logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Two: Trying To Move On

Muli niyang naalala ang masakit na pangyayaring iyon sa beach house nina Alex sa Batangas .But at the back of her mind, pumasok din sa isip niya ang imahe ng estrangherong iyon na nakita niya sa baybayin ng dagat...
The man gazed at her with those soft,brown eyes as if they were searching her very soul.
Ipinilig ni Cherish ang kanyang ulo. Hindi ito ang tamang oras upang isipin niya ang lalaking iyon. Pakiramdam niya ay parang trinaydor na rin niya si Alex.
“I’m sorry, Alex...” ang bulong niya sa sarili.
Huminga si Cherish ng malalim upang payapain ang kanyang sarili. Matapos noon ay ini-start na nito ang sasakyan at nagmaneho palabas ng sementeryo.
Makalipas ang kalahating oras ng pagbibiyahe ay inihinto na ni Cherish ang kanyang kotse sa tapat ng kanilang bahay. Kinuha niya ang box ng cake mula sa passenger’s seat at pumasok na sa kanilang bahay. Agad niyang nakita ang kanyang ama na si Lorenzo Montecillo na nagbabasa ng libro sa sala.
“Hi,Pa.” ang bati ni Cherish sa ama.
Ibinaba ni Mang Lorenzo ang binabasang libro at ngumiti sa anak.
“Kumain ka na ba,anak?” ang tanong nito.
“Yes,Pa. Kumain na kami ng mga kaibigan ko sa labas.” ang sagot ni Cherish,habang ipinatong niya ang kahon ng cake sa kalapit na lamesita.
Bigla naming bumadya ang pag-aalalasa mukha ni Mang Lorenzo nang makita ang kahon ng cake na iyon.
“Cherish,huwag mong sabihin na---!” naputol sa pagsasalita ang matanda nang magsalita rin si Cherish.
“Yes,Papa.Tama po ang iniisip ninyo.It’s for Alex.It’s his birthday today.” ang pag-amin ni Cherish.
Huminga muna ng malalim si Mang Lorenzo bago ito muling nagsalita.
“Ayokong pangaralan ka o di kaya ay pigilan ka sa mga gusto mong gawin,anak...But it has been a year already since Alex died.Sinabi na rin sa’yo ng mga magulang ni Alex na kailangan mong mag-move on at ipagpatuloy ang iyong buhay nang wala ang anak nila.But how can you do that if you can’t let go,hija? You’ve been living like a zombie!” ang nag-aalalang pahayag nito sa anak.
Inihilig ni Cherish ang kanyang uo sa balikat ng ama.
“I still love him,Papa.The pain is still here.” ang naiiyak na turan niya.
“The pain will always be in your heart,anak.Pero sa palagay mo ba ay gusto ni Alex na Makita kang ganito?You are here with us physically,but your heart and soul died with Alex.Please,come back to me and your mother...” ang pakiusap ni Mang Lorenzo,habang hinahaplos nito ang ulo ng kanyang nag-iisang anak.
“J-Just give me more time,Pa...” ang sagot naman ni Cherish.
May sasabihin pa sana si Mang Lorenzo sa anak nang biglang mag-ring ang landline phone nila.Suminghot muna ang matanda bago sinagot ang tawag na iyon.
“Hello? O,Feliza!Kumusta na kayo diyan na magpamilya?” sa sabi nito.
Napatingin si Cherish sa kanyang ama.Si Auntie Feliza ay kapatid ng kanyang ama.Ito ay nagtatrabaho bilang Chief Nurse sa isang Nursing Home sa Japan.Ito na rin ang matagal na nag-aaya sa kanya na magtrabaho doon bilang isa sa mga staff nito na caregivers.
Mahigit dalawang dekadang nang nakatira si Tiya Feliza doon,kasama ang asawa nito at kambal na mga anak na si Justin at Jessica...
“---Ah,si Cherish ba kamo?Oo,nandito siya.Teka lang at ibibigay ko sa kanya ang telepono.” ang nagmamadaling sabi ni Mang Lorenzo.Ipinasa nito ang telepono sa anak.
“Hello,Tita?” ang bati ni Cherish sa Tiyahin,matapos nitong kunin ang telepono.
“Cherish,hija!Kumusta ka na?” ang tanong ng Tiyahin mula sa kabilang linya.
“Hindi po ba dapat ako ang magtanong niyan?” ang amused na balik-tanong ni Cherish.
“You know very well on what I’m talking about,Cherish.” biglang sumeryoso ang boses ni Tita Feliza.
“Tita,magkapatid po talaga kayo ng Papa.Alam ninyo po ba na bago kayo tumawag ay pinag-uusapan naming ang tungkol kay Alex?” ang pag-amin ni Cherish.
“Your voice may sound okay over the phone,anak...But I know you’re not okay. Anyway,mabuti naman at natiyempuhan kita ngayon.I need your help.Matagal ko nang sinasabi sa’yo na understaffed kami,hija,and I need more caregivers.Kaya please,pumunta ka na dito sa Japan.I need you here as soon as possible.” ang imporma ni Tita Feliza.
Bigla naming natahimik si Cherish.Nakalatag na sa kanya ang pagkakataon upang makaalis ng bansa para makalimutan si Alex,gaya na rin ng gustong mangyari ng lahat.At bukod doon ay magagamit muli niya ang kanyang mga napag-aralan bilang Caregiver at Nurse.
Higit sa lahat ay makakapagbagong-buhay pa siya sa ibang bansa.Kung buhay pa si Alex ay siguradong ito pa ang unang magtutulak sa kanya na sunggaban ang oportunidad na iyon.
Parang nag-dadalawang isip pa siya.
“Tita., could you give me until tomorrow to think about this?” iyon ang nanulas sa bibig ni Cherish.
At mukha naming nakaintindi ang Tiyahin niya.
“Sige,Cherish. But the deadline is until tomorrow,okay?" ang turan ni Tita Feliza.
“Thank you po,Tita.I’ll give you a call...And by the way,kiss my cousins for me.” ang sagot ni Cherish.
“Sure.Miss ka na nga rin ng mga pinsan mo...And could you pass the phone to your father?May kailangan pa kaming pag-usapan.” ang pakiusap ni Tita Feliza.
“Of course,Tita.” ang sabi ni Cherish,at saka nito pinasa ang telepono sa ama.
Pagkatapos noon ay iniwan na niya ito upang kumustahin ang ina na nagluluto ng hapunan sa kusina.
Matapos mailagay sa fridge ang kahon ng cake para kay Alex at matapos makipag-usap sa ina ay saka naman siya pumunta ng kanyang kuwarto upang makapagpahinga ng kaunti bago maghapunan...
========================
Makalipas ang ilang oras...
Nagtatakang napatingin si Cherish sa buong kapaligiran...Hindi niya alam kung paano siya muling napunta sa lugar na iyon.Kung hindi siya nagkakamali ay nasa isang beach siya sa Batangas kung saan merong beach house sina Alex...Pero panno siya napunta dito?
Kahit nagtataka ay ipinagpatuloy ni Cherish ang kanyang pagalakad sa dalampisagan...Ang malakas na ihip ng hangin at ang tunog ng mga alon ay unti-unting nagpakalma sa kanya...At napakaganda ng sikat ng panghapong araw...
Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib ng may makita siya na pamilyar na pigura mula sa mya di-kalayuan...Nakaupo ito sa isang wheelchair...Kahit hindi ito humarap sa kanya ay alam na nito kung sino ang taong iyon...
“A-Alex!” ubod-lakas niyang tinawag ang nobyo.
Dahan-dahan naming humarap sa kanya ang taong nakaupo sa wheelchair.At tama nga ang kanyang hinala...It was Alex!He was smiling at her,with a peaceful expression on his face.
Napuno ng kasiyahan ang puso ni Cherish...Dali-dali siyang tumakbo palapit kay Alex.Gusto niya itong yakapin ng mahigpit.Kaunting distansiya na lamang ay malalapitan na niya muli ang nobyo,ngunit nagulat na lamang siya nang bigla siyang pigilan nito.
“I’m sorry,Cherish...But this is how far you can go.” ang imporma sa kanya ni Alex.
Nagtatakang napahinto si Cherish.
“B-But...why?” ang tanong niya dito.
“Dahil magkaiba na ang mundong kinagalawan natin.” ang sagot ni Alex.
“W-What do you mean by that?I can still see your face.And I can still talk to you,right?” ang sunod-sunod na tanong ni Cherish.
Muling ngumiti sa kanya si Alex matapos marinig ang mga tanong niya...Cherish’s eyes widened in surprised nang bigla itong tumayo mula sa kanyang wheelchair.
“N-Nakakalakad ka na!” she breathed out.
“Cherish...Mahirap ipaliwanag sa’yo ang lahat dahil katulad nga ng sinabi ko kanina,magkaiba na ang mundong ginagalawan natin.But I want to tell you something,darling...I want you to continue with your life and live it to the fullest.Please forget about me and be happy.Find someone that you will fall inlove with and you will love you in return.As much as I did.” ang pahayag ni Alex.
“N-No!What are you talking about,Alex?I don’t want to let you go!Kung lagi mong sinasabi na hindi na tayo pwedeng magkasama dahil ibang mundo na ang ginagalawan natin...Then take me with you!” ang mariin na sambit ni Cherish.
Umiling si Alex bilang sagot.
“It’s not yet your time,Cherish.But it’s already my time...I have to go,darling...Please,tandaan mo lahat ang sinabi ko sa iyo...” iyon ang huling habilin nito.
“A-Alex,wait!” gusto sanang hawakan ni Cherish ang kamay nito upang pigilan ito nang biglang umihip ang pagkalakas-lakas na hangin...She closed her eyes tightly upang huwag pasukin nang buhangin ang kanyang mga mata...
Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumahimik sa kanyang paligid...Cherish slowly opened her eyes.She sucked in her breath nang makita niya na wala na si Alex sa kanyang harapan.Deep in her heart,she knew that he was gone...Forever...
Biglang napaluhod si Cherish sa buhanginan at umiyak nang umiyak...

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Mark Ivan Valen

    I. need money

    28/07

      0
  • avatar
    Marville Banzon

    ml lods

    07/06

      0
  • avatar
    Rio Taedo

    so cute story

    27/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata