logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

FOUR

ANNOYED na nakapamulsa si Johnny habang nakasakay silang apat nina Riri, Syn at Berna sa escalator. It was bad enough that he was blackmailed by the imp to go with her but it definitely was an undeserved punishment when she invited her two equally irritating cohorts.
Tuloy pakiramdam niya’y nagbi-baby sit siya to three unruly, wild and mischievous kids instead of being with three young adults who are perfectly able to act in a temperate manner if they so desired. The problem is, tila wala iyon sa agenda ng mga ito.
And as it is, kinailangan na niyang ipulupot ang braso sa baywang ni Riri since twice na itong muntik mahulog doing silly antics that only the three of them find amusing. Pagtapak sa third floor kung saan naroon ang mga movie theaters ay diretso agad sa stall ng popcorn ang tatlo. Iiling-iling na pumila naman siya sa ticket booth.
Buti na lang at hindi mahilig sa romantic flicks si Riri, pareho sila na action o kaya ay comedy ang pinapanood. Kung hindi ay lalayasan talaga niya ang mga ito. Nakabili na siya ng tickets nang maramdaman niyang tila may nakatitig sa kanya. Nagtatakang lumingon siya sa likod niya and sure enough naroon nga ang dalagang pamilyar sa kanya ang mukha pero hindi naman niya mapangalanan.
“Hi, Johnny!” nakangiting bati nito and it was her shy smile that made him remember who she is.
“Karla!” galak na lapit niya sa kababatang mahigit three years na ring hindi nakikita.
Anak ito ng pinsan ni Nanay Pinty na si Aling Melba. Labandera at plantsadora din nila si Aling Melba kaya noong mga bata pa sila’y madalas rin niya itong nakakalaro sa tuwing isinasama ito at ang kapatid nitong si Miles ni Aling Melba sa bahay nila. Pero three years ago ay lumipat sa Iloilo ang pamilya nito dahil tagaroon ang napangasawa ng biyuda nitong ina.
“Kumusta? Kailan ka pa bumalik?” tanong niya.
“Noong isang linggo pa. Dito kasi ulit na-assign sa Montagu si Tatay Arnel eh,” tugon nito tukoy ang stepfather. Tila biglang lumamlam ang kinang ng ngiti nito pagkasulyap sa likuran niya.
At hindi man siya lumingon, alam niyang si Riri ang dahilan niyon. Mula pa kasi noon ay hindi na ito nakalapit ng loob ni Riri. Laging magkaaway, no, correction, lagi itong inaaway at pinaiiyak ni Riri considering mas matanda ito ng three years sa dalagita.
Something na pinagtatakahan na niya noon pa dahil hindi naman pala-away sa mga iba nitong kalaro si Riri. At ang mga paborito pa nitong kalaro noon ay yung mga batang gusgusin sa malapit na slum area sa pinapasukan nitong eskwelahan noong gradeschool. Madalas isinasama pa nito pauwi ang mga iyon, giving her toys to them and entreating them to eat the snacks her Yaya prepared kapag nahihiyang tumatanggi ang mga batang iyon.
Kahit si Miles nga na mismong kapatid ni Karla ay kaibigan ni Riri kaya hindi niya masasabing dahil anak lang ng katulong nila si Karla kaya lagi nitong kagalit ang huli noon. There’s just something in Karla that Riri had always disliked gayong tahimik at mabait naman si Karla, may pagkamahiyain pa.
“Hey! Is that Karla, Johnny?” wala namang animosity sa curious na tinging itinutok ni Riri kay Karla nang tumayo sa tabi niya.
“Yeah, Riri,” tango niya na inakbayan ito.
Johnny was relieved na hindi tinarayan ni Riri si Karla. Lalo pa at sa pagkakaktanda niya ay medyo violent ang naging last encounter ng dalawa just before umalis sina Karla papuntang Iloilo. And if he wasn’t mistaken, Riri sported a lot of bruises and a black eye from that fight. Kaya nga hindi siya makapaniwala dahil bagamat mas maliit si Riri kumpara kay Karla, mahinhin at malamya naman si Karla.
But then again, knowing Riri, she has probably forgotten all about that fight. Hindi naman ito ang tipong nagtatanim ng galit. Once her anger and her temper has been spent, tapos na para dito ang kung anuman iyong ikinagalit nito. And even those brief flashes of her fury ay miminsan lang maganap dahil ordinarily ay masayahin at palabiro ito.
Kung ipagkukumpara nga niya ang temper nina Riri at ng Ate Shaniah nito, mas nakakatakot ang temper ni Shaniah. Mahaba man kasi ang pasensya ni Shaniah, kapag sumabog naman ang pagtitimpi nito, daig pa ang bomba sa lakas ng epekto. Now that he think of it, kahit si Shaniah na kaedad ni Karla ay hindi rin kasundo si Karla noon. Hindi nga lang inaaway ni Shaniah si Karla tulad ng ginagawa ni Riri pero sa tuwing nasa paligid si Karla, niyayaya agad ni Shaniah si Riri na umuwi sa bahay ng mga ito.
“Hi! Kumusta? Manonood ka rin? Kasama mo ba si Miles bumalik? Oh, yeah, meet Syn and Berna. Guys, si Karla, friend ni Johnny,” wika nitong wala namang bakas ng panunuya sa tono pagkaturing kay Karla bilang kaibigan lang niya gayong kababata rin naman nito si Karla.
More likely it was because hindi naman talaga nito ibinilang si Karla sa mga kaibigan nito since lagi nga itong magkabangga noon. Nakangiting binati naman ni Karla sina Syn at Berna bago itinuro ang nakapila sa ticket booth na babaeng anito ay pinsan nito. Mabilis din itong nagpaalam saka umalis. Ni hindi na nito nasagot ang pangungumusta ni Riri sa kapatid nitong si Miles.
“Why is she in such a hurry? Hindi masyadong halata na ayaw niyang makipag-usap sa atin, ano?!” arko ang kilay na komento ni Riri habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling paglayo ni Karla.
“Eh, who cares?! Tara na! Got the tickets, Johnny Boy?” usisa ni Syn na nilingon si Johnny. The boy even used the bloody nickname that Riri gave him when she was six.
She thought he was the puppy her mom promised her para lang matigil ang tantrums nito dahil sa paglipat ng mga ito dito sa Montagu mula sa Isla Fuego. Lumipat ang pamilya nito rito sa Montagu para mas malapit sa bahay ng matanda at mahina nang ama ni Aunt Shebbah na dito rin sa Montagu nakatira noon.
Riri almost never uses that bloody nickname now except for those times she was irritated with him. Anito, he was Johnny Boy whenever he annoys her because it was a reminder that when she expected a puppy, she got him instead. And at those times, she wanted the puppy more. Pero nang marinig iyon ni Syn, iyon na ang ginagamit na pang-inis ng binata sa kanya.
“I’m not Johnny boy to you, Syn,” malumanay ang boses niya pero may pagbabanta sa tingin na ipinukol niya rito. Bagay na tinugon naman nito ng nanunuyang saludo.
He was surprised like everyone else nang out of the blue ay magkabati ito at si Riri. Pero nasagot ang pagtataka niya nang minsang mahuling nakatitig ito sa dalagita with something akin to awe. Apparently, nabihag na rin ito ng famous charm ni Riri kaya bigla’y kakampi na ito ng dalagita imbes na karibal sa mga kalokohan.
And since Riri’s very vocal and demonstrative about her so-called love for him, asar at nagseselos sa kanya si Syn. At ipinapakita nito iyon sa bawat salita at aksyon nito sa tuwing magkakaharap sila. No matter how much he tries to deny that he agrees with his parents, Riri’s parents and Riri herself, na sineseryoso niya ang matchmaking efforts ng mga ito, Syn doesn’t believe him. Kaya tingin niya ay imposible nang maging magkaibigan pa sila nito.


PALIHIM na pinagmamasdan ni Riri si Johnny habang papasok sila sa sinehan. He seemed pleased kaninang makita muli si Karla. At nabuhay na naman ang panibugho niya sa dalagang alam niyang unang naging crush ng binata.
She was playing in Johnny’s room noon nang makita niya sa ilalim ng pillows nito ang picture ni Karla. He was eleven or twelve maybe at nang tanungin niya ito kung bakit may picture ito ni Karla ay saka nito sinabing crush daw nito si Karla. By that time ay hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng crush kaya’t kinulit niya itong ipaliwanag sa kanya.
“Ibig sabihin pag puwede ko na siyang ligawan, liligawan ko siya tapos magiging girlfriend ko siya,” Johnny answered to her seven-year-old innocent but very curious query.
“Girlfriend?! Eh bakit sabi mo ako ang girlfriend mo?! Bakit gusto mo ding girlfriend si Karla?!” indignant na pameywang niya dahil ang salitang girlfriend ay madalas na nitong banggitin sa kanya lalo na kapag nagmamarakulyo siya at inaalo nito.
Siya daw ang favorite nitong kalaro dahil girlfriend siya nito kaya kapag may mga kalaro itong batang lalaki, hindi siya dapat mag-alalang hindi na siya nito kakalaruin pa.
“Ha?! Eh…basta! ‘Pag ‘di ka na baby, maiintindihan mo rin iyon.” Kamot nito sa ulo.
“Basta din! Ako lang ang girlfriend mo! Promise mo, hindi mo magiging girlfriend si Karla, ha?!”giit niyang inilapit ng husto dito ang nakakunot-noong mukha.
“Oo na, oo na!”
Pinaglapat niya ang mga labi. No, hindi nga niligawan ni Johnny si Karla noon dahil mas maraming ibang babae pa ang nakilala nitong higit na nagustuhan kaysa sa kababata. But now that Karla’s back wala siyang balak ipaubaya ang binata rito. She’s turning eighteen now kaya’t hindi na sagabal ang edad niya para pormal na silang magkarelasyon ni Johnny. And Johnny is hers and hers alone as soon as she makes him accept that she is the only woman Fate put in this world to love him as he deserves to be loved.
“What?” lingon sa kanya nito habang iginigiya siya sa loob ng madilim na sinehan.
Hindi niya namalayang napahigpit pala ang hawak niya sa kamay nito na para bang any moment ay maaari itong agawin sa kanya ng ibang babaeng nagkakandarapa dito.
“Nothing,” iling niya.

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Yanni J'vs

    iLike the story

    05/05/2023

      0
  • avatar
    CoronelGrace

    The story was very interesting, yung tipong di muna mapigilang Di mag basa para malaman mo ang next na mangyayare😍❤️❤️

    03/04/2022

      0
  • avatar
    Gibanjoshua

    nice

    03/04/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata