logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

MESS

Cypher's POV
Second day of classes, sucks! Halos mamungay na ang dalawa kong mata dahil sa walang sawang pagkukuwento ng professor namin sa history. Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang magmulat ng mata habang lumilipad ang isip ko sa kawalan, hanggang sa namalayan ko na lang na ini-dismiss kami ng prof.
Kaagad akong tumayo at nagtungo sa cafeteria nang nakaramdam ako ng gutom. Sigawan na kaagad ng mga studyante ang bumungad sa akin nang nakapasok ako. Napansin kong nakapalibot sila sa gitna na tila may pinapanood na kung ano.
Panibagong palabas?
Wala na sana akong balak na tingnan pa kung ano ang nangyayari, ngunit napahinto ako nang narinig ko ang isang pamilyar na boses, "Ang sama mo! Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo 'di ba!?"
"Oh really? I know. Hindi pa ako matanda para magkaroon ng memory loss. Duh!"
"Then why are you doing this to me!?"
Sinikap kong sumiksik sa kumpulan ng mga estudyante na nagpainit lamang ng aking ulo, lalo na nang nakita ko kung ano ang nangyayari.
"Why? Nothing. I just want to." Naikuyom ko ang aking kamao at halos bumaon ang kuko ko sa aking palad nang nakita kong binuhusan ni Keira si Denise ng juice, habang wala ibang magawa si Denise kun'di ang umiyak.
Fuck.
"What are you? A kid?" Nakuha ang atensyon ng lahat nang bigla akong pumasok sa eksena. Kasama na ro'n si Keira na napaangat ang kilay nang nakita ako, ngunit kalaunan ay napalitan din 'yon ng ngisi.
"C-Cypher..." Nagawi ang tingin ko kay Denise, ngunit bumalik din kay Keira kalaunan.
"What now? Akalain mo 'yon? Magkakilala pala ang dalawang pangit?" Nagtawanan ang mga estudyante dahil sa sinabi ni Keira. Malamig ko siyang tinapunan ng tingin bago nagsimulang naglakad papalapit kay Denise.
"Stand up. You shouldn't waste your tears to someone’s childishness," wika ko na pinagsimulan ng mga bulungan sa paligid.
Dahan-dahan namang tumayo si Denise dahil sa aking sinabi. Nakita ko naman sa mga mata ni Keira ang matinding inis.
"How dare you to insult me!" Napakagat ako sa aking labi at unti-unting napatawa nang pagak sa kaniya.
"You better stop capturing everyone's attention by doing nonsense things."
"Wala kang pakialam! Sino ka ba sa inaakala mo ha? You're just a nerd!" Napaangat ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko talaga alam kung ano'ng gusto niya sa buhay. What can she gain from doing this?
"Fix your attitude, before I'm lost my patience, " ang aking huling sinabi bago ko hinila si Denise.
"Nerd!" Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humila sa buhok ko nang marahas. Napangiwi ako dahil sa lakas ng kaniyang pagkakahila.
Fuck. Not my hair!
Naririnig ko ang nanggagalaiting sigaw ni Keira habang nagc-cheer naman ang ibang estudyante sa kaniya. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay na ikinasigaw niya nang malakas dahilan para mapabitaw siya sa aking buhok. Napaatras siya habang nakatingin sa kaniyang braso na ngayon ay namumula na. She looked at me angrily.
"You scratched me!" Muli ay sumugod siya sa akin na ikinaikot ng aking mata. God, I hate cat fights.
"What the hell, Keira!?" Natigil ang lahat sa pagche-cheer pati na rin ang balak na gawin ni Keira nang may tatlong lalaking biglang dumating sa aming harapan.
Tila tumigil ang oras dahil sa sobrang katahimikan ng paligid, ngunit kaagad kumalas sa pagkakahila ng buhok ko si Keira nang napagtanto niya kung ano ang kaniyang ginagawa. Marahas kong inayos ang aking buhok na ngayon ay sabog na. Darn. Mahirap pa namang suklayin kapag ganito.
"Z-zero, it was her! Siya ang nauna. She tried to slap me kaya inunahan ko na siya!" Napamaang ako at hindi makapaniwalang napabaling ng tingin kay Keira.
What an excellent story teller!
Nabaling ang tingin ko kay Zero na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Oh come on! Bakit hindi kaya niya pagsabihan ang girlfriend niyang maluwag yata ang tornilyo sa utak?
"Stop this, Keira. Let's go." Hinatak ni Zero si Keira pa-palayo sa puwesto namin, kaya sa kanila nabaling ang tingin ng mga estudyante.
Napailing-iling ako at nabaling ang tingin kay Denise na ngayon ay nakayuko habang humihikbi. Napasapo ako sa aking noo. I didn't know that she's a cry baby. I told her not to cry, but she wouldn't listen.
Bakit walang mga student council dito para pumigil sa mga ganitong klase ng gulo? Are they not aware of this shit? God!

Hinila ko na lang si Denise palabas ng cafeteria. Ang kanina'y nagugutom kong tiyan ay biglang nawala dahil sa nangyari.
Ramdam ko pa rin ang pananakit ng anit ko. Pasalamat siya at nagawa ko pang pigilan ang sarili ko na masaktan siya, dahil kung hindi—hindi na sa clinic siya didiretso, kun'di sa hospital.
"P-pasensya na sa nangyari kanina. D-dapat ako lang 'yon e."
"Stop crying. It's nothing." Naglakad kami papuntang Girl’s Dormitory, eksakto namang nakasalubong ko si Farris na gulat na gulat ang hitsura nang nakita ang nangyari sa kasama ko.
"Oh my God! What happened?" tanong niya bago sumabay sa aming paglalakad.
"I don't know either." I mean I don't know exactly what happened. Umeksena lang naman talaga ako.
"Is this your dorm?" tanong ko kay Denise na kaniyang ikinatango, hanggang sa ako na ang nagbukas ng pintuan. Pumasok kami ni Denise sa loob at sumunod naman sa amin si Farris.
"OMG! Ano'ng nangyari kay Denise? At sino naman kayo?" Biglang bumungad sa amin ang isang babaeng matinis ang boses. Medyo mababa ito nang kunti sa akin. She has a medium wavy hair with her side bangs.
"Let's talk about it later," nasabi ko na lang.
Sinabihan ko muna si Denise na magpalit dahil marumi ang kaniyang uniform, kaya naiwan kaming tatlo rito sa sala nina Farris at ng dorm mate ni Denise. Nilibot ko ang tingin sa buong dorm, halos kaparehas lang ng sa amin. Mukhang pareho-pareho lang naman ang dorm dito.
"Nga pala, Sumi Madrigal ang pangalan ko. Kayo ba?" tanong niya sa amin. Maybe she's around 15 years old based on her looks.
"I'm Farris, and this is Cypher; dorm mate ko siya," pagpapakilala ni Farris sa aming dalawa. Sumi just nodded at us bago ito nagpaalam para ipagtimpla kami ng maiinom.
Maya-maya ay dumating na rin si Denise. Mukhang may gana pa itong pumasok dahil nagpalit ito ng panibagong uniform. Umupo siya sa isang single coach kaharap namin. Nagsimulang magtanong si Sumi kung ano ba talaga ang nangyari. Ayon sa kaniya, nabunggo niya lang si Keira sa balikat kaya humingi siya ng tawad. But she didn't expect that Keira would pour the food on her head, at doon na nagsimula ang gulo. Ikinuwento din niya ang nangyari sa pagitan namin ni Keira, at hindi maalis sa mukha ni Farris at Sumi ang pagkamangha.
"Really? I mean, you said those words to her?" Ang alin? Ang ipahiya siya sa harap ng maraming tao? Balak ko sana 'yong itanong kay Sumi kaso h'wag na lang.
"Hay! Dapat lang 'yong sa babaeng 'yon. Ang lakas ng loob na mam-bully, porket palagi niyang kasama ang kapatid ng Dean." Napakunot ang noo namin ni Denise sa sinabi ni Farris.
"Kapatid ng Dean?" si Denise nang may pagtataka.
"Yup. Zero Tyler Adamson. Kapatid siya ni Ms. Selena Adamson, ng Dean nitong university." Napamaang ako sa narinig. So that explain why the students are treating them like they're superior.
"Another thing. Kilalang bully dito sa university si Keira Asunsion. Takot ang mga estudyante sa kaniya dahil sa nagagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin," kuwento ni Sumi.
It's clear to me now, ngunit hindi ko mapigilang mainis sa sinasabi nilang Zero. I mean, he's the sibling of the Dean, ngunit wala man lang siyang magawang maganda para maging peaceful ang paaralang ito. Tsk. But then, whatever.
Thursdays afternoon and it's out PE. Katatapos lang namin mag-activity kaya naisip kong pumunta muna sa locker room para magpalit ng damit, ngunit napahinto ako sa paglalakad nang nakarinig ako ng mga ingay.
"Batuhin na 'yan! Batuhin na 'yan!" My visions started to dim when I saw Denise laying on the cold floor while crying.
Napakuyom ako sa aking kamao nang nakita kong dumudugo ang kabilang bahagi ng kaniyang ulo. Dahan-dahan akong lumapit sa kung nasaan si Denise. I checked her head, and it's bleeding.
"C-cypher...ayaw ko na r-rito...." I cursed when I found out how her expressions filled with horror. Tumayo ako at humarap sa mga estudyante na ngayon ay mga nagpipigil ng tawa.
"Who fucking did this?" My cold voice echoed at the whole area. I told them not to try my patience, but they didn't listen. "I SAID WHO FUCKING DID THIS TO HER!?" Hindi ko na napigilan ang sigawan silang lahat dahil naramdaman kong tila may gustong kumawala sa aking loob.
"Kami, bakit!? Akala mo kung sino ka a! H'wag ka ngang magtapang-tapangan diyan!" I took a glance at the person who said that. Nagsimulang mandilim ang paningin ko sa kaniya bago ako dahan-dahang lumapit dito. Nakita ko namang napalunok ito at halata sa hitsura ang kaba.
"You want to go to hell?" I didn't think twice to punched his face. Nakita kong pumutok ang gilid ng labi nito at ang madalian nitong pagbagsak sa lupa. Everyone's gasped because of what I did.
"Ang yabang mo a!" Balak sana akong sugurin ng iba pang mga lalaki, ngunit mas lalong dumilim ang aking paningin at nasuntok ko na lang ang pader na nasa aking gilid.
Napasinghap ang lahat nang nakita nilang bumaon ang aking kamao sa simentadong pader. Napatiim-bagang ako. They messed up with me, now... I'm going to mess up with them.
Kaagad na nagsitakbuhan ang mga estudyante nang tiningnan ko sila nang matalim. That's right. Run, before I might kill the shit out of you.
"Mirco—Oh my god! What did you do to Mirco!?" Nagpantig ang dalawa kong tainga nang marinig ko ang boses ni Keira. "You nerd—" Before she could even finish her words ay kaagad ko nang nahawakan nang mahigpit ang kaniyang leeg
No one can stop me when I'm mad. Not her.
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na inaalis, ngunit mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakatiik ko sa kaniya hanggang sa dahan-dahan ko na siyang itinaas sa pader.
"I-I can't b-breath...h-help...." Bago pa ako mawalan ng kontrol ay pabalang ko na siyang ibinalibag sa pader na ikinasigaw naman niya nang malakas.
"What the fuck did you do to her!?" I was caught off guard when someone's grabbed my wrist and pushed me on the wall.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong kinulong gamit ang dalawa niyang braso sa pader habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. What now? A knight in shinning armor is here to save her princess? I devilishly laughed because of that thought.
"Stop laughing." Tumama sa akin ang kaniyang mainit at mabangong hininga dahil sa lapit ng kaniyang mukha sa akin.
"Trying to save your princess huh?" I smirked when my eyes turned to him, until I slowly lost my will to smirk on him and replaced it with a cold stare. "Back off," saad ko na nagpadilim sa kaniyang ekspresyon.
"Try to hurt her again, and you'll gonna taste hell." Hindi ko naiwasang mapangisi sa banta niya. What now? Should I feel scared?
"Try me." Marahas kong inalis ang suot kong eyeglasses at marahas siyang tinulak para makalayo sa akin.
Lumapit ako kay Denise na ngayon ay nanghihina na. Kaagad ko itong tinulungang makatayo para madala ko ito sa clinic. Bago ako makalabas ng locker ay nabaling muli ang tingin ko kay Zero. Napansin ko ang bahagyang pagmaang ng labi nito, habang nanatili pa rin sa kaniyang p'westo kanina. Napailing na lang ako.
"Tell to your girlfriend to stop messing with this girl beside me. Dahil kong hindi, baka mas malala pa riyan ang gawin ko." And with that I left them dumbfounded.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    SakirAlwahid

    good

    11/07

      0
  • avatar
    RamosJiskay

    this story is very nice and good to the other people and give them a experience about to the story that they read

    09/07

      0
  • avatar
    Jesrelle Arches Montecalvo

    Highly Reccomended

    11/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata