logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

"Magpapaquiz daw si Ma'am Queency mamaya after niyang magdiscuss. Yun yung narinig ko sa kabilang section. So ano? Advance reading na kaya tayo?" Suhestiyon ni Patricia sa aming tatlo. "Sure! I think that's the best thing to do instead of having a little chismis here, right? Ayokong bumagsak no!" Nilabas ko na ang libro ko at notebook ko. "Filipino naman yan. Tiwala lang, mabait si Ma'am eh. Bibigyan niya tayo ng mataas na grades kahit na medyo mababa ang makukuha nating score sa quiz na yan. Kasi mas malaking points ang kukuhanin niya sa exams. So relax!" Kalmadong sabi ni Harlon.

"Kahit na. Kailangan pasado pa rin tayo sa quiz, mahirap na." Kagaya ko, nilabas na rin ni Dannie ang kaniyang libro para makapagbasa at magaral habang hindi pa pumapasok si Ma'am Queency. Abala kaming apat sa pagbabasa nang bigla akong binulabog ni Kian. Ngumiti lang ito sa akin at umupo sa tabi ko. Ano na naman bang gagawin niya dito? Manggugulo? "Behave yourself. Ayokong ginugulo ako kapag nagrereview." I know na alam niyang ayaw na ayaw kong may asungot na nanggugulo sa akin kapag nasa kalagitnaan ako ng pagrereview o pagbabasa pero pinaalalahanan ko lang ulit siya. Baka kasi nakalimutan niya.

"Just don't mind me here. Wala naman akong balak manggulo eh." Ginawa niya naman ang sinabi niya sa akin. Hindi nga siya nanggulo. Tahimik lang siyang nakamasid sa mga kaklase namin. Ako naman ay tahimik na nagbabasa at paminsan-minsang tinatanong ang tatlo kung anong topic ang pinagaaralan nila. Baka kasi may hindi ako nabasa na nabasa pala nila o di kaya'y may nakaligtaan akong basahin sa libro o sa lectures na ginawa ko. Gusto ko lang makasigurado. Ayoko naman na madisappoint sa akin si Dad at si Mama. Gusto ko na kahit quiz lang naman ito, mataas pa rin ang makukuha kong score.

"Stop asking, just do it by yourself. Kapag may hindi ka alam sagutan, just ask me and I'll give you the answer." Tinaas baba nito ang kilay niya at ngumisi sa akin. "Ayoko ngang mangopya!" Tinakpan ko ang mukha ko ng notebook na hawak-hawak ko.

After a few minutes, pumasok na si Ma'am Queency. As usual, napakahyper niya at tawa siya ng tawa. Gaya ng nakasanayan namin sa kaniya, nagdiscuss muna siya at sinabi niya na makinig raw kami ng mabuti dahil baka isali niya ito sa quiz namin ngayon. Habang abala ako sa pakikinig, abala rin si Kian sa paglalaro ng kamay ko. Dahil nga magkatabi kami madali niya lang nakuha ang kamay ko at hinawakan 'yon. Like what I've said he's flirty. At ito ang isa sa madalas niyang gawin sa akin. Hinahayaan ko lang siya. Pero aaminin ko na hindi ako masyado komportable sa ganito.

Kahit na nagsusulat ako ay hindi niya pa rin binitawan ang kabilang kamay ko. Mabuti na lang at hindi ako nahihirapan sa pagsusulat. Kahit na sabihin kong hindi ako komportable sa ganito, parang gusto ko rin naman. Dahil alam ko sa sarili ko na gusto kong ganito ang trato sa akion kahit na pansamantala lang. Oh diba? Isa rin akong marupok. But it's not being a marupok. It's just that I like being held by someone else. Parang yun kasi ang sign na may makakapitan ako if I need someone to lean on. Parang sa way na yun doon ko nararamdaman na kahit sandali man lang hindi ako nagiisa. At narerelax ako kapag may humahawak sa kamay ko. Pero kung ang mga kaklase ko ang makakita na magkahawak kamay kami ni Kian, malamang sa malamang iisipin nila na naglalandian kami. Well, malandi naman ang lalaking 'to. Pero ako? Hindi no! Siya lang, wag na niya akong idamay!

"Anong sagot sa 13?" bulong sa akin ni Kian. "Akala ko bang sayo ako kokopya? Eh parang baliktad ang nangyari ah." Hindi ako pumayag na pakopyahin siya, kasalanan niya na yun kung hindi siya nagreview kanina. "Eh malay ko bang isasama yung ganitong topic. Dali na, kahit isang sagot lang." Ngumiti pa ito na tila ba nagpapacute para lang pagbigyan ko. Natapos ang quiz nang hindi ko siya pinapakopya. Habang naghihintay pumasok ang next teacher namin ay hindi pa rin umalis sa tabi ko itong si Kian. Nakatingin lang ito sa akin habang patuloy sa paglalaro ng kamay ko. Parehong nasa table ang kamay naming dalawa kaya tiyak na nakikita ito ng iba kong mga kaklase. Nakita ko naman na nakatingin sa amin si Dannie kaya agad kong inalis ang kamay ni Kian sa pagkakahawak sa akin.

Ayaw kong isipin niya na inaagaw ko sa kaniya itong crush niya. And yup, crush niya nga itong si Kian, matagal na. Iniiwas ko lang ang sarili ko sa pwedeng mangyari, mahirap na. Knowing na masyadong sensitive si Dannie. Gusto niya wala siyang kahati sa mga bagay-bagay, lalo na sa crush niya. Pero sa part na yun ay nandoon ang pagiging selfish niya. Oo bestfriend ko siya pero nakikita ko na mali ang ginagawa niyang ganoon. Maling-mali. Mabuti sana kung may label sila ni Kian, naiintindihan ko pa yun eh. Pero wala naman. Sabihin na nating oo pwede siyang magselos pero wala siyang karapatan para pigilan si Kian na makipagusap sa ibang babae o sa akin. Isa pa, alam ko ang limitations ko. Alam ko kung ano ang tama at mali. Alam ko kung kailan ako didistansiya sa kanila. Pero dahil bestfriend ako ni Dannie, iintindihin ko na lang siya.

"Anong pangarap niyo?" Biglang nag-open ng topic si Harlon, kaya sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya. Maging si Kian nakisali sa usapan. "I don't know." simpleng sagot ko. "Hindi sa hindi ko pa alam. Sadyang hindi pa ako makapagdesisyon at hindi ko pa kayang magsalita ng tapos." pagpapaliwanag ko sa sinagot ko kanina.

"Sa totoo lang, marami tayong pangarap sa buhay. Ngunit sa dami ng pangarap natin, isa lang ang dapat nating gawin hakbang. Ang ibig kong sabihin, hindi masamang mangarap ng napakarami. Pero kung sa tingin mong hindi mo kayang panindigan ang lahat ng pangarap mo edi mag-stick ka muna sa isang pangarap at yun ang tuparin mo." Napatango kami sa sinabi ni Kian.

Si Kian kasi parang mulat na mulat na siya sa katotohanan. Even if he's a little bit flirty, he's still the Kian who is soft hearted when it comes to his family. Sino ba namang hindi diba? What I meant here is that Kian has a miserable life since when he was a kid up until now. Kung miserable ang mundo, ganito rin ang mundo ni Kian. Broken family tapos may away pa sila between sa stepfather niya. Yung biological father niya hindi niya alam kung nasaan na. Hindi niya alam kung buhay pa ba or what pero ang isa sa mga alam niya tungkol dito ay dati iyon nakulong. Kaya ngayon, nakatira siya sa Lolo niya doon sa side ng Mama niya. Si Mama niya naman, umaalis ng bansa para magtrabaho. Nasabi niya na sa amin noon na kinasusuklaman niya ang stepfather niya because of what happened to them.

May mga times kasi na pinapakita sa kaniya ng stepfather niya na hindi talaga siya nito mahal. That's why Kian decided to leave his stepfather's house. Naalala ko nung kinukwento niya 'yun, umiiyak pa siya sa harap namin. Discussion kasi dapat yun and then si Ma'am Queency sabi niya sa amin gusto niya raw na i-share namin yung naging karanasan namin sa buhay at hindi namin alam na mauuwi sa pagiging emosyonal ni Kian.

Siguro kaya si Kian ay madaling magsawa sa mga babaeng nililigawan o nagugustuhan niya dahil isa sa mga dahilan noon ay naghahanap siya ng isang taong tatanggap sa kaniya. Yung taong makakapitan niya sa lahat ng oras. Siguro hindi niya yun mahanap-hanap dahil ni minsan wala namang nagtagal sa kaniya. He always ended up being a bad one. Sa mata ng iba, siya yung lalaking mabilis magsawa. Pero sa aming mga kaklase niya? Oo mabilis man siyang magsawa ngunit may mga bagay siyang ginawa o nagawa para sa ikakabuti namin o sa ikakabuti nang nakakarami.

"You know what?" Nabaling ang atensiyon ng mga kaibigan ko at ni Kian sa gawi ko.

"Having one will only make you feel pathetic."

"You're right." pagsasangayon sa akin ni Kian. At first I already know na sasang-ayon siya sinabi kong yun. I know him very well.

"What's the point in dreaming when your reality blows?" dagdag pa niya.

Natapos na naman ang araw. Mabuti na lang at mataas pa rin ang score ko sa quiz kahit na may mali akong dalawa. Sabi ko nga kanina ano mang mangyari ay dapat makakuha ako ng score kung saan masasatisfied ako, kesyo quiz lang yan o exam pa.

Gusto ko kasing ipakita sa parents ko na may ibubuga ako gaya ng kapatid ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kaya yung ginagawa ng kapatid ko na kahit hindi siya mag-review eh nakakapasa pa rin siya sa exams niya. Ako kasi kailangan ko pang mag-effort ng sobra-sobra para lang makapasa.

I looked at the screen on my phone and there I saw Caleb's name again. Sanay na ako na laging nandiyan yung pangalan niya sa messenger ko. Eh halos araw-araw na kami magkachat. We even shared some things to each other even if it's just a lottle things. I can say that we became close friends. Ewan ko lang kung friends din ang turing niya sa akin.

Caleb Alonte: Laro tayo!

Mabilis akong nagtipa, hindi halatang excited magreply.

Sheena Camille Alameda: Ano naman?

Caleb Alonte: Sungit nito, sabi ko laro tayo. May bago akong nadiscover na laro. Download mo na. Bilisan mo!

Sheena Camille Alameda: Teka nga! Inuutusan mo ba ako?

Caleb Alonte: Oo bata, inuutusan kita. Bilisan mo na kasi. Ang bagal naman oh!

Sheena Camille Alameda: Ito na nga oh! Ano ba kasing laro yan?

Sa huli ay naglaro din kami nung game na tinutukoy niya. Tuwang-tuwa pa ang loko dahil lagi siyang panalo, eh panalo rin naman ako dahil magkakampi kami. Sa laro, merong chat box doon kung saan makikita mo nagaaway-away sila. Ako naman nakikisali, may masabi lang. Nangiinis din ako. Sabi nga ni Caleb sa akin pinanganak ako para manginis. Habang naglalaro ay nakatanggap ako ng chat mula sa kaniya.

Caleb Alonte: Bakit hindi mo sinabi sa akin na yung bestfriend mo yung kalaban? Magkakampi tayo eh!

Sheena Camille Alameda: So kasalanan ko?

Napakunot ako because somethings off here. Something weird about him. Ako pa kasi sisihin niya, eh malay ko bang si Patricia yung kalaban! Tinatamad na nga akong maglaro eh kaya wala na akong pake kung sino ang kalaban. Sa huli ay sinisi ako ng iba sa chat box na ako raw ang pumatay doon sa kasama nila. Excuse me? Di marunong mag-observe ang mga ito. Hindi ko na lang dinepensahan ang sarili ko. Malalaman din naman nila sa huli kung sino talaga ang totoong pumatay doon.

Caleb Alonte: Bakit hindi ka nagsasalita?

Sheena Camille Alameda: So? Bawal bang manahimik? Tsaka anong nagsasalita, eh chat lang naman yun.

Caleb Alonte: Sus. Galit ka?

Sheena Camille Alameda: I already told you na hindi ako galit at hindi uso sa akin ang magalit

Caleb Alonte: Eh bakit ang tahimik mo sa laro kanina? Diba maingay ka at mahilig kang mangbash? Galit ka ba sa akin?

Sheena Camille Alameda: Kulit mo! Hindi nga kasi. Ang babaw naman kung magagalit ako.

Caleb Alonte: Yung totoo

Sheena Camille Alameda: Doon ka sa babaeng naka kulay pink, magsama kayo. Mapanisi!

Caleb Alonte: So galit ka nga?

Sheena Camille Alameda: Hindi nga. Tinatamad lang ako

Caleb Alonte: Hindi ako sanay na ganiyan ka. Miss ko na yung maingay na Sheena.

Sheena Camille Alameda: Miss mo mukha mo!

Caleb Alonte: Sorry na.

Sa ngayon, si Caleb palang ang tumagal sa lahat ng naging internet friends ko. Ewan ko ba pero iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Maybe sa kaniya ko nahanap yung mga bagay na meron din ako. Ang chill lang kasi tapos may mga bagay na pareho naming ginagawa. Nalaman ko rin na kahit lalaki siya mahilig siyang manood ng Korean dramas. Minsan inis-spoil ko siya sa mga napanood ko na, para lang asarin siya. Nagrecord ako ng kanta and immediately send it to him. Wala pa man ay nakatanggap na ako ng reply mula sa kaniya.

Caleb Alonte: Ang galing! Ganda pala ng boses mo eh

I smiled nang makatanggap ako ng puri sa kaniya. Syempre hindi ko sasabihin sa kaniya na natuwa ako sa sinabi niya. To be honest, I like being held by someone else and other than that I like to be compliment by someone. It makes my heart flutter. Doon ko rin kasi nakikita na worth it pala ako sa mata ng ibang tao. Na nakikita nila kung anong meron ako at kung may ibubuga talaga ako.

Naging mas malalim pa ang pagkakakilala ko kay Caleb at pagkakakilala niya sa akin. Madalas ako ang magkwento sa kaniya tungkol sa buhay ko o sa mga nangyari na sa akin. Siya naman ay taga-kinig lang o nangaasar.

Sheena Camille Alameda: Walang tao sa bahay

Lagi ko siyang ina-update sa nangyayari sa akin sa araw-araw. Sabi ko nga sa kaniya siya na ang nagsisilbing human diary ko kaya kapag nagaway kami mahirap na. Dahil halos lahat yata ng sikreto ko ay hindi na sikreto kasi alam niya na rin ito.

Caleb Alonte: As in wala talaga? Lola mo nasaan?

Sheena Camille Alameda: Kapag sinabi kong wala. Wala talaga. Ako lang ang nandito.

Nakakapagtaka at ako lang magisa ang naiwan sa bahay. Habang naghihintay ng reply mula kay Caleb, pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Everyday ginagawa ko ito. Sa paggising ko sa umaga, hindi pwedeng hindi muna ako iinom ng tubig. Ang refreshing kasi kapag ganoon. Tsaka maganda naman sa skin ang water. Yun ang sabi ni Mama. Isa pa, kailangan hydrated palagi. Nakatanggap ako ng text mula kay Mama and Dad. Sabi nila pumunta sila saglit sa Tarlac. Sa Pampanga kasi kami nakatira. Tapos yung Tarlac nandoon yung parents ni Dad. Hindi nila ako sinama dahil alam nilang busy ako sa mga assignments ko at hindi rin naman daw ako maaga nagising. Binigyan naman nila ako ng pera pambili daw ng pagkain ko kung ayaw ko ang pagkain dito sa bahay.

Caleb Alonte: Wala bang in can na sardines diyan? Yun na muna kainin mo. Wag ka ng maarte Hahaha

Sheena Camillle Alameda: Eh lahat ng in can dito, sinama nila sa na-donate nila nung nakaraang nagkaroon ng bagyo. Konti lang stocks namin dito, bukas pa mag-gogrocery.

Caleb Alonte: Kawawa iniwan!

Sheena Camille Alameda: Nakuha mo pa talagang mang-asar no! Masama ka talaga

Caleb Alonte: Eh anong kakainin mo niyan?

Sheena Camille Alameda: Hindi ko pa alam

Caleb Alonte: Magluto ka na lang

Sheena Camille Alameda: Parang naman hindi mo alam

Caleb Alonte: Ay oo nga pala no, hindi ka nga pala marunong magluto

Sheena Camille Alameda: Ampunin mo na muna ako pansamantala. Diyan ako sainyo kakain

Caleb Alonte: Check mo kasi kung may pagkain na pwede mong kainin

Sheena Camille Alameda: May isang in can na sardines pero hindi ko alam paano buksan

Caleb Alonte: Sus Sheena. Ako magbubukas niyan

Sheena Camille Alameda: Sige, biyahe ka muna ng Pampanga. Bilisan mo ah!

Caleb Alonte: Swerte mo naman kung ganoon.

Sa huli ay nakasurvive naman ako dito sa bahay kahit na wala akong kasama. Mamaya pa daw sila uuwi o baka bukas na. Nakakain na rin naman ako. Umalis ako kanina at sumakay ng grab para ihatid ako sa mall. Sa isang restaurant ako kumain, sobra pa nga yung perang hawak ko eh. Nakauwi naman akong ligtas. Kumain lang talaga ako sa labas. Ayokong mag-stay ng matagal sa labas. Hindi ko kasi alam kung sinasadya ba na gawin sa akin ito. Paano ang daming couples sa paligid. Kahit saan ako tumingin, ako lang itong magisa. Ganito ba ipamukha na isa akong single na nilalang? Grabe ah! Kinuwento ko kay Caleb ang nangyari sa akin gaya ng lagi kong ginagawa.

Caleb Alonte sent you a photo

I'm shaking and hell I'm nervous at the same time. I know it's kinda OA pero kasi bihira magsend ng photo si Caleb sa akin. But I got disappointed when I saw that the photo he send was not his photo. He sends me a photo of a girl holding a bouquet of money instead of flowers.

Caleb Alonte: Gusto mo niyan?

Sheena Camille Alameda: Yup, bakit bibigyan mo 'ko?

Caleb Alonte: Hindi. Magjowa ka para bigyan ka ng ganiyan

"Pat, bakit parang hindi ako pinapansin ni Dannie? What's wrong with her?" tanong ko sa dalawa nang mag-lunch time. "Ewan." sabay nilang sagot sa akin. Gawain ko na kapag wala sa mood si Dannie, hindi talaga namin siya pinapansin. Hinahayaan namin siya na siya mismo ang kumausap sa amin. Kaya gaya ng nakagawian ay hindi ko muna siya inistorbo at sumama muna kila Shantal para maglunch. "Nagaway kayo ni Dannie?" tanong sa akin ni Marc habang kumakain ng ice cream.

"Huh? Hindi."

"Eh bakit hindi mo sila kasama?" Muli na naman niyang tanong. Hindi na ako nakasagot sa tanong niya dahil nung sasagot na sana ako, bigla namang tumabi sa akin si Kian. "Kain ka na." sumenyas pa ito na susubuan pa raw ako pero mabilis akong tumanggi. "Kaya ko naman no. Hindi na ako bata para subuan pa." Natawa ako, siya naman ay tumawa rin at pinapanood lang ako habang kumakain. Umalis din ito matapos siyang yayain nila Raph para bumili raw ng makakain nila. Matagal pa naman ang oras ng pagpasok sa next class namin kaya minsan late na rin siyang kumakain. Mabuti at hindi siya nale-late sa ginagawa niyang 'yun.

"Oh, kainin mo yan. Pampalamig." Inabot niya sa akin ang isang ice cream. "No, thanks. Sayo na iyan." Umiling ito at umupo ulit sa tabi ko. Kinuha niya ang panyo niya at binigay yun sa akin. "Just incase na tumulo yung ice cream sa kabagalan mo." Tinawanan niya ako nang samaan ko siya ng tingin.

"Eh ikaw?"

"Don't mind me. Just go eat, I'll wait for you. Sabay na tayong pumasok." Habang inuubos ang ice cream ay naguusap ang iba naming mga kaklase na wala naman raw ang math teacher namin na si Sir Louis. Kaya ayos lang daw na oras na kaming bumalik ng classroom. Nang mapagdesisyunan naming pumunta na sa classroom, nagulat kami ng masilip namin si Sir Louis na nasa loob ng classroom namin.

"Library tayo." bulong ni Shantal sa amin. "Wait, don't tell me na magcu-cutting tayo?" Tumango sila at sabay-sabay na ngumisi. "Hey! Mali ito." Napakamot sa batok itong si Kian, lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kasunod noon ang pagtakbo niya kaya napatakbo rin ako.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    MillanoPatrick

    that's good

    18/07

      0
  • avatar
    Carl Justin Penaso

    Good story

    27/05

      0
  • avatar
    LimbagoLyster

    nice stories thank you for the author of this stories

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata