logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Elyon Yoo
"Aalis na ako." Pagpapaalam ko sa bahay. "Eman gagamitin ko na lang ulit 'yung bike ko." Hindi ko na inantay ang sagot niya. Kinuha ko ang bike at nagpedal.
"Young lady, madulas ang daan!" Lumabas si Jane ng bahay upang pigilan sana ako pero dahil nakalabas na ako ng bakuran kaya wala na rin siyang nagawa. "Mag-iingat po kayo!" pahabol nito kaya naman kinawayan ko na lang siya bilang tugon.
Ilang minuto pa ang nagdaan at nakapasok na rin ako sa Village. Pagdating ng academy, dumiretso ako sa parking area at saktong paghinto ko ang pagsulpot rin ni Carlisle.
Sabay kaming bumaba at nag-park ng aming bisekleta pero hindi pa rin siya umiimik na parang hindi niya ako nakikita. Okay na rin naman sa akin iyon kesa naman kausapin niya ako pero puro pang-iinsulto naman ang lalabas sa bibig niya.
Nauna itong naglakad palayo sa akin at mabilis nawala sa paningin ko dahil sa iba pang mga estudyanteng papasok ng campus.
Sa aking paglalakad muli kong nakita ang karwahe ng mga Dunstan.
Ganoon pa rin naman ang ginagawa ng ilang estudyante kapag nakikita nilang pababa ang magkakapatid na Dunstan. Para silang mga artistang pinagkakaguluhan lalo na ang iilang mga estudyante.
Hindi ko tuloy malaman kung talagang mayayaman ang mga ito o talaga lang hinahangaan nila ang mga Dunstan dahil sa background ng mga ito.
Pagbaba ni Nicole, sumunod na rin si Dylan, at ang kakambal niya.
Kinawayan ako ni Dylan samantalang inirapan naman ako ni Nicole. Hindi naman na ako umaasa na magiging maganda ang pakikitungo sa akin ni Nicole. Baka kilabutan pa ako kapag naging mabait siya sa akin. Nag-bow ng bahagya ang kakambal ni Dylan bilang paggalang sa akin at ganoon din naman ang ginawa ko. Ano nga ulit ang pangalan niya? Dicko? Tama, Dicko nga.
Tatalikod na sana ako pero tinawag ako ni Dylan. "Elyon!" Patakbo itong lumapit sa akin at iniwan ang mga kapatid niya. "Good morning, sabay na tayo." Tumingin ako sa mga kapatid niya. Kumaway lang si Dicko sa amin at padabog namang naglakad si Nicole habang nakapamewang pa. "Elyon," muling tawag sa akin ni Dylan.
Tumango na lang ako, komportable naman ako kay Dylan kaya ayos lang sa akin.
"Ely!!!" sigaw ni Rune habang kumakaway sa akin. Mukhang hindi niya kasama ang apat na lalaki ngayon. Patakbo siyang lumapit sa amin ni Dylan. "Ohayou Gozaimasau, Senpai." Bati niya kay Dylan. "Ohayou, Ely." Medyo nakakapanibago ngayon si Rune dahil hindi naman siya madalas bumati sa akin ng ganito. Siguro dahil kasama ko 'tong isa?
"Good morning Miss--- Rune, right?" ilang segundo bago naalala ni Dylan ang pangalan ni Rune at parang hindi pa siya sigurado.
"Huwag mo nang kakalimutan ang name ko, Senpai. Always remember... Rune Saito."
Natawa naman si Dylan sa inasta ni Rune.
"Ayun na pala sila Alexander!" Turo ni Rune sa apat na lalaking naglalakad. Halos itago na ang buong mukha nila dahil sa makapal na scarf. Si Francis naman ay may earmuff pa sa tenga. Hindi na ata kinaya ang lamig ng panahon. 
Pero ang talagang ipinagtaka ko ay 'yung kasama pa nilang babae. Si Frigelle.
"Good morning mga babes." Masiglang bati ni Alexander ng makalapit ito sa amin. Napatingin naman siya kay Dylan. "Bro, kumusta?" kinamayan nito si Dylan na parang close silang dalawa.
"Ayos naman, Mr. Steve."
"Alex na lang, Bro, masyado ka namang pormal," sabi ni Alexander.
"If that's what you want, Alex," ani ni Dylan.
"Ayun oh! Isang apir naman diyan." Itinaas ni Alexander ang kamay niya kay Dylan pero parang nailang pa ito noong una na makipag-apir kay Alexander.
Dahil nga ayaw ibaba ni Alexander ang kamay niya at lahat kami ay nakatingin sa kanilang dalawa, isang pilit na ngiti habang nakikipag-apir si Dylan kay Alexander. Agad namang binaba ni Dylan ang kamay niya at naglinis ng lalamunan.
Hindi yata sanay si Dylan sa mga kagaya ni Alexander.
"Good Morning, everyone," bati ni Reggie.
"Ahayou..." tipid na bati ni Akihiro.
"Morning," tipid na bati ko rin.
"Hachow!!!" Bahing ni Frigelle kaya nasa kanya na ang atensyon naming lahat. Namumula na ang ilong nito dahil siguro kakapunas ng tissue.
"May sakit ka ba?" tanong ni Rune.
"Wala po ito," sabi lang ni Frigelle.
"Sabi ko po kasi sa kanya umuwi na lang at magpahinga," paliwanag ni Francis. "May tinapos po kasi kaming project kahapon and groupings po ito at ngayon na po ang pasahan."
"Akala ko magjowa na kayo eh. Kaya kayo magkasama," sabi ni Rune. Tuloy parang nailang at namula ang mukha ng dalawa. "Teka, hindi naman siguro umabot ng gabi 'yung ginawa niyo? Hindi naman siguro kayo magkasama last night sa iisang lugar, ano?"
"Naku, Rune Babe, parehas tayo ng iniisip. Payakap nga!" Akma na sana niyang yayakapin si Rune pero hinila ni Akihiro 'yung scarf niya. "A-Aki... Bi-bitaw na!" reklamo nito.
Mas lalo namang namula pa ang pisngi ni Frigelle at Francis. As in red na red na talaga. "Ano po, napa-sleep over kami sa tinutuluyan ng isa po naming kagrupo, nauna lang po kaming pumasok kasi may kulang pang materials sa project namin kaya nagpresinta na sila na lang ang bibili," paliwanag ni Francis.
"Ay sus, napaka-defensive mo naman, Bunso, ayos lang naman sa amin iyon, wala naman siguro kayong ginahmmhmmm..." Tinakpan na ni Akihiro ang bibig ni Alexander.
"Ang daldal mo, manahimik ka na." Sa higpit ng pagkakatakip ng bibig ni Alexander ay halos hindi na ito makahinga at sumisenyas na lang si Alexander kay Akihiro na tanggalin na 'yung kamay niya.
Nang matanggal na ni Akihiro ang kamay nito, hingal na hingal naman si Alexander. "Ikaw, Aki, sumusobra ka na ah. Parang gusto mo na yata akong patayin eh," reklamo nito. Hindi naman na umimik si Akihiro.
Hindi ko na pinansin ang dalawa at lumapit ako kay Frigelle para i-check ang noo nito. "Mainit ka. Mataas ang lagnat mo."
"Ka-kaya ko naman po. Uminom na rin po ako ng gamot."
Lumapit si Dylan kay Frigelle at binuhat niya ito kaya nagulat kaming lahat sa ginawa niya. "You need to rest, Frigelle," sabi niya. Tumingin siya kay Francis. "Kaya mo bang ipaalam si Frigelle sa teacher niyo?"
Wala sa sariling napatango na lang si Francis at nang matauhan ay saka ito nagsalita. "Si-sige, ako nang bahala sa project natin at magsabi sa iba pa nating kagrupo, Frigelle."
Halata sa mukha ni Frigelle na hindi siya sang-ayon pero wala siyang nagawa at tumango na lang. "Pasensya na."
Umiling lang si Francis at ngumiti rito.
Ibinaling naman ni Frigelle ang tingin sa lalaking bumubuhat sa kanya. "Ma-master Dylan. Ka-kaya ko pong maglakad at saka kung puwede po, huwag mo pong sasabihin kay Papa. Mag-aalala po siya."
"Okay, hindi ko sasabihin kay Mang Alfonso pero magpapahinga ka," sabi ni Dylan.
Napayuko na lang si Frigelle at tumango. Ipinulupot na rin niya 'yung mga braso niya sa leeg ni Dylan.
Oo nga pala, sa Dunstan naninilbihan si Mang Alfonso kaya kilala nila ang pamilya nito. Nagpaalam na sa amin si Dylan. "Dadalhin ko muna sa clinic si Frigelle."
Nang maibigay namin ang basbas kay Dylan ay naglakad na rin ito palayo sa amin habang buhat si Frigelle na parang pangkasal.
"Grabe, naunahan niya ako." Pagkadismaya naman ang rumihistro sa mukha ni Alexander. "Ikaw kasi Francis eh. Pagkakataon mo nang magpasikat hindi mo pa gina--- Aray!!!"
Binatukan siya ni Akihiro dahil kung anu-anong pinagsasasabi niya. Ito namang si Francis ay parang tulala pa rin at parang dismayado rin ang itura.
"Magkakilala pala si Mr. Dunstan at ang kaklase mo Francis," ani ni Akihiro.
"Sa Dunstan Clan naninilbihan ang Family ni Frigelle," sabi ko. Nagulat naman ang lahat sa sinabi ko.
"How did you know, Elyon?" tanong ni Reggie.
Naku patay, kailangan ko na naman bang magpaliwanag? Sana pala nanahimik na lang ako. "Kilala niyo naman kung sino ang guardian ko, tama?"
"Siyempre naman, lalo na, hindi ko makakalimutan ang nakakatakot na mukha ni Mr. Luis Dunstan, totoo pala ang usap-usapan na nakaka-intimidate raw ito kumpara sa panganay na kapatid niyang si Mr. Zeus Dunstan," Parang nangilabot pa si Alexander habang nagpapaliwanag. "Nga pala. Kaano-ano mo ba sila? Malayong pinsan mo ba 'yung magkakapatid na Dunstan? Hindi kasi kayo parehas ng apelyido."
"Pass," tipid kong sabi.
"Elyon babe naman eh, kami-kami lang nam---" Hindi na natapos ni Alexander ang sasabihin niya dahil nagyaya na si Reggie.
"Let's go." Salamat sa kanya. Siguro naunawaan ni Reggie na may mga bagay na hindi ko maaaring sabihin. Wala namang nagawa si Alexander at tumahimik na lang din.
Naghiwa-hiwalay na kami at nagtungo sa kanya-kanya naming building. Nang makapasok kami ni Rune sa Building ng Grade 10 ay bigla na naman siyang sumigunda. "Ely, kahit sa akin hindi puwedeng malaman?" Napapikit at napahinto ako ako sa paglalakad. Nang magdilat ang mga mata ko tiningnan ko lamang siya. Huminto rin pala siya at may ilang hakbang lang ang layo sa akin. Ayokong magsalita dahil baka masabi ko na talaga sa kanya ang totoo. Maraming mga kapwa estudyanteng dumadaan sa paligid namin pero hindi namin sila pinapansin. "Sige, hindi na ako mangungulit," sabi nito at nauna nang naglakad sa akin.
"Sorry, hindi ko talagang puwedeng sabihin." Napahinto siya sa paglalakad at muling humarap sa akin.
"Ayos lang, naintindihan kita," tila may ibang laman ang sinabing iyon ni Rune. Ngumiti muna ito sa akin at napaalam na, "So, pa'no... Kita kits na lang." Tumango lang ako sa kanya at tuluyan na nga siyang humiwalay sa akin.
*****
Matapos ang buong araw sa school ay nagmamadali akong makalabas ng building, sakto namang naabutan ako ni Rune pero hindi ako huminto sa paglalakad. "Mauna na ako, Rune."
"Ely, wait lang hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong niya.
Umiling ako. "May kailangan pa akong gawin." Iyon lang at iniwan ko na si Rune.
"Ingat ka!" Pahabol pa nito kaya inangat ko na lang ang kanan kong kamay upang ipaalam na narinig ko ang sinabi niya.
Nang makuha ko ang bike ay agad akong nagpedal palabas ng academy. Pinapakiramdaman ko ang paligid ko kasi baka makaramdam na naman ako ng kakaibang enerhiya at baka naando'n na naman 'yung mag-couple sa labas. Sinadya ko talagang hindi makasama sila Rune dahil kung sakali man ay baka madamay sila at malaman pa nila ang mga bagay na hindi dapat malaman ng ordinaryong tao.
Tinalasan ko hindi lang ang pakiramdam ko, kundi pati na rin ang paningin ko, malikot man ang mga mata ko pero nag-ingat pa rin ako na wala akong makabanggang tao.
Good thing lang na hindi ko na sila nakita ulit.
Teka, nakakapagtaka rin na hindi ko na nakikita 'yung lalaking jowa yata ni Rune o ni Frigelle na naghihintay sa labas ng academy.
Tanungin ko kaya kay Rune kung anong nangyari sa lalaking 'yun?
Bigla akong napailing at napahinto sa pagpedal dahil sa iniisip ko. "Ano bang pakialam ko sa kanya?" Makaalis na nga rito, kung anu-ano pang naiisip ko eh.
Nakarating ako sa bungad ng gubat at itinago ang bike ko sa isang malaking puno. Nang masiguro kong safe na ito ay agad na akong tumalikod at maglalakad na sana kayalang napahinto ako at nagulat sa isang lalaking hindi kalayuan sa akin.
Kakaiba ang paraan ng pagtingin niya sa direksyon ko, o mas tamang sabihin sa mukha ko, dahilan kung bakit nagtayuan ang balahibo sa batok ko. Naalala ko na naman tuloy ang couple kahapon, parang ganito rin kasi 'yung pakiramdam ko sa lalaking iyon.
Si-sino siya? Mukha siyang foreigner.
Pero ang talagang ipinagtataka ko, anong ginagawa niya sa gubat? Paano siya napadpad sa lugar na ito? Ang alam ko hindi dapat nagtutungo rito ang mga bisita ng Winter Town, lalo pa at walang pahintulot ng may-ari.
Hindi ako nakakaramdam ng panganib sa kanya subalit kailangan kong maging alerto.
Gusto kong magtanong pero na-i-intimidate ako sa kakaiba niyang dating sa akin.
Nag-umpisa siyang maglakad kaya hindi muna ako kumilos. Tinatansya ko kung anong sunod niyang gagawin pero hindi na niya ako pinansin at sa ibang direksyon siya nagtungo.
Ilang minuto akong hindi kumilos upang makasiguro na walang panganib ang nasa paligid ko pero hindi na siya maaninag ng mata ko at wala rin itong ginawa na kung ano. Ganoon pa man hindi ako kumbinsido na naliligaw ang taong iyon dahil kung naliligaw ito magtatanong na siya sa akin at magtataka rin siya kung bakit may isang kagaya ko na napadpad sa gubat.
Nag-umpisa akong maglakad ngunit naging alerto pa rin ako sa paligid.
Hindi pa man ako nakakalayo nang bigla akong nakarinig na parang may sumabog kaya napayuko ako.
(Boom!)
Nagkakagulo na ang mga hayop sa gubat, kasabay din nito ang kakaibang enerhiyang nararamdaman ko sa kung saan.
Ang masama pa nito, parang dalawang enerhiya ang nararamdaman ko ngayon kaya lalo akong nangilabot, subalit may parte sa isip ko na gustong tukuyin kung saan nagmumula ang mga iyon.
Humugot muna ako ng malalim na hininga upang mapanatag ang loob ko saka naglakad at sinundan ang kakaibang enerhiya.
Kung kailan malapit na ang paligsahan nagiging mas weird ang nangyayari sa akin. Napa-praning na rin ako sa mga taong bigla na lang sumusulpot sa Winter Town.
Gusto kong isipin na baka dala lang ito ng pressure kung bakit parang ang O.A na ng mga nararamdaman ko sa paligid at sa mga tao, pero hindi ko rin puwedeng ialis ang posibilidad na tama ang mga nararamdaman ko dahil una palang kakaiba na talaga ang Winter Town.
Napahinto ako sa paglalakad dahil biglang nawala ang mga enerhiyang pilit kong hinahanap. "Paanong nawala ng gano'n na lang?" Hindi na tuloy ako confident sa ginagawa ko. Baka naman masyado pang mahina ang kakayahan ko kaya hindi ko pa talaga maditek ng maayos kung saan talaga nagmumula ang mga iyon.
Ilang subok pa ang ginawa ko pero wala na talaga akong maramdaman kaya mas pinili ko na lang ang magtungo sa bahay ni Master Hagiza. Tatanungin ko siya kung may naramdaman din siya kagaya ng naramdaman ko.
Sana lang hindi niya ako insultuhin.

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Traceycyp Fontanilla Gandeza

    just let us know we have to do that 😉 to do that to me 🥺 that to me and then I got that one is the one 😁 that to you 😄 to me and I

    27/07

      0
  • avatar
    Jorey Bandejas

    5uh

    07/06

      0
  • avatar
    Kylie Torres

    ang ganda

    02/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata