logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Two - Gillyflower

"Gaga ka talaga. Ano naman ang naisipan mo at gustong-gusto mong mag-bar ngayon? Hindi ka naman mahilig mag-night life, ah!" My best friend Danika stated as she let out a loud huff.
Tumama pa sa mukha ko ang mabangong hininga nito kaya napahagikgik ako.
"Maghahanap ako ng pogi ro'n sa bar. Malay mo, it's about time for me to get into a relationship kaya gandahan mo ang makeup sa akin, ha?" request ko. "Gawin mo na ring smokey 'yong eyes ko. Iyong agaw pansin, iyong makakaakit talaga ng maraming lalaki."
Dahil sa mga demand ko, nasabunutan niya tuloy ako at pinandilatan. "Seryoso ka ba?"
"Joke lang, ito naman! Tutugtog kasi sina Aiyah ngayong gabi kaya gusto ko sila mapanuod."
"OMG! You mean nandito na sila ulit?"
Tumango ako kaya napatalon-talon ito habang hawak sa kanang kamay 'yong makeup brush niya. Fan kasi itong best friend ko ng Capotes Band simula nang marinig niyang tumugtog ito sa Battle of The Bands noong college pa kami. Mula sa hindi kilalang banda noon, ngayon ay unti-unti nang gumagawa ng pangalan ang mga ito sa larangan ng musika.
Aiyah Almazan, the main vocalist of Capotes Band was my childhood friend. Kapatid na ang turingan namin dahil sabay kaming lumaki at dito lang din naman sila nakatira sa Sunny Ville. Bukod doon, magkumare din ang mga nanay namin. Kaya lang bihira na lang kaming magkita simula nang naging busy siya sa pagbabanda niya. Kabi-kabilaan din kasi ang mga gig at recordings nila.
Minsan na lang din siyang umuwi dito dahil may sariling condo ang banda nila sa Makati. Kaya naman sobrang saya ko nang tumawag siya sa akin noong nakaraang linggo para ipaalam sa akin na tutugtog sila ngayon sa isang sikat na bar dito sa lungsod namin.
"Sabihin mo naman, baka pwede akong humingi ng autograph mamaya. Alam mo naman, sobrang fan ako ng kababata mo," pangungulit ni Danika.
"Sure, ikaw pa ba?"
"Thanks, Kels! The best ka talaga!" nagliliwanag ang mukhang anito saka ibinalik ang atensyon sa pag-aapply ng makeup sa akin.
Nakaupo lang ako sa harap ng royal dressing table sa loob ng kwarto nitong si Danika. Habang abala siya sa pagpapaganda sa akin ay tahimik na pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng pabilog na salamin. Danika painted my nails red earlier so it matches the bright red lipstick on my lips. She, then, drew a wing on my eyelid, kaya lalong sumingkit ang mga mata ko ngayon. Napakanta na lang tuloy ako ng Reflection na may kasama pang pag-muwestra ng kamay.
"Anong feeling mo? Ikaw si Mulan?" kontra ni Danika kaya napaismid na lang ako. Basag trip.
"Alam ba 'to ni Tita at ng kuya mo?" usisa ng best friend ko habang nilalagyan ako ng blush on sa pisngi. Pati nga ang ilong ko nilagyan niya rin.
Drunk blush ata ang tawag dito o sun-kissed? Ewan. Wala talaga akong sa alam sa pagme-makeup.
"Nasa probinsya pa si Mommy. Ang sabi ko naman kay kuya, mag-oovernight ako sa inyo, kaya hindi na nagtanong pa nung umalis ako."
"Lokaret ka talaga! Ginawa mo pa akong panangga. Kelly naman, eh! Kinakabahan tuloy ako dahil sa'yo. Kapag may nangyaring masama sa'yo, patay talaga ko," litanya niya.
"Hindi 'yan. Huwag ka ngang nerbyosa. After naman tumugtog nila Aiyah, uuwi na rin naman tayo, eh."
I heard her sighed, defeated. "Okay. But promise me, hindi ka hihiwalay sa amin ni Jules. At hindi ka iinom!"
"Yes, ma'am!" pagsaludo ko kaya mahinang pinitik niya ang noo ko at mahinang tumawa na lang.
Kapag ganitong nakikita ko ang maliwanag na mukha ni Danika ay hindi ko tuloy maiwasan na hindi ito hangaan. Gustong-gusto ko talaga ang itim na itim at mga bilugang mata nito na tulad sa isang manika. Matangos pa ang ilong niya na para bang ang sarap magpadulas doon sa nose bridge niya tapos heart-shape ang kanyang labi na natural na mapula lagi.
Maraming tagahanga itong best friend ko kahit nga noon pang kalilipat lang nila dito sa Sunny Ville noong first year college palang kami. Nakuha niya agad ang atensyon ng mga tao dito dahil napakaganda naman talaga—iyong gandang paulit-ulit mong lilingunin dahil hindi nakakasawang titigan ang mukha niya.
Akala ko nga noong una, suplada siya dahil sa resting bitch face niya. Pero iyon pala, malakas din ang saltik niya sa utak. Hindi rin siya mahirap pakisamahan kaya nag-click kami.
And I'm really lucky to have her as a friend. Sobrang supportive niya kasi sa akin kahit pa minsan patanga-tanga ako sa mga life decisions ko. Magkaganunman, hindi niya pa rin ako iniwan lalo sa mga panahong kailangan ko ng masasandal.
Seems like the the heaven sent her to me to be my guardian angel.
"Natulala ka na diyan? Natitibo ka na ba sa kagandahan ko?" she asked, flipping her shoulder-length hair.
"You know, you will always be my girl crush. Kung lalaki lang talaga ako niligawan na kita. Tayo na lang kaya?"
"Puro ka biro, loka-loka ka!" aniya saka biglang sumeryoso. "Anyway, alam mo na ba 'yong balita-balita ngayon?"
"Balita saan?"
"Gabriel is back. For good. Kararating niya lang noong isang araw. Usap-usapan ng mga kapitbahay. Tapos nakita ko nga 'yong post niya sa social media."
"Ah," iyon lang ang salitang lumabas sa labi ko dahil tila may bumara sa lalamunan ko nang sandaling iyon.
I deactivated all my social media accounts after we broke up kaya wala na talaga akong balita tungkol sa kanya. In just a blink of an eye, Gab and I became strangers. Siguro kahit magkasalubong kami sa daan ngayon, lalagpasan niya lang ako at hindi pag-aaksayahan ng panahon na tapunan ng tingin.
Matapos ko siyang saktan, natural lang siguro na burahin niya ako sa buhay niya.
"Napatawad na kaya niya ko?" wala sa loob na bulalas ko.
"Siguro. Malay mo naman nakatulong sa kanya 'yong paglayo niya. Ang tagal na rin naman no'n. And knowing Gabriel, marunong 'yon magpatawad."
Sana nga. A girl can hope
***
Eclipse was one of the famous and the largest bar here in our city. Dinadayo ang lugar kahit ng mga hindi tagarito. Karamihan pa sa mga taong nagpupunta rito ay kabilang sa mga alta sociedad kaya malulula ka rin sa presyo ng mga alak at pagkain dito. Akala ko tuloy isang five-star restaurant ang napasukan namin. Iba kasi ang ine-expect ko kapag sinabing bar. Pasensya na, first time.
"Encore! Encore! Encore!"
Nakakabingi ang sigawan at palakpakan ng mga tao nang matapos nang tumugtog ang Capotes Band.
Nakaupo kami nila Dsnika sa bandang left side nitong bar, hindi kalayuan sa malaking stage kung saan tumutugtog ang kababata ko. Kasa-kasama rin namin si Jules, ang boyfriend ni Danika kaya naman kahit papaano, we feel safe.
"Encoreeee! Last song pa, please!" Malakas na tili ni Danika na halos pumutok na ang litid sa leeg.
Napangiti na lang ako dahil halatang enjoy na enjoy siya sa pagtugtog nila Aiyah.
"Okay! Dahil sobrang taas ng energy niyo tonight, may isa pa kaming kakantahin," anunsyo ni Aiyah kaya lalo pang naghiyawan ang mga tao na sinabayan ni Jepoy ng paghampas sa drums niya, making a drum roll sound.
Sandaling inilibot naman ni Aiyah ang mga mata sa paligid na parang may hinahanap at nang makita niya ako, kumaway-kaway siya sa direksyon namin. Nagsilingunan tuloy ang mga taong kasama naming manuod kaya napatakip ako ng kamay sa aking mukha imbes na kumaway pabalik. Si Danika tuloy ang tumayo at tumili na naman.
"I love you Capotes Band! Fan na fan niyo ako!"
Mula sa mic ay dinig ang malutong na pagtawa ni Aiyah bago magwika ng thank you. After no'n, tumalikod siya saglit para kausapin ang mga kabanda niya. Ako naman ay tahimik lang na nanuod sa kanila hanggang sa humarap na ulit ito habang ipinupusod ang mahaba niyang buhok.
Aiyah looked so gorgeous in her red leather skirt and black halter top that hugging her petite body. Nakasuot siya ng ankle boots na mukhang ilang inches ang taas ng heels. Hindi na nakakapagtaka kung nababaliw na ang mga kakalakihang nanunuod dahil sa taglay na karisma nito.
"This last song is dedicated to my childhood friend, Kelly!" Aiyah proudly announced as she waved at me again. "I just want you to know that whatever happens, I'm just here for you. Thank you for coming and supporting us tonight. I love you, bes!"
Pumailanlang ulit ang masigabong palakpakan ng mga tao sa kabuuan ng Eclipse bar kasunod ang pagpapakitang gilas ng lead guitarist nila na si Ritz. After him, sabay na nagpakitang gilas naman ang rhythm guitarist nilang si Benj at ang bassist na si Dodi.
Lalo tuloy lumakas ang hiyawan at hindi na talaga kami magkarinigan. Kumalma lang ang lahat nang itaas ni Aiyah ang kanang kamay sa ere, senyales para tumahimik ang lahat.
And before Aiyah serenades us with their last song, she sent us a warm smile that can truly melt your heart. With a Smile ng Eraserheads ang napili nilang kantahin at mula sa simula ay hindi inaalis ni Aiyah ang tingin niya sa akin. Through the song, parang sinasabi niya sa akin na, Okay lang 'yan, magiging maayos din ang lahat.
Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti habang dinadama ang bawat pagbigkas niya ng mga liriko. Napakaganda talaga ng boses nitong kababata ko. Para akong idinuduyan sa alapaap ng malamyos niyang tinig. Mula pa noong bata kami, talented na talaga ito. Magaling din siyang sumayaw, pero mas matimbang lang talaga ang pagkanta sa kanya. She's small, but terrible.
Sa sumunod na stanza, si Jolo na ang umaawit kaya mas lamang ang boses ng mga babaeng nagtitilian dahil sa labis na paghanga rito. Jolo was the good looking lead vocalist of Capotes.
Sinabayan na ni Aiyah ang pagkanta ni Jolo nang makarating na sa chorus ng kanta kaya mas lalo na kaming nalunod sa kagandahan ng harmony nila. Ang sarap sa pandinig, eargasm ika nga nila. Iyong iba tuloy ay hindi na mapigilan ang pagpikit ng kanilang mga mata as they let Aiyah and Jolo's soulful voices filled their ears.
Matapos iyong huling performance nila ay walang sere-seremonyas na tumalon si Aiyah pababa ng stage. Napatayo tuloy ako nang magtatakbo ito papalapit sa table namin. Nakasunod sa kanya ang mga kabanda niya.
"Kellyyyyy!"
"Aiyah!" salubong ko. Mahigpit naming niyakap ang isa't isa na para bang wala nang bukas. "Ang galing-galing niyo!" puri ko sa kanya nang bahagya kaming kumalas sa aming yakap.
"Oh, come on! Maliit na bagay," kindat nito saka bumaling sa mga kasama ko. "Hey, did you enjoy the night? Hindi ba kayo na-bore?"
"Hindi no!" maagap na tugon ni Danika. "The best kaya kayo, kaya nga loyal fan niyo ako, eh. Pa-autograph, ha? Kung pwede lang naman."
"Sure! Para ka namang others!"
Dali-dali namang nilabas ni Danika mula sa bag niya 'yong bagong single ng Capotes Band at halos maglupasay na ito sa sahig nang makapagpa-picture pa siya sa bawat members at saglit na nakipagkwentuhan sa mga ito. Fangirl mode.
"Namiss kita. Magtatagal ba kayo rito?" muling pukaw ko sa kababata ko habang naaaliw na nakikinig sa pakikipagdadalan nila Danika at Jules sa kabanda niya.
"Sad to say, kailangan din naming umalis agad tonight," imporma niya. Muli ay niyakap niya ako at hinagod-hagod ang likod ko nang mapansin niya ang mahabang pagnguso ko dahil sa naging sagot nito. "Don't worry, babalik din ako agad to spend time with you kapag nakaluwag sa schedule."
"Promise 'yan, ha?"
"Promise!"
***
Neon lights were blinding my eyes, loud music was blasting my ears and a sea of wild party-people were blocking my way. Nagsisi tuloy ako na pumayag pa akong magtagal dito dahil sayang naman iyong nilibre sa amin nila Aiyah na food and drinks bago sila umalis. Though, sina Danika lang naman ang umiinom.
Kanina naman ay hindi gano'n ka-wild ang mga tao pero ngayon para silang nakawala sa hawla. Nag-cr lang naman ako saglit, pagbalik ko, punong-puno na ang malawak na dance floor. Hindi lang pala sa dance floor, kung saan-saan nagkalat ang mga tao at wala na akong madaanan.
"Excuse me!" sigaw ko habang dumadaan sa gitna ng mga nagsasayawan.
Tila nasa rave party na ako dahil sa mga eksenang nasasaksihan. Sobrang crowded na talaga dito. Bukod sa nahihirapan na akong makasagap ng hangin dahil siksikan, naninikip na rin ang dibdib ko sanhi ng malalakas na pagdagundong ng musika sa stereo.
And I felt anxious as seconds passed by, especially when I couldn't find my way back on our table. Napapalibutan pa ako ng mga taong langong-lango na sa alak. At habang sinisiksik ko ang sarili ay impit na napatili ako nang maramdaman kong parang may dumama ng puwetan ko at pinisil pa ito. When I turned around, there was a petite guy behind me, eyeing me like a predator watching its prey.
Natakot ako bigla sa paraan ng pagtingin niya kaya binilisan ko ang paglusot sa daloy ng mga tao. Mabuti na lamang at balot na balot ako sa suot kong leather pants at leather jacket, kundi baka lalo lang akong nabastos ng mga manyak dito.
"Ang tagal mo. Akala ko naligaw ka na. Ayos ka lang?" alalang tanong ni Danika nang sa wakas ay nakabalik na ako.
Tipid na tango lang ang sinagot ko at mabilis na nagsalin ng tubig sa baso ko. Natapon pa nga iyong laman ng pitsel dahil sa panginginig ng kamay ko.
"Hey, anong nangyari, Kels?"
"Someone touch my butt. Natakot ako ng slight," pag-amin ko.
Alertong napatayo si Jules at malakas na humampas ang kamay sa mesa. "Sino? Nang masapak ko!"
"Hayaan na natin, baka magkagulo lang," awat ko sa kanya.
"No! Hindi pwede 'yon, Kels. Binastos ka kaya dapat makatikim 'yong manyak na 'yon!" giit pa ni Danika. "Nasaan na 'yon? Ituro mo!"
"Mabuti pa, umuwi na lang ta—"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang magkagulo ang mga tao na nasa dance floor. Natigil silang lahat sa pagsasayaw at panay na ang sigawan nila. Napakaingay nilang lahat kaya naman napukaw nito ang atensyon namin.
Dahil nais mang-usisa ay lumapit pa doon si Danika kaya sinundan na lang namin ito ni Jules dahil baka mapaano pa ito.
"Gago ka ba, pare?! Ano bang problema mo?!" nanggagalaiting sigaw ng isang lalaki.
My mouth hang opened when I realized that it was the guy who touched my butt earlier. Putok na ang labi nito.
Sinusugod niya 'yong isa pang lalaki na kaaway niya ata at marahas na kinuwelyuhan niya ito. Hindi ko maaninag ang itsura nung lalaking kaaway nung nambastos sa akin dahil nahihilo ako sa neon lights na tumatama sa mata ko. Kalahati lang din ng mukha niya ang nakaharap sa amin tapos nakasuot pa siya ng itim na facemask at itim na baseball cap.
Nasapo ko tuloy ang dibdib ko sa labis na kaba nang akmang susuntukin nung lalaking nambastos sa akin 'yong kaaway niya pero dahil sa lasing na ito ay nagawa siyang maitulak nung lalaking naka-facemask. Paupong bumagsak tuloy sa sahig 'yong nanghipo sa puwet ko kanina. Sa galit nito, agad itong tumayo sa kinalulugmukan upang subukang suntukin ulit 'yong lalaking naka-facemask pero nakailag ito at siya naman ang nagpakawala ng suntok sa sikmura nung lalaki. Kaya ayun, knock down ulit si manyak.
Mukhang nawalan na ito ng malay.
"Naku, tara na Kels! Baka may dumating pang pulis!" tarantang yakag ni Danika at hinila na ako sa braso. Nagpatianod na lamang ako sa kanya habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko doon sa lalaking naka-facemask.
Hindi ko na inda ang pananakit ng mata ko dahil sa pagtama ng mga ilaw dahil sa kuryosidad ko. Sa hindi malamang dahilan, tila gusto kong makita ang mukha ng taong 'yon sa likod ng facemask niya. Mukhang naramdaman siguro nung lalaki ang mga mata ko sa kanya kaya napalingon siya sa direksyon namin.
Nagtama ang mga mata namin pero mabilis din niya itong binawi. Hindi ako sigurado kung sa akin nga ba siya nakatingin nang mapalingon siya, pero malakas na kumabog ang puso ko nang masilayan ko ang mga matang 'yon.
Those piercing eyes seems familiar.
Is that you, Gab?
Napailing ako. Imposible. Nananaginip lang ata ako ng gising.
 

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Reynaldo Bacas

    Nice story

    21/07

      0
  • avatar
    Christian Tumarlas Ambat

    thank you

    15/05

      0
  • avatar
    YriarteLocilyn

    it was good

    05/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata