logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

PHOEBE POV
Nandito na ako sa school habang nagbabasa lang ng lectures namin nang may biglang tumabi sa akin. Nilingon ko kung sino ito—si Prince pala. Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa ko, but damn! I can’t focus. Kusang gumagalaw ang mata ko para tingnan si Prince na nagbabasa rin. Wala pa si Noreen dahil male-late ito, may emergency daw kasi sa kanila.
“Tapos ka na ba panoorin ako?”
Napaigtad ako nang magsalita ito ng biglaan kaya masamang tinitigan ko ito. Tss napaka assuming niya talaga kahit kelan.
“Ano bang sinasabi mo d’yan? Sinong pina—“
“Ako,” pag singit nito kaya hinampas ko ito ng malakas sa balikat niya, still no reaction. “Hindi ka nagsasawa na titigan ako? Lagi na lang kita nahuhuling nakatingin sa akin Phoebe, pft.”
Pakiramdam ko ay nag blush ako sa sinabi nito dahil na rin sa hiya, aish! Bakit kasi gustong gusto ng mata kong ‘to na titigan lagi siya tss. Mabilis na iniharang ko ang notebook ko sa mukha ko upang hindi niya mapansin ang nangyayari sa mukha ko.
“Covering your face makes you more obvious.”
Sa tinuran niyang ‘yon ay inis na inalis ko ang notebook sa mukha ko at padabog na tumayo palayo sa kanya. Mabuti pang magpalipat ako ng upuan, hindi ko kakayanin na katabi siya ng matagal.
“Where are you going?” tanong nito ngunit hindi ko sinagot. Argh! Kung p’wede lang ako mag transfer sa ibang school ngayon nagawa ko na!
“Sa lugar kung saan hindi ko makikita ang mukha mo tseee!!” sigaw ko dito at tuluyan lumabas ng room namin. Wala pa naman gaanong studyante dahil nga maaga pa, 6 am pa lang.
Habang naglalakad ako panay ang pagwawala ko. Nagtataka na nga ang ibang nakakasalubong ko. Biwset! ‘Wag n’yo ako tingnan ng ganyan, naiinis ako !!
“Napaka kapal talaga ng mukha!!”
“Hindi naman sobrang gwapo!”
“Hilaw na hapon sa sobrang puti tsk!”
Sunod sunod na inis na saad ko sa sarili ko.Tsaka lang ako huminto ng makasalubong ko si Noreen na magkasalubong na ang kilay na nakatingin sa akin kaya napaismid na lang ako.
“What happened to you? Ang aga aga nakabusangot ka na naman,” she said.
I heaved sigh as I looked at her irritably.
“Epal kasi siya!”
“Epal? Sino? Ang aga aga may nakaaway ka na naman,”saad nito at umiling iling pa na animo’y sakit ako sa ulo niya.
Kasi naman! Argh! Basta I hate him, malabo talaga mangyayari ang sinabi ni Mommy.
“That Prince, tss nakakainis ang kayabangan niya.”
“Si Prince? Mayabang? Hindi nga masyado nagsasalita ‘yon paano naging mayabang? Hays, nababaliw ka na ata Phoebe tsaka mukhang mabait si Prince tahimik lang talaga.”
“Lol, anong mabait sinasabi mo diyan, mayabang ‘yon kung alam mo lang,” I protest.
“Btw, saan ka ba papunta?” takang tanong nito, napaisip na lang din ako sa sarili ko. Saan nga ba ako pupunta?
“A-ah eh..ahhh wa-wala sinundo lang talaga kita haha bakit kasi ang tagal tagal mo pumasok eh,” sambit ko sabay akbay dito na ikinasimangot niya.
Pagkabalik namin room ay agad ko kinuha ang gamit ko sa upuan ko at lumipat sa likod katabi si Noreen, nagtattaka na lang ito sa ginagawa pero hindi na nagawang magtanong sa akin. She knows that I’m not in the mood.
Habang nakaupo ako sa likod ay hindi ko maiwasan titigan ang malapad niyang likod. Waahh! Bakit ba lagi ko na lang pinapanood si Prince nakakainis naman eh!!
“Ano bang nangyayari sa’yo, hindi ka mapakali diyan tss. Crush mo ba si Prince?” tanong ni Noreen na naging dahilan ng pag taas ng boses ko saktong pagdating ng grupo ni Kaira kaya automatic na tumaas na naman ang kilay nito.
“No way! Never ko magiging crush ang isang mayabang na katulad niya!”
Tumawa ito ng malakas.
“Sabi mo eh hahaha!”
“Hinding hindi ko ipagpapalit ang taong hinihintay ko ng matagal para lang sa isang katulad niya,” seryoso kong saad at nag suot na lang ng earphone at nag play ng paborito kong kanta  at nagpalipas ng oras hanggang sa dumating na si Ma’am Tin.
“Good Morning Class!” bati nito sa amin, tumayo ang iba except sa akin at kay Prince.
“Good Morning Ma’am!” bati ng mga kaklase ko sabay upo.
“Okay,” si Ma’am. Tumikhim muna ito at tumingin sa diretso namin dalawa kaya napalunok ako sa kaba.
“Bakit hindi kayo tumayong dalawa? Alam n’yo bang kabastusan ang hindi pagtayo?” inis na saad ni Ma’am.
Tatayo na sana ako upang magpaliwanag pero naunahan ako ni Prince. Lahat na ng mata ay nasa kanya.
“Phoebe is not feeling well that’s why hindi siya tumayo.”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito.Wth? Anong hindi maganda ang pakiramdam ang sinasabi niya? Wahhhh mayabang na sinungaling pa!
“Alright, so bakit hindi ka tumayo?” tanong ulit ni Ma’am. I can’t stop cursing in my mind, damn!
“Nothing, gusto ko lang siya damayan.”
May mga ilan na nag react sa sinabi ni Prince kasama na do’n si Noreen na hinahampas pa ako sa kilig. Sinamaan ko na lang ito ng tingin para tumigil na at gumana naman.
“Yiee, ikaw ha, Prince ka pala..” pang aalaska nito sa akin sabay sundot sa tagiliran ko.
“Shut u—“
“I see Mr. Prince, you can accompany Ms. Phoebe in the clinic, excuse muna kayo sa klase ko,” sabi ni Ma’am at nakangiti pa ito.
Magsasalita pa sana ako ng tingnan na ako ni Prince kaya inangatan ko ito ng kilay.Iniabot nito ang kamay niya sa akin, hindi ko ito tinanggap.
“Accepy my hand so I can take you in the clinic,” He said seriously. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto at lahat sila ay nakatuon lang sa amin.
I hate too much attention!
“Ms. Phoebe, sige na, baka may mangyari pang masama sa’yo.”
Napabuntong hininga na lang ako bago ko iniabot ang kamay ko sa kanya. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng ilapat ko ang kamay ko sa kamay niya. Hindi ko pa ito nararamdaman kahit kanino, sa kanya lang. Kinuha nito ang bag niya at ganun din ako. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng classroom.
“Dadalhin mo ba talaga ako sa clinic?” tanong ko dito at patuloy pa rin kaming naglalakad. Nagbaba ako sa mga magka hawak namin kamay, napalunok na lang ulit ako. Damn! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko.
“Are you sick?” tanong nito.
“No,” diretso kong sagot.
“Then we don’t need to go to the clinic, pft,” he said then smirked. Inagaw ko ang kamay ko dito at tumigil ako kaya sumunod din siya.
“Pinagloloko mo ba ako ha?!”
He shrugged,” No, and why will I do that?”
“I don’t know, bakit ba kasi ganun ang sina—“
“You can’t focus on the class now. Its useless to stay inside, so you must relax yourself.”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi nito. He’s right, hindi ko rin magagawang mag focus ito ay ng dahil sa kanya!
“Bakit ka pa sumama?”
“I can’t focus too.”
Nagsimula na itong humakbang muli kaya sumunod na lang ako. Nagiging kalmado na rin ako.
PRINCE POV
Dito ka pumunta ni Phoebe sa may soccer field, wala ditong tao dahil may klase pa. Hindi ko mapigilan mapangiti sa kawalan kapag naiisip ko ang reaksyon niya kanina habang nagsasalita ako. Iniabot ko sa kanya ang botteled water na kaagad naman nitong tinanggap at ininom. Tahimik lang ito hanggang sa nakarating kami dito.
Maybe this is the chance to ask him about Prince.
I cleared my throad.
“I’ll ask you some questions, you just need to answer me.”
“What?”
“You heard me Phoebe, I hate repeating what I’ve said tss.”
Tumango na lang ito. I take a deep breath and looked at her in her eyes directly. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang pakiramdam. I feel like I’d seen it before but I canno’t remember.
“Make it fast tss I hate waiting you know,” nakasimangot nitong saad na ikinatawa ko. I admit she’s cute when she’s acting like that.
“Who’s Prince?” tanong ko na ikinagulat nito.
“Ba-bakit mo natanong?”
“Just answer me.”
“Fine! Si Prince ang taong nakilala ko 11 years ako.”
“Hmm? Really? Ganun na katagal?”
She nodded.
“Bakit mo siya hinihintay?”
Ito ang tanong na matagal ko na iniisip. Bakit niya hihintayin ang tao ng ganun katagal na naging dahilan pa para i-reject niya lahat ng manliligaw niya? Tss, ibang klase ang tama siguro nito sa lalaki na ‘yon. I wonder kung mas gwapo ba ito sa akin o mas gwapo talaga ako.
“A-ah..t-that..” huminga muna ito bago tumingin sa langit at muling ibinalik sa akin. “Pinangakuan niya kasi ako ng kasal ng mga bata pa lang kami..” malungkot na wika nito sabay ngiti ng mapait.
“Bata pa lang pinangakuan ka na? Pft, nice,” saad ko at tumawa ng malakas.
Siguro ay trip lang ng lalaki na ‘yon sabihin kay Phoebe ang ganun bagay. Tapos itong si Phoebe naman naniwala agad.
“Stop laughing! You don’t understand.”
“Sorry..”
Ngumiti lang ito pero pekeng ngiti at tumalikod sa akin. Is she crying? Damn! Dapat hindi ko na lang tinanong aish.
“Actually ganyan din ang nasa isip ko noon—na baka hindi totoo ang sinabi niya na papakasalan n’ya ako kapag tumuntong na kami sa tamang edad..hmm siguro kaedad mo lang siya ngayon dahil mas matanda ito sa akin ng 1 year haha.”
“Then bakit ka naniwala?”
“They say the childhood promise is the best that’s why I’m still hoping until now that he will fulfil his promise to me.”
“Where is he right now?”
This time yumuko ito, pansin ko ang pagpatak ng luha sa palda nito.
“I do-don’t k-know…dalawang beses pa lang kami nagkikita ng mga bata kami..pagkatapos no’n hindi ko na ulit ito nakita. Sa pagaakala kong babalik pa siya,araw araw akong bumabalik kung saan kami nagkita.”
“Hindi mo alam kung saan ito pumunta?”
Tanging kibit balikat lang ang ginawa nito. Kahit ako, nararamdaman ko ang sakit at lungkot na nararamdaman niya ngayon, pakiramdam ko konektado na kami kahit na kakakilala pa lang namin. Damn! How ironic, but it’s true.
“Yeah, bigla itong naglaho matapos n’on, pero may naiwan ito sa akin na p’wede ko magamit kung sakaling makita ko ulit siya at maalala ako.”
Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ‘yon?
“What is it? Can I see?”
“Haha no, I always left it in my room, ayoko kasing mawala ko ‘yon, yun na lang ang naiwan niya sa akin tapos mawawala pa?Haha no way..”
“Ano nga ‘yon?”
“Are you really that interested?”
“Yeah, so please tell me. As like what I’ve said I want to know more about you.”
Bumuntong hininga ito, nagkunwari akong tatayo kaya pinigilan niya ako at bumalik na ulit ako sa pagkakau po ko. Tss, sasabihin din naman pala.
“Panyo, panyo kasi ginamit niya ‘yon para talian dati ang sugat ko haha, nakakatawa ang itsura niya noon habang nakikita niya akong umiiyak at duguan ang tuhod ko, he’s very scared and also worried that he might lose me,” mahabang litany nito at nangingiti pa. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako dito.
She’s beautiful..
No, she’s very beautiful like a gem..
“Hey, stop staring at me, you know its rude,” she said.
Napayuko na lang ako sabay kamot sa batok ko sa hiya. Shit!
What hell are you doing Prince?! Argh! Baka akalain niya gusto ko siya tss.
“Kung ano man ang iniisip mo, mali ka. Hindi ko pa rin ipagpapalit ang taong mahal ko sa kagaya mo ‘no hahaha!” aniya at tumawa ng tumawa.
Ang sarap nitong panoorin habang tumatawa kahit na may lungkot na dinadala. It makes her more beautiful when she’s smiling.
Tumayo ako at inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya na tinitigan niya lang.
“Tss, accept my hand.”
“Saan tayo pupunta?”
“Tutulungan kitang kalimutan mo siya kahit isang araw lang,” sagot ko na pinalaki ng mata nito.
“A-ano?”
“Nothing, just accept my hand, nangangalay din ako.”
Inirapan lang ako nito bago niya gawin ang sinabi ko. Pinagpagan pa nito ang skirt palda niyang naalikabukan.
“Saan ba tayo pupunta? Are we going to ditch?” kabado nitong tanong.
“Sigu—“
“What? No, ayoko, ikaw na lang!”
“Hindi tayo mag di-ditch ng class, excuse naman tayo kaya okay lang ‘yan. Remember, may reason tayo kung bakit tayo nandito ngayon sa labas magkasama.”
Hinampas niya lang ako ng malakas sa braso ko at umuna ng lumakad. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang driver ko na sunduin kami dito sa school.
“Prince!” tawag nito sa akin kaya tumakbo ako papalapit dito.
I hope she will be okay soon..

Komento sa Aklat (62)

  • avatar
    AgullanaAdrian

    kakilig☺☺

    06/08

      0
  • avatar
    Kimberly Supnet

    subrang ganda

    19/07

      0
  • avatar
    Ronalyn Mejia II

    Goodness

    08/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata