baka pati utak 'ko dumugo.

At first I was struggling about his essay. I really can't understand the topic. So I did a reasearch about the topic but then again, I still can't understand thoroughly. Sabi nga niya dito nakasalalay ang grades niya at kung mababa man ang ibigay ng prof niya sa kaniya, mukhang sa akin pa masisisi ang lahat. At ayoko namam na mangyari yun.

"Sheena, kanino ba kasi itong essay? Pakisabi siya na lang gumawa tutal sa kaniya naman ito." Naiinis na si Dannie habang nakatingin sa phone niya. Sinend ko kasi sa kanilang tatlo ang instructions na sinend sa akin ni Caleb. "I'm just helping a friend."

"Helping a friend? Kaming friend mo hindi mo naman inaako mga ginagawa namin. What happened now?" Nagtatakang tanong ni Patricia at mukhang naghihinala ng kung ano.

"Sinong friend ba yan? Do we know that friend of yours?" Tanong naman ni Harlon.

"You guys, don't know him. He's my internet friend."

"So lalaki siya. Are you sure wala kang ibang relationship sa kaniya romantically?" All of them seriously looking at me like as if they're interrogating me.

"Tsk. Of course no! Like what I've said, he's just a friend of mine." Parang napipilitan lang silang maniwala sa sinabi ko.

Ilang araw lang naman kaming nastress ng mga kaibigan ko sa essay ni Caleb. At ilang araw na rin akong pinagtatawanan ni Caleb dahil stress raw ako sa essay niya.

Caleb Alonte: Sorry na Sheena. Hindi ko naman alam na halos lahat ng kaklase mo eh tinutulungan ka sa essay ko. Marami rin kasi akong ginagawa kaya malaking tulong na ang nagawa mo sa akin ngayon

Sheena Camille Alameda: Ayos nga lang. Nakakastress lang talaga. Pakisabi sa prof mo, wag niya ng uulitin magpagawa ng ganito dahil hindi naman ang estudyante niya ang naiistress, kami kasi talaga ang stress. Oh nasend ko na sa email mo ah.

Caleb Alonte: Yes master! Nakita ko na. Maraming salamat. Ilabyuuu!!!

Sheena Camille Alameda: Welcome. Ayos ka rin ano. Kapag may papagawa ka doon ka lang sweet.

Caleb Alonte: lagi naman akong sweet ah. Di mo lang yun pansin. Thank you ulit. Ilabyuu Hahaha

Sheena Camille Alameda: Kadiri ka talaga!

"Sino isasali natin dito sa spoken poetry?" Sir Moore asked. Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga kaklase ko at tinuro ko pa ang sarili ko, tinatanong kung sa akin ba talaga sila nakatingin. "Si Sheena lang? We need two participants for this. Anyone? Except from Sheena?" Muli na namang tanong ni Sir. Walang nagvolunteer na samahan ako kaya sa huli ay si Sir na ang namili kung sino ang makakasama ko doon. "Okay. Final na 'to. Sheena and Kian, pupunta kayo mamaya sa kabilang room. Doon kayo magpapractice ng gagawin niyo kasama ang ibang mga students." Tumango lang ako at kinuha na ang paper kung saan nakalagay ang dapat naming i-memorize.

"Si Josh pupunta raw mamaya," saad ni Harlon kabalik ko sa pwesto ko. "Oh tapos? Ano namang pake ko?" pagmamaldita ko, kunwaring walang pake. Si Josh friend namin siya and classmate rin before. Lumipat na siya ng school that's why bumibisita na lang siya dito paminsan-minsan. Nakakausap pa naman namin siya lalo na ako. Dahil dati ko siyang crush pero paminsan-minsang bumabalik ang pagkagusto ko sa kaniya everytime na makikita ko siya ulit.

Habang break time, kausap ni Harlon sa phone si Josh kaya naman todo ang pangaasar nila sa akin ng itutok ang phone sa akin.

[Hello?]

"Hi Josh! Pupunta ka dito? Ahhh. Well, that's good! See you! Byeee!" Agad kong binalik ang phone kay Harlon at pinanlakihan siya ng mata. "Gaga! Bakit hindi ka nakipagusap?" Binatukan ako ni Dannie dahil sa ginawa ko. "Duh! Can't you see? Nahihiya kaya ako!" To be honest, makapal naman ang mukha ko eh. But not infront of my crush. Sino ba namang magkakaroon ng lakas ng loob kapag kausap ang taong gusto niya? I mean I'm not that brave para kausapin si Josh na parang wala lang, na parang hindi ko siya gusto ganoon. Syempre kahit papano, may hiya pa rin naman akong nararamdaman.

Pagdating sa lahat ng kalokohan present ako diyan pero pagdating sa mga crush ko. Oo mga, kasi nga marami sila. Simula first year high school ako, akala ng iba pagaaral lang talaga ang inaatupag ko. But they don't know na pati pangongolekta ng crush eh ginagawa ko rin. Isa yan sa mga natutunan ko dito kay Dannie. And what's wrong about that? Wala naman diba? Buti sana kung boyfriends ang kinokolekta ko. Kaso crush lang naman at bukod doon yung mga nagugustuhan ko eh yung mga lalaking hindi ako agad gugustuhin pabalik. Yung mga lalaking kung kailan hindi ko na sila gusto, doon naman nila ako magugustuhan. In short, malas talaga ako sa mga love life na yan. Kaya hanggang crush lang muna ako. And I have a stricts parents, so hanggang crush lang talaga becuase I have no choice. Mas maganda na rin ang ganito dahil may thrill. Well, because I love thrills!

"Sheena tara na. Tawag na tayo sa kabilang room." Gustuhin ko man na hindi sumama sa kaniya at makipagchikahan na lang dito sa mga kaibigan ko, hindi pwede. "Where are you two going?" Dannie asked. "Hey dannie girl, pupunta lang kami sa kabilang room for practice. And don't worry, kay Josh lang ako. Sayong-sayo na si Kian mo." bulong ko dito sa kaibigan ko. Natawa naman siya sa sinabi ko.

Kinuha ko na ang papel na binabasa ko kanina at sumunod na kay Kian. Kapasok na kapasok namin sa loob todo kapit sa akin si Kian. "What's wrong with you?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Ang daming students." Natawa pa siya. "Ay hindi ka pa ba sanay?" Magsasalita pa sana siya kaya lang dumating na yung isang teacher na magtuturo sa kung anong gagawin namin.

Nalaman ko na hindi pala ito individual, kaya nakahinga ako ng maluwag at syempre natuwa ako. Sa bawat grade level, dalawa talsga ang kinukuhang participants. Tapos may kaniya-kaniya kaming lines at dahil bida-bida ako. Nagpasikat muna ako dito para makuha ko ang loob ng masungit na teacher na magtuturo sa amin. "Wow! Nakita niyo how did she pronounce her lines? At memorize niya kaagad ah. Gayahin niyo kung anong ginagawa niya. Sheena, ikaw na bahala sa mga kasama mo. And then later ipapakita niyo sa akin ang result ng pagpapractice niyo." I smiled awkwardly. Sabi na eh. Dapat hindi na pala ako nagbida-bida.

I don't have a choice but to follow what Sir Noli said. Good thing Kian is here, may katulong ako kung paano ihahandle ang ganito. Kami rin naman ni Kian ang pinakamatanda sa lahat, after all grade 10 students na kami. Masunurin naman ang ibang students kaya hindi na ako nahirapan pa na magturo at mukhang lahat sila ay kagaya ko rin naman na bida-bida. Kaya pa-chill chill na lang ako dito sa upuan habang abala ang iba sa pagmememorize ng lines nila.

"Psst!" Nilingon ko si Kian dahil parang tinatawag niya ako.

"What?"

"Wag na tayong magpractice. Doon tayo oh!" Tinuro niya ang pwesto banda sa may bintana, walang gana akong pumunta doon kasama siya. Nakatingin naman sa amin ang ibang students na kasama namin. "Shocks, magkunwari ka muna na nagpapractice ka. Nakatingin ang ibang students sa atin eh." bulong ko.

Alam ko kasi ang mga ganoong klaseng tingin dahil ganoon kami tumingin ng mga kaibigan ko sa iba sa tuwing may ini-issue kami. Ayoko naman na magkaroon ng issue, mas mabuti ng iwasan ng mas maaga kaysa sa mahuli pa.

"That was good! Tama lang pala na si Sheena ang naisipan kong magturo sa inyo. So that's all for now! May practice ulit kayo bukas. Dapat ang iba sa inyo eh, memorize na ito bukas ah. Kakaunti lang naman ang mga lines ninyo at madali lang rin bigkasin. So aasahan ko na bukas lahat kayo memorize niyo na ang mga lines niyo and then after that lilinisin natin ang pwesto ninyo kung saan niyo idedeliver ang mga linyo niyo. Goodbye everyone!" Nagpaalam na kami sa mga kasama namin at mabilis na bumalik sa kaniya-kaniya naming classroom. "How's the practice?" tanong sa akin ni Harlon. "Ayos lang. Boring." walang gana kong sagot. Natawa sila dahil halata sa mukha at sa tono ng boses ko na na-bored lang ako sa kabilang room.

"Dad! Anong ginagawa mo dito?" I asked when I saw him waiting. "Susunduin ka." Napansin ko na katabi niya si Kian at nagmano ito sa kaniya. "Is that your daughter? Oh I know her! Sheena right?" Napatango naman ako at unti-unting pumasok sa utak ko na dad pala ito ni Kian kaya nagmano na rin ako dito. Doon ko nalaman na yung stepfather ni Kian, dati palang kasama ni Dad sa dati niyang work kaya pala magkausap sila kanina. Nagulat rin nga si Kian ng malaman niya iyon.

"Does Kian like you?" Dad suddenly asked.

"I don't know. Why Dad?"

"Nothing. I just noticed. Maybe he likes you, do you like him too?" Mabilis akong napailing.

"Dannie likes Kian. So I don't like Kian because Dannie likes him first. Dad, parang ano lang yan first come first serve." Natawa kaming dalawa. Kababa ko ng kotse ay inabot ko kay Dad ang bag na dala ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. "Sheena, pasok na sa loob!" sigaw pa nito.

"Yeah I will! Susunod ako, wait lang!" May napansin kasi akong pamilyar sa kabilang bahay. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sundan ang nakatalikod na lalaki. May naalala kasi ako sa kaniya. I know hindi ko pa nakikita in person si Caleb pero because I'm a stalker. Kinabisado ko kung ano ang itsura niya at kung psano siya tumayo. At ewan ko ba kung bakit ko sinundan ang lalaking ito. Dahil ba parang nakita ko sa kaniya si Caleb? But how could it be if Caleb lives in Bulacan? Come to think of it, Sheena?

Hindi ko na sana siya susundan at pupunta na ako sa bahay namin pero nahinto ako sa kinatatayuan ko ng humarap ito sa akin. "Sheena Camille Alameda? Yung babaeng taga- Pampanga? Yung babaeng maingay? Is that really you?"

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    MillanoPatrick

    that's good

    18/07

      0
  • avatar
    Carl Justin Penaso

    Good story

    27/05

      0
  • avatar
    LimbagoLyster

    nice stories thank you for the author of this stories

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata