logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7.

Mathrizea's POV
Binuksan ko ang pinto ng aking apartment. Isasara ko na sana iyon nang biglang itulak ni Zades ang pinto at walang pasintabing pumasok sa loob.
Takte!
"Hoy!" Sigaw ko sa kaniya. Nasarapan pa siyang umupo sa single sofa. Takte.
Feel at home ang boss niyo.
"Bawal ang lalaki rito!" Sigaw ko sa kaniya.  Tiningnan lamang ako nito saka hindi pinansin. Aba, attitude 'to, ah? Ginagaya ako!
"Hoy." Mahinhin pa rin ang aking pagkakasabi. Pinipigilan ko ang aking sarili na mapikon.
"Wow naman, ma'am," sarkastiko niyang sabi. "Matapos kitang ihatid para hindi ka mabasa tapos ngayon? Papasulongin mo 'ko sa malakas na ulan na iyan?! Baka nakakalimutan mong nasa school ang kotse ko."
Natahimik ako roon, tumingin ako sa labas ng bintana. Malakas nga ang ulan, hays. Wala akong magagawa sa kagustuhan nito. 'Wag lang siya maingay, bawal talaga ang lalaki rito.
Tumayo si Zades at nilibot ang paningin. "Dito ka nakatira? Sa mainit? Maliit? At maalikabok?"
Hindi ko siya pinansin. Gusto ko siyang sagotin na 'Mainit, maliit at maalikabok pala, e. Bakit ka nandidito?'  Kaso 'wag na, alam niyo naman ang kakahantungan, walang katapusang usapan. Titigil lang iyon kapag hindi ko na siya pinansin.
"Tanggalin mo na 'yang mask mo, tayo lang naman ang nandidito."
Tininganan ko lamang siya at pumasok na sa kwarto para magpalit ng damit. Basa kasi ako. Tutal hapon naman na, nag-panjamas na lang ako at sando. Pumasok ako sa banyo at nagpalit.
Bago ako magtoothbrush ay tinanggal ko muna ang mask, tinitigan ko ang aking mukha sa salamin.
Umiinit ang aking dugo!
Nagtoothbrush na ako hanggang sa matapos. Naghanap ako sa cabinet ng mask, sinuot ko iyon at doon na lumabas. Nakita ko si Zades na nakaupo habang malalim ang iniisip.
"‘Di ka pa uuwi?" Tanong ko rito.
Dahan dahan niya akong tiningnan. Naiilang ako rito dahil grabe makatingin, naiwan pa ang kaniyang paningin sa aking mukha. Marahil ay nagtataka. "Bakit ka nakamask? Eh, nandidito ka naman na?"
Ano bang problema niya kung nakamask ako? Mind your own bussiness, sir.
"Umuwi ka na," saka na ako tumalikod. Pumunta ako sa lamesa at nagtimpla ng gatas. Kakatoothbrush ko lang pala. "Nagugutom ka?"
Napatingin ito sa akin saka nag-ukit ng ngiti sa kaniyang labi. "Oo!" Masigla niyang sagot.
"Bumili ka." Doon ko na ininom ang gatas na aking tinimpla. Isang tunggaan ko lang iyon dahil hindi naman mainit.
"Tss," singhal ni Zades. "Tatanong tanong hindi naman pala magpapakain."
"Hindi ako free ngayon." Walang emosyon kong sagot sa kaniya.
"H-Hoy! A-Anong sabi mo?! A-Ang bastos ng bunganga m-mo!" Bastos? Pero nauutal? Tsk. "Pero pwede ri--No! No! No! No!"
Baliw na. Tsk.
"Hayst!" Kita kong napasabunot siya sa kaniyang sariling buhok. " Nakakairita kang babae ka! Nakasando ka na nga't lahat lahat! Flat ka pa rin!"
What the! So, kanina niya pa tinitingnan ang dibdib ko?! Punye!
Pinaningkitan ko siya ng mga mata, alam kong kita niya iyon kahit may bangs ako. Nilapitan ko siya, pagkarating ko ay tumayo rin ito. Hutek, nakatingala ako samantalang siya ay nakayuko. Bakit kasi ang liit ng mga biyas ko?
"Ikaw ang bastos!" Duro ko rito, nagpatuloy ako sa paglalakad kaya siya ay paatras ng paatras. "Pwede b--never mind." Lumayo layo na ako. Hays, bakit ko pa kasi pinapatulan 'yan?! Kainis!
"Oh, bakit hindi mo tinuloy ang inis mo? Hindi ba kinaya ng iyong mga biyas? Small person."
Tiningnan ko na lang siya at hindi na sumagot. Pumunta na ako sa kusina para magluto ng aking gabihan. Akala ko tapos na siya sa kakabunganga niya pero hindi pa pala.
"Bakit kaya naging yaya kita? Hayst! Kainis! Kainis! Naiirita ako sa sarili ko kapag naiisip ko 'yong mga ginawa ko para mapa---never mind."
Baliw.
"Mukhang kailangan mong uminom ng gamot," mahinhin kong sabi saka sinalang ang aking niluluto.
"What? Wala akong sakit." K, sabi mo. Mental hospital ang kailangan nito. Kanina ko pa nahahalata 'yan, akala mo may sayad sa utak. O ako lang yata ang hindi sanay. Baka ako nga.
"Umuwi ka na," baling ko rito saka tumingin sa labas. Tumila na ang ulan. "Marami ka pang gagawin sa inyo."
"Hmm? Siguro nga, sige, bye. See you tomorrow." Tumango na lang ako. Kinuha niya na ang kaniyang payong saka na lumabas. "W-Wait, walang ingat ka?"
Nangunot ang noo ko dahil roon. "Ingat sila."
"Psh." Saka masungit na umalis. Sinagot ko naman ang tanong niya, may sapak lang talaga.
Wala ng maingay kaya tahimik na ang buhay.
Zades POV
Naglalakad kami ngayon ni Pharixtel papasok sa school. Siyempre, nangbababae na naman ang aking kaibigan. Mabait ako kaya bawal 'yan.
"Your mom told me." Pag-uumpisa ng aking kaibigan.
Napatingin ako sa kaniya. "Ano?"
"Anong oras ka na daw umuwi kahapon. Saan ka galing, dude?"
"Allithea's house."
"Tinawagan ko si Allithea, she said na hindi ka niya nakita buong araw. So, saan ka pumunta?"
Kapag sinabi ko kasing kay Matresa baka asarin ako nito. Ay, hindi, alam niya namang hindi ko tipo ang babaeng 'yon.
"Mathrizea's apartment."
Akala ko ay wala lang sa kaniya pero napahinto pa ito sa paglalakad. Tinitigan ako sa mga mata nito hanggang may umukit na sa kaniyang labi na ngisi.
The heck.
"Anong ginawa niyo? Awieeee, Zades, ano 'yo--"
"Stop that, tsk. Wala kaming ginawa, sa tutuosin nga, boring ang kaniyang buhay. Do you know why? Siya lang mag-isa. Nasaan kaya ang pamilya ni Matresa 'no? Nawawala brain cells ko dahil sa kaniya." Pabiro kong sabi.
"Bakit mo pa kasi pinoproblem--Oh, hi, Allithea." Kaway ni Pharixtel kay Allithea na sumalubong sa amin ng daan.
"Oh, hi," nag-apir sila ng aking kaibigan. "Hi, Zades," kaway nito sa akin at bumeso. "By the way, anong topic niyo? I heard na babae."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Mukhang sasabay si Allithea sa aming lakad. Malapit lang rin naman ang room niya sa akin.
"Si Matresa," sagot ko.
"Who's Matresa?" Tugon nito. "Hmm? I don't know her."
Maganda talaga si Allithea, babae ko 'yan, joke. Crush ko 'yan kasi tingnan mo naman, hindi flat, sexy, matangkad, maganda at mabait pa. Hindi gaya ni Matresa, flat, sexy naman? Small person, panget? At ma-attitude. Tsk. Nakakainis siy--ang sarili ko dahil bakit ko sila pinagkukumpara?! Argh!
"Kaklase namin." Si Pharixtel. "Iyong small person, flat, laging nakamask, minsan nakajacket at may sariling mundo."
"I like her." Ngiting komento ni Allithea. Nagtaka naman ako roon.
"W-What?! You like her?! Eh, hindi mo pa nga nakikita iyon, e! Kapag nakasama mo 'yon, maiinis ka sa ugali niya! Pafame, ma-attitude at walang kwenta kausa--"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil nagtaka ako kung bakit natawa si Allithea.
"Bakit parang big deal sa 'yo ang gano'ng ugali niya, Zades? Hahaha." Napasimangot ako roon. "Do you like her? Malay mo, gano'n lang talaga siya, wala ka ng magagawa."
"I don't like her." Sabi ko. "I hate her." Napairap pa ako. She just my yaya and classmate!
Humiwalay na sa amin si Allithea dahil tumapat na siya sa kaniyang room. Habang patungo kami ay may humarang sa aming daraanan. Isang estudiyante.
"Pinapatawag ho kayo ni Dean."
Nangunot parehas ang noo namin ni Pharix roon pero wala na kaming nagawang dalawa kundi ang pumunta. Pagbukas namin ng pinto ng Dean's Office, nakita agad namin si Dean na nakaupo.
"Umupo muna kayo, Mr. Vuentero and Mr. Clavista." Maayos na pag-uutos ni Dean kaya umupo kami. Nakita namin si Herizyn, mukhang kanina pa siya nandidito.
"Ano pong mayroon, Dean?" Lakas loob na tanong ni Pharix.
"We will talk about Miss Fortelio and Mr. Vuentero."
Matapos 'yong sabihin ni Dean ay pumasok si Matresa. Wala pa rin siyang pagbabago, nakamask pa rin ito at walang pakialam sa mundo. Wala itong pasintabing umupo.
"Ano pong pag-uusapan natin? Baka po kasi mahuli ako sa klase." Magalang na sabi nito na may halong hiya.
"Don't worry, Miss Fortelio, pinaalam ko na kayo sa inyong lecturer."
" I see."
"So, let's start," pagbubukas ni Dean sa aming pag-uusapan ngayon. "Miss Fortelio, tama bang ipahiya si Mr. Vuentero sa harap ng maraming tao?" Lalaki ang Dean rito.
"Hindi ho," sagot ni Matresa. "Kailan ko ho ba pinahiya si Mr. Vuentero?"
"Sabi ng mga estudiyante, lalo na sa sinabi ni Miss Castilla," tukoy kay Herizyn. "So? Did you do that to Mr. Vuentero, Miss Fortelio?"
"No," sagot niya agad. "Gaya ng sinabi ko kay Mr. Vuentero, siya ang gumagawa ng ikakahiya niya."
Napaamang naman ako roon. Nakayuko lang ito at walang nagiging kilos.
"What?!" Late reaksyon ko. "Aamin ako, kahapon lang ako napahiya ni Matresa, pero sa buong klase, hindi pa. Pero, bakit naman ako gagawa ng ikakahiya k--"
"Tanong mo sa sarili mo."
"Matresa!" Inis kong tawag sa kaniya.
"Miss Castilla, mali ang statements na binigay mo?" Harap ni Dean rito. "So, ikaw daw ang nambully rito kay Miss Fortelio, it is true?"
"Y-Yes, D-Dean." Utal nitong sagot.
"Pwede kang magdesisyon, Miss Fortelio. Anong gusto mong iparu--"
"Hindi na kailangan, Dean, mauna na 'ko." Tumayo na roon si Matresa.
"Kami rin ho." Nang pumayag si Dean ay sabay kaming lumabas ng office at sinundan si Matresa.
"Walang kwentang usapan," rinig kong bulong nito na halatang tinutukoy ang usapan kanina. Kahit ako ay boring na boring roon.
"Matresa, my yaya!" Tawag ko sa kaniya.
Hinarap naman ako nito. "What?"
Ngumisi ako bago nagsalita. "Nagugutom ako, bilha--"
"Hindi ko tinanong." Saka na ito nagtuloy tuloy sa paglalakad.
Pareho kaming napanganga ni Pharixtel.
"Bwisit na babae..." Komento ko.
"Mukhang masama ang araw niya, dude..."
"Wala akong paki kung masama ang araw niya. Tsk. Mamaya lang siya sa akin..."
"Hayst." Buntong hinga nilang nito.
Naiinis ako sa 'yo, Matresa.
Itutuloy....

Komento sa Aklat (276)

  • avatar
    Justine Rodrigo

    So nice

    19d

      0
  • avatar
    Kristine Aizel

    nice

    20d

      0
  • avatar
    DadorKatherine

    love this

    24d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata