logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

MYSTERY IN ISLAND

MYSTERY IN ISLAND

Louie Belocora


PANAGINIP, PANGITAIN?

PROLOGO:
ISANG dapit-hapong napakalakas ang buhos ng ulan na sinamahan ng maiingay na mga pagkulog at pagkidlat. Patuloy sa pagtakbo ang magkaibigang sina Jhenn at Jeneath upang takasan ang mga nilalang na hindi pa nakikita sa buong buhay nila.
"Ayaw ko na! Ayaw ko na!" Iyak na sigaw ni Jeneath.
"Tumakbo lang tayo, kailangan nating makalayo!" wika ni Jhenn na labis din ang takot na nararamdaman.
"Kasalanan 'to ni Nelson. Kung hindi ka niya pinilit, hindi sana tayo mapupunta rito." Hinihingal na pagkakasabi nito.
Biglang nadapa si Jeneath dahil sa hindi napansin ang nakausling bato.
"Aray, Jhenn!" pagtatawag niya sa kaibigan.
Dali-dali itong nagbalik upang tulungan ang kasama. Inalalayan niya ito sa pagtayo subalit mukhang hindi na kaya nito.
"Sumakay ka sa likod ko!" Pasigaw ni Jhenn at halos hindi na marinig ang boses nila dahil sa malakas na pag-ulan.
"Iwan mo na lang ako, tumakbo ka na!" pagmamakaawa ni Jeneath.
"Hindi! Sabay-sabay tayong nagtungo rito kaya't magkakasama rin tayong aalis!" pasigaw ni Jhenn.
Kinuha niya ang kamay ng kaibigan at mahigpit iyong hinawakan. Pareho na silang lumuluha dama ang labis na paghihirap.
"Jhenn? Jeneath? Ba't kayo narito? Kanina pa kami naghahanap." Wika ng isa pa nilang kasamang si Nelson, napapapunas pa ito ng mukha dahil sa hampas ng ulan.
"Nelson, totoo ang sinabi nila. Totoo ang mga hali--" naputol sa pagsasalita si Jhenn nang marinig ang nakakakilabot na mga ungol na nagmumula sa kanilang likuran.
Sabay-sabay silang napatingin doon at dahil sa may natitira pang liwanag sa buong paligid, kitang-kita nila ang mga nilalang na may mga mapupulang mata. Naglalaway ang mga bibig nitong puno ng nagtatalimang mga ngipin. Nakataas ang mga mahahabang kamay na may matutulis at maiitim na kuko. Halos mapanganga ang tatlo nang wala ng limang metro ang layo ng mga ito sa kanila.
"Takbo!" sigaw ni Jhenn.
Mabilis na inakbay ni Nelson si Jeneath at agad na humakbang. Hindi pa man malayo ang nararating nang makarinig din sila ng mga ungol sa kanilang harapan. Lalo pang lumakas sa pagtibok ang kanilang mga puso naramdaman ang kabang tila wala nang bukas.
"Wala na, wala na tayong pag-asa..." bigkas ni Jeneath at agad silang napaluhod sa maputik na kinatutungtungan.
*****
KABANATA 1:
PINAGPAPAWISAN siya nang lubos. Nanginginig ang buo niyang katawan. Mula sa napakadilim na lugar na iyon,  takot at pangamba ang mararamdaman sa buong paligid. Hindi ito makapaniwala sa mga nariring.
"Kristine, guys... tulungan n'yo ako. Hirap na hirap na kami!" sigaw ni Jeaneth, maririnig ang tinig nito kung saan.
"Huh? Ano'ng nangyayari? Nasaan ba kayo? Hindi ko kayo makita, napakadilim ng kinalalagyan ko." Tanong at tugon ni Kristine, sinubukan pang ilibot ang paningin ngunit bigo itong makatanaw o makakita ng kahit ano.
"Please, tama na! Tigilan n'yo na kami! Parang awa n'yo na!" pagsisigaw din ni Jhenn at sa boses nito, punong-puno iyon ng hinagpis at paghihirap.
Halos mataranta si Kristine at sa hindi inaasahan, nagising siya mula sa napakasamang panaginip. Hingal na hingal ito na tila totoo ang lahat ng kanyang napanaginipan. Ipinikit niyang muli ang mga mata sa loob ng ilang segundo. Agad din namang idinilat nang marinig na may tumatawag sa kanyang mismong pangalan.
"Kristine, bangon na diyan. Kanina pa naghihintay 'yong mga kaibigan mo sa labas," wika ng kanyang ina, maririnig mula sa labas ng silid na kinalalagyan ng dalaga.
"P-po?"
Nagmadali siyang bumangon. Mukhang sa unang pagkakataon ay tinanghali ito ng gising. Inayos muna nito ang kamang pinaghigaan at dumiretso na ng CR. Habang sinasalo ang agos ng tubig mula sa shower ng kanyang banyo, hindi nito maiwasang maalala muli ang napakasamang panaginip. Paghingi ng tulong na hindi niya mawari kung bakit. Ngunit nasisiguro niya, pamilyar sa kanya ang mga boses at galing sa mga taong malapit sa kanya.
Nang matapos, bumaba siya at naroon ang kanyang ina. Napakunot ang noon nun nang mapagmasdang tila hindi naging maganda ang gising ng anak.
"Ayos ka lang ba?"
"A, opo! Kinulang lang po ako sa tulog kasi... may tinatapos po akong project para sa school." Pagdadahilan niya na lamang at saka dumampot ng isang sandwich at isinuot ang bag sa likod.
"O, kumain ka muna." Habol pa ng ina.
"Sa school nalang po, nasa labas na rin naman po sila." Pagtutukoy nito sa mga kaibigan at agad na isinara ang gate matapos makalabas at mabilis na kinain ang tinapay.
Tumanaw ito sa paligid at nakita ro'n ang kotseng pagmamay-ari ni Kris at sa nakabukas na mga bintana, kumakaway ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Sandali pa itong napabuntong-hininga bago tuluyang sumakay sa kotseng iyon. Gaya ng dati, sa harap ng sasakyan ito naupo katabi ang binatang si Kris. Sa likod, sinalubong siya ng ngiti ng mga matatalik na kaibigang sina Andrei, Jonelyn at Mariane.
"Bakit mukhang naging masarap yata tulog mo?" ngiting sabi ni Andrei.
"Kaya nga e. Kanina pa kami naghihintay dito o! Ngayon ka lang lumabas. Siguro, puyata na naman kayong dalawa sa pagte-text 'no? Malalim yata ang pagkakapana ni Kupido sa mga puso ninyo!" Kunwari pang inatake sa puso si Jonelyn habang nakahawak sa kaliwang dibdib.
Nagtawanan silang magbabarkada maliban kay Kristine na labis pa rin ang kalungkutang makikita sa kanyang mga mata. Doon, napatigil sila sa paghalakhak dahil mukhang wala nga sa mood ang dalaga.
"Teka, ba't ba ang seryoso mo ngayon, Kristine?" tanong ni Kris.
Huminga muna ng malalim ang dalaga bago magsalita dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kanyang puso't isip ang naramdamang takot at kaba mula sa hindi inaasahang panaginip.
"Guys, naaalala n'yo pa ba sina Jhenn at Jeaneth?" tanong muna nito.
"Oo. 'Yung... barkada nating nag-transfer daw sa ibang School?" tugon at paniniguro ni Mariane.
"Hindi ko kasi alam kung bakit ko sila napanaginipan. Humihingi ng tulong at saka, halata sa mga boses nila 'yong takot at paghihirap." Napabuntong-hininga ito. "Nakapagtataka lang kasi dahil kahit ako e, sobrang natakot na parang totoong-totoo lahat..." nagbabadya na ang butil ng luhang namuo sa mga mata ni Kristine.
"Baka na-over ka lang sa kaka-imagine dahil sa ang hilig mong magbasa ng mga horror pocketbook kaya mo naisama sa panaginip sina Jhenn at Jeaneth. O kaya naman... baka dahil sa nami-miss mo na sila, tama ba?" patanong ni Andrei.
"Siguro?" Sandaling pang napalingon ang dalaga sa tatlo. "Pero..." hindi maituloy ng dalaga ang gustong sabihin at naibaling nalang ang tingin sa kawalan.
"Tama na nga 'yang drama. Dapat magsaya tayo dahil mamaya sa School ay gaganapin na ang concert ng ating mga crush. I'm very excited, guys! Grabe, araw-araw ako nanood sa rehearsal nila kaya alam kong magiging maganda ang performance nila!" Halata sa mukha ni Jonelyn ang pagkakilig, nakalapat pa ang mga palad sa mukha.
Ngumiti na lamang nang pilit si Kristine at inisip na kabaligtaran ang napanaginipan. Pinaandar na ni Kris ang sasakyan patungong School. Pagpunta ro'n ay agad silang nagsipasok sa kanilang classroom dahil sa nasa iisang seksyon lamang sila. Ilang minuto ang nagdaan, dumating na ang guro nilang si Mrs. Cassandra.
"Good Morning, class! Today, magko-concert ang schoolmates ninyong The Hunters para sa ilang bisitang darating. We are hoping for your cooperation at please, behave!" bigkas nito na hindi man lang tumititig sa kayang mga istudyante ang mga mata ay nasa librong hawak.
Labis tuloy na nagtataka sina Kristine sa naging kilos nito mula nang sabihing nag-transfer ang anak nitong si Jhenn kasama ang kaibigang si Jeaneth at iba pa. Pero nasanay na rin sila dahil mahigit isang taon na rin naman nang lumisan ang mga ito sa Paaralang pinapasukan.
Matapos ang ilang sandaling pag-uusap, pinalabas na rin sila upang maghintay sa pagdating ng mga bisita at ang grupong The Hunters. Sa kabilang banda, naroon ang isang grupo ng kababaihan.
"Alam n'yo, naiinis na ako kay Mrs. Cassandra. Bakit parang damay tayo pag-alis ng piling maganda niyang anak? Nakasimangot lagi, 'kala mo sadgurl na laging broken. Tsk!" Wika ni Stephanie at nagtaas ng mga kilay habang naka-cross ang parehong mga kamay.
"Yas! I'm agree, sis! Pansin n'yo? Parang wala na nga yatang ganang magturo pa sa atin e." Pagsang-ayon ni Loraine at inilagay ang mga kamay sa baywang.
"O, may nakikita akong dilim sa paligid." Tumingin si Jhyrica sa grupo nila Kristine at sinundan din iyon ng tanaw ng dalawa. "Is that Kristine? Our weird classmate? 'Yung babaeng inagaw sa 'yo si... Kris?" tumitig naman ito kay Stephanie upang makita ang magiging reaksyon.
Lalo pang tumaas ang mga kilay ni Stephanie at diretsong lumakad habang kasabay sa pagsunod ang dalawa patungo sa direksyon nila Kristine. Ang iikli ng short at damit ng mga ito at sobrang makakapal ang mga make-up sa buong mukha.
"Hi, Kristine!" pagtatawag ni Stephanie at napatingin ang barkada ng dalaga roon.
"Bakit, Stephanie?" tanong nito.
"O?" nagtawanan ang mga malditang kaibigan nito. "Mukhang nakalimot yata ang malanding nang-agaw sa boyfriend ko!" pasigaw nito sa dalaga.
Napayuko na lamang si Kristine at hanggang ngayon, ramdam niya sa dibdib ang mga masasakit na sinasabi nito mula noong sagutin niya si Kris. Araw-araw siyang pinagtutulungan ng mga ito at kung wala lamang siyang mababait at mapagtanggol na mga kaibigan, marahil ay matagal na siyang tumigil sa pag-aaral.
"Pakisara ng bunganga mo, Stephanie! Wala namang gusto sa 'yo si Kris kaya't 'wag mong ipagpilitan at pagbintangan ang kaibigan namin. Pilingera!" Taray na sabi ni Andrei at tinaasan din 'to ng kilay.
"Yup! At tingnan n'yo nga mga hitsura ninyo, para kayong mga manika na kulang nalang gamitin sa pangungulam dahil ampapanget ng make-up n'yo!" pang-aasar ni Mariane.
"Talaga!?" Sambit ni Stephanie at sasabunutan niya sana ito nang biglang dumating si Kris. Sinangga nito ang sarili sa gagawin ng malditang may gusto sa kanya.
"Stop it! Kailan ka ba titigil, Stephanie? Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ni Kris.
"Hinding-hindi, Kris!" Pagsabi ay tumalikod ito. "May araw din ang mang-aagaw na 'yan!" Bigkas nito at ipinagpatuloy ang paglakad paalis.
Tuluyan nang umagos ang luha sa mga mata ni Kristine. Mabilis itong tumakbo pabalik sa loob ng kanilang classroom. Agad naman siyang sinundan ng mga kasamahan.
"Hayaan mo na sila, Kristine. Maiintindihan din ng mga iyon balang araw na mali ang pinaggagawa nila." Pinapatahan ito ni Jonelyn.
"Hindi, ang sakit talaga. Parang gusto ko ng itigil 'to!" Iyak nitong tugon.
Nakikinig lamang si Kris sa kanya at nakayuko sa kinauupuan. Mahal na mahal ito ng binata at alam niyang mahal din siya ng dalaga. 'Yun nga lang ay parang masisira ang kanilang relasyon dahil kay Stephanie na patuloy na sumisira sa kanilang pagmamahalan.
"Dapat masanay ka na sa ugali ng mga 'yon. Mas matalino ka at mabait kaya ikaw na lang ang magpakumbaba, Kristine," payo ni Andrei.
Ilang sandali, tumahan ito. Tumango ang dalaga at pinunasan ang luha gamit ang panyong iniabot ni Kris. Matapos ay niyakap siya niyon nang mahigpit. Kinilig ang kanyang mga kasamahan. Ilang minuto pa'y dinig na ang tugtugan sa labas dahil mag-uumpisa na ang concert. Inalalayan ni Kris ang dalaga at magkahawak-kamay silang lumabas.
"Huwag mo na silang pansinin," ngiting sabi nito.
At nagdatingan na nga ang mga panauhin. Nasa entablado na ang naglalakihang drums at iba pang mga instrumentong pantugtog. Nasa gitna na rin ang mga mikropono. Sa ilang sandali ay lumabas na ang The Hunters at dahil doon ay isang malakas na hiyawan at sigawan ang maririnig sa loob ng kanilang paaralan. Sa kabilang banda, nailibot ni Kristine ang tingin sa mga silyang nakalaan para sa mga guro at napansing wala roon si Mrs. Cassandra. Napaisip ito ng malalim, nagpasiya para sa isang desisyon.
-----
A/N: Take time to read, guys! I think, the next scenes would hook your curiosity.

Komento sa Aklat (86)

  • avatar
    Kael Selidio

    maganda

    20/06

      0
  • avatar
    Neil Portillo Regero Jr.

    nice

    27/04

      0
  • avatar
    AlvarezPrecy

    Nice story thank you❤❤❤

    20/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata