logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 5

Napatingin ako sa malaking bato, at naisipan kong ipatong muna roon ang basket kong dala-dala, habang tatahiin ko pa ang kapa niya. Nang biglang pigilan niya ako maglakad, kaya, napaharap ako sa kan'ya. Nanlaki ang aking mga mata nang mapatingin ako sa kamay ko at makita kong hawak-hawak niya ang aking kamay.
"Bitiwan mo 'ko!" Sambit ko. 'Sabay, hinampas ko ang kamay niya na nakahawak sa kanan kong kamay pa-paalis. "Walang sinuman ang pupuwedeng humawak ng kamay ko, lalo na 'pag hindi ko kilala!" maangas kong sambit at tinitigan ko siya sa mata.
Nagtaka ako sa ikinilos ng lalaking na sa harapan ko, ngumiti lang siya sa 'kin. Sumandal din siya sa puno at inilagay niya sa likod ng ulo niya ang kamay niya, at tinitigan ang araw na unti-unti nang lumulubog. "Takip-silim na. Pero, ang ikinatataka ko, bakit ang babaeng gaya mo, na sa gitna pa rin ng gubat sa ganitong oras. Sabihin mo nga, isa ka bang——"
"Hindi ako bayarang babae! At, puwede ba, 'wag mong husgahan ang pagkatao ko, hindi mo 'ko kilala!" Nagulat ang lalaki sa inakto ko. Tiningnan ko naman ang puting kapa niya na hawak ko sa aking palad at hinagis ko ito pabalik sa kan'ya at nasalo naman niya ito. "Sa 'yo na 'yang kapa mo! Wala na akong balak pang tahiin 'yan!"
Aalis na sana ako, nang biglang nagsalita pa ulit siya na ikinakuha ng atensyon ko. "Hindi ka aalis." At, hinagis niya pabalik sa akin ang kapa niya at nasalo ko naman ang kapa. "Nang dahil sa 'yo, kaya ako nasugatan at napunit ang kapa ko, kaya, obligasyon mong ayusin 'yan." Inilapit niya ang muka niya sa muka ko. "At, kailangan mo ring bumawi."
Matagal na nakalapit ang muka niya sa aking muka at nakatitig nang husto sa aking mga mata na para bang tutunawin na ako ng tingin niya. Kumunot ang aking noo. "Pero, hindi ko naman sinabing iligtas mo 'ko." Hindi siya umimik nang magsalita ako.
"Sige na. Tatahiin ko na lang itong kapa mo........," sambit ko. Iyon na lang ang sinabi ko para wala na siyang maipagmalaki sa 'kin. "At, puwede ba, 'wag mo na nga ulit isiping bayarang babae ako."
"A-Ano? I-Ikaw?" Bigla siyang humagalpak nang naka-hawak pa sa kanyang tiyan na ikinainis ko. "Sa 'itsura mong 'yan, hindi ka naman talaga bayarang babae at nakikita ko pa nga ang future mo....... MAGIGING... ISANG......... MATANDANG DALAGA KA!" Sabay hagalpak.
"Tumahimik ka nga diyang lalaki ka!"
Tumigil siya sa pagtawa. "Lalaki?" Napaisip siya at biglang na lang naging mala-anghel ang muka niya. "Hehe........ Oo nga pala, hindi mo pa alam ang pangalan ko. Ako si Ereb at ikaw?"
"So-Soraya. Soraya, ang pangalan ko."
"Nice to meet you Soraya." At, binigyan niya ako ng matamis na ngiti at inabot niya sa 'kin ang kamay niya. Tinitigan ko pa ang nakalahad niyang kamay at parang nagdadalawang-isip pa akong makipagkamay sa kaniya. Pero, nakipagkamay na lamang ako.
"Nice to meet you rin, E-E......."
"Ereb."
Magkahawak ang kamay namin. Namayani ang tahimik sa paligid at dumidilim na rin. Umihip nang mahina ang hangin at nag-umpisa nang mag-ingay ang mga kuliglig.
Nang tingnan ko ang kan'yang muka, muling nagtugma ang aming tingin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kaya agad ko nang inalis ang kamay ko sa kamay niya.
Nagtaka ako sa biglang inakto ni Ereb. Napalingon siya sa kaniyang likuran nang nakakunot noo at humarap sa 'kin nang gan'on din ang emosyon ng muka. "Diyan ka lang. At, kung may maghahanap man sa 'kin, huwag mong sabihin kung nasaan ako." At, bigla na siyang umakyat nang nagmamadali at nagtago sa mga sanga ng puno.
Kumunot ang aking noo. Anong tinataguan niya?
Narinig ko ang tunog ng mga yapak at boses ng kabayo sa 'king likuran at sa pagtalikod ko, may dalawang babaeng bumaba sa kaniya-kaniya nilang kabayo.
Ang isang babae, may masungit na postura, may itim na buhok at nakapuyod, may magandang korte ng katawan, nakapan-royal guard at napansin ko rin na may espada sa bandang likod niya.
Ang isang babae naman, may kulot na buhok na ang kulay ay kayumanggi na hanggang balikat. May suot siyang green formal dress at mer'on din siyang dalang malaking bag, na punong-puno ng mga papel at libro.
Pareho silang may gold bracelet na suot-suot.
Napa-atras ako nang biglang lumapit sila sa 'kin. Lumuhod pa ang isang babaeng nakapan-royal guard sa aking harapan na aking ikinagulat. "Ako si Akira at siya naman si Daisy." Sabay, itinuro niya sa 'kin ang kasama niyang babae at tumayo na rin siya. "Nagmula kami sa Zoa Castle."
Z-Zoa Castle. I-Ibigsabihin mga nobles sila o mga.......
"May nakita ka bang lalaking may katangkaran, may suot na puting kapa at bughaw ang kasuotan, may kayumangging buhok at ang kan'yang hitsura ay na sa labin-siyam na taong gulang?" tanong ni Akira.
"At, sobrang gwapo," dagdag ni Daisy.
"Sa-sandali." Pinag-isipan ko nang mabuti. At, sa tuwing iniisip ko ang lahat ng mga pinagsasabi ng dalawang babaeng na sa harapan ko ay si Ereb lamang ang pumapasok sa isip ko na may gan'ong itsura at panunuot na nakita ko ngayun.
Magsasalita ako. Nang biglang may narinig kaming may bumagsak na kung ano. At, pagtalikod ko, nasa lupa na si Ereb at mukang nalaglag siya sa sanga ng puno. "Aray naman.....," tanging nasabi niya habang bakas sa muka niya ang sakit nang pagkahulog niya habang hawak-hawak ang kan'yang likod.
"Ereb—" Lalapit sana ako kay Ereb para tulungan siyang tumayo, nang biglang inunahan ako ng dalawang babae.
"Y-Your Highness." Nag-aalang saad ni Daisy, habang tinutulungan nilang tumayo si Ereb.
Your Highness? I-Ibigsabihin, galing sa noble family si Ereb at siya ay isang prinsipe.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong napa-atras, nang biglang humarap sa 'kin si Akira nang magkasalubong ang mga kilay at itunutok niya sa 'kin ang hawak niyang espada. Napalunok ako ng laway. "Ang kapal ng muka mo! Sino nagbigay sa 'yo ng karapatang tawagin ang mahal na prinsipe sa kan'yang pangalan?!"
Tama nga ang na sa isip ko. I-Isa ngang prinsipe si Ereb.
"Ano pang tinu-tunganga-tunganga mo riyan?! Lumuhod ka na at humingi ng tawad kay Prince Ereb!"
"Akira—" Hindi ipinatapos ni Akira ang sasabihin sa kany'a ni Daisy at bigla siyang nagsalita.
"Huwag kang sumabat diyan Daisy." Sabay ibinalik sa akin ni Akira ang tingin niya. "At, Ikaw ano pang hinihintay mo? Lumuhod ka na."
Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang sundin ang sinasabi ni Akira. Inilapag ko sa lupa ang hawak kong basket at kapa ni Ereb, at luluhod na ako nang biglang, magsalita si Ereb na ikinaagaw ng atensyon naming lahat. "Akira!"
Akmang napakunot pa ang noo ni Akira nang tumingin siya kay Ereb. At, si Ereb naman ay magkasalubong ang dalawang kilay nang tumingin siya kay Akira.
Mas nagtaka ako, nang pumunta sa harapan ko si Ereb at humarap siya kay Akira, kaya, sa kan'ya na nakatutok ang espadang hawak ni Akira. "Akira, alam kong ginagawa mo lang ang tungkulin mo. Pero, itong babaeng nasa likuran ko ay walang ginawang masama. At, ako rin mismo ang nagsabi sa kan'ya ng pangalan ko. Wala namang saysay kung sasabihin ko pa sa kan'ya ang title na pinanghahawakan ko kung magiging kasama rin naman siya sa mga taong gusto ko ay na sa aking paligid. At ang mga taong na sa paligid ko, mas gugustuhin kong tawagin lang nila ako sa mismong pangalan ko."

Komento sa Aklat (54)

  • avatar
    Milrose Sumayo

    Itong kuwentong ito ayy pinakamagandang kwento

    01/07

      0
  • avatar
    Airinejoy Laxamana Delacruz

    it so good to read the story

    21/06

      0
  • avatar
    Fiona Estilo

    so good 😊

    20/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata