logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER TWO

||•THIRD PERSON'S POV•||
(TEN YEARS LATER)
"Lola, aalis na po ako," sabi ni Yana sa kaniyang lola at ito'y nagmano.
"Umuwi ka ng maaga mahal. Alam mo naman sa panahon ngayon, kailangan nating mag-ingat lalo pa't babae ka," sambit ng kaniyang lola.
"Opo, opo, opo. Alam ko na ho iyan mahal na mahal kong lola," nakangiting tugon ni Yana sabay halik sa pisngi ng kaniyang lola.
Kinuha na nito ang kaniyang bag at umalis na. Pero sa huling pagkakataon, lumingon siya sa kaniyang likuran at nakangiting sinilayan muli ang kaniyang minamahal na lola at tuluyan na siyang lumabas ng bahay.
"Yana! Yana! Yanaaaaaa!"
Napalingon si Yana sa likod nang makarinig siya ng pamilyar na boses. Napangiti siya nang makita ang kaibigang tumatakbo palapit sa kaniya.
"Bu-buti naman at tumigil ka," sambit nito habang hinihingal.
"Bakit? Ano ba'ng meron?" takang tanong ni Yana.
"Wala lang," tugon nito sabay pulupot ng braso nito sa braso ni Yana. "Gusto lang kitang makasabay papuntang classroom," sambit naman nito sabay ngiti ng matamis.
"Akala ko naman kung ano nang nangyayari sa'yo Divine. Kinabahan tuloy ako," sambit ni Yana.
"Sorry my dear," sabi ng kaibigan nito. "Tara na?" tanong nito.
Tango na lang ang naging sagot niya at sabay na silang naglakad papunta ka kanilang classroom.
Nagsimula nang magturo ang guro nila buong umaga, kaya buong umaga rin silang walang sawang nakikinig.
"Class dismiss," sabi ng huling guro nila sa umaga.
"Goodbye sir," sabay-sabay na sambit ng mga estudyante.
Ngayon ay kumakain na sina Yana at Divine sa karenderyang araw-araw nilang kinakainan.
"Balita ko tatakbo raw si Antonio bilang presidente ng school natin ngayong eleksiyon," sabi ni Divine sabay inom ng soda na binili sa karenderya.
Hindi sumagot si Yana at uminom na lang ng coke na binili rin niya sa karenderya.
"Alam mo, ang pogi ng pinsan mo na 'yan, siguradong mananalo yan sa dami ba naman ng mga estudyanteng humahanga sa kaniya," sambit ulit ng kaibigang si Divine.
"Hindi lang naman siya pogi, matalino rin at marunong makisama," nakapagsalita na rin si Yana.
"Kung sabagay, tama ka," tumatango-tangong tugon ng kaibigan.
Magpinsan sina Yana at Antonio dahil magkapatid ang ina ni Yana at ama ni Antonio na siyang sumusuporta sa mag-lola. Malapit din sila sa isa't-isa.
Hapon na at pauwi na ang mga estudyante isa na doon sina Yana at Divine. Palabas na sila ng gate ng eskwelahan nang biglang sumakit ang dibdib ni Yana. Nag-alala naman agad ang kaibigang si Divine.
"Ayos ka lang ba Yana?" kinakabahang tanong nito.
"Oo, ayos lang ako Divine," sagot ni Yana habang hawak-hawak pa rin ang dibdib. Nagtataka siya kung bakit naramdaman niya ito bigla dahil unang beses pa itong nangyari sa kaniya.
"Gusto mo ba dalhin kita sa ospital?" nag-aalalang tanong ulit ni Divine.
"Hindi na kailangan, sigurado akong mawawala rin to maya-maya," paalala sa kaibigan upang hindi na ito mag-alala pa.
Umalis na sila at sinamahan na lang ni Divine ang kaibigan upang masigurong maayos lang talaga ang lagay nito.
Nang nakarating na sila, laking gulat nilang dalawa nang makitang maraming tao ang nagkukumpulan sa labas ng bahay nila Yana. Nag-uusap ang mga ito, nagtatanungan at ang iba ay nakasilip sa bintana. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Yana sa nakita at dahan-dahang pumasok sa loob ng bahay. Nang mapansin siya ng mga tao, yumuko ang iba sa kanila, ang ilan ay nag-uusap.
"Kawawa naman siya, mag-isa na lang siya ngayon."
"Nawala na nga ang mga magulang, ngayon naman ang minamahal niyang lola."
"Andiyan pa naman ang tiyuhin niya at mga pinsan."
Ilan lang yan sa mga narinig niya habang dumadaan sa gitna ng mga nagkukumpulang mga kapitbahay. Mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso at mas humigpit ang hawak niya sa braso ng kaibigan.
Tuluyan na siyang nakapasok sa loob at laking gulat sa kaniyang nakita. Mas bumilis ang tibok ng kaniyang puso, nanlambot ang mga tuhod, nangingilid na ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Yana," mahinang sambit ng kaibigang si Divine.
Napalingon naman bigla ang pinsang si Antonio nang marinig ang pangalan nito.
"Y-yana, ang l-lola, w-wala na si l-lola," nanginginig na sambit ng pinsang si Antonio habang may luhang bumubuhos sa mga mata nito.
Napalingon naman bigla ang tiyuhin nito, ang kaniyang asawa, at ang isa pa nitong pinsan na puro luha ang mga mata. Nasisilayan naman niya ang mahimbing na nakaratay niyang lola.
Tuluyan nang nanlambot ang kaniyang mga tuhod at napaupo siya sa sahig.
"Lo-lola," ang huling sambit niya bago tuluyang mawalan ng malay.
||•Yana's POV•||
Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan hindi pa ako handa? Bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko pa siya? Sana pinaghanda muna ako. Sana nakapagpaalam pa ako. Kung alam kong mangyayari 'to, sana hindi ko na lang siya muna iniwan. Sana sinamahan ko muna siya sa kaniyang huling sandali. Ang daming bakit at sana pero hanggang dito na lang ako dahil wala na akong magagawa pa.
Andito ako ngayon sa kwarto ko at nakatulala habang ang mga luha'y walang tigil pa rin sa pagbuhos. Kakagising ko lang mula nang mawalan ng malay kanina. Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng bumubukas na pinto. Napabalikwas ako at dali-daling tiningnan ito, umaasang maririnig ko ang boses ni lola pero isang pamilyar na tao ang nasilayan ko.
"Gising ka na pala," sambit ng pinsan kong si Antonio at umupo sa tabi ko.
Hindi na ako umimik at bigla kong nilayo ang paningin ko at tinalikuran ito.
"Huwag kang mag-alala, pumasok lang ako rito upang malaman kung nagkamalay ka na. Mabuti naman at oo," dugtong pa nito.
Nakarinig naman ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Bigla namang gumalaw ang kama na sa tingin ko'y tumayo na si Antonio mula sa pagkakaupo.
"Gising na ba siya?" tanong ng isang pamilyar na boses. Wala pa akong plano upang harapin at kausapin sila.
"Gising na siya, Divine," sagot naman ni Antonio. "Pero sa tingin ko wala pa siya sa kalagayan para makipag-usap," dugtong pa nito.
"Makabubuti siguro kung hahayaan muna natin siya," sambit ni Divine. "Yana, uuwi muna ako upang kumuha ng mga gamit. Magpapaalam lang ako sa mga magulang ko na dito muna ako matutulog," pagpapaalam ni Divine.
"Dito muna kami insan," sabi ni Antonio.
Sa mga oras na iyon ay nakarinig muli ako ng mga yabag pero ngayon ay papalayo na sa akin. Nakarinig din ako ng pagsara ng pinto. Sa mga puntong iyon, wala na namang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.
Limang araw din akong nagkulong sa kwarto ko, ni hindi ako kumain o uminom man lang. Alam kong nag-aalala na sila sa akin pero sobrang sakit pa, sobra.
Limang araw na rin simula nang mawala si lola. Inayos ng tiyuhin ko ang mga kinakailangan para sa burol at pagpapalibing kay lola. Napagpasyahan naming sa ika-anim na araw ay ililibing si lola at bukas na 'yon. Wala na namang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang iniisip na ililibing na siya.
Ilang minuto lang ay napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto, ayaw ko lang silang mag-alala ulit. Paglabas na paglabas ko ay lahat ng mga mata nila ay naka-focus sa akin. May konting mga ngiti ang sumilay sa kanilang mga labi na akin namang tinugon.
Lumapit sa akin si Tito Anthony at niyakap ako ng mahigpit. Kumalas siya sa pagyakap at pumalit ang asawa nito. Wala silang binanggit ni isang salita at yakap lang ang natanggap ko sa kanila.
"Handa na ang hapunan, insan," magiliw na sambit ni Antonio. Ngiti lang ang tanging tugon ko at sumunod na sa kaniya sa hapag-kainan.
Umuwi muna ngayong araw si Divine upang makapaghanda bukas sa libing. Nagpapasalamat ako ng marami sa kaniya at hindi niya ako iniwan at pinabayaan. Hangang-hanga ako at nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya.
Sa ilang araw na pag-iyak ko, naubos na yata ang aking luha dahil ngayon, araw ng libing ni lola, ni isang butil ng luha ay walang bumuhos sa mga mata ko. Siguro ayaw ni lola na umiyak ako sa paghatid sa huli niyang hantungan. Gumaan na rin konti ang pakiramdam ko dahil unti-unti ko nang natatanggap na wala na siya. Wala na si lola, ang minamahal kong lola.
"Paalam, hanggang sa muli," sambit ko habang hinahagis ang puting rosas na hawak ko.

Komento sa Aklat (188)

  • avatar
    AMOREb

    Daming secrets dami ring regrets. Interesting Yung plot.

    14/07/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! keep writing author. (◍•ᴗ•◍)

    18/05/2022

      0
  • avatar
    Kêven Buag

    very good

    24/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata