logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

MY MYSTERIOUS HUSBAND

MY MYSTERIOUS HUSBAND

ms__selenophile


CHAPTER ONE

||•THIRD PERSON'S POV•||
"HMMMM! Hmmmm! Hmmmm! Hmmmm! Lola, masakit pa po ba ang dibdib niyo?" tanong ng batang babaeng nasa anim na taong gulang pa lang.
"Naku apo! Nawala na nang kantahan mo ako," tugon naman ng matandang babae habang hinahaplos nito ang buhok ng batang babae.
Malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ng batang babae. Halatang-halata sa kaniya na masaya siya sa tugon ng kaniyang lola.
May katandaan na rin ang lola nito at halos hindi na masyadong makalakad dahil sa katandaan at dahil madali na ring mahingal at mapagod. Ang kaniyang mga magulang ay naaksidente na naging dahilan ng pagpanaw nila noong apat na taong gulang pa lang siya kaya't silang dalawa na lang ang magkasama sa kanilang munting tahanan at tanging ang kaniyang tiyuhin, kapatid ng kaniyang ina, ang nagbibigay sa kanila ng suporta, sa pagkain, gamit at mga gastusin sa kanilang bahay.
May mga kamag-anak pa naman siya sa side ng kaniyang ama kaso nga lang, nakatira ang mga ito sa Davao kaya hindi rin siya masyadong malapit sa mga ito.
Dahil magkatabi lang ang bahay nila sa bahay ng kaniyang tiyuhin ay hinahatiran lang sila nito ng makakain, simula sa almusal, pananghalian at hanggang hapunan dahil hindi na rin masyadong makakilos ang matanda at hindi pa masyadong marunong ang batang babae sa mga gawain tulad ng pagluluto, paghuhugas ng mga pinggan, at paglalaba.
Buti naman at mabait ang asawa ng tiyuhin niya na siyang gumagawa ng mga bagay na 'yon sa kanila. Hindi rin naman ito nagrereklamo dahil anak na ang turing nito sa bata.
"Malapit na ang pasukan at magsisimula ka nang pumasok sa paaralan," sabi ng lola habang hinahaplos na naman muli ang mahabang buhok ng batang babae.
Imbes na masaya, malungkot na mukha ang tinugon ng batang babae.
"Oh! Bakit ka naman malungkot mahal ko? Hindi ba't dapat masaya ka dahil magkakaroon ka na ng maraming kaibigan?" sambit muli ng kaniyang lola.
"Kasi lola, maiiwan kita rito sa bahay. Mag-isa ka na lang, walang kasama," tugon ng batang babae.
"Naku naman mahal kong Yana. Huwag mong intindihin ang lola, ang isipin mo, magkakaroon ka na ng maraming kaibigan at kalaro. Hmm?" nakangiting sambit ng lola. Tumango na lang ang batang babae. "Oh siya! Umayos ka na ng higa at matutulog na tayo, pero bago ang lahat ay huwag nating kakalimutang magdasal."
"Opo lola," nakangiting tugon ng batang babae. Pumikit na nga ito at taimting nagdasal.
Pagkatapos magdasal ay umayos na nga sila ng pagkakahiga upang matulog. Kinumutan ng lola ang kaniyang apo at mahimbing na silang natulog.
•••
Isang batang babae ang umiiyak habang papalapit sa isang magandang ginang.
"Kriesha, why are you crying?" tanong niya dito habang hinahaplos ang buhok nito.
"X-Xandre, he y-yelled at m-me," sagot nito.
"Why did he yelled at you?" tanong ulit ng ginang.
"He s-said he d-don't want t-to play with m-me," tugon ulit nito.
Napabuntong-hininga na lang ang ginang at niyakap ang batang babae. Hindi ito ang unang beses na may inaway ang kaniyang nag-iisang anak na lalake. Pitong taong gulang pa lang ay marami na itong napaiyak na mga batang ka-edaran nito. Napaisip itong baka sa paglaki ay marami itong paiiyaking mga babae.
Umuwi na ang batang babaeng nangngangalang Kriesha at mabilis na tinungo ang kwarto ng kaniyang anak.
"ALEXANDREEEEEE!" sigaw niya habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ng anak ngunit hindi ito pinagbuksan o sumagot man lang. "Alexandre?" medyo naging malumanay ang boses nito. "Buksan mo ang pinto Xandre," sambit ulit nito pero wala pa ring imik ang bata. Ayaw niya sanang gamitin ang susi ng kwarto nito dahil gusto niyang ang anak mismo ang magbukas pero wala na siyang ibang paraan kaya ang ginawa niya ay siya na mismo ang nagbukas.
Pagkapasok niya sa loob, nakita niya ang anak na tahimik na nakaupo habang gumuguhit. Hindi niya napigilang hindi ngumiti sa nasilayan. Kahit may pagkapilyo at sungit ng anak ay sobrang mahal na mahal niya ito. Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito.
"So, you're drawing again?" malumanay niyang tanong ngunit tango lang ang tanging sagot ng anak. Hinaplos niya ang buhok nito. Tila'y nakalimutan na niya ang pakay niya rito.
Sa mga oras na iyon, napagdesisyunan na lang ng ina na lumabas sa kwarto ng anak. Ni hindi niya ito kayang pagalitan dahil sa tuwing may darating na bisita sa kanila lalo na't isang bata ay ganoon lagi ang nangyayari. Iniintindi niya na lang ang anak. Ayaw niya na ring lagi itong pinapagalitan at pinagsasabihan.
May dalawa pang mga anak ang ginang na nag-aaral sa isang prestiheryosong paaralan at puro babae ito. Si Xandre naman ay home school dahil hindi ito mahilig makihalubilo sa mga tao. Madalas siyang makikita sa kaniyang kwarto na gumuguhit o di kaya'y nangongolekta ng mga litrato. Mahilig din kasi itong kumuha ng litrato. Tanging ang mga bagay na ito ang nakakapagpasaya sa kaniya.
•••
"Bilisan mo na Yana at aalis na ang Tito Anthony at ang pinsan mo," sambit ng lola ni Yana habang inaayos nito ang mga gamit pang-eskwela ng apo.
Ilang segundo pa'y tumatakbo na palapit si Yana sa matanda at sinuot ang kaniyang bag. Nakangiting nagtitinginan si Yana at ang kaniyang lola.
"Huwag kang magpapasaway sa iyong guro at makinig ng mabuti, hmm?" sabi ng lola habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Tango ang naging tugon ni Yana at niyakap na ang matanda. Nang kumalas ay mabilis itong tumakbo sa pintuan at lumabas. Naghihintay na rin kasi ang tiyuhin nitong maghahatid sa kaniya at sa kaniyang pinsan sa paaralan.
"Alexandre, your teacher is here," wika ng magandang ginang na ina ni Xandre habang nasa labas ng kwarto ng anak. Gaya ng dati, walang naging tugon ang anak nito.
Dahil walang sagot ang anak, pinapasok niya na lang mismo ang guro sa loob.
"Good morning, Xandre," wika ng guro pagkatapos nitong isarado ang pinto.
Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto at natuon ito sa batang nakaupo sa harapan ng bintana. Nakatitig ito sa magandang tanawin sa labas na tila'y hindi napansin ang pumasok na guro.
Bumuntong-hininga ito at naalala ang sinabi ng ina ng bata sa kaniya bago ito pumasok.
-flashback a while ago-
"Pilyo si Xandre sa mga batang nakikilala niya pero napakatahimik niya kapag matatanda ang kaniyang nakakasama," sabi nito. "Huwag kang mag-alala, marunong makinig si Xandre kapag ibang tao na ang kasama niya," pagpapa-intindi nito.
"Huwag ho kayong mag-alala ma'am, sisiguraduhin ko pong makikinig siya sa'kin ng mabuti," nakangiting wika ng guro sa ina. Ngumiti naman ang ginang pabalik dito. Pagkatapos nito ay pumasok na sa loob ang guro.
-end of flashback-
Tama nga ang ginang dahil nang tawagin niya ang bata ay agad naman itong lumapit pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nito. Nagsimula na ang guro sa pagturo at maayos naman ang daloy ng kaniyang pagtuturo. Matalino din kasi ang bata kung saan mabilis itong matuto.

Komento sa Aklat (188)

  • avatar
    AMOREb

    Daming secrets dami ring regrets. Interesting Yung plot.

    14/07/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! keep writing author. (◍•ᴗ•◍)

    18/05/2022

      0
  • avatar
    Kêven Buag

    very good

    24/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata