logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

NAWALA ang saya sa bahay namin ang dating maingay animo'y inabanduna na. Nagkalat ang mga gamit sa kung saan. Napatitig ako sa litratong nakasabit sa dingding.
Litrato kung saan buo pa kaming tatlo at masaya.
Napabuntong- hininga ako parang namanhid ang puso at naging bato. Nawalan ako ng gana sa lahat. Pati yata pagkain ay nakalimutan ko na.
Dalawang araw ang lumipas simula ng mamatay sila. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sila nadadalaw sa kanilang burol. Gustuhin ko man na dalawin sila, alam kong sasalubungin lamang ako ng matinding galit ni Tita Emma. Nasa kan'ya ang mga katawan ng magulang ko at mahigpit na pinagbabawalan akong lumapit.
Malungkot akong nakatingin lamang sa kawalan. Tama naman siya, ako naman talaga ang dahilan kung bakit namatay sila. Naging pabaya akong anak at walang kwenta. Tahimik akong humikbi at yinakap ang mga tuhod. Paulit-ulit kong naririnig ang masasakit na salita sa akin ni Tita Emma ng malaman nitong namatay ang kapatid niya.
Si Tatay Vladimir.
Pero bakit gan'on? Kahit isang araw lang naman, sana'y bigyan niya ako ng huling pagkakataon upang makapiling ang mga magulang ko. Hindi naman ako manggugulo doon. Ngunit wala akong nagawa kung 'di tahimik na humikbi.
Lumipas ang dalawang oras. Marahas kong pinahid ang mga luha. Hindi ko kayang magmukmok na lamang dito. Hindi ko talaga kayang hindi sila makita. Huling araw na ito ng burol nila. Pagkatapos nito, hindi ko na sila makikita kailan man.
I can take it anymore.
Mabilis kong tinahak ang bahay nina Tita Emma. Lumandas ang mga daliri ko sa silver na gate nila. Nakasilip ako. Mula sa labas, makikita kung gaano kadami ang nakikiramay at alam kong dahil iyon sa magandang pakikisama ng aking mga magulang noong nabubuhay pa sila.
Mapait akong napangiti.
Tahimik akong nakatanaw sa gate at lumipas ang tatlong oras na nasa labas lamang. Nakaupo ako sa malaking bato. Panandalian kong ipinakit ang mga mata. Maaliwalas ang simoy ng hangin at bahagya pang sumisikat ang araw kaya medyo naiinitan na rin ako pero wala akong pakialam.
Mabilis akong nagmulat ng mga mata ng magbukas ang malaking gate. Napatayo ako ng makita si Tito Ivan na naglalakad palapit sa akin. "Bakit hindi ka pumapasok? Kanina ka pa ba dito?" nagaalala niyang tanong agad sa akin. Napayuko ako at nahihiyang tumango.
Napabuntong -hininga si Tito Ivan at tuluyan na akong napaiyak ng yakapin niya. "I'm sorry, Claire. Nakikiramay ako sa'yo. 'Wag mo na sanang intindihin ang sinabi ng Tita mo. She's also in pain. Tulad mo, masakit rin para sa kan'ya ang mga nangyari," marahan niyang paliwanag.
Nanatili akong nakayakap sa kaniya at pagkaraan ay humiwalay na. "Pasensya na po, Tito," paulit ulit kong paghingi ng tawad sa kanila. Ngumiti lamang si Tito Ivan at marahang pinahid ang mga luha ko.
Nakangiti niyang hinila ang mga kamay ko. "Pumasok na tayo sa loob, masyado ng mainit dito." Napatingala ako sa kaniya kaya naman sumulyap siya sakin.
Pagkaraan ay tumagal ang titig ko sa loob ng bahay nila, bigla akong nakaramdam ng pagaalinlangan. Hindi ko alam kung paano haharapin si Tita Emma. Natatakot akong nakatingin sa bahay niya. "P-ero, Tito magagalit po si Tita kapag pinapasok niyo ako," suddenly my voice broke. Hinaplos niya ang buhok ko at pilit na hinuli ang mga mata ko.
Mabigat siyang napabuntong hininga. "It's okay. This is the last day, Claire. Ayaw mo bang makasama kahit sa huling sandali ang mga magulang mo?" pagpapaalala niya.
Napaiwas ako ng tingin at malungkot na sinuyod ang mga taong patuloy na nakikiramay sa aming pamilya. Napatango na lamang ako at sumunod kay Tito Ivan sa loob.
Marami kaming nakakasalubong na bumabati kay Tito at pagkaraan ay biglang tumatahimik kapag napapatingin sa akin. Nanatili na lamang akong nakayuko at sa sahig tanging nakatingin. Ngunit naging mabigat ang paghakbang ko dahil sa pamilyar na boses niya. Mariin akong napakuyom sa aking palda.
"What are you doing here? Ivan! Sinabi ko bang papasukin mo 'yan dito?! Galit na sigaw ni Tita Emma. Nagtama ang tingin namin at hindi ko 'yon nakayanang tagalan dahil sa sobrang galit.
Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Tito. Nanginig ang mga kamay ko at mabilis na bumitaw sa kamay ni Tito Ivan. Ngunit nagulat ako sa bigla niyang paghatak sa braso ko para ilayo kay Tito Ivan. Tuluyan na akong napaiyak ng bigla niya akong sampalin sa harapan ng maraming tao. They gasped.
Mabilis na pumulupot ang mga braso ni Tito Ivan kay Tita Emma para pigilan ito. "Sweetheart naman! 'Wag mong saktan ang bata!" Awat ni Tito sa asawa.
Lalong nanlisik ang mga mata ni Tita sa akin. Sobra akong nasaktan dahil kailan man hindi niya ako trinato ng ganito. Disappointed na umiling si Tito sa kaniya. "At anong gusto mong gawin ko?! Ang hayaan na lang na makapasok ang babaeng 'yan sa loob ng pamamahay ko?! Hindi, wala siyang karapatan sa mga magulang niya dahil wala siyang kwentang anak!" sigaw ni Tita Emma. My eyes widened in shock. Halos lumubog ako sa kinatatayuan dahil sa bulungan. Mabilis na sumangga sa akin si Tito Ivan, ngunit sinamantala ko 'yon at marahan kong pinahid ang nalaglag na luha upang hindi nila makita.
"T-ito Ayos lang po, aalis na lang po ako," nanghihina kong saad habang bagsak ang mga balikat.
Saglit akong sumulyap kay Tita Emma. "T-ita, I'm sorry." Ngunit mariin niya lamang akong tiningnan at hindi ko kinayang salubungin iyon. Naiintindihan ko siya dahil si Tatay Vladimir na lamang ang nag-iisa niyang pamilya at kapatid.
Ngunit bakit nga ba walang permanente sa mundo? Bakit sa dinami- dami ng mga tao, ang pamilya pa namin ang sinubok ng ganito?
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang nakita ko sa hinaharap gamit ang kapangyarihan na kinamumuhian ko, and the worst is, si Tita Emma lamang ang tanging tao na pinagsabihan ko nito. We're very close, but I didn't expect to hurt her in the end.
Akala ko'y hindi na siya magsasalita ngunit mas nadurog ang puso ko sa huling sinabi niya.  "Sorry?" Hilaw siyang tumawa. Ngunit mas lalo akong nasindak ng mabilis siyang lumapit sa akin at dinuro ako. "If you had listened to me before, they would not have died! You were careless during those times! Kuya and Ate Estrella died because of your stupid mind!"
Halos mangatal siya sa panggagalaiti sa akin. Pakiramdam ko'y bigla akong naubusan ng lakas para ilaban pa ang karapatan kong makasama ang mga magulang ko sa huling sandali.
Tahimik akong napahikbi at bahagyang naikuyom ang kamao sa pagkainis at galit sa aking sarili.
Tama siya, ako ang may kasalanan kaya nawala sila. "Please sweetheart, huminahon ka. Ayaw kong magkasakitan kayong dalawa. Buntis ka pa naman. Please, pag-usapan niyo ng mahinahon ito," mahinahon na pagpapakalma ni Tito Ivan sa kan'ya.
My eyes widened with shocked. Nagkatinginan kami ni Tita Emma, ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin. Bumagsak ang tingin ko sa tiyan niya. Hindi ko alam na buntis pala siya. Tumulo ang mga luha niya. Parang pinipiga ang puso ko ng makita iyon.
"T-ita, congratulations po. Masaya po ako dahil nagkatotoo ang mga nakita ko," napasinghap siya at napahawak sa sariling sentido. Binalot ako ng takot at pag-alala, maging si Tito Ivan ay nabahala. Madilim ang tingin niya ng humawak sa braso ni Tito Ivan dahil sa panghihina.
Saka ko lamang napagtanto na sana'y nanahimik na lamang ako. Mariin siyang umiling. "No. Not all your visions are good. You need to stay away from us. I don't want my family to be affected by the curse you brought. You better leave," walang emosyon siyang umalis.
Napaawang ang mga labi ko. Parang tinusok ng isang punyal ang puso ko sa huling sinabi niya. Sa dami ng masakit na salitang binigkas niya, hindi ko inaasahang sa kaniya ko pa maririnig ang pinakaayaw kong salita.
Ang sumpa.
Muling napuno ng bulungan at nanlamig ako. Bahagyang lumapat ang aking paningin sa ilang mga taong nakamasid sa akin. May panunuya. Masuyong paghaplos sa aking ulo ni Tito Ivan ang nagpabalik sa ulirat ko. "Sige na Claire, puntahan mo na ang mga magulang mo, paniguradong hinihintay ka na nila, ako ng bahala sa Tita Emma mo. Kakausapin ko siya," malungkot na saad ni Tito.
Napabuntong hininga ako at napatango na lamang. Hindi ko pinansin ang bulungan sa paligid. Bawat paghakbang ko'y parang kay bigat, animo'y paunti-unting pinapatay ang pagkatao ko. Hindi maipaliwanag na sakit at kalungkutan ang iniwan sa akin, lalo na noong makita ko silang nakahiga at walang buhay sa harapan ko.
Nanginginig ang mga palad ko ng lumandas sa ibabaw ng bubog. Isang bubog na kung saan naging hadlang sa akin upang hindi ko sila mahawakan. Napakasakit, hindi ko matanggap na dalawa silang kinuha sa akin.
Ano bang ginawa ko para pagkaitan ng ganito? Anong kasalanan ko?
Tuluyan ng nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at yinakap ang babasaging bubog na kabaong nila. Gusto kong abutin ang katawan nilang walang buhay at yakapin ng mahigpit, pero wala akong magawa kung 'di titigan na lamang sila. Hanggang sa huli, magkasama pa rin silang dalawa at pinagsama sa loob ng kabaong. Naiinggit ako dahil sa huli, magkahawak ang mga kamay nilang dalawa, samantalang nasanay ako na nasa gitna nila noon kahit sa pagtulog ay magkakatabi kaming tatlo.
Tatlong oras akong nakaupo, nakatulala sa harapan nilang dalawa, tila malayo ang isip at wala sa sarili habang walang tigil ang pagluha.
"N-anay, ang daya daya niyo naman po ni Tatay, iniwan niyo po akong mag-isa. Napakadaya niyo po. Napakadaya niyo. Bakit hindi niyo na lang po ako isinama? Sana isinama niyo na lang ako. Nay, Tay, please isama niyo na lang po ako," paulit-ulit kong pakiusap sa kanila at muling napahagulhol.
Ngunit nagulat ako dahil may bumagsak sa gilid ko na nagpatigil sa paghikbi ko. Bumagsak ang tingin ko sa ibaba. Nakita ko sa sahig ang basong basag at natapon na gatas.
Kaya napatingala ako sa pinanggalingan kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa pag-iyak. Ngunit nagulat ako ng makita si Tita Emma na malambot ang expression habang natingin sa akin at base sa itsura niya mukhang narinig niya yata ang mga sinabi ko.
Napasinghap ako ng bigla siyang lumuhod at mabilis na yumakap sa akin. "Patawad, Mahal ko. Patawarin mo sana si Tita. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi ko naisip na kumpara sa akin, ikaw ang mas nasasaktan ngayon," malambing na paghingi niya ng paumanhin. Mariin akong napahikbi habang nanginginig ang mga kamay at marahang hinaplos ang likuran niya para pakalmahin siya.
"It's okay, Tita."
Mula sa aming likuran ay binalot kami ng mainit na yakap ni Tito Ivan at pareho kaming kinintalan ng halik sa ulo. Sa pagkakataong iyon, saglit na napunan ang pangungulila ko sa yakap ng aking mga magulang.
Sa kabila ng pait, sakit at pighati ay naramdaman kong hindi ako nag-iisang lumaban sa parteng madilim na bahagi ng buhay ko.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    Warfoxxx

    wahhh! exciting! 🖤🖤🖤🖤 Keep writing, author!

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Eshra Mae Montenegro Damarillo

    the best app ever

    12/08

      0
  • avatar
    Kem Pingay

    ganda ng movie

    20/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata