logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Caleb Alonte sent you a friend request

I'm not really sure who's that someone who sent me a friend request. I don't know if that's the guy that I'm talking with a while ago. But just to make sure, I clicked his profile. I guess this will do. Let's say I just did a little background research or whatever you want to call it. This guy name Caleb Alonte lives in Bulacan and the guy I've met online lives in Bulacan also. And after that, I found out that the guy I've met in Omegle is the guy who sent me a friend request. I didn't expect that it was him. Malay ko bang hahanapin niya nga talaga ang facebook profile ko. So as soon as I clicked the 'confirm' he sent me a message.

Caleb Alonte: Ang daldal mo po HAHAHA

That was his first chat and he didn't even say 'Hi' or what. That means siya nga ang nakausap ko kanina. Akala ko pa man din he's formal. I mean the way he talked in chat a while ago, medyo formal eh.

Sheena Camille Alameda: Oh hi! Wait, I'll be right back. May ipapakulong lang muna po ako.

Caleb Alonte: Sige

Actually, I'm not sure if I can talk to his pa. I don't know kasi based on my best friend, Harlon. Those people whom you met online, will not stay longer. Well, sometimes kost of them nagi-stay naman kaya lang may times na hindi rin. But as if I care if that guy will stay longer or not. I really don't like entertaining people online because it's scary. And I made an excuse na kunwari may ipapakulong ako, dinadala ko talaga pagiging future attorney ko kapag kausap ko yun.

To be honest, wala naman akong ipapakulong at wala rin naman akong kaaway o dapat na ipakulong dito. It's just an excuse. Matutulog na talaga ako. Bahala siya diyan.But being a scammer, syempre I'm not going to sleep pa. I checked the app where I write my stories, and I'm planning to publish another story. I've been planning to write for about a years na rin. Pero hindi natutuloy because I'm too busy for that thing.

Kailangan kong unahin ang pagaaral ko at feeling ko hindi ko kayang paninindigan ang pagiging isang writer but now, I changed my mind. Last month I just published my first ever story. And I'm not sure if may nagbabasa non, because I'm actually doing this for fun and that time I'm just bored that's why I did something to explore something new and yes, that's writing.

The last time I wrote a story is wayback when I was in first year high school. Wait, nope. Elementary ako nung nagsimula ako and nung binasa ko yung mga gawa ko noon sa drafts ko, na-cornyhan ako at bukod doon hindi ko matuloy-tuloy ang pagbabasa ko kasi tipong pati ang alarm clock at kung ano-anong bagay ay nagsasalita doon even if that story is not a fantasy one. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nasulat ko ang mga ganoon.

Then I remembered na nung elementary ako eh that story I wrote is for my eyes only though I have a page noon and nagsusulat ako ng story doon. May kakaunting readers pero hindi ko rin napanindigan. And after that, when I was in first year high school, nagkaroon kami ng isang final project. Pinapagawan kami ng parabula, individual. It's our final project in Filipino subject. At doon nagsimula ang pagsusulat ko ulit ng stories. Dati- rati kapag naguusap kami ng mga kaibigan ko gagawa ako ng kwento tungkol sa amin at sa mga crush namin. Yung mga kaibigan ko naman nageenjoy at kinikilig.

Nakatulugan ko na pala ang pagiisip ng mga pangyayari dati sa akin. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na ako.

Sheena Camille Alameda: Hi there, I'm back na po Kuya

I think I need to be more respectful this time because I don't even know him. Baka mamaya ano isipin nito sa akin. Baka mamaya judgemental 'to o kaya ano pa sabihin sa akin. Pero I always prefer to call others a 'kuya' or 'ate' specially when they are older than me. Sino ba namang hindi diba?

Caleb Alonte: Kuya pa nga. Wag na kuya. Nagmumukha akong matanda.

I laughed when I saw his chat. Matanda kaagad? That was just a way of respect for me since we're not that close pa kasi if we're already closed na I can call him anything I want to. Bro, dude, and pre will do. But not now, I guess?

Sheena Camille Alameda: Hi ate!

Caleb Alonte: Ate pala ahh

Sheena Camille Alameda: Joke lang po

Caleb Alonte: Kuys na lang

Caleb Alonte: Wag ka ng maging magalang sa akin. HAHAHA nakakatanda yang paggamit mo ng "po" at "opo" sa akin eh.

And then the conversation go on and went smooth for the both of us. All I can say is we have the same vibes like really really the same.

We're still not that close but when we talked about some things, it's like we known each other for years. That's the feeling that I noticed when I'm chatting with him.

Sheena Camille Alameda: Ang pangit no?

Caleb Alonte: Akala ko "ang pangit mo". Natatawa ako.

After that chat, back to normal na ulit. Balik school na and other stuffs na ako. Well, kailangan kong magfocus dito kasi kung hindi damay buong future ko. "Hoy bruha, may gagawin pa tayo no. San ka pupunta?"

"Oh I forgot! Ngayon nga pala yun no? Wait for me, I'll just fix myself first, okay?" She just nodded.

After our class I always go to the restroom. Wala lang, I feel like I need to see myself before I go home. And I always want to look fresh everyday. I looked myself at the mirror, I comb my hair and spray my favorite perfume, sa sobrang favorite four years ng ganito ang perfume ko. And all of my classmates know my scent. Dadaan palang ako amoy na amoy na nila ang pabango ko at once na naamoy nila ang pabangong yun sa loob ng room, name ko kaagad ang babanggitin nila or ang nasa isip nila.

"Sinong kasama natin? Wait, bakit pati kabilang group kasama natin?" Lutang na lutang ako magmula kanina kaya hindi ko na alam kung bakit ganito ganap ngayon.

They decided to go in one of our classmates house, magsasama kami ng kabilang group so that whenever we need some help, nandiyan sila para tumulong and that's a good idea. But the thing is, I don't know if it's just me or what. Pero napapansin ko kasi talaga ang isa sa mga classmates ko na iba ang kilos pagsating sa akin. Oh nevermind! Baka dahil lutang lang ako kaya kung ano ano ng napapansin ko.

Powerpoint lang naman ang gagawin namin. Madali lang naman yun para sa akin lalo na't hindi naman ganoon kabigat ang topic. Kaya kadating palang namin sa bahay ng classmates namin naglabas na kami ng mga laptops and things that we need to use.

"Hey Kian, what are you doing? You're not doing your PowerPoint?" I glared at him. He didn't hear me, he was busy watching on his laptop.

"Hey, I'm talking to you. Bingi ka ba? Huh? Anong ginagawa mo? Bakit ka nanonood ng mga vlogs and such? Did Ma'am Francine told you to watch this kind of stuffs para magka-idea sa powerpoint na gagawin mo?" He sighed and wala siyang nagawa kundi tanggalin ang pinanonood niya. "Okay, Sheen tell me how can I do this one if my groupmates aren't here? Sige nga." Napairap ako sa sinabi niya. Ang totoo niyan hindi namin ka-group itong si Kian. Sumama lang siya sa amin kasi nga hindi pinayagan yung mga kagroup niya.

"Ano pang silbi namin diba? Get your book, I'll help you since patapos na rin naman yung sa amin." Mabilis lang natapos ang sa amin dahil nakapag-notes na ako ng mga important details at nakasyos na ang ilalagay sa powerpoint. Kaya typing na lang ang ginagawa namin. And to be honest, ayokong hindi ready palagi lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Maaga palang pinaghahandaan ko na talaga kaya swerte rin mga groupmates ko sa akin. Hindi sa pagmamayabang pero hindi kami matatapos kaagad kundi dahil sa akin.

While I'm busy typing, I saw on my peripheral vision that this guy named Kian looking at me. Kaya I stopped on what I'm doing and looked at him. "What?" pagtataray ko na ikinatawa niya lang. "Wala. Tuloy mo na yan." Tinapik niya pa ang libro at nilipat ang tingin sa iba. "Wow! Makautos! May bayad 'to ah!" He just laughed again. He's crazy!

Hindi ako pumayag na ako lang magisang gagawa sa lintik na powerpoint ng isang 'to. Masyado na siyang abusado kung ganoon. So I told him na dapat gawin niya ito and I'm here not to do the whole powerpoint. I'm just here to guide him and help him with some stuffs na nahihirapan siya.

Well, I can say that Kian is kind, playfull and kinda knowledgeable pero yung knowledge na meron ako at meron siya ay magkaiba. Ganoon naman talaga diba? Hindi lahat pare-pareho. But the thing with this guy, he's flirty. Yeah, he is. Iniwan ko na muna siya habang busy siya sa pagtatype. Nakigulo na lang ako sa mga groupmates ko.

"What's that?" I asked them. Tapos na silang magtype at sa lahat ng ginagawa nila kaya nasa kusina sila ngayon para magluto. "A pasta for us!" Maligalig at pasayaw-sayaw pang sabi ni Kris. Siya ang may ari ng bahay kaya naman siya ang nagluluto ngayon.

Lumabas ako ng bahay and I saw some of my classmates dito sa tapat ng bahay nila Kris. May mga upuan dito at dito sila nakatambay. Ginawa pa ngang tambayan ang bahay nila Kris. Napailing ako at para bang hiyang-hiyang sa ginagawa nila. Syempre feel at home sila tapos baka mamaya iba sa paningin ng family ni Kris at ano pa sabihin. Ayoko rin naman na may masabi ang ibang tao sa mga 'to dahil nga damay pati kaming mga nanahimik lang. I saw one of them holding a cigarette! Like what the hell? For pete's sake kahit na itong si PJ ay mas matanda sa smin ng 2 years. Mali pa rin sa ibang taong makakakita sa kaniya. Nakauniform pa man din siya. Ano na lang sasabihin ng iba diba?

I was about to walk but someone's held my arm and I saw Kian. He shooked his head. "What? Hahayaan na lang natin yun? Ganoon ganoon na lang?" Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Parang naman hindi mo alam na mamasamain niya yang gagawin mo." Yeah, he's right. Kapag kasi binawalan or pinagalitan namin si PJ sa ginagawa niya, mamasamain niya agad. Iba ang dating sa kaniya at hindi siya tumatanggap ng mali niya. Ewan ko ba naturingang pinakamatanda sa amin pero parang mas matured pa kami magisip kaysa sa kaniya. Sabagay, I can't blame him. Iba iba ang tao.

"Eh look, what if someone's saw him? Diba? Tapos kasama niya pa ta-" He suddenly positioned his index finger in front of my mouth, and told me "shut up, ako na magsasabi. Just stay there." Iniwan niya ako at pumunta kila PJ pero dahil makulit ako, sumunod ako sa kaniya. "Dude, pakitago na 'yan. Wag dito. Nakakahiya eh." Kalmado lang at parang hindi niya pa nga alam kung paano talaga sabihin sa maayos na maayos na way.

"Tsk. Okay." Inis na tinago ni PJ ang isang pakete ng cigarette. At ayun na nga, as Kian and I expected, nainis siya at naglakad lakad muna. Magpapahangin daw. Eh pasalamat nga siya at ayaw namin na may masabi ang ibang tao sa kaniya. "I told you. Kung ikaw ang nagsabi non baka hindi lang siya mainis at sigawan ka pa niya. Knowing na palaban ka rin. Isa ka rin eh." Sinamaan ko ng tingin si Kian. "What? I'm not like that!" depensa ko sa sarili ko. Tumawa lang siya at tinapos na ang ginagawa.

"Sheena, una na kami ah." Malayo kasi ang bahay nila Marc dito sa bahay nila Kris, kaya maaga silang uuwi at baka mapagalitan pa sila. Ako naman eh malapit lang naman bahay ko dito.

"Yup, uuwi na din niyan ako eh." Inaayos ko na ang gamit ko pero hindi ko kasi maiwan itong si Kian, nagmamakaawa na tulungan ko pa daw hindi pa raw kasi sapat ang tulong na iyon. "Sheena tara na, sabay ka na sa amin oh." Aya ng iba naming kasama. "Nope, I'll stay here for a bit. Someone's need my help eh." At binalingan ko na si Kian. Kailangan na naming magmadali na tapusin ito, dahil malamang kapag nagtagal pa ako dito eh pagalitan na talaga ko. 5:00pm lang pinagpaalam ko pero baka 5:30pm na ako makauwi.

"Oh ayan ilagay mo yan. Then after that, this one naman. Sunod-sunod na lang yan." Tumango lang si Kian habang tinuturo ko kung ano ang gagawin niya. "Search a picture for this para kapag nagrereport may pinapakita kayo and aware sila kung anong itsura niyan. Then gawa ka ng pa-quiz about sa topic na binigay sa inyo." I gave him an example sa quiz para mas mapadali na lang sa kaniya. Good thing that he's a fast learner kaya napapadali na lang lahat at hindi na kailangan pang ulit-ulitin.

"Finally! Tapos na rin!" Nagunat-unat pa siya katapos niyang magtype ng napakarami. Nakipagapir siya sa akin at kay Kris. "Thanks Kris! Una na kami ah." pagpapaalam ko. I always say thank you kapag gumagawa kami ng projects or reportings sa bahay ng mga kaklase namin. Thank you because pasasalamat sa pagpapatuloy sa amin. Dad and Mom told me about this thing at sinusunod ko lang naman ang sinasabi nila sa akin.

"Hahatid na kita, okay?" Hindi na ako naginarte dahil takot rin naman ako na ako lang magisa. Magkatapat lang naman ang subdivision namin sa subdiviosion nila Kris. Si Kian naman ay medyo malapit lang kay Kris ang bahay nila pero dahil nga ihahatid niya ako mapapalayo siya.

Kinuha ni Kian ang bag ko at siya ang nagdala nito. Ayaw ko pa nga sanang ibigay pero he insisted. Tsaka medyo mabigat rin ang bag ko dahil ang daming laman.

"We'll walk if that's okay with you."

"Yes, it's fine with me. Why?"

"Wala. Baka mapagod ka."

"Seryoso ka ba? Maglalakad lang naman tayo hindi naman tayo tatakbo eh. It's fine don't worry." Habang tahimik kaming naglalakad napakapit ako kay Kian nang may makasalubong kaming aso.

"Are you scared with dogs?" Natawa pa siya pero pinigilan niya dahil nakita niya ang pagsalubong ng kilay ko. "Mukha bang hindi!" Hindi ko maiwasang hindi mapataas ang boses ko. "Wag ka kasing magpapahalata na takot ka sa kanila. Palit tayo ng pwesto." Nagpalit naman kami ng pwesto and then he held my hand while we're walking.

Nagkatinginan kami ng makita naman ang tatlong dogs na nakaabang pa yata sa amin. Malas namin! "Just do what I say, okay? Don't look at them. Chin up and don't worry, hawak ko naman ang kamay mo." When I say Kian is kinda flirty, this is what I meant. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit halos lahat ng girls sa section namin ay nagkagusto sa kaniya. Marurupok eh!

After that, nakarating rin kami sa tapat ng bahay ko. Sabi ko sa tapat na lang ng subdivision pero ang kulit niya eh kaya hanggang dito sa bahay namin nakaabot siya. "Aren't you coming inside? Wanna have some water or something to eat?" Mabilis naman itong tumanggi. "I'm fine. Pasok ka na. Uuwi na ako. Malapit na rin mag 6:00pm. Si Lolo lang nasa bahay." I nodded and smiled. "Thank you." I said before I come inside.

Natapos na naman ang araw na nakakapagod. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko para makaligo dahil nga naiirita na ako. Maghapon kong suot-suot itong uniform ko, mainit din. Dahil sa pagod ay agad rin akong nakatulog. Mabuti na lang at maaga akong kumain ng dinner. Maaga rin kasing nakapagluto usually kasi late kaming nagdidinner. Minsan 9pm na dinner namin dahil late rin nakakapagluto. Eh busy parents ko. Pumupunta naman dito si Manang eh. Pero hindi madalas, kapag kailangan lang talaga o kaya kapag wala kaming makakasama ng kapatid ko.

Oras na ako nakapag-open ng messages ko. Dahil kapag wala naman akong dapat na i-message hindi ko talaga binubuksan. Nakakatamad ring magreply eh. My eyes widen when I saw Caleb's name popped up. OMG! I thought doon na magtatapos ang conversations namin. Kanina pa siyang umaga nagsend ng message sa akin.

Caleb Alonte: Morning :)

I don't know why but I find it's cute nung naglagay siya ng smiling face after niyang bumati ng good morning which is hindi niya naman ginagawa nung nakaraan. And why would he greet me? Friends na ba kami kapag ganoon? Instead of asking more questions sa sarili ko I ended up replying with his message.

Sheena Camille Alameda: SLR. Hi!

And that day, buong araw yata kaming magkausap through chat. Ang dami kong kinwento sa kaniya. At first I was hesitating to tell him about my story because in the first place kakakilala palang namin at higit sa lahat strangers pa rin naman siya sa akin. I'm not also sure if mapapagkatiwalaan siya pero dahil madaldla ako at mahilig sa chika, nakapagkwento rin ako sa kaniya.

I send him a trailer of one of his favorite movie. He told me about that movie so I tried to search for that and immediately send him a trailer. Part two na yata ito ng movie. Inabot na rin kami ng gabi sa paguusap dahil ang dami talaga naming topics. At nakakarelate kami sa isa't isa.

Caleb Alonte: Ayos! Ang galing mo talagang kumuha ng mga informations no. Napa-wow ako sa trailer abangan natin yung movie na yan

Sheena Camille Alameda: Sure, we'll watch that movie. Oo nga pala, may nabasa akong story. Gusto mo kwento ko sayo?

Caleb Alonte: Of course! Storyteller kita eh.

Sheena Camille Alameda: Tinatamad ako eh

Caleb Alonte: Attorney ko! Kwento ka muna bago tayo matulog.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    MillanoPatrick

    that's good

    18/07

      0
  • avatar
    Carl Justin Penaso

    Good story

    27/05

      0
  • avatar
    LimbagoLyster

    nice stories thank you for the author of this stories

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata