Sharon POV Nasa canteen ako kumakain ng may narinig akong may sumigaw. Ngunit hindi ko s’ya maintindihan dahil napakalayo pa n’ya at hingal na hingal pa. Pagdating n’ya sa harap ko ayun akala mo hinabol nang mga holdaper sa kanyang itsura. “Ano nangyari sayo, at bakit ka ba tumatakbo hah? “ tanong ko sa kanya dahil akala mo naman para na siyang na rape sa ng limang kalalakihan sa itsura. Gulo ang buhok at hingal na hingal pa.! “Ano kaba! Kanina pa kita tinatawagan,! “ ganting sagot niya saakin, at pasigaw pa na akala mo naman may nagawa akong mali sa kanya. “E’ paano naman kita maintindihan ang layo- layo mo tapos kung maka sigaw ka akala mo naman hinahabol ka ng mga holdaper d’yan,! “ ganting sagot ko sa kanya, huminga pa siya ng pataas pababa bago niya ako sinagot at saka ngumiti na akala mo naman walang nangyari! “Hindi naman yan ang ibig kong sabihin kamalahalan, sa cellphone mo pa ako tumatawag duh! “ Sagot niya ng medyo nahimasmasan na siya, kaya napatingin ako sa cellphone ko. At yun nga ang dami n’yang tawag saakin na hindi ko nasagot, kasi naman naka silent mood ang aking phone, napangiwi pa ako dahil ang sama ng tingin niya saakin. “Ay, sorry po, naka silent ang aking cellphone kaya hindi ko narinig, sorry my friend, “ lambing ko sa kanya, at ang Gag* inismiran lang naman ako, pina ikot-ikot pa ang kanyang mga mata, kaya natawa ako sa itsura niya. “E’ bakit ka nga nagtatakbo kanina, daig mopa ang hinahabol nang mga holdaper ah! “ tanong ko sa kanya ulit, ng maka upo na s’ya sa tabi ko, at binigyan ko naman agad tubig. “O’ eto tubig, ubos ko na yung soft drinks, “ Ngiwi ko sa kanya, at inirapan lang ako, pero ininom naman niya ang bigay ko. “Sorry hah, atlist naman my tubig no, “ sabi ko sa kanya, dahil ang sama ng tingin saakin. “Oo nga no, salamat friend sa tubig, ang sarap! “ biro pa niya saakin, at yun nga nagtawanan na kami, sa aming kabaliwan. “E’ bakit kaba tumatakbo kanina? “ tanong ko ulit sa kanya ng mahimasmasan na siya. Huminga muna siya ng malalim bago niya ako hinarap. “Eto nga friend, nagpatawag si miss Mangiba na magtitipon daw tayong lahat kasi my Emergency daw, “ balita niya saakin, napakunot noo pa ako sa sinabi ng aking kaibigan saakin, “Emergency? “ pag uulit ko sa sinasabi niya. “Bakit my Emergency wala pa naman Season’s hah, isa pa anong meron? “ dagdag ko pa dahil nagtataka talaga ako sa sinabi ng aking kaibigan. Nagpapa tawag lang kasi ng Emergency ang Manager namin kung madaming customer na darating, kaya naman nagtataka talaga ako. “Aba ewan ko friend, kaya nga pupunta tayo sa office ni miss Mangiba para malaman natin diba? “ Pabalang naman na sagot n’ya saakin, kahit kailan talaga ‘tong maldita kong kaibigan mukhang sinumpong na naman! Pero mabait naman siya. At mahal ko syempre! Isa siya sa tumulong saakin noon bago pa ako dito sa Manila. Naalala ko pa ng kararating ko lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta kasi naman galing pa ako sa probinsya at wala akong ni isang kilala dito. Tapos na mudos pa ako nang kapwa ko Pilipino. Ayun yung baon kong pera kinuha pa, Kaya ang kalabasan gutom na gutom ako sa araw na yun. Mabuti nalang s’ya ang nakakita saakin. Kaya nagbalik ako kung paano kami nagka kilala, naka upo ako sa isang bangketa dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. “Miss ok kalang” tanong saakin na may awa sa kanyang mukha, na para bang naiintindihan niya ang aking sitwasyon. “Hah, hindi ako ok, “ naiiyak kong sagot sa kanya, wala na akong pakialam sa araw na yun kung pagtatawanan niya ako o maawa siya saakin, dahil nakaka-awa naman talaga ako lalo na ang aking itsura. “Halika miss, taga saan ka,? “ malambing na boses niyang tanong saakin, tiningala ko pa siya at maganda naman siya. Tapos naramdaman n’ya ata na pagud ako at gutom, kaya naman hindi siya nagdalawang isip na tinulungan ako at pina kain. At dinala niya ako sa kanyang Boarding House, buti nalang medyo maluwag sakto lang sa pang dalawahan, kaya sa araw na yun subra-subra akong nagpapasalamat sa Dios at sa kanya. Eksakto naman na nag Aaply s’ya ng trabaho noon, at sinama n’ya ako dahil sinabi ko noon sa kanya ang dahilan ko kung bakit ako napadpad dito sa Manila. Tinanong pa saakin noon, kung ok lang ba daw saakin kahit anong trabaho, sabi ko naman maging choosy pa ba ako sa lagay kung to? Doon nagsimula ang aming closeness sa isa’t isa dahil pareho pala kaming palaban, wag lang sa unang araw na nakita niya ako dahil lugmok talaga ako sa oras na yun. Sa SMITH HOTEL’s kami unang nag Aply noon, akala namin hindi kami matatanggap dahil sa sungit ng Manager at nakapa istrikto daig pa namin noon ng professional E’ kasi naman kung ano, ano ang hinahanap saamin, e’ Janitress lang naman ang Aaplyan namin. Nabalik lang ako sa aking diwa nang may tumapik saakin. Nagulat pa ako at napatalon sa subrang gulat, kasi naman ang layo na ang nasa isip ko. “Hoy! Ano nag day-dreaming ka na naman no! “ tanong niya saakin akala mo naman nababasa niya ang laman ng utak ko kung makatingin kasi wagas. “Hindi no! “ pasuplada ko din na sagot sa kanya, iba na naman kasi ang nasa isip niya, napa iling pa ako sa mga titig ng aking kaibigan. “Eh kung hindi, bakit hindi mo ako pinapansin? Kanina pa kaya ako salita ng salita dito, “ Nagtatampo niyang sagot saakin at pina haba pa ang labi niya na pwede ng sabitan ng hanger, napatawa pa ako sa aking naiisip. Dahil sa kanyang itsura! “May iniisip lang ako friend, kung paano natin paamuhin si miss Mangiba, tampo ka naman agad eh, “ sagot ko sa kanya buti nalang may naiisip akong ibang dahilan, at mukhang tumalab naman ang sagot ko sa kanya. “Naku, oo nga no, friend, paano kaya natin mapa amo ang Amasona na yun, “ sagot naman niya sabay tawa pa, kaya napatawa na rin ako, Ayun sabay na kaming napatawa at lahat ng tao sa canteen ay napatingin na saamin. “Pero Thank you talaga Friend hah, dahil sayo andito tayo ngayon, “ pag iiba ko sa usapan namin, ang sinasabi ko kasi nung una kaming nagkita. “Naalala mo Friend no’n una kitang makita, yan din ang araw na papalayasin na ako sa Boarding ko, “ pagsisimula n’ya saakin, oo nga naalala ko noon, buti nalang dalawa na kami sa oras na yun at medyo naawa naman ang may ari ng Boarding House lalo na ata saakin dahil sa itsura ko. “Tapos bigla tayong nag drama sa kanya at iniyakan pa natin at naiyak din s’ya ang ending naawa na sa atin at hindi tayo pinalayas, “ sabay pa namin bigkas na dalawa at nagtawanan na kami ulit na para bang wala ng bukas. Ako din naman kasi ang may kasalanan kung bakit siya palalayasin sa araw na yun. Wala kasi natira saakin, kahit mga dala kong damit kinuha pa. Kung bakit kasi ang malas ko sa araw na yun, buti nalang s’ya ang nakakita saakin. Kaya yung pera n’ya sana na pambayad sa Boarding House ay pinambili niya ng mga personal gamit ko. Kahit hiyang-hiya ako sa araw na yun, ay subra naman akong nagpapasalamat sa kanya, huli ko ng malaman na pambayad pala niya ‘yon ng Boarding House n’ya. “ Pero friend, Thank you talaga ha, “ Taus puso kong pasasalamat sa kanya sabay yakap ko na rin dahil hulog talaga siya ng langit saakin. “Naku ikaw talaga, wag ka ngang magdrama na naman d’yan, diba sinabi ko naman sayo kalimutan mo na yun friend, wala yun masaya din ako kasi dumating ka sa buhay ko, “ sa haba, haba ng sinabi niya doon din naman napunta, habang nakayakap na din siya saakin. Sabay singhot na rin niya, mukhang naiiyak na ang aking kaibigan. “Akala ko ba walang dramahan” tanong ko sa kanya dahil hindi na siya maawat sa kakasinghot niya, “E’ Ikaw kasi pinapaiyak mo ako, “ naiiyak na niyang sagot saakin, kaya hinaplos ko na ang likud niya para pagaanin ang kanyang pakiramdam. “Wag ka nang magdrama diyan, sayang ang luha mo bruha ka, ibibigay natin yan kay miss Mangiba baka sakaling maawa saatin, “ pag bibiro ko sa kanya, si miss Mangiba kasi ang mahirap biruhin dahil para siyang laging galit sa mundo. Kung hindi mo na iiyakan wala kanang pag asa sa kanya. “Oo nga no, para pala kay miss Mangiba tong luha natin, nakalimutan ko na tuloy, “ sagot niya saakin sabay pahid na sa kanyang pisngi. At ayun na nga nagtawanan na naman kami. “Kaya halika na, baka nag-aapoy ang bunganga ng balyenang yun sa kahihintay saatin, at wag na tayong magpa VIP friend, “ Sabi pa n’yang natatawa, kaya naman sabay na kaming tumayo. Pagdating namin sa meeting area para sa mga taga linis dito sa Hotel na katulad ko, Oo tama kayo ng iniisip dahil isa akong janitress. Kung sa akala niyo ay kinaka hiya ko ang aking trabaho ay nagkakamali kayo, dahil para saakin proud ako. Una sa lahat mataas ang sahud kumpara sa ibang trabaho, katulad nalang ng waiter’s sa restaurant, crew sa fast-food chain at iba pa! Pangalawa malaki pa ang bayad kapag may OT ka dito. Kaya para saakin, hulog ‘to ng langit, minsan nga dito na ako hangang gabi dahil sa OT ko. Sabi nga ng kaibigan kong si Jenny, Ako na daw si miss masipag. Kailangan E’ kung walang sipag, walang pera! Yan ang motto ko sa buhay. “Miss Magdangal nawawala ka na naman sarili mo, “ nagbalik lang ang diwa ko sa boses ng Manager namin. At nagtawanan pa silang lahat. “Sorry po ma’am, “ Pangiwi kong paumanhin, kahit kailan talaga tong Balyenang to hilig magpahiya. “Ikaw naman kasi hindi ka nakikinig, ano naman ba ang nasa isip mo ha, “ Bulong ng kaibigan ko, kaya siniko ko lang siya, baka mapansin na naman kami ni miss Mangiba. At ang gag* kung kaibigan, bumungisngis pa ayun tuloy s’ya din ang nasita. “Miss Asunción my problema ba tayo? “ tanong sa kanya ni miss Mangiba na seryoso ang mukha at nakatingin sa aking kaibigan. Ganyan naman talaga ang aming Manager laging seryoso para bang kasalanan sa kanya ang ngumiti. “Wala po ma’am, “ kiming sagot ng aking kaibigan na halatang pinipigilan ang matawa. Paano ba naman kasi na hindi ka matatawa sa Manager namin, alam mo yun apat na layer na ang belly makuha pa n’yang magsuot ng fitted blouse, E’ di ang labas para na s’yang cutter pillar. Kaya matatawa ka talaga sa itsura niya, ramdam ko din sa mga kasamahan namin pinipigil din ang sarili. “Ok bweno, magsisimula na ako” Pagsisimula ni miss Mangiba sa kanyang sasabihin dahil tahimik na kaming lahat na nakikinig sa kanya. “Kaya pinatawag ko kayong lahat dahil sa isang Emergency, “ sigunda n’ya habang kami tahimik at nakikinig. “Darating ang Bigboss, Or I could say ang CEO, “ pagpapatuloy niya. Napasinghap pa ang lahat na narito dahil sa sinabi ng Manager. At nagsimula ang ingay.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 44 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (218)
PogiMe
Sobrang ganda ng story na to! Nakakakilig yung mapapa sana all kay Sharon. Yong simpleng janitor tapos napangasawa mo ang boss mo.😍❤
Sobrang ganda ng story na to! Nakakakilig yung mapapa sana all kay Sharon. Yong simpleng janitor tapos napangasawa mo ang boss mo.😍❤
23/07/2022
1lovely
15/12
0ang ganda 🥰🥰🥰
22/08
0Tingnan Lahat