logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

"Anong gagawin natin sa library?" tanong ko sa kanila nang makapasok kami dito sa loob. Madalas walang tao dito. Tuwing exams lang nagakaroon ng tao dito sa loob. "Kapag tinanong kung anong ginagawa natin dito, sabihin natin hindi natin alam kung papasok pa ba tayo o hindi. Because in the first place sobrang late na natin and baka mas lalo lang tayong pagalitan kapag basta-basta tayong pumasok ng room." pagpapaliwanag ni Shantal sa amin. "Pasok pa man din lahat sa honors ang mga nagcutting." Napailing pa itong si Charlie habang tumatawa, hindi makapaniwala.

"Baka ibagsak niyan tayo ah." Nagaalala ako sa grades ko. I'm not that good in math subject. Kaya delikado talaga. Mas magaling ang kapatid ko sa math kaysa sa akin. At isa pa, hindi naman ganoon lagi kataas ang grades na nakukuha ko sa math though pasado naman. Pinisil ni Kian ang kamay ko at para bang sinasabi niya na ayos lang daw yun at huwag akong mag-alala.

Napatayo kaming lahat nang biglang pumasok amg isang elementary teacher, si Ma'am Rhea. Isa siya sa mga masungit na teacher, pero mabait naman siya. Masungit lang minsan. "Oh? Anong ginagawa niyo dito? Kayo ah. Cutting ba iyang ginagawa niyo? Oh siya! Malalaki na kayo, dahil nandito na lang din naman kayo. Ayusin niyo yung library ah. Dapat hindi magulo. Maglinis muna kayo dito." Nakahinga ako nang maluwag ng hindi niya kami pinagalitan. Mabuti naman at pinaglilinis lang kami. Grabe yung kaba ko kanina nung kaharap namin siya. Ginawa na lang namin ang utos niya, nilinis namin ang library. Binalik namin yung mga books sa shelf na nasa lamesa.

Nagwalis rin kami dito at kaniya-kaniya kaming may ginagawa. Sa likod ng mga shelf kami naglilinis dahil may bintana sa pintuan, baka daw makita kami ng ibang teachers kapag doon kami sa kabila naglinis. Oras na kasi ng klase at malamang ang ibang teachers ay hindi gaya ni Ma'am Rhea. Buong math time nasa library lang kami, nagkukwentuhan. Hindi nga namin alam kung paano pa kami babalik sa room. Kinakabahan na talaga ako sa mangyayari sa akin. First time kong gawin ito. Sana talaga hindi na ipatawag ang parents namin. At sana hindi maapektuhan ang grades ko dito.

"You look scared and nervous at the same time." Kanina pa pala ako tinitignan ni Kian, ngayon ko lang namalayan.

"What do you expect me to feel? Happy? Dapat lang na matakot ako dahil baka ikabagsak ko ito."

"Kung babagsak ka man, don't worry marami tayo." I know he's just joking. Imbes na makitawa rin ako sa kaniya lalo lang akong kinakabahan. Knowing Sir Louis, hindi niya kami papalampasin sa ginawa naming ganito.

Nakatingin lang ako kay Kian habang nagbabasa siya. Humarap siya sa akin at ngumiti. "It says here na according sa mga psychologist, when you look into someone's eye, and then he or she avoids eye contact, that means he or she likes you." Binasa niya yung nakasulat sa librong hawak niya. "Sheena, look at me." utos niya. Ako naman itong uto-uto, kaya sinunod ko siya. Pero hindi rin yun nagtagal dahil umiwas na ako ng tingin. Sa pagiwas ko ng tingin, kasunod non ang pagngisi ni Kian.

After a few minutes wala kaming nagawa kundi kausapin si Sir Louis. Sinabi ko lahat ng reasons ko why I did that thing. Tapos sabi niya sana pumasok pa rin daw ako. Because he knows na I won't do such thing na makakaapekto sa record ko. But in the end, Sir Louis decided na huwag ng palakihin pa ang ginawa namin nila Shantal. Since nakapagsorry na din naman kami sa kaniya and we made a promise na hindi na namin yun uulitin. Ayoko ng umulit pa. Nakakatakot.

These past few weeks, napapansin ko na ilag na ilag talaga sa akin si Dannie. So I tried to talk to Harlon and Patricia about Dannie. "Ewan ko. Di niya man sinasabi sa amin."

"Maybe it's because of Kian?" Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman si Kian dito. Nagseselos ba siya? But why? "But why? Why would she get jealous? Knowing na Kian is not my type. And hello? Si Kian mismo ang lumalapit sa akin. Hindi naman pwedeng iwasan ko na lang yung tao diba? Ano na lang iisipin niya kapag iniwasan ko siya?"

"Do you like him?" Harlon asked. "No!" I immediately answered. Tinatanong pa ba yan? Alam naman nila na hindi ko gusto si Kian. Ni minsan hindi ko nga naging crush yung lalaking iyan.

Days had passed, but Dannie and I still didn't talk. Hindi ko kayang hindi siya kausapin ng ganito katagal. Last time I went to her desk and ask if she wants to eat, but she didn't response at nagkunwaring natutulog. Halatang iniiwasan ako. Masyado akong emotional na tao kaya kahit ganitong bagay iniiyakan ko. Tatlong araw na akong umiiyak, ayokong madagdagan pa yun. Nakakapagod rin kasing umiyak. Kapag kasi umiyak ako, makakahinga na ako ng maluwag. Once na nalabas ko lahat ng problema ko sa pagiyal, titigil ako tapos parang mahihimasmasan ako.

May practice kami ngayon sa bahay ni Kian. Sabi niya na pwede raw kami dito magpractice sa bahay nila since ito yung mas malapit sa school. Dalawa kasi bahay nila. Yung isang bahay na tinitirahan ngayon ni Kian, yun yung bahay nung Lolo at Lola niya sa side ng Mama niya. And then yung bahay naman na pupuntahan namin ngayon, bahay ito ng stepfather niya.

"Nakauwi na si Mama. Nandiyan siya, kaya wag kayong magulo doon ah." paalala niya sa amin habang naglalakad papasok sa loob. Umuwi na pala ng Pilipinas yung mother niya. Once a year talaga umuuwi yung mother niya. Minsan uuwi siya bago magpasko o kaya naman kapag bakasyon na.

Kapasok na kapasok namin sa loob ng bahay nila, bumungad sa amin ang Mama at stepfather niya kaya naman lahat kami nagmano sa kanila. May mga bisita sila, kamag-anak yata nila yun. Lumapit ako kay Kian dahil nakita ko na may buhat siyang baby. Malapit ang puso ko sa mga bata kaya napalapit ako sa kaniya nang hindi oras. Ewan ko ba pero once na makakita ako ng bata, kakausapin ko ito o kaya'y makikipaglaro ako. Naaliw lang talaga ako sa tuwing nakakakita ako ng mga bata lalo na kapag cute ito.

"Say hi to your Tita Sheena!" saad ni Kian habang pinapakaaway ang batang babae sa akin. "Hi! What's your name baby? OMG! Ang cute cute naman ng batang 'yan." I changed my voice into a sweetest tone and then I pinched her cheeks. Ang cute kasi, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko.

"Oo nga pala, sama ka sa akin. Ipapakilala kita." Nagtataka naman ako sa sinabi ni Kian. "Huh? Saan naman? I mean kanino?" Binaba niya muna ang batang babaeng buhat niya tsaka niya ako hinatak papalapit sa kaniya.

"Kay Mama, mabilis lang 'to."

"Eh? Bakit ako lang? Diba dapat kasama yung iba nating kaklase?"

"Hindi. Ikaw lang talaga. Tara na!" At dahil nga hatak-hatak niya ako, napunta ako sa harapan ng parents niya. Nakatingin pati ibang family members nila sa akin, ako naman itong nahihiya kaya yumuko ako ng kaunti. And isa pa, I don't know what to say. Ang awkward lang. Ang dami kasing alam ni Kian. Nagmano naman na ako sa parents niya kanina, kaya okay na yun. Pero para kay Kian, hindi pa raw yun sapat. He badly wants me to meet his Mom.

"Ma, si Sheena." simple niyang saad. Nabaling naman ang tingin sa akin ng Mama niya kaya iniangat ko ang tingin ko at ngumiti sa kaniya. "Hello po tita!" Kumaway lang ako habang nakangiti sa kaniya. "Hi Sheena, ganda-ganda mo naman." Pagkatapos akong ipakilala ni Kian ay pinaulanan kami ng tukso mg pamilya niya. Ngayon lang raw kasi nagpakilala ng babae si Kian sa family niya. Kaya pala gulat na gulat ang pamilya niya ng makita ako.

Lahat pala ng mga naging girlfriend niya, hindi niya napakilala sa family niya. Bakit kaya? Kasi hindi niya naman seseryosohin kaya ganoon? Pero bakit naman ako pa ang ipapakilala niya? Does Kian like me? Baka naman pinagtitripan lang ako nito. Mabilis lang ang ginawa naming pagpa-practice kaya naman after ng practice, inaya kami ni Kian na manood na muna at kumain dito. May binigay din siyang chocolate sa amin na pasalubong raw ng Mama niya. Hindi naman madamot si Kian pagdating sa mga ganito.

"Sheena oh, sayo yan. Tabi mo." Binigay niya sa akin ang maliit na USB. May design yun, para siyang stuff toy namaliit pero USB talaga siya. "Huh? Para saan 'to?" Nagtatakang tanong ko. Bakit niya naman kasi ako bibigyan ng ganito? Alam ko na hindi kami ganoon kadikit ni Kian. Ang ibig kong sabihin eh close kami pero minsan parang may wall between us. Kaya nakakapagtaka kung bakit niya ako bibigyan ng ganito. "Galing yan kay Mama. Tanggapin mo na. Magagalit ako kapag hindi mo tinanggap iyan." Wala na akong ginawa kundi tanggapin ito. Pinakatago ko pa nga sa bag ko iyon. Para lang hindi ko mawala.

Napansin ko na binigyan niya rin yung iba. Ang pinagtatakahan ko lang eh pili lang talaga yung mga binibigyan niya. Parang yung mga malapit na malapit lang talaga sakaniya yung binigyan niya. Si Harlon at Dannie hindi niya nga binigyan ng ganoong bagay kaya hindi ko alam kung ipapakita ko ba sa kanila or sasabihin ko na binigyan rin ako ni Kian. Pero nakita yata nila na binigyan ako kanina ni Kian kaya nagtatanong si Harlon sa akin ngayon. Si Dannie naman wala siyang pake. Nakatulala lang siya sa isang tabi at ayaw niya pa rin akong kausapin.

Binuksan ko ang maliit kong notebook after kong kumain ng lunch. Wala pa masyadong tao dito sa loob ng room dahil nga lunch break pa rin at nasa canteen ang lahat. Pero napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. "Did you eat already?" tanong sa akin ni Kian, siya pala yung pumasok sa loob akala ko teacher.

"Yes, kakatapos ko nga lang eh."

"Bakit magisa ka lang dito?" Muli niya na naman tanong at tuluyan ng tumabi sa akin. "Diba nga hindi kami naguusap niu Dannie. Ang awkward naman kung sumama pa rin ako sa kanila kahit hindi kami nagpapansinan." Kinuha niya ang notebook ko at pinagsulatan iyon. Yung notebook na hawak niya ay notebook yun para sa mga sinusulat kong walang kwentang bagay. Gustong-gusto ko kasing nagsusulat. Kaya natutuwa ako kapag magle-lecture kami. Kahit masakit sa kamay, nae-enjoy ko pa rin magsulat. Ang weird ko talaga!

Naririnig ko na kumakanta si Kian, mahina nga lang. Pero si Kian kasi mas hilig niya ang pagsayaw. He knows how to dance well. He's a dancer after all. Kaya naman once na sumayaw na siya, paniguradong hihinatayin ang mga babaeng nanonood sa kaniya. OA man ang pagkakadescirbe ko pero yun kasi talaga ang reaksyon ng lahat. Ang lakas ng dating niya kapag sumasayaw siya. Kaya mas gustong gusto ko siyang nakikitang sumayaw. Though he's good in singing too. Kaya lang minsan hindi niya kasi sineseryoso kaya pumapangit ang kinakalabasan ng singing voice niya.

"Michael Pangilinan is a good singer. In fact, he's my idol. I don't know, I just find it amazing and chill." pagkukwento niya. "Yeah, you're right. I heard some of his songs and maganda naman kasi talaga." pagsasangayon ko.

"Nice, ganda ng music taste mo ah. That's good."

Simula noong hindi na kami naguusap ni Dannie, nagpalit muna kami ng pwesto ni Shantal. Si Shantal kasi katabi niya si Kian. Utos ito ni Kian kay Shantal na siya muna raw ang pumalit sa pwesto ko para raw katabi niya ako. Kaya naman sanay na ako sa presence ni Kian sa gilid ko. Minsan kapag free time bigla na lang kumakanta si Kian habang nakatingin sa akin tapos feel na feel pa niya.

Hindi pa pumapasok yung teacher namin for our next class kaya magulo pa ang room at ang ingay nila. May kaniya-kaniya silang ginagawa. Ang ibang boys sobrang ingay habang ang ibang girls busy sa pagaayos ng buhok nila. "Sheena, look nakita ko lang din yan. May nagsulat sa notes mo oh." Tinuro ni Kian ang notebook ko at pinakita ang sulat na tinutukoy niya.

Hi, crush! I like you a lot!
-from your secret admirer

Kumunot ang noo ko sa aking nabasa. Crush? Someone likes me? Hindi naman na bago sa akin ang ganito. May mga nagkakagusto naman talaga sa akin, sasabihin na crush nila ako pero hindi ganitong way. All my life, I've never had a secret admirer. So I find it weird though kinilig pa rin naman ako kahit papano because it's my first time na makaranas magkaroon ng secret admirer.

"Are you sure this is not yours?" Tanong ko kay Kian. I know his penmanship. Magmula first year high school kaklase ko na siya, kaya naman talagang alam na alam ko na kung paano ang handwriting niya. "Nope," tipid niyang sagot. Hindi ko na lang sinabi na nahalata ko siya kaninang pasimpleng sumusulat sa notebook ko. Magmamaang-maangan na lang ako. Hindi ko din sasabihin sa kaniya na nase-sense ko na may gusto siya sa akin sa dami ng hints na pinapakita niya.

He even offered na ihatid-sundo ako para raw safe ako. I know na nagiging mabait lang siya pero I think he's kindness is too much already. Hindi niya naman kasi ito ginagawa sa iba. O baka naman pinagpupustahan lang nila ako ng mga kaibigan niya but I know he won't do such thiongs like that even if he's a jerk sometimes. He may be flirty, he may be a jerk. But he won't do that kasi alam niya na may salitang karma and alam na alam nita rin na babalik at babalik sa kaniya kung ano ang ginawa niya.

Habang nakapatong ang ulo ko sa lamesa, naramdaman ko ang pagkabigat ng likod ko. Nakaramdam na lang ako na may yumayakap sa akin. Nang higitin ko ang kamay nito para makita kung sino, nanlaki ang mata ko. It's Kian! Dahan-dahan ko siyang pinaalis sa likod ko. Nakuha pa akong daganan. Tinignan ko siya at ang sama ng tingin niya.

"What?" pagsusungit ko.

"Tsk. Inaantok ako eh."

"Oh ano naman ngayon? Bakit ako yung gagawin mong unan? Tsaka kung makayakap ka naman. Close tayo?" Lalo niya lang akong sinamaan ng tingin.

"Ang sweet kaya ng ganoon." pagdadahilan niya pa.

After ng class namin, nakausap ko ulit si Caleb. Gaya ng nakagawian. Ang kulit-kulit niya nga at ang dami niya pang sinasabi. Nagiging madaldal na siya and chismos at the same time. At ang mas nakakainis pa, lagi niya akong pinipikon.

"Sino 'yang kausap mo? Masasagasaan ka sa ginagawa mo eh." Hinawakan ni Kian ang dalawa kong kamay dahilan para mapahinto ako sa pagcha-chat. "Wala ka na doon!" Inis kong sambit. "Oh? Naiinis ka na naman. Look, kapag hinayaan kita na maglakad ng ganiyan mapapahamak ka. Baka masagasaan ka or worst kunin iyang phone mo." Pinapagalitan niya na naman ako.

"Bubusina naman yung mga kotse eh."

"Paano kung hindi? Paano kung hindi ka nila agad nakita? Tigilan mo muna kasi yan."

Pumunta kami sa bahay ng Lolo ni Kian kung saan kami magpapractice ng sayaw. Iba na ito. Hindi na ito kagaya nung sayaw na pinractice namin doon sa isa pa nilang bahay. Kapag si Kian ang nagturo, mabilis lang natatapos ang lahat. Mabilis kasi siyang magturo tsaka agad naming nage-gets. Kaya kapag may mga ganitong sayawan, kung gusto mong makakuha ng mataas na grades at maging maganda ang kalalabasan ng sayaw. Si Kian ang piliin mong ka-group.

"Ikaw ba si Sheena? Ikaw pala yung nakwento niya sa amin noon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Lolo niya, habang ang iba naming kagrupo ay nagbubulungan na. "Wag mong papakinggan si Lolo. Matanda na siya at medyo humihina na ang pandinig niyan. Baka hindi naman pangalan mo yung narinig niya." sabi ni Kian.

"Presko dito sa labas, ano?" tanong ng Lola ni Kian. "Oo nga po eh. Nagtatanim po pala kayo no." Habang busy si Kian na turuan ang iba naming kagrupo na nahihirapan sa mga dance steps, nakipagusap muna ako dito sa grandparents niya. "Oo naman iha. Hilig ko magtanim ng mga kung ano-ano. Tsaka yun na lang din naman ang pinagkakaabalahan namin dito."

Bigla naman siyang nagopen ng topic tungkol kay Kian. "Nakakatuwa naman at kaibigan ka ng apo ko. Alam mo kasi yung batang yun mahiyain talaga siya dati pero kapag papasayawin mo siya, nawawala ang pagkahiya niya. Basta kapag sayaw na ang pinaguusapan, magpapakitang gilas siya." Nakakatuwa magkwento ang Lola niya, samahan pa ng pangaasar ng Lolo niya.

"Oo nga po. He loves to dance. Kaya lagi siyang number one sa mga sayawan na nagaganap po sa school namin. Some of the girls in our school admire him for being the best dancer and also sa looks din po niya." Kian is not that handsome tlaga. Maybe attractive pwede pa. Pero hindi naman talaga siya ganoon kagwapo. Gumagwapo siya kapag sumasayaw lang siya. Ewan, para sa akin ganoon. Mas nakaka-attract siyang tignan kapag sumasayaw siya.

"Ano na naman kinukwento niyo sa kaniya?" Tumabi sa akin si Kian habang umiinom ng tubig. "Ang sabi nila gwapong gwapo ka raw sa sarili mo." pagbibiro ko na ikinatawa ng lolo't lola niya.

"Sus! Eh sa gwapo naman talaga ako."

"Ang kapal mo!" Inabot niya sa akin ang isang lampin. "Anong gagawin ko diyan?" Kunot noo kong tanong.

"Punasan mo likod ko." utos niya.

"Do I look like your Mom?" I asked.

"Tsk. Mabilis lang naman yung gagawin mo." Kinuha niya ulit sa akin ang lampin at walang pasabing hinubad ang damit niya sa harapan ko. "Oh, huwag ka ng pumikit. Ayos lang sa akin na makita mo itong abs ko." Papikit palang sana ako kaso naudlot dahil sa sinabi niya. "Wala naman." saad ko.

"Anong wala naman? Hala! Tinitignan mo ba? Ikaw ah!"

"Ako pa talaga may kasalanan na nakita kong wala naman? Eh bakit ka kasi basta-basta naghuhubad dito? May kwarto ka naman." Napapikit ako ng may dumapong damit sa mukha ko. "Pumasok ka na nga sa kwarto ko. Magpalit ka doon ng damit. Ang pawis mo!" Sinunod ko na lang ang inutos niya. Sinamahan niya ako na makapunta sa loob ng kwarto niya. "Oh? Labas na! May balak ka pang mag-stay?" tanong ko, ngumisi naman siya.

"Eh bakit? Kwarto ko naman 'to."

"Magbibihis ako dito tapos nandiyan ka? Are you a pervert?"

"Gentleman ako no. Eto na! Lalabas na nga." Nang makalabas siya ay mabilis akong nagpalit ng damit, napansin ko naman na malinis nag kwarto niya. Sabagay, si Kian kasi masyado siyang organize sa lahat. Nung nakaraan nga nasa school kami, inayos niya ang bag ko dahil madumi daw. Paano nakalimutan kong itapon ang mga crumpled papers na nasa bag ko. Kaya inayos niya.

"Bukas sasabihin ko na kay Sir yung tungkol sa inyo ni Dannie." Natakot naman ako sa sinabi ni Laurice. Sabay kaming uuwi ngayon, dahil sa paguwi ko ay madadaanan ko naman ang bahay nila.

"Huwag na. Huwag na nating palakihin."

"Anong huwag na? Para nga magusap na kayo. Magbati na kayo. Sabi mo nung minsan gusto mo na siya kausapin. Huwag ka ng umayaw." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sis, tiwala ka lang sa akin. Magkakaayos din kayo, okay?" Tumango na lang ako at pumayag sa gusto niyang gawin. Kadating ko sa bahay ay nakatanggap ako ng chat mula kay Caleb.

Caleb Alonte: Basta kapag pumunta kami ng mga tropa ko diyan sa Pampanga, sama ka sa amin ah since taga-Pampanga ka naman. Sama ka sa amin sa Sky Ranch.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    MillanoPatrick

    that's good

    18/07

      0
  • avatar
    Carl Justin Penaso

    Good story

    27/05

      0
  • avatar
    LimbagoLyster

    nice stories thank you for the author of this stories

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata