logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

Chapter 1
"L-O-V-E! Ki-yo-mi! Ki-yo-mi!" the crowd cheered.
Tatlong beses kong pinatalbog ang bola sa sahig bago umabante ng dalawang hakbang. Hinagis ko sa ere ang bola bago tumalon at hinampas iyon nang malakas para umabot sa kabilang side ng court.
Sana hindi masalo. Sana hindi masalo. Last point na 'yon! Namilog ang mata ko nang natamaan ng bola sa mukha ang isang kalaban. Oh, no!
"L-O-V-E! Ki-yo-mi! Ki-yo-mi!" sigaw ulit ng mga loko-lokong kaklase ko.
Nagtakbuhan ang mga ka-team ko palapit sa akin at nagyakapan. Ngumiti ako at binati sila pati ang mga kalaban. Nag-sorry ako sa natamaan ko ng bola.
"Galing talaga! Kiyomi for the win!"
Tumawa ako sa sinabi ni Raquel, isa sa mga kaklase at ka-team ko.
"Kyomi kasi! Kainis kayo." Ngumuso ako.
"Ki-yo-mi!" pang-aasar pa nila.
Umiling ako at pumunta sa bench kung saan nakalagay ang mga gamit namin. Itong mini tournament sa volleyball ang midterms namin for this sem sa P.E. Maglalaban-laban lang naman ang best team ng bawat section na hawak ng teacher namin. Sa finals, tig-isang team bawat track at strand naman na hawak niya pa rin.
"Sabi ko na, e. Walang panama 'yang kabilang section. Puro ganda lang!"
"Huy, Ash, 'wag kang maingay. Marinig ka ng kabilang section... abangan ka niyan sa labas!" I laughed.
"Nice one, Kyomi! Perfect score tayo dahil sa 'yo," ani Fera, ang pinaka-close kong kaibigan.
Nakipag-apir ako sa kanya at sa iba kong kaibigan. Ang ibang kaklase ko ang nakipag-usap kay Sir Tugade para sa grades namin. Kinuha ko ang towel sa loob ng bag at tinawag si Emer na malapit sa akin.
"Bro, pakilagay naman sa likod ko, please?"
Lumapit ako sa kanya at sinilip ang ginagawa sa phone. Naglalaro na naman pala ng ML ang isang 'to kaya busy. Tinawag ko na lang ang isa ko pang kaklase na malapit sa akin para magpalagay ng towel sa likod.
"Sure!"
"Ako na, Kyo!" May lumapit pang isa.
"Hoy, ako nga raw!"
Napaatras ako nang sabay nilang kinuha ang towel mula sa akin. Halos mag-agawan pa sila sa gamit ko kaya napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam na gusto pala nila ng pink na towel at iyong akin pa talaga ang napag-trip-an nila.
Tinalikuran ko na nga lang sila at kinuha na lang ang panyo na ginamit kanina. Nilabas ko rin ang tumbler na dala at napasimangot nang makitang ubos na pala iyon.
Lumapit sa akin si Fera at umupo sa tabi ko. Ngumuso ako at tinuro ang dala niyang bottled water.
"Pahinging tubig, Fera. Ubos na sa akin, e," sabi ko sabay pakita ng walang laman na tubigan.
Inabot niya iyon sa akin. "Diyan ka na uminom."
My body got refreshed because of the cold water. Halos maubos ko iyon nang ibalik kay Fera.
"Hindi mo ba sila napapansin?" Fera suddenly asked.
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. "Huh?"
"Ang daming lumalapit sa 'yong lalaki. You seem oblivious to the fact that they have feelings for you."
"Ha? F-feelings?" Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
Anong feelings ang tinutukoy niya? Sinong mga lalaki? Wala namang ibang lumalapit sa akin kundi ang mga kaklase rin namin, ah?
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Umusog pa siya palapit sa akin bago humagikgik.
"Crush ka nila. 'Di mo pa ba nahahalata?" bulong niya sa aking tainga.
Nanindig ang balahibo ko at nag-init ang magkabilang pisngi. Bahagya akong lumayo sa kanya kaya natigilan siya.
"Huh? Kyomi?" Umangat-baba ang kanyang kilay.
"Guys, evaporate na! Magpalit na kayo ng damit sabi ni Sir para sa next subject. Next meeting niya na ulit tayo imi-meet para sa grades," anunsiyo ni Loren, ang presidente ng klase.
Bumuntong hininga ako at tumayo. Fera's always been kind to me. Maganda, matalino, mabait, at palakaibigan. Siya ang una kong naging kaibigan nang pumasok ako sa eskuwelahang ito. Siya ang nagpakilala sa akin sa mga kaibigan niya kaya marami rin akong naging malapit na kaibigan.
Mahalaga sa akin ang mga kaibigan ko... lalo na siya. Kinuha ko na ang gamit at nagsimulang maglakad.
"Hey, Kyomi! Towel mo!"
"Kyomi! Wait!" tawag ni Fera.
Binilisan ko ang paglakad hanggang sa may humawak sa braso ko. Tumigil ako at nilingon si Fera na ngayon ay naghahabol ng hininga sa tabi ko.
"Bakit ka ba nagmamadali? Naiwanan tuloy natin sila," aniya sabay turo sa kanyang likuran kung saan ang mga kaibigan namin.
"Ang lagkit na ng katawan ko, Fera. Kailangan ko nang magbihis."
"Uh, sige. Tara!" Ngumiti siya at naglakad pauna sa akin.
"Sandali..."
Nagsalubong ang kilay niya nang huminto at nilingon ako. "Bakit? May problema ba, Kyomi?"
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag. Sandali kaming natahimik at nagtitigan. Sa huli, ako na rin ang pumutol doon.
"W-wala. Tara na." I looked away.
Naningkit ang mga mata niya bago ngumisi. Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.
"Bakit namumula ka, Kyo? Ha? Ayie! Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?"
"Anong sinabi mo?"
"Iyong maraming may crush nga sa 'yo!" Sumimangot siya.
"Oh? Anong agawin ko roon? Hindi naman 'yan totoo."
Nagsimula na kami ulit magalakad patungo sa girl's restroom. Naririnig ko pa nga ang tawag ng ilang kaibigan namin sa likuran.
"Totoo nga 'yon. Ba't 'di ka naniniwala? Hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang," she said. "Anyway, 'wag na nga nating pag-usapan 'yon. May bago akong chika!" Humagikgik siya.
Habang nagbibihis sa loob ng cubicle ay panay ang kuda niya. She doesn't even mind if anyone would hear her fantasizing someone. Ilang saglit pa nang marinig ko na rin ang pamilyar na boses ng ilang kaibigan.
"Kyo? Fera?" Orange called.
"We're here!" Fera said.
"Akala namin ay nauna na kayo sa room. Anyway, magbibihis lang kami tapos diretso na muna tayo sa Chevon. Naroon na ang iba."
Tinanggal ko ang pagkakatali sa buhok ko at ni-flush na ang inidoro bago lumabas ng cubicle. Naabutan ko sina Orange, Risca, at Hazel na nagtatanggal ng kanilang damit pang-itaas.
"What the..."
Mabilis kong nilingon ang pinto at nakitang nakasarado naman iyon. Bumuga ako ng hangin at ipinatong sa may lababo ang bag bago sumandal doon nang nakahalukipkip.
"Hindi ko alam kung bakit hindi uso sa inyong tatlo ang cubicle at privacy," I told them and shook my head.
"Kyo-chan, can I see your body?" Nasa harapan ko agad si Hazel.
Hazel's a soft-spoken one and the youngest amongst us. Well, mas bata lang siya ng dalawang araw kaysa sa akin. Mahina at maliit ang kanyang boses sa tuwing magsasalita. Tulad ko ay may lahi rin siyang Hapon. Though, she's really acting strange in front of me. Lagi niya akong tinatanong kung puwede bang makita ang katawan ko.
Seryoso? Ano bang meron sa katawan ko at gusto niyang makita? Ayaw ba niyang ang sariling katawan ang tingnan? O kaya kay Orange o Risca? Bakit kaya laging akong ang nais nito.
"Bebe Hazel, magbihis ka na lang at nang makakain tayo. Mind your own body," ani Risca.
Ngumuso si Hazel at bagsak ang balikat na nilayuan ako. I smiled and watched her gloomy yet so cute face. May binubulong-bulong pa siya hanggang sa magmukmok sa dulo ng banyo.
"I'm done!" Lumabas na si Fera sa cubicle na katabi ng nilabasan ko. "Huh? Hazel, anong nangyari sa 'yo?"
Tumawa si Orange at Risca. Naiiyak na sa sulok ang batang si Hazel habang may subo-subo naman ngayon na lollipop.
Humarap ako sa salamin bago itinali ang buhok at binuksan ang gripo. Fera was consoling Hazel and even told her that she would show her body instead of mine. Muntik ko nang masinghot ang tubig sa narinig.
"Mas maganda naman ang katawan ko kaysa kay Kyomi, Hazel. Ayaw mo bang makita?" ani Fera.
"B-but—"
"Fera!" I called angrily.
Hindi niya ako pinansin. Marahas kong pinunasan ang mukha gamit ang tissue na hiningi ko kay Orange.
Tumawa si Risca. "Hayaan mo na, Kyo! 'To naman, hindi naman gagawin iyon ni Fera."
Nang matapos kami sa pagbihis at pag-ayos ay dumiretso na kami sa Chevon. Kainan iyon na madalas naming tambayan malapit sa pinakalikod ng campus.
Naroon na nga ang iba naming kaibigan. Higit sa lima na ang naroon at mukhang kami na lang ang hinihintay. Hindi naman sila kumakain pero may mga inumin sa mesa.
Napahawak ako sa tiyan at nanatiling nakatayo dahil halos wala nang upuan sa puwesto.
"Hindi kayo kakain? Nagugutom ako."
"Ako rin pero tinatamad akong tumayo," ani Johnny na nakapangalumbaba sa mesa.
"Pucha! Talo!" Nilapag ni Emer ang kanyang phone sa mesa at sumubsob doon.
"ML kasi nang ML! Partida araw-araw 'yan tapos hindi pa makaalis sa Epic?" Tumawa si Risca.
"Sa Epic na lang may forever, bro."
"Sino magpapasabay? Ako na lang bibili?" tanong ko sa kanila.
"Samahan na kita, Kyo," si Loke.
Nag-abot ng pera ang ilan na nagpabili. I mentally took note of everything they said. Instant accountant pa nga ako pero ayos lang naman.
"Kaya niyo bang dalawa? Sama na rin kaya ako?" Fera offered and stood up.
Nag-compute ako sa utak kung magkano ang aabutin ng bibilhin namin at kung ilan ang matitira sa sukli kaya hindi ko siya nasagot. Limang daan din itong hawak ko, ah? Parang ang dami nilang sinabi at tingin ko ay kukulangin ang pera pero kung ganoon nga ang mangyayari, aambagan ko na lang muna.
But that was a joke. Nagtitipid nga ako para makaipon, e.
"Tara!" Umangkla agad ang braso ni Fera sa akin at hinila ako.
"Si Loke pa."
"Nakasunod lang 'yan."
Nag-order na kami ng pagkain na pinabili sa amin. Kuda nang kuda si Fera sa tabi ko habang kinukuha namin ni Loke ang order.
"Fera, kunin mo ang sukli."
"Magkano pa po ang sukli?" she asked the staff.
"Seventy-three pesos."
"Tatlong tubig na lang po 'yan. 'Yong tig-isang litro."
"Kaya pa?" Loke asked and smiled.
Tumango ako at naglakad na kami pabalik sa table namin. Dalawang tray ang dala ni Loke at isa naman sa akin. Si Fera ay dala ang tatlong tubig na binili niya at nasa likuran namin.
"Sandali lang naman," rinig kong reklamo ni Fera. "Ay! Hala, sorry po!"
Umikot agad ako para makita ang nangyari.
"Fera!" tawag ko sa kaibigang naka-squat sa sahig at pinupulot ang nalaglag na bottled water.
Ipinatong ko muna saglit ang dalang tray sa mesa na malapit sa akin. Tinawag ako ni Loke pero nilapitan ko na agad si Fera at tinulungan sa pagpulot ng gumulong na tubig.
"Sorry, miss..." anang isang lalaki.
Inabot ko ang isang bote kay Fera pero hindi niya agad iyon kinuha. Nakatulala siya sa harapan ng isang matangkad na lalaki na nakatali ang buhok. Moreno, matikas ang pangangatawan at guwapo.
"O-okay lang... ano... s-sorry." Bahagyang yumuko si Fera habang namumula ang magkabilang pisngi. "Natapon ang pagkain mo."
"Fera," agaw pansin ko sa kanya. "Lika na..."
Bahagyang tumawa ang lalaki kaya nilingon ko ulit siya. Nakasuot siya ng puting round-neck shirt na may logo ng school namin sa kaliwang dibdib. Nanlaki ang mata ko nang makitang nadisenyuhan pa iyon nang kulay yellow orange na mantsa!
Napatigin ako sa sahig at nakitang nagkalat ang palabok pati ang plato. Oh, damn. Puting-puti pa naman ang damit niya.
"Excuse me—" I was cut off when he spoke.
"Ayos ka lang ba? Pasensiya na talaga," malambing niyang sambit sa kaibigan ko.
Natigilan ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ni Fera. Naestatwa lalo ang kaibigan ko at tuluyang hindi na nakapagsalita pa.
Anong ginagawa ng lalaking ito? Bakit may paghawak sa kamay pa? Bakit malambing siyang magsalita sa kaibigan ko? Nagngitngit ang ngipin ko sa iritasyon at balak sanang hawiin ang kamay niya nang magsalita ulit ang lalaki.
"Nasaktan ba kita? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?"
What? Halos matawa na ako roon! Napaka-OA ng lalaking 'to, ah? Clinic agad, e, ni hindi nga nagalusan itong si Fera. Mukhang nagkabungguan lang naman sila.
At teka nga... hindi ba ako nakikita nito? Wala nang isang metro ang layo naming dalawa dahil magkalapit lang din kami ni Fera. Halos nasa harapan niya lang din ako kaya... bakit hindi niya ako pinapansin?
I was taken a back with my thoughts. Thinking that he only noticed Fera when I'm also here is kind of... offending. Kahit sulyap ay hindi niya ginawa sa akin! What's with this guy? And what's with me?
"Fera! Kyo!" Loke called and immediately went to us.
Wala na siyang dalang tray. Siguro ay nilagay niya na sa table namin at binalikan lang kami rito. Umismid ako at nagsimulang maglakad palayo roon.
My presence there wasn't needed. Siguro ay nabighani sa ganda ni Fera. Ibig sabihin... pangit ako? Hindi niya ako pinansin dahil hindi ako kapansin-pansin? And his voice seemed alluring. The hell with him?
Naupo ako sa tabi ni Orange at kinuha ang palabok na binili. Hindi tuloy mawala sa isip ko lalo ang lalaking iyon dahil sa palabok. He should change. Mahirap kaya tanggalin iyon kapag nagtagal.
"Oh!" Someone laughed from the group. "Nakasimangot si Kyomi? Badtrip? Bago 'to, ah?"
"Where's Loke and Fera? Anyare sa inyo?"
I wasn't really famous but like Fera, I've learnt to socialize with some of our schoolmates. Mas marami pa rin ang hindi ko kilala. But at least, when I tried to approach someone I don't know personally, they would immediately attend to me. Pero ang lalaking iyon...
I sighed and shook my head. Bakit ko ba iniisip pa ang opinyon ng lalaking iyon? Ano naman kung hindi niya ako pinansin? The way his captivating brown eyes looked at Fera and how his voice sounded enticing when he asked her... siguro ay gusto niya ang kaibigan ko?
"Kyomi!" Tumili si Fera pagdating sa table namin.
Nabitin sa ere ang tinidor na hawak ko at nilingon siya.
"Ah! I think I have a new crush!" she announced dreamily.
Inasar siya ng mga kaibigan namin dahil sa sinabi. Kumunot ang noo ko at pilit sinubo ang kinakain. Dalawang subo pa at tinigilan ko na dahil nawalan ng gana.
Kinuha ko ang aking gamit at tumayo. Natigilan sila sa tawanan at napatingin sa akin, nagtataka ang mga mukha. Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Sumama ang tiyan ko. Mauna na ako sa inyo."
Isang lingon sa kaliwa ang ginawa ko at nakita kong muli ang lalaking may mahabang buhok. May kasama siyang dalawang lalaki at nagtatawanan sila. For a moment, he looked at our direction... specifically to Fera. Lalong bumagsak ang balikat ko bago nag-iwas ng tingin at umalis na roon.

Komento sa Aklat (85)

  • avatar
    a******8@gmail.com

    ang ganda ng story mo te s blurb palang madadala kana good job

    19/07/2022

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    Gerlie Mandia

    ganda

    01/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata