logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Seven

“75% sugar po.” bigkas ko bago iniabot ang bayad.
Dumiretso ako sa mesa kung nasaan si Raine. “So, ano na?”
“Samahan na lang kita mamayang uwian. Paalam na rin kita kay Tito. Alam kong hindi ka pa nagpapaalam.”
Napatawa kaming pareho sa sinabi niya. Totoo naman, hindi talaga ako madalas magpaalam kapag may lakad. On the spot lang ako kung magsabi. Ewan, nakasanayan ko na siguro kasi.
“Sige, sige.” pag sang-ayon ko rito.
“By the way, diretso na tayo kay Coach after ng class. Check natin ’yong result.”
Naghintay kami ng isang linggo para rito at ngayon na raw talaga ia-announce ang mga nakapasok.
Sana nga ay pasok kami. Kailangan ko rin kasi ng scholarship. After two years ay kaming dalawa na ni Kuya ang nasa college, kaya kailangan ko na ring tumulong.
May part time at scholarship si Kuya kaya kinakaya pa ni Papa ang mga gastusin. Hindi ko nga lang alam kung kaya pa ba namin kung tutungtong na ako ng college.
After ng break ay bumalik na kami sa klase at naabutan kong papalabas ng room si Vince. Nagtagpo ang mga tingin namin saglit bago niya ito iniwas. Paparinggan ko sana ito, kaso ay mukhang masama na ang mood niya.
Pagkaupong pagkaupo ko ay biglang sumulpot si Von sa tabi ko. “Grabe, ano…”
“Anong grabe?”
Ano bang meron? Mukhang may bagong issue na naman na hindi ako inform.
“Kakabalik mo lang ba? Si Vince at si Ian, muntik nang magsuntukan.” mahina ngunit may diin niyang sambit.
Hindi ko napigilan ang mapasinghap at mapatayo sa kinauupuan ko. Totoo ba? Kaya ba mukhang masama ang timpla ng lalaking ’yon?
“Anong nangyari? Bakit sila nag away?" tanong ko sa mahinang boses.
Nakatungo kasi si Ian sa lamesa niya at baka marinig niya ako. Nakakahiya naman kung malaman niyang pinag ku-kuwentuhan namin siya, ’di ba?
“Ewan nga, eh. We just saw that Vince went to to Ian. Sinugod niya bigla.”
Napabalik kay Ian ang tingin ko. Ngayon ay nakaupo na siya nang maayos at binubuklat ang kaniyang libro na para bang walang nangyari.
Ano bang nangyari at nag away sila? Mukhang malala ang dahilan at muntik nang umabot sa suntukan.
Dumating ang Sub prof. namin sa Organization Management at sinimulan ang lesson. Nagfile kasi ng urgent leave ang Prof namin. Hindi namin alam ang dahilan pero ang sabi ng iba ay family matter daw.
Lutang ang isipan ko habang nagkaklase at patuloy na iniisip kung bakit sila nag-away.
Issue sa babae ba? Love triangle? Ian naman, pinagpalit mo na ba ako?
“Santos!”
Napabalikwas ako ng tayo nang marinig ang pagtawag sa akin ng Prof.
“P-Po?”
“If you’re not interested, you may now leave.” mahinahon ngunit may diing sambit nito.
Sinubukan ko pang mag explain kaso ay mukhang bad mood din si prof. kaya pinalayas niya talaga ako.
Dumiretso ako sa pool side ng school at dito ko napagdesisyunang tumambay. Two hours kasi ang Management class namin at hindi na rin open ang cafeteria ngayon dahil tapos na ang break time.
“’Bat ka nandito?”
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong phone nang makarinig ng boses.
Nilingon ko iyon at bumungad ang napakapangit na nilalang na nakilala ko.
“Pake mo?” asik ko bago itinutok muli sa phone ko ang buong atensyon.
“Cutting class?” asar na tanong niya.
Irita ko itong nilingon at nakitang nasa may pool na siya at mukhang lalangoy ito.
Ngayon ko lang napansing naka swimming attire siya at mukhang may training siya ngayon.
“May training ka?” sambit ko imbis na sumagot.
Baka biglang dumating ang Coach niya at palayasin ako, mas maganda nang humanap na ako ng ibang ta-tambayan.
“Meron, pero wala si Coach.” sambit niya bago lumingon at inihagis sa akin ang isang bagay.
“Be my sub coach, tutal ay nag cutting ka naman na.”
Sasagot pa sana ako kaso ay bigla na siyang lumusong sa tubig. Mabilis kong pinindot ang stopwatch at pinanood itong lumangoy.
Kahit na pangit ang ugali niya ay hindi ko naman mapagkakailang talagang magaling siya sa larangan ng paglangoy.
Itinigil ko agad ang stopwatch nang matapos ito.
“31. 99 seconds. Sus, weak.” asar ko pagkaahon niya.
“Tinatamad kasi ako. I’m just trying to wake myself up.” sambit nito bago kinuha ang towel na nakalagay sa may upuan. “Baka mainlove ka lalo kapag ginalingan ko.”
Tinarayan ko na lamang ito. As if naman na ma-i-inlove ako sa kaniya. What a crazy idea.
“Huwag kang mag alala. Inlove na ako, hindi nga lang sa’yo.” bawi ko rito.
Napatigil ako sa pang aasar nang makitang bigla siyang nagseryoso. Umiwas siya ng tingin bago dumiretso sa locker room.
Hindi ko mapigilang mapataas ang sulok ng aking labi. Mabilis pala ’tong mapikon.
Dumiretso na lamang ako sa puwesto ko kanina at naisipang i-check kung open ba si Kuya.
Nang makitang online siya ay naisipan kong kulitin ito. Free time niya siguro.
[Jen: I want milk tea.]
[Nic: Gusto ka ba?]
I rolled my eyes on his reply.
[Jen: Stop being sarcastic!]
[Jen: Gusto ko milk tea]
[Nic: You have money, hija. Bumili ka kung gusto mo.]
Dapat ako ang mang aasar sa kaniya! Bakit parang nabaliktad naman ata!
[Jen: Libre mo ulit ako. Marami kang pera, eh.]
“Akala ko si Ian ang gusto mo.”
Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso ng dahil sa gulat. Nilingon ko ito at nakitang nakapagpalit na ito ng damit.
“Buti alam mo.”
Itinuloy ko ang pangungulit kay Kuya at hindi na lamang siya pinansin.
[Nic: Pag nakapasa ka sa lahat ng exams mo, ililibre kita ng kahit na ano.]
Napa-wow na lamang ako nang mabasa ang sunod niyang message. The best talaga!
[Jen: Nascreenshot ko na! Don’t take it back!]
Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa nabasa. Mukhang kailangan ko talagang mag-aral, ah.
“Bat ka nag cut ng class?”
I sigh and rolled my eyes, “I didn’t cut class. Pinalayas lang ako ng sub prof.” depensa ko
“That’s worse.” pang-aasar niya pa
Magsasalita pa sana ako nang makitang nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.
“Bawal ma-fall. Si Ian lang ang gusto kong landiin.” sambit bago pinatay ang phone ko.
Bibiruin ko pa sana siya nang makita ko ang seryoso niyang itsura. “What’s with the face, Mr. Swimmer?”
Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang bell. It means tapos na ang class.
“Una na ’ko.”
Mabilis kong kinuha ang bag ko bago naglakad paalis. Di-diretso pa kami ni Raine kay Coach at kailangan din naming magpaalam kay Papa. Kailangan ko nang magmadali.
“Si Ian,” napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi niya. “Don’t mention his name when I’m around, please…”

Komento sa Aklat (184)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata