logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

The Cold Mask and The Battle for Medallion

The Cold Mask and The Battle for Medallion

Elyon Dela Cruz


Chapter 1

Important Notes:
1. Please read first the book 1: The Cold Mask and The Winter Town.
2. To search the book 1, double space po ang in between ng "The" and "Cold". Sorry, hindi ko kasi iyon napansin noong pinasa ko sa editor. Hindi ko na po iyon ma-e-edit.
3. Ang book 2 ay may collaboration sa ibang story and author (Bisita lang sa Winter Town 😊). Mga ilang chapters lang naman, and don't worry hindi po ito makakaapekto sa plot ---- Hopefully 😅.
Thank you.
***************************************************
Elyon Yoo
"Young lady nasa bungad na po tayo ng Village," sabi ni Eman kaya agad naman akong bumaba sa karwahe dahil hanggang dito lang ako nagpahatid sa kanya.
Hindi ko dinala ang bike ko dahil tinatamad akong magpedal ngayon. Hindi pa kasi ako nakakabawi sa matinding training ko kay Master Hagiza.
"Salamat, Eman." Iyon lang at pinasok ko na ang Village.
Medyo nagulantang ako sa dami ng bisita ngayon kaya halos mabunggo ko na ang ilan sa kanila. Tama pala ang desisyon kong hindi dalhin ang bike ko.
Ang puti ng paligid gawa ng kakatapos lang ng pag-ulan ng snow. At ang ibang workers ay nililinis ang kalsada at itinatabi sa gilid ang snows para hindi madulas ang mga dumadaan.
Ang ibang mga bahay at boutique ay nag-uumpisa nang mag-decorate for Christmas season.
At siyempre hindi na mawawala sa routine ko na pagtinginan ng mga bisita ng Winter Town, hindi ko nga malaman kung na-a-amaze ba sila o nawiwirduhan sa akin.
"Miss..." tawag sa akin ng isang lalaki. Tansya ko mas matanda siya sa akin pero hindi ko siya pinansin kaya humarang na lang siya sa daraanan ko. "Can I take a selfie with you?"
"'Yun oh!" Napatingin ako sa ilan pa niyang mga kasama. Halatang mga bisita sila ng Winter Town.
"Hindi puwede," sabi ko, narinig ko naman ang pagkadismaya nila. Nagdiretso lang ako sa paglalakad at bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang isa nitong kasama na nagsalita.
"Kasi naman pre, bakit gano'n pag - approach mo? Natakot tuloy si Ateng Otaku."
Sabi na nga ba eh. Napagkamalan nila akong nagco-cosplay dahil sa maskara ko. Hays.
Napahikab ang kalapit at kasabayan kong School mate nang makapasok kami sa academy. Kahit ang ilan pang mga estudyante na may kalayuan sa akin ng konte ay naririnig ko ang mga hikab nila.
Naging matalas na ang pandinig ko dahil sa mas matinding bigat ng training sa akin ni Master Hagiza. Sabihin na nating triple ang ginawa nitong training sa akin kaya pakiramdam ko bugbog pa rin ang katawan ko.
Simula na ang second semester at naninibago ang ilang estudyante sa klima lalo na ang mga hindi sanay sa ganito katinding lamig. Bukod sa blouse, blazer at scarf may pinatong pa kaming isa pang makapal na damit para lang makabawas sa halos nangangatog naming katawan. 'Yung iba sa amin may nakalagay pang earmuffs at makapal na gloves.
"hachow!"
"Ew! Virus. Stay away from us."
"Yuck... Baka mahawaan kami ng Flu..."
Hindi talaga mawawala sa high school life ko ang tatlong mukang espasol ang mukha. Sila-sila na lang magkakasama hindi pa sila nagdadamayan.
Nakasukbit sa bulsa ng blazer ko ang mga kamay ko. Kailangan kong sanayin ang katawan ko sa ganito kalamig na panahon dahil kasama ito sa training ko.
"Elyon babe! Elyon babe!" Hindi ko nililingon ang taong tumatawag sa akin. Alam ko naman kasing tumatakbo siya palapit sa akin.
Naramdaman kong yayakapin niya ako mula sa likod kaya agad akong umiwas at sakto naman ang pagkahulog niya sa lupa. "Uggg..." dinig kong daing niya.
Masyadong agaw eksena itong si Alexander kaya napapatingin at natatawa ang mga estudyante dahil subsob ang mukha niya sa lupa.
Umangat ang ulo niya at umiling-iling pa, para matanggal siguro ang ilang yelo, at dumi sa mukha niya.
Puwede naman kasing gamitin ang mga kamay eh.
Hindi siya agad tumayo at lumingon pa sa akin na tila naiiyak. "Ano ba Elyon babe?! Bakit ka umiwas? Hu-hu-hu. Ang sakit-sakit. Sinaktan mo ako ng super hard. Ang cold na nga ng panahon, napaka-cold mo rin sa akin."
Napapangiwi ako sa pinagsasabi ni Alexander, parang gusto ko na lang tuloy siyang iwan dito at magkunwaring hindi ko siya kilala.
"Hahaha..."
May narinig akong tawa ng babae at nang tingnan ko, papalapit na si Rune ."Sabi ko naman sa'yo huwag mong gagawin iyan eh." Kasama niya ang iba pa naming kasama na sina Akihiro, Reggie, at Francis. "Ang kulit kasi nitong si Alexander, 'yan tuloy una mukha... Ha-ha-ha." Halos hindi ko na makita ang kalahati ng mukha ni Rune dahil sa kapal ng scarf niya.
"How's your vacation, Elyon?" tanong ni Reggie.
Masama... Masamang magbakasyon sa bahay ng matandang hukluban. Sa isip-isip ko.
"A-ayos lang naman," tipid kong tugon. Sa loob ng isang linggo pakiramdam ko naninibago akong muli sa mga taong kaharap ko.
"Saan ka nagbakasyon?" tanong ni Akihiro.
Kailangan ko bang sagutin ko ang tanong niya?
"A-ano... Sa... Sa Manila." Utal-utal kong pagsasalita.
"Bakit hindi ka sumulpot sa Bill Restaurant, Ely? Medyo nagtatampo na ako sayo no'n eh. Isipin mo, ako lang mag-isang babae. Kakahiya kaya." Napanguso pa si Rune na animoy nagpapaawa.
Napakamot na lang ako sa batok ko dahil medyo naiilang na ako sa mga tanong nila.
"Uy si Carl oh!" sabi ni Alexander na ngayon ay nasa tabi ko na. Halos lahat kami'y nakatingin kay Carlisle na halos hindi na makita ang mukha dahil sa scarf, magulong buhok, at natatakpan pa rin ang mga mata niya ng bangs habang naglalakad papuntang building namin. '
Yung totoo? Nakikita pa ba niya ang dinadaanan niya?
"Sino 'yun?" tanong naman ni Rune. Teka hindi niya kilala si Carlisle?
"Akala ko ba kilala mo ang halos lahat ng Grade 10?" Alam kong sinabi na niya sa akin na kilala niya sa mukha ang mga ka-batch namin, gusto ko lang i-test si Rune.
Hindi niya ako sinagot dahil biglang nagsalita si Akihiro.
"Si Carl or Carlisle Englatiera, classmate ni Elyon at kasama namin sa dorm. Hindi mo siya makikita basta sa Bill Restaurant dahil hindi siya nakikihalubilo kapag may ibang tao," paliwanag ni Akihiro.
"Ang totoo nakikita ko na siya paminsan-minsan sa hall way at parang nakita ko nga rin siya sa room ni Ely." Napatingin naman sa itaas si Rune na animo'y naroon ang sagot. "Carlisle? Ah! Siya pala 'yung Carlisle na palaging nangunguna sa exams niyo Ely, tama? 'Yung pangalan niya ang tinitingnan mo noon sa resulta ng section niyo."
Okay natandaan pa niya iyon.
Nilampasan lang kami ni Carlisle na parang hindi niya kami kilala. "Alam kong mukha siyang masungit pero sobra naman kung hindi niya kayo papansinin na parang hindi kayo magkakilala. O baka naman hindi niya kayo nakikita dahil natatakpan 'yung mata niya ng buhok niya?"
Tumingin pa sa akin si Rune, nagkibit-balikat lang ako.
"Noona Rune, ganyan po talaga si Hyung Carl, madalas po talaga siyang hindi namamansin sa labas ng dorm, pero mabait naman po siya," sabi ni Francis.
I highly doubt it. Hindi ko makitaan ng kabaitan ang taong iyon.
"It's cold here, we need to go to our respective classrooms," sabi ni Reggie kaya agad na rin kaming naghiwalay.
Pagpasok ko sa room ay agad namang nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. 'Yan na naman sila... Nanibago ata ang mga ito dahil one week ang naging bakasyon namin.
Pagpasok ko ay dumiretso agad ako sa aking upuan. Siyempre ganoon pa rin ang senaryo namin ng kalapit kong upuan. Second semester na pero wala itong pinagkaiba sa first semester ng buhay namin ng kumag na si Carlisle.
Pumasok ang teacher namin sa Math. "Good morning everyone and welcome back to our school. Umaasa akong wala kayong naging jet lag sa pagbabakasyon ninyo ng one week dahil mas marami tayong gagawin this semester. Is that cool?"
Walang sumagot sa tanong ni Sir Ilagan kahit isa.
"Okay, I think hindi nga iyon cool. Anyway gusto ko lang maging chill tayo ng kaunti pero hindi bumenta ang sinabi ko."
Ah, nag-jo-joke pala si Sir. Hindi kasi halata dahil masyadong seryoso ang mukha niya. Hindi rin kasi kami sanay na ganyan siya. "Gusto ko lang ding ipabatid sa inyo na si Miss Hoffman ay hindi pa rin makakapasok ngayon. Let us pray for her fully recovery at makapag-join sa atin as soon as possible." Iyon lang at nagsimula na ang klase ng walang kamatayang Math.
Numbers agad ang bumungad sa second semester ko. Ewan ko ba? Kahit anong gawin ko, hindi kami bati ng Math.
Habang busy ako sa pagsusulat ay biglang napatingin si Carlisle sa direksyon ko. Sinulyapan ko lang siya saglit then bumalik na ulit ako sa ginagawa ko at hindi ko na siya pinansin, kayalang ilang minuto na ang nagdaan, nararamdaman ko pa rin na may nakatingin sa akin at alam ko na si Carlisle pa rin iyon. Naiilang na ako kaya sinaway ko na siya. "Bakit ka ba naka----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko ang mga mata niyang madalas ikubli ng magulo niyang bangs. Bukod ro'n hindi pala sa akin siya nakatingin kun'di sa bintana kaya napatingin na rin ako sa labas.
Wala namang tao sa labas dahil nag-umpisa na ang klase. Kung gano'n ano ang tinitingnan niya? H-Huwag niyang sabihing nakakakita siya ng multo?
Ilang minuto pa akong nakiramdam hanggang sa --- "A-ano 'yun? Kakaiba sa pakiramdam."
"Kung ano man iyon dapat kang mag-ingat."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Carlisle. Tumingin ako sa kanya pero this time kay Sir Ilagan na siya nakatingin. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi niya pinansin ang tanong ko. "Tsk, Ang aga ng kasungitan niya."
"Miss Yoo, I was distracted by your noise!" saway sa akin ni Sir Ilagan.
"Sorry, Sir."
Muling nag-discuss si Sir Ilagan pero hindi na ako nakikinig kasi distracted na rin ako sa naramdaman ko kanina.
Para kasing enerhiya 'yung naramdaman ko. Hindi nga lang ako sigurado.
*****
Matapos ang buong araw ko sa school ay agad na akong lumabas ng building. Himalang walang sumulpot na Rune sa paligid ko, siguro busy siya ngayon dahil parang gusto ata niyang sumali sa isang club pero hindi ko naman nalaman kung anong club 'yung sasalihan niya. Sana hindi ko rin makasalubong ang mga kaibigan kong lalaki sa open field ngayon. Hindi pa rin kasi ako sanay kung ako lang mag-isa ang kasama nilang babae na naglalakad sa school.
Marami pa rin akong kasabayang mga estudyanteng lumalabas. Ang ine-expect ko kasi dahil unang araw ng second semester sa school, maraming magiging abala sa kanilang club pero mukhang mali ako ng akala.
Nagkwe-kwentuhan ang ilang grupo'ng kasabayan ko sa paglabas tungkol sa iba't ibang bagay, pero ang madalas kong naririnig sa kanila ay 'yung naging bakasyon nila. May iba namang estudyante na walang pakialam at solohista katulad ko.
Napahinto ako sa aking paglalakad dahil parang nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Hindi nga lang malinaw sa akin kung ano ito. Para akong nakakaramdam ng malakas na enerhiya ngunit hindi ako sigurado. Kakaiba kasi ang isang ito kumpara kay Master Hagiza.
Parang alam ko na ang ibigsabihin ni Carlisle na dapat akong mag-ingat. Hindi kasi ako komportable sa nararamdaman ko.
Ganoon pa man, muli akong nagpatuloy sa paglalakad kahit na medyo nakakaramdam ako ng kaunting takot dahil hindi ito pamilyar sa akin.
Sa 'di kalayuan may natanaw akong lalaki at babaeng parang nasa twenty seven hanggang twenty nine ang edad. Mukha silang couple at halatang mga turista sila lalo na 'yung lalaki.
Gumilid sila dahil halos nakaharang sila sa mga kapwa ko estudyanteng dumadaan. Parang nagtayuan ang balahibo ko nang tingnan ako ng lalaking iyon kahit na medyo malayo pa ako sa kanila.
Wala ng kaso sa akin ang tingin ng mga tao pero ang isang ito?
Kakaiba...
Kalauna'y mukhang napansin na rin ako ng kasama niyang babae at tila ako ang main attraction nila ngayon.
"Hindi kaya sila 'yung nararamdaman ko kanina?" bulong ko.
Sa totoo lang gusto kong lumipat sa kabilang direksyon, pero kapag ginawa ko iyon baka makahalata sila kaya wala akong pagpipilian kun'di ang magtapang-tapangan at mawalan ng pakialam kagaya ng madalas kong ginagawa.
"Tuloy lang sa paglalakad, Jomelyn," bulong ko.
Hindi ko alam kung namamangha 'yung babae dahil parang matutunaw na ako sa titig niya. Halos hindi na ako humihinga nang nasa gilid ko na sila hanggang sa makalampas ako.
Mas lalo akong naghinala ng maramdaman kong sinusundan nila ako kaya naman mabilis akong sumuot sa maraming tao upang hindi nila ako masundan.
Nang nasa village na ako, sa ibang daan ako nagtungo kung saan nandoon ang cherry blossom. Mas malayo ito ng kaunti sa madalas kong dinadaanan pero ayos lang sa akin basta't hindi ako masundan ng mga iyon.
Mukha naman silang mabait pero hindi ako puwedeng maging kampante. Baka pandaya lang nila iyon upang makapanglinlang.
Nakarating ako sa puno ng cherry blossom na sa panahon ngayon wala itong bulaklak.
Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong maramdamang sumusunod sa akin at sa kakaibang enerhiya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad upang tuluyang makalabas ng Village.
*****
Lumabas ako sa bahay ni Master Hagiza para tawagin si Sora. Sakto naman ang pag-ulan ng snow ng dumapo ito sa aking braso. "Kamusta kaibigan?" Pagpasok sa loob ay tinanggal ko ang mga namuong yelo sa balahibo niya saka ko siya binigyan ng pagkain.
Hindi ko alam kung anong nakain ni Master at nagyaya itong mag-relax muna kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon. Sobrang minsan lang ito mangyari.
Hindi uso ang couch sa bahay na ito kaya Japanese table or 'yung tinatawag na kotatsu table rin ang nasa sentro, nilagyan ito ni Master Hagiza ng kotatsu futon, at sa ilalim ng table ay may charcoal heater. Tatami mat at unan naman ang uupuan namin.
Pumasok si Master Hagiza dala ang isang tray at nasa ibabaw ang takure at dalawang tasa. Umupo ito sa kabilang side ng kotatsu table at nagsalin ng tsaa sa dalawang tasa. "Bakit po ang hilig ninyo sa tsaa?"
"Ang pag-inom ng tsaa ay hindi lamang dahil nais ng tao. Hindi lang dahil sa lasa, at benepisyong makukuha ng iyong katawan." Matapos maisalin ay inabot nito sa akin ang isa.
Medyo nakakapanibago pero tinanggap ko pa rin. "Salamat po." Medyo nahiya pa akong magpasalamat.
"Ang pag-inom ng tsaa ay isang kultura na nagmula sa bansang Tsina at naipakilala rin sa Japan. Isang pamamaraan ng komunikasyon, puro, katahimikan, at respeto." Simpleng paliwanag nito sa tanong ko. Gaya ng sabi ko noon hindi ito masarap pero dahil sa sinabi ni Master Hagiza mukhang magugustuhan ko na ito. "Inumin mo na iyan bago pa lumamig." Sinunod ko naman ang utos niya.
Saktong pag-inom ko, may bigla akong naalala. "Master, may naramdaman po akong kakaibang energy kanina sa school."
Huminto siya sa pag-inom ng tsaa at tumingin sa akin. "Sigurado ka ba?"
Isang tipid na tango lang ang ginawad ko.
Nag-isip muna ito ng ilang minuto bago siya muling nagsalita. "Wala pa rin akong masyadong tiwala sa pakiramdam mo. Magkagayon man mas makabubuting mag-ingat ka sa lahat ng oras. Lalo ngayon na hindi ko pa matukoy ang naramdaman mo."
'Yan tayo eh... Sana pala hindi ko na lang sinabi. Nainsulto pa tuloy ako sa sinabi ni Master Hagiza. 
Makainom na nga lang ng tsaa.

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Traceycyp Fontanilla Gandeza

    just let us know we have to do that 😉 to do that to me 🥺 that to me and then I got that one is the one 😁 that to you 😄 to me and I

    27/07

      0
  • avatar
    Jorey Bandejas

    5uh

    07/06

      0
  • avatar
    Kylie Torres

    ang ganda

    02/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata