logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1.

(Gabria's POV)
Naglalakad ako sa gitna ng kabilugan ng buwan dito sa kagubatan. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito dahil ang alam ko lamang ay nasa loob ako ng kwarto, humihiga habang nakatitig sa kisame. Kanina pa ako naglalakad dito ngunit hindi ko pa rin mahanap ang hangganan ng kagubatang ito. Palinga-linga pa ako habang naglalakad dahil nagbabaka sakaling may makita akong bahay o kahit tao man lang sa paligid.
Puro puno at halaman lang ang nakikita ko sa buong paligid at medyo natatakot ako dahil may madidilim na parte ang kagubatang ito. Hindi tinatamaan ng sinag ng araw.
"Nasaan na ba ako?" tanong ko sa sarili ko. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad kahit nalilito pa rin kung bakit ako narito.
Napakunot ang noo ko nang makaramdam na parang may nakamasid sa akin. Inilibot ko ang aking tingin ngunit wala naman akong makitang tao o kahit anong hayop sa paligid. Iniling ko nalang ang ulo ko saka binaliwa nalang iyon at nagpatuloy sa paglalakad kahit hindi ko naman alam kung saan patutungo.
Napahinto ako at napalingon sa damuhan nang may marinig akong kaluskos doon dahilan para mapakunot ang noo ko. Agad ko iyong pinuntahan saka dahan-dahang sumilip kung meron bang nilalang na naroon. Ngunit nang masilip ko iyon ay wala akong ibang makita kung 'di ang mga tuyong dahon lamang na nasa lupa.
Umalis ako roon saka inilibot ulit ang paningin sa paligid. Napahinto agad ang tingin ko sa may hindi kalayuan. May nakita kasi akong tao na nakatayo sa gilid ng puno roon. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya kahit medyo kinakabahan ako baka multo ito. Eh takot pa naman ako roon.
Huminto ako saglit saka tinitigan ko siya ng mabuti kung totoo ba talaga ang nakikita ko kasi baka siya na ang makakatulong sa akin para makalabas sa gubat na'to. Nang masigurado kong totoo ang taong iyon, agad akong naglakad ng mabilis patungo sa kaniya ngunit napahinto rin nqng makita ko ang kaniyang itsura.
B-Bampira?
Ang taong nakatayo sa 'di kalayuan ay may kulay dugong mata na napakagandang tingnan ngunit, alam kong dilikado ang nakatago sa magagandang mata na 'yan. Madilim ang nakapaligid sa kaniya kaya tanging mata lamang ang nakikita ko sa kaniyang mukha.
Napaatras ako nang humakbang siya sa direksyon. Hindi ko alam pero nakita ko siyang ngumisi ng nakakatakot dahilan para manginig ang buo kong katawan. Agad akong tumakbo sa aking likuran.
"Takbo," nanlaki ang aking mata nang may bumulong sa akin. Hindi na ako huminto para tingnan kung sumusunod pa rin siya sa akin at hindi na rin ako lumingon sa gilid ko.
Nadapa ako nang may naapakan akong matulis na bagay. Ramdam ko ang hapdi roon kaya dahan-dahan akong umupo saka tiningnan ang paa ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang dumudugo ang kaliwang paa ko. No. No!
Hinawakan ko ang kaliwang paa ko na ngayo'y umaagos pa rin ang dugo roon. Pilit ko iyong pinipigilan ng tela na pinunit ko sa aking suot na white t-shirt para lamang matakpan iyon.
Napahinto ako sa pagtatali ng paa ko nang maramdaman kong may nakatayo sa aking harapan. Napakurap-kurap muna ako bago dahan-dahang tinaas ang ulo. Para ata akong nawalan ng hininga at lamamig ang buong katawan ko nang makita ang lalaki kanina. Hindi ko pa rin makita ang kaniyang mukha kahit natamaan siya ng liwanang ng buwan. Tanging mata lang niya ang nakikita ko.
Lumaki ang mata ko nang humakbang siya palapit sa akin. Umaatras ako kahit masakit pa rin ang paa ko. May nakita akong kutsilyo sa tabi ko kaya pinulot ko iyon saka binato sa kaniya dahilan para mapaatras siya at umiwas.
Pinilit kong tumayo kahit masakit. Agad akong tumakbo ulit, paika-ika. Alam kong maabutan niya ako pero tumakbo pa rin ako, sa abot ng aking makakaya.
Napatili ako nang may humigit sa braso ko saka ako isinandal sa punong kahoy na malapit sa akin. Para akong nawalan ng lakas nang magtama ang mata namin. Pigil hininga rin ako dahil magkalapit ang aming mga mukha. Hindi ko pa rin makita ang kabuoan ng kaniyang mukha, tanging mata lamang.
"Let me go" I whispered. Nagpumiglas ako mula sa pagkakawak niya sa dalawa kong braso, ngunit hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak niya dahilan para mapadaing ako. "Bitawan mo 'ko!" malakas kong sigaw habang nagpupumiglas pa rin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas niya. Siguro, tama ang hinala ko.
"Stay still, I won't hurt you" malambing nitong sabi, para bang hindi niya ako kayang saktan. Hindi ako naniniwala ro'n.
Umiling ako. "Hindi! Sasaktan mo 'ko kaya bitawan mo ako! Isa kang halimaw!" medyo natakot ako nang tumalim ang kaniyang tingin akin.
"What did you say?" biglang lumamig ang tuno ng kaniyang boses. "I'm a monster?" nanlaki ang mata ko nang naging kulay dugo lalo ang kaniyang mata. "I am not a monster! F*ck! Do you hear me?! I'm not a godd*mn monster!"
"I-Isa kang halimaw," pinilit kong hindi mautal pero hindi ako nagwagi.
"Bawiin mo ang sinabi mo, babae," Ngunit umiling lamang ako. Madiin niyang himawak ang panga ko. "I will drink all of your blood," madiin niyang sabi na ikinalaki ng mata ko dahil sa takot.
Natakot ako lalo at nagpumiglas nang dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang ulo sa leeg ko. Ramdam ko ang matulis nitong kuku na medyo bumaon sa braso ko.
"'Wag! 'Wag!" pigil ko sa kaniya. Ngunit hindi sya tumigil. Naramdaman kong may bumaong matulis na bagay sa leeg ko.
"AAAAHHHHH!" napaupo ako mula sa pagkakahiga. Habol hininga ako habang inilibot ang aking paningin sa buong kwarto. Tagaktak na rin ang pawis ko.
Panaginip. Isang nakakatakot na panaginip.
"Gab, are you okay?" napalingon ako sa nagsalita. Napayakap agad ako sa kaniya dahil sa takot. "What's wrong? Bakit ka sumisigaw?" tanong ulit ni Tita Liwana.
"B-Bampira," 'yan lamang ang tanging nasambit ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit napanaginip ko iyon. May pakiramdam ako na totoo ang lalaking iyon.
"Oh, I see. You had a nightmare, right?" kumalas ako sa pagkakayakap saka mahinang tumango. "Okay, let me tell you this, hindi totoo ang mga bampira. Kathang isip lamang sila. Gawa-gawa lamang sila, okay?" paliwanag nito sa akin.
"Opo," 'yan lamang ang aking nasagot. Pero, hindi pa rin ako satisfied sa nakuha kong sagot. Gusto kong malaman kung totoo ba talaga ang mga bampira.
"Sige na, maghanda ka na. Papasok ka pa ngayon." tumango lamang ako. Agad na siyang lumabas.
Tumayo ako para magtungo sa banyo. Tumingin ako sa salamin para tingnan kong may bakas ba ito ng kagat, ngunit wala. Hindi rin masakit ang kaliwang paa ko. Siguro, masamang panaginip lang talaga 'yon. Bumaba ang tingin ko sa aking braso. Napakunot-noo ako nang makitang may bakas na kamay roon. Then, I realize... Oh my goodness!
Lumabas ako sa banyo pagkatapos maligo habang nakakunot-noo pa rin at hawak-hawak ang kanang braso ko. Umupo ako sa harap ng salamin saka kinuha ang ointment para lagyan ang bakas ng kamay sa magkabilang braso ko. Nagsuot nalang din ako ng jacket para hindi halata.
Bumaba ako para magbreakfast at pagkatapos ay nagpaalam na ako kay Tita saka lumabas ng bahay. Nadatnan ko si Mang Karding na nasa driver sit na. Pumasok ako sa backseat at umupo.
"Good morning, iha," bati niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Good morning din, po. Paki-bilisan nalang po baka ma-late ako," magalang kong sabi sa kaniya. Tumango siya saka pinaandar ang kotse.
Habang nasa biyahe, nakatingin lamang ako sa bintana. Iniisip pa rin ang panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit hindi siya maalis sa isipan ko. Parang konektado ang lalaking iyon sa buhay ko.
Nabigla ako nang biglang nagpreno si Mang Karding at hininto ang kotse dahilan para mauntog ako sa likod ng driver sit.
"Manong, ba't n'yo po hininto ang kotse?" tanong ko sa kaniya habang hinimas-himas ang noo ko. P*tcha, ang sakit.
"Sorry, iha, pero malapit tayong mabangga sa kotseng iyan," sabi nito sabay turo sa kotseng muntik naming makabanggaan.
Lumaki ang mata ko nang makita ang kotse. Ferrari?! Muntik na nga akong mahulog sa kinatatayuan ko. Napakunoot noo ako nang lumabas ang isang matangkad na lalaki sa driver sit. Naglakad ito patungo sa kotse namin. He look expensive and rich.
"Kakausapin ko lang, iha," tumango na lamang ako dahil hindi pa rin ako nakaka-move sa kotse niya.
"Ferrari? That car cost 70 million dollars. In Philippine peso, 3 billion. It is the most expensive cars in 2021, the 1963 Ferrari 250 GTO. How rich can he be?" I whispered in shocked.
It the first and the second is Bugatti La Voiture Noire that cost 18 million. In Philippine peso, 948 million.
Naka-glasses siya kaya hindi ko makita ang kaniyang mga mata saka naka-side view siya habang kausap si Mang Karding. Napakunot ang noo ko nang tumingin ito sa sasakyan, should I say, sa akin.
Assuming na ba ako? Parang hindi naman masyado, hehe.
Masyado ata akong nakatitig sa kaniya dahil hindi ko man lang napansin na nakapasok na pala ulit si Mang Karding loob ng kotse.
"Ano po ang sinabi niya?" tanong ko. Baka pababayarin kami. Sinong hindi, 'di ba? Ang mahal kaya ng kotse niya. Pero... grabi naman ata kung pagbabayarin kami. Eh, wala ngang gasgas ang kotse niya.
"Okay lang daw, iha. Basta raw mag-ingat daw ako sa pagmamaneho baka raw masaktan o mapano ang nakasakay," sagot nito saka binigyan ako ng kakaibang tingin. Napakunot ang noo ko. Huh? Sinong tinutukoy niya? Umiling nalang ako at sinawalang bahala nalang iyon.
"A-Ah, ganoon po ba? Let's go na, po." tumango lamang siya saka nagmaneho ulit.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    Em Em Mansilla

    ang ganda

    9d

      0
  • avatar
    PecsonJemken

    it's Good a story

    27d

      0
  • avatar
    Jenchoi Keziah

    good

    27d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata