logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Dorothy's Pov
Apat na taon simula noong huling beses ko siyang nakita sa may likod ng simbahan malapit sa cr, apat na taon na ang nakalipas ngunit ang paghanga ko sa kaniya ay ganoon pa rin hindi 'yon nabawasan at mas lalo pa nga atang tumindi.
Pakiramdam ko lagi akong nangungulila sa kaniya.
That thought made me smile bitterly, how can I miss someone whom I never had?
This is insane, you are insane, Dorothy.
"Ano ba! Ba't ang bagal-bagal mo namang maglakad na bata ka," pagalit na turan ni Mama nang maiwan n'ya na 'ko sa paglalakad dahil saglit akong napatigil sa harap ng malaking gate ng mansyon ng mga Montefiore.
Nand'yan na kaya s'ya?
O babalik pa kaya s'ya dito?
Paulit-ulit ko 'yang tinatanong sa sarili ko sa nakalipas na apat na taon sa t'wing napapadaan ako dito.
Nangungulila ako sa kaniya kahit na hindi naman dapat, kahit na wala naman akong karapatan.
"Dorothy!" Napasinghap ako at mabilis na naglakad palapit kay Mama dahil sa naging pagsigaw n'ya.
"Malilate na nga tayo sa meeting d'yan sa school mo ay tutunga ka pa, kung hindi mo lang naman ako pinilit na samahan ka ngayon edi sana nasa bahay lang ako di 'ba? Ano bang tinitingnan mo?" Tanong at litanya n'ya sa 'kin habang naghihintay kami ng daraan na tricycle.
"Wala naman Ma, nagagandahan lang talaga ako sa Mansyon na 'yon," I  mumbled then start playing with the lace of my id, I'm in my 12th grade.
"Nagagandahan ka? Gusto mo doon tumira?" Pang-uusisa n'ya pa na hindi ko na alam kung paano ko pa tutugunan.
Nagagandahan ako, oo, pero alam kong napaka-impossible naman na magkaroon ako ng pagkakataon na tumira doon.
"Kung gusto mong makatira sa mansyon ng mga Montefiore, dapat galingan mo nang makapag-asawa ka ng  isa sa mga apo ni Don Alexano at ng mabigyan mo rin naman ako ng magandang buhay at ng may maitulong ka man lang sa 'kin," anas n'ya bago pinara ang paparating na tricycle.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi n'ya at sa halip ay nauna nang sumakay sa kakatigil lang na tricycle.
Malayo pa man sa mismong gate ng school ay matatanaw na kaagad ang maraming tao na bumaba sa mga kotse at tricycle para pumasok sa loob ng paaralan.
Buhay na buhay ang paligid.
Nang mabayaran ang tricycle at makababa mula roon ay kaagad kaming nagtungo sa auditorium kung saan malapit nang magsimula ang meeting.
Mula sa unahan ay nakita ko ang pagkaway ni Valerie sa 'kin at sinenyasan ako na don maupo sa bakanteng upuan na katabi ng sa kanila ng Mommy n'ya.
"Ma, doon tayo oh," untag ko at hahawakan na sana ang kamay nito nang tabigin n'ya ang kamay ko at s'ya na mismo ang naunang naglakad papunta sa upuan na itinuro ko kanina.
"Ngayon alam ko na kung saan mo nakuha ang ganda mo," pabulong na wika ni Valerie nang masulyapan n'ya si Mama sa gitna ng meeting.
Hindi lang naman s'ya ang nakapansin non, maputi si Mama, matangos ang ilong at manipis ang natural nitong pink na labi kung maputi lang ako at hindi morena kamukhang-kamukha ko s'ya.
"Siguro sa Papa mo nakuha 'yang pagiging morena mo," konklusyon n'ya na hindi ko na sinagot pa at tanging ngiti na lamang ang naging tugon ko.
Pagkatapos ng maiksi naming pag-uusap ay ibinuhos na namin parehas ang atensyon ng isa't isa sa School Dean na nagsasalita sa harapan.
"Ma, mag-ingat po kayo," paalala ko kay Mama habang papalabas s'ya ng gate ng paaralan pagkatapos ng mahigit sa isang oras na meeting.
Tangig tango lang ang isinukli n'ya sa 'kin bago s'ya humalo sa bulto ng mga taong lumalabas rin at nawala na nga s'ya ng tuluyan sa 'king paningin.
"Ayan na, sabihin mo na kasi!" Awtomatik naman akong napahakbang nang paatras para mabigyan ng sapat na layo ang gahiblang pagitan namin ni Jericho nang bigla na lamang siyang itulak sa 'kin ng mga kaibigan n'ya pagkapasok na pagkapasok ko sa 'ming silid.
"Ano 'yon?" Naiilang ngunit may ngiti pa ring tanong ko sa kaniya.
Ngingiti-ngiting napakamot s'ya sa kaniyang batok na para bang nahihiya nang iabot n'ya sa 'kin ang kulay pulang heart-shaped na box na may pula pang ribbon sa taas.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid nang marinig ko ang hiyawan at panunukso nang mga kaklase ko maging si Valerie, Patricia at Keanna na naging mga kaibigan ko na ay nakikisali na rin sa paghiyaw animo'y sila ang kinikilig samantalang ako walang maramdaman na kahit ano, hinahanap ko ang pamilyar na emosyong nararamdaman ko sa t'wing malapit o nasusulyapan ko si Stan ngunit hindi ko 'yon maramdaman para kay Jericho.
"Dorothy, I like you will you let me court you?" Tanong niyang bumuhay sa hiyawan ng mga kaklase namin at sa pagkakataong ito ay nasa tabi ko na rin sina Val at niyuyog na 'ko sa kilig.
"Umoo ka na, ang swerte mo kaya si Jericho Fuentes na 'yan oh," ani ni Keanna sa 'kin.
Para sa 'kin wala pa sa kalahati ni Stan si Jericho pero kumpara sa mga tipikal na lalaking nag-aaral sa Santa Catalina College at nanirahan dito higit namang naka-aangat si Echo, gwapo s'ya, matalino, mabait at nangaling rin sa may kayang pamilya kaya naman isa rin s'ya sa mga lalaking tinitingala ng mga kababaihan dito sa SCC.
I heaved a sigh and close my eyes for  a moment.
"Echo, ano kasi wala pa sa isip ko ang tungkol sa ganiyang bagay sa ngayon sana maintindihan mo," mahina at halos pabulong na sinabi ko na s'ya namang ikinabagsak ng balikat n'ya ngunit muli siyang ngumiti sa 'kin.
"Okay lang 'yon, hihintayin kita hanggang sa maging ready ka na," aniya at pilit na iniabot sa 'kin ang pulang box.
"Friendzone is real, haba ng hair ni ate girl," pagbibiro ni Keanna nang maka-upo na kaming apat.
"May hinihintay kasi 'yan," makahulugang hirit naman ni Val na pumukaw sa atensyon ng dalawa at mabilis siyang inusisa.
"Sino?" They ask in unison.
Val shrug her shoulder and smile at me. "Iyong professor natin sa Mathematics na late na naman at halos bumubulong lang kapag naglelecture, 'yon ang hinihintay ni Dorothy, kasi nga di ba, study first s'ya?" Sagot niyang ikinairap naman ng dalawa.
"Pero kapag si Constantine na ang bumalik sa Santa Catalina, nganga 'yang study first na 'yan," muli niyang bulong na kaming dalawa na lang ang nakarinig.
"Hindi kaya," pagtatangi ko pa na ikinagiti n'ya na lang.
"We'll see about that, Dorothy Belle Alcantara we'll see," niya.
Saktong ala-sais na ng hapon nang maisipan kong dumaan muna sa dagat.
Katulad ng palagi kong ginagawa ay maingat kong inakyat ang bakod na humaharang para marating ang parteng 'yon ng Santa Catalina kung saan masisilyan mo ang dagat.
Iyon nga lang at sakop 'yon ng lupain na pag-aari ng mga Montefiore kung kaya't hindi basta-bastang nakakapunta ang kung sino-sino.
Ang bahagi naman ng dagat na bukas para sa publiko ay isang oras mahigit pa ang layo.
Nasa akto na 'ko nang pagpulot sa backpack kong nauna ko nang inihulog sa buhanginan bago ko pa akyatin ang bakod at makababa nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Kilala kita, anong ginagawa mo dito?" Suot ang isang khaki shorts, itim na sando at isang aviator glasses ay kaagad ko siyang namukhaan.
Aeious Lark Montefiore, nakatatandang kapatid s'ya ni Stan.
Dahil sa labis na kaba at ahuli n'ya 'kong pumuslit sa lupain nila ay ang unang pumasok sa magaling kong utak ay ang talikuran s'ya at umakyat ulit pabalik sa bakod ngunit bago ko pa man magawa ang planong nabuo ko sa 'king isip ay nahawakan n'ya na ang pala-pulsuhan ko para ako'y pigilan.
"Saan ka pupunta?! Medyo iratableng tanong n'yang nagpakaba sa 'kin.
Galit s'ya at baka ipahuli n'ya ko sa pulis at ipakulong.
"Wala po 'kong gagawing masama, sorry po — ,"
"Aeious, anong nangyayari dito?" Pakiramdam ko'y nabato ako sa 'king kinatatayuan nang marinig ko ang baritonong boses n'ya at ng muli ko siyang masulyapan ay tuluyan nang nagwala ang puso ko na para bang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.
Bumalik na s'ya, sa wakas nakita ko na ulit s'ya.
"Itong bata, di ba s'ya 'yong sa simbahan dati? Pumuslit s'ya dito," seryosong pag-iimporma ni Aeious sa kapatid na ngayon ay seryoso na ring nakatingin sa 'kin.
"Hmm s'ya nga 'yon, Dorothy hindi ba?" Pagdidirekta n'ya na mabilis ko namang tinanguan kahit na ang ulo ko ay nanatiling nakatungo.
"Bumalik ka na sa loob, hinahanap ka ni Lolo, Kuya. Ako na ang bahala dito," sambit n'ya na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikakatakot.

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    Edjimar Paguntalan

    HahahahahaHHhHhaHhHHHahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahaabhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahaahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahhahahaha

    29d

      0
  • avatar
    Mary Buen Castle

    great story!

    16/07

      0
  • avatar
    Sean Symon Mendoza

    so butiful

    11/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata