logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

“Siya, ano ang pangalan niya?” tinuro siya ni Nike.
“Era Leverett, pero LE na lang ang itawag niyo sa kanya,” sagot ni Lia.
Batid ba nito na susungitan niya ito kaya si Lia na lang ang tinanong nito. Umalis na siya sa kinauupuan niya, maghahanap siya ng ibang matatambayan iyong walang tao. Simula noong unang araw niya dito sa resort palagi na siyang naiinis dahil sinira ni Draven ang bakasyon niya. Hindi siya makapagrelax, palaging may nangbu-buwisit sa kanya, stress na nga siya sa trabaho lalo pa siya nastress dito. Siguro kung hindi niya inaya ang dalawang kaibigan niya na pumunta dito sa EL Ñido, hindi niya makikilala si Draven at wala siyang problema ngayon. Umupo siya sa bato malayo layo na rin ang nilakad niya, maaari na siya magmuni muni walang asungot.
“Pagod kana ba maglakad?”
“Bakit kaba sunod nang sunod sa akin?” tanong niya din. Hindi ba ito napapagod kakabuntot sa kanya.
“Masama bang sundan ka?”
“Oo, masama!”
“Sinundan kita dahil batid ko na hindi kapa kumakain. Aayain sana kitang kumain.”
“Hindi ako nagugutom! Kumain ka mag-isa!”
“Gutom kana, eh. Ayaw mo lang aminin,” nakukulitan na talaga siya.
“Problema ko na iyan kung nagugutom ako. Bakit ba masyado kang nag-aalala na magutom ako?”
“Dahil ayokong nagugutom ang future girlfriend ko,” sagot ni Draven. Ngumisi siya ng pang-uyam, nanaginip ito ng gising. Kahit pumuti ang uwak hindi siya nito magiging girlfriend.
“Alam mo tigilan mo na iyang kakasabi na ako ang future girlfriend mo kasi hindi iyan mangyayari itaga mo iyan sa bato! Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, huwag mo na kong ligawan.”
“Hindi na kita liligawan, mamahalin na lang kita. Simula ngayon pagaari na kita sa ayaw at sa gusto mo girlfriend na kita," nawalan siya ng sasabihin. Parang namulot lang ito ng nobya, kulang na lang isipin niyang may sira sa utak si Draven, baliw ba ito? Tingin ba nito easy to get siya.
“Ano ito sapilitan? Huwag mong pilitin ang babae kung ayaw sa iyo.”
“Ikaw pa lang ang kauna unahang babaeng tumanggi sa akin pero para sa akin ako na ang boyfriend mo. Lahat ng gusto ko nakukuha ko,” madiin na saad ni Draven. Sumikdo ang puso niya.
“Okay, sige! Paniwalain mo ang sarili mo. Isang beses ko lang ito sasabihin hindi ko na uulitin pa. Sasaktan lang kita kaya tigilan mo na ang kahibangan mo.”
Naglakad na siya sa pabalik kina Lia. Napaisip siya, bakit hindi niya patulan ang sinabi ni Draven? Kapag pinatulan niya ito makakaganti na siya sa mga lalaki. Bakit hindi niya iparamdam rito ang sakit na nararamdaman niya? Upang malaman nito ang pakiramdam nang nasasaktan. Sasaya siya kapag nakita niya itong nasasaktan at nahihirapan, ngumisi siya dahil may naisip na siyang plano. Lintek lang ang walang ganti, ipapatikim niya rito ang sakit na hindi pa nito nararanasan sa buong buhay nito. Masama na kung masama ang mahalaga masaya siya sa gagawin niya dahil matagal niya ng gustong gumanti sa lalaki. Pero pagiisipan niya muna ang lahat dahil ayaw niyang magsisi sa bandang huli.
“Lia, mauna na ko maglunch sainyo," naabutan niyang nakikipaglandian ito kay Nike, kinuha niya ang wallet niya sa lounge chair.
“Sabay na kami," tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Nik. Sa pagkakaalam niya hindi sila close nito.
“Huwag kana magpaalam kay LE, hindi iyan papayag. Sumabay na lang kayong tatlo sa amin kaya, tara na." Kukutusan niya talaga mamaya si Lia, bakit nito inaaya ang mga taong hindi nila kilala? Basta talaga gwapo ang daling pumayag ni Lia.
“After natin maglunch mag-island hoping tayo, sulitin na natin kasi uuwi na tayo bukas,” sabat ni DG.
“Sakto, pupunta kami doon mamaya. Nike, Isama natin sila,” wika ni Cole.
“Tapos na ba kayo magusap? Nagugutom na ako,” mataray na wika niya. Kung gusto ng mga ito mag-kuwentuhan maghapon bahala ang mga ito basta siya kakain na.
“Ang taray naman ng kaibigan niyo,” narinig niyang sabi ni Cole.
“Naku, gutom lang iyan si LE. Pero mabait naman iyan,” sagot ni DG, bakit hindi sabihin ni DG, ang totoo? na mataray talaga siya. Walang imik siyang pumasok sa restaurant.
“Excuse me, okay na ba iyong pinareserve namin?” tanong ni Nike, sa receptionist.
“Opo, dito po tayo Sir," sumunod na si Nike, siya naman nililibot ang mata dahil naghahanap siya ng vacant na table.
“Doon tayo Lia,” aniya.
“Ano kasi LE-----”
“Ano?”
“Miss LE, iyong pinareserve kasi namin na table good for 6 na. Napag-usapan kasi namin kanina na sabay sabay na lang tayo maglunch,” paliwanag ni Cole.
“Una na kayo. Ako na bahala kay LE, kakausapin ko muna siya,” saad ni DG. Nakaalis na ang dalawa, hinihintay niyang magsalita si DG.
“Bakit kayo pumayag na sumabay tayo sa kanila?” Hindi na siya nakatiis tinanong niya na ito.
“Wala naman masama doon, gusto lang nila makipag-kaibigan sa atin. Ako na nakikiusap sa iyo na isantabi mo muna ang galit mo sa lalaki kahit ngayon lang.”
“Gosh! DG, hindi natin sila kilala. Paano na lang kung masamang tao sila? Paano kung inuuto nila tayo?”
“Tingin ko naman mabuti silang tao, para kasing kilala sila ni Lia," walang lalaking hindi kilala si Lia. Hindi na siya makaangal dahil tinulak na siya ni DG, papunta sa table. Kahit masama ang loob niya umupo na lang siya. Kumuha na siya ng pagkain, nagpanggap siyang wala silang kasamang lalaki.
“Hindi ba kakain si Draven?” tanong ni Lia.
“Kakain iyon, baka may pinuntahan lang saglit." Nakatingin sa kanya si Nike, bakit ba nila hinahanap ang taong wala dito? Hindi ba sila makakain na wala iyong hambog na iyon.
“Bakit ganyan ka sa akin makatingin? Ahh!” supladang tanong niya. Nginitian siya ni Nike, may laman kasi ang tingin nito sa kanya.
“Wala,” sagot nito. Abala siya sa pagkain nang dumating ang taong kinaiinisan niya, nawalan siya ng gana kumain. Sa pagkain lang dapat nakatuon ang pansin niya ngunit nabaling kay Draven, dahil hinalikan siya nito sa pisngi.
“Sweetheart, kumain ka nang madami."
Natuod siya sa kinauupuan niya, nakatingin sa kanila ang mga kasama nila. Nagtatanong ang mata ni Lia, batid niyang hindi na magugulat si DG, dahil alam niyang nakita nito dati na hinalikan siya ni Draven sa parking lot subalit nagulat pa ito. Ibig bang sabihin hindi ito nakatingin noong hinagkan siya ni Draven, noong isang araw.
“Boyfriend mo ba siya, LE?” tanong ni Lia.
“Hindi ko siya boyfriend!” tanggi niya. Alam niyang hindi ito naniniwala.
“Boyfriend niya ako. Nahihiya lang siya sabihin sainyo,” sa inis niya binuhusan niya ito ng malamig na tubig. Malamang siya naman ang lalabas na kontra bida sa mata ng mga kaibigan niya.
“Isaksak mo diyan sa utak mo na hindi kita nobyo! Hindi ako pumapatol sa lalaking cheap!” galit na sabi niya. Wala siyang pakialam kung may makarinig na ibang tao. Ginulo nito ang tahimik niyang buhay kaya magdusa ito ngayon sa kahihiyan. Sinusumpa niyang hinding hindi sasaya sa buhay si Draven.
“Tapos kana?” tanong nito. Bakit hindi ito nagalit? Hindi siya tanga para hindi malaman na galit ito samantalang nagalit ito noong binangga nito ang sasakyan niya. Bakit hindi ipakita ni Draven, ang tunay na ugali nito? Upang makita nina Lia, kung gaano kasama ito. Kahit magbait-baitan pa ito sa harapan ng mga kasama nila hindi pa rin magbabago ang tingin niya rito.
“Ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa ni LE,” saad ni DG. Hindi man lang siya pinagtanggol iintindihin niya na lang si DG, dahil mabait ito kahit nakakasama na ng loob.
“Hindi mo-------” naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Draven. “Ayos lang, mahirap talagang paamuhin ang kaibigan niyo." Ano siya aso? Asa pa ito na mapapaamo siya. Sa tuwing magsasalita ito naririndi siya.
“Kaya pala pumayag kang sumama sa amin dito,” wika ni Nike.
“Sinundan mo pala ang girlfriend mo,” segunda ni Cole. Bakit ba paniwalang paniwala ang mga ito na nobya siya ni Draven?
“Ayoko kasi na nawawala siya sa paningin ko kaya sinundan ko siya dito,” sabi ni Draven. Paano nito nalaman na pupunta siya dito sa EL Ñido? Gusto niyang pagbintangan si Lia, na ito ang nagsabi ngunit hindi naman ito close kay Draven.
“Ano kaya ang magiging reaction ni Rusty, kapag nalaman niyang may girlfriend kana, bro?” saad ni Nike. Gusto niya sumabat sa usapan ngunit mas pinili niya na lang manahimik. Malamang nobya ni Draven ang tinutukoy ni Nike, syempre magagalit iyon alangan naman matuwa. Baka isipin ng kasintahan nito na kabit siya kaya hangga’t maaga pa tatapusin niya na ang kahibangan nito. Ang mga lalaki talaga hindi makontento sa isa gusto madami ang babae.
“Hoy Draven! Hindi maganda iyang ginagawa mo! Sabihin mo sa kanila na hindi kita boyfriend. Binasted na kita kaya tigilan mo na ko! Excuse me, nawalan na ako ng gana kumain!” mataray na sabi niya. Hindi niya kayang kumain na may asungot, mas gugustuhin niyang magmokmok sa kwarto. Kasalanan ito ni Lia, kung hindi sana nito pinakita sa kanya ang magazine. Sana hindi niya nakilala si Draven, sana hindi siya minamalas at nagagalit ngayon. Hindi na din siya sumama sa island hoping, wala naman dahilan para sumama pa siya. Hindi niya na din nakita si Draven, hanggang sa makabalik siya ng Manila.

Komento sa Aklat (73)

  • avatar
    Mitz Chesca

    so awesome and I love you

    4d

      0
  • avatar
    SisterJericho

    great

    14d

      0
  • avatar
    Edith Escobel

    because the story is so beautiful I'm going to happy to story is so very I'm happy to reading the story

    29d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata