logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Two

Two
NAALIMPUNGATAN si Vienna nang maramdaman ang pagtigil ng sasakyan nila. Nakatulog siya sa biyahe dahil madaling araw sila umalis ng Manila para makaiwas sa traffic. Pagtingin niya sa labas ng bintana ay nakatigil na sila sa tapat ng bahay nila.
Inayos niya ang sarili bago bumaba ng sasakyan. Bago pa lang sumisikat ang araw at nararamdaman niya pa ang malamig na hangin sa balat niya. Mamasa-masa rin ang damong tinatapakan ng suot niyang stilleto dahil sa hamog. Binalot niya ang sarili sa suot na cardigan at inilibot ang tingin sa paligid. Ngayon niya lang nalaman na meron na palang parking lot ang bahay nila. Bagong pintura rin ang buong kabahayan. Puno na rin ng namumulaklak na orkidyas ang garden na dating walang kabuhay-buhay.
"Naninibago ka ba?" anang mommy niya na sumulpot mula sa likuran niya.
"I thought you're going to sell this?" Pinagsalikop niya ang mga braso sa dibdib.
"Yup. But since wala pang bumibili pinaganda na rin namin siya para makadagdag attraction,"
Napatango-tango siya sa sinabi nito.
"Let's go inside. Nakapaghanda na siguro si mama ng breakfast." Nauna na ang mommy niya pero pinigilan niya ito.
"Wait, akala ko nasa ancestral house si Lola?" Kunot-noong tanong niya.
Hindi niya alam pero animo'y nataranta ang mommy niya at hindi malaman kung ano ang sasabihin.
"I came here early to cook breakfast for all of you." Anang Lola niya na sumulpot sa front door.
"Tamang-tama beshy gutom na 'ko!" Sabat naman ni Gio. Sa likod naman nito ay si Klein. Ito ang magkasabay sa sasakyan. Nakisakay na lang si Gio para daw may makausap ang Prof nila.
"Bueno, halina at nang makakain na kayo."
Sumunod na silang tatlo sa dining room samantalang ang mommy niya ay pinuntahan ang daddy niya.
"Siya nga pala, maya-maya ay magdadatingan na rin ang mga pinsan mo. Ang mga Tito at Tita mo naman ay susunod na lang. Alam mo naman busy sila sa kani-kanilang negosyo." Pagbibigay impormasyon ng abuela habang naghahain ng pagkain.
"Gwapo ba mga cousin mo beshy?" Bulong ni Gio.
"Oo. Kaso gwapo din gusto niya." Ganting bulong niya.
"Ay! Ano ba 'yan?" Nagdabog ito na ikinatawa niya. Uupo na sana ito sa tabi niya nang pigilan ito ni Lola Violy.
"Dito ka sa tabi ko," anito sa kaibigan niya.
"Gusto ko po sa tabi ni Vie, Mamita," protesta nito. Pero pinanlakihan ito ng mata ng matanda kaya wala itong nagawa. Nasa kaliwa niya si Klein samantalang bakante ang kanan niya. Nagtataka man siya kung bakit hindi pinaupo ng abuela si Gio sa tabi niya ay hindi na siya nagtanong. Nakanguso ang kaibigan niya habang nakatingin sa kanya.
"Let's eat!" Anang daddy niya nang pumasok sa hapag at umupo sa tabi ng mommy niya.
"Not yet. May hinihintay pa tayo." Anito.
Nagtataka nila itong tiningnan dahil wala silang ideya sa kung sino pa ang hinihintay nito. Hanggang sa may isang bulto siyang nakita na papasok. Bago pa siya makahuma ay nahigit na niya ang paghinga.
It's been nearly three years and yet she still remembers every details of his body and face. His perfect jawline, pointed nose, and his deep brown eyes. And most of all his... kissable lips.
"Magandang umaga sa inyong lahat," namayani ang katahimikan at ni isa ay walang gumanti sa pagbati nito. Inilibot nito ang tingin at animo'y nanunukso ito nang lampasan siya ng mga mata nito at muli ring ibalik. Ilang minutong nakatitig lang sila sa isa't isa. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.
"Mabuti naman at narito ka na iho. You're just on time for breakfast. Nagdala ka pa ng paboritong mangga ni Vienna." basag ni Lola Violy sa katahimikan. Noon lang din natauhan ang dalaga at dali-dali siyang uminom ng tubig. Muntik pa siyang masamid buti na lang at nandoon si Klein hinimas nito ang likod niya.
"Salamat," kiming saad niya. Nginitian lang siya nito.
Hindi niya magawang lumingon sa kanan niya lalo na nang maramdaman niya ang pag-upo ng lalaki at ang pagdampi ng balat nito sa kanya. Animo'y napapaso niyang iniiwas ang braso dito at nauna ng kumuha ng pagkain.
Parang walang gustong magsalita sa mga kasama niya sa pagitan ng kanilang pag-aalmusal at hindi siya sanay. Pero ayaw rin naman niyang mauna na magbukas ng usapan dahil hindi niya alam kung paano.
"Mahilig ka pala sa mangga?" ani Klein.
"Ah, oo. Hindi ko ba nabanggit sa'yo 'yon?" Pinilit niyang pakaswalin ang tinig para walang makapansin ng pagkailang niya. Umiling lang ang binata kaya pagkatapos no'n ay nakabibinging katahimikan ulit.
Naubos na niya ang laman ng plato niya kaya naisipan niya kumain ng panghimagas. Tumayo siya para kumuha ng mangga sa maliit na sisidlan na nasa ibabaw ng mesa nang biglang tumayo rin si Pierre. Nagkasabay silang kumuha. Nahawakan nito ang kamay niya at bigla niya 'yong iniiwas. Hindi niya alam pero para siyang nakuryente. Napalunok siya at bumalik sa pagkakaupo. Hindi na lang siya umimik at iniiwas ang tingin dito. Pero nagulat siya nang sumulpot sa harapan niya ang hiniwang hinog na mangga.
"Ipinili kita ng matamis," anito habang nakangiting nakatingin sa kanya. Hindi siya nakasagot at tahimik na kinain ang ibinigay nito. Nagulat din siya nang maglagay ng hiniwang mangga si Klein sa harapan niya.
"Ikaw na kumain niyan para matikman mo ang mga tanim dito sa'min," nakangiti niyang sabi sa binata at ibinalik sa harapan nito ang prutas. Pilit niyang iwinawaksi ang awkwardness na nararamdaman niya dahil sa presensya ni Pierre.
Itinuon niya ang tingin kay Klein para mawala ang atensyon sa lalaki. Hanggang sa matapos ang almusal ay hindi na siya lumingon sa gawing kanan niya. Nang lumabas siya sa garden kasama si Gio at Klein ay iniikot niya ang leeg dahil pakiramdam niya ay na-stock 'yon.
"Vienna, apo, ipapaalala ko lang ang appointment mo sa gown designer mamayang hapon," anang abuela niya mula sa veranda sa ikalawang palapag ng bahay.
"Yes, 'La. Ituro niyo na lang po sa'kin kung saan at pupuntahan namin ni Klein mamaya."
"Hindi mo alam 'yon. Papasamahan na lang kita kay Pierre dahil alam niya ang pasikot-sikot dito."
"No need, 'La. I can use waze or search it on the internet." Ayaw niya sa ideya na makakasama niya ulit ang lalaki o makausap man lang.
"Hindi pwede si Klein dahil sasamahan niya 'ko sa ancestral house Pati na rin si Gio,"
"E, si mommy at daddy po?"
"May aasikasuhin din sila. O basta sasamahan ka ni Pierre." Anito at pumasok na sa loob ng silid nito. Balak pa sana niyang magprotesta kung hindi lang niya nakitang lumabas sa front door ang binata. Iniwas niya ang tingin dito nang magawi sa kinaroroonan nila ang mata nito.
Inaya niya na lang si Gio at Klein na pumasok para ituro ang magiging silid ng mga ito.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    felman ۦۦ

    good

    12h

      0
  • avatar
    Elvie Bullido

    ganda saan ang ka sunod

    27/05

      0
  • avatar
    Mai Mai Jumawan Babor

    its amazing

    11/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata