logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 4: The Guardian

My eyes widen as I felt I wanted to scream so loud. However, there's no sounds coming out from my open mouth. Nakailang beses akong nagkurap at talagang totoo na may tao nga sa harap ko. Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko at iba’t ibang senaryo kung ano ang maaari niyang gawin sa akin kung sakali man na may gawin ako o lumaban sa kanya.
Tulala ako at nanginginig sa takot, parang naiihi ako sa salawal ko. Shit! So, totoo talaga na merong sumusunod sa 'kin. Hindi ako namamalikmata! Tama ang kutob ko!!!
Pero malaking palaisipan kung paano siyang nakapasok dito? Nauna ako sa kanya 'di ba? O nung nawala siya nakarating na siya dito kaagad pero paano naman? Teka! Hindi naman siya manananggal o kaya aswang 'di ba? Tinignan ko ang kabuuan niya at kumpleto naman ang katawan niya. Hindi naman siyang mukhang aswang o kapre.
"M-mama," iyon lang ang tanging lumabas sa boses ko habang nanginginig pa sa takot. Maililigtas ba ako ni Mama kung ako lang naman mag-isa dito?
Get a grip, Emilia!
A hint of smile forms on his lips. Parang natutuwa pa siya ngayong natatakot ako sa kanya. Doing what devils do. Hindi naman creepy ang ngiti niya pero hindi nun napahupa ang takot ko. Mas nadadagdagan pa nga nun ang kaba ko.
"Hindi ako ang mama mo."
Napaatras ako kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Luminga ako sa paligid at tiningnan kung may bagay ba ako na pwedeng gamitin sa kanya para ipang-depensa. May nakita akong walis tingting pero malayo ito sa akin.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" taka nitong tanong at nagkamot pa sa kanyang batok.
Napaatras ako sa gate at hindi na makapagsalita pa ulit. Multo ka kasi!!!
He removed his fedora hat and placed it on his chest. He wore a long black coat and suit. In short, a man in black. Mas nakita ko na ngayon ng malinaw ang mukha niya. He have a nice square shape face that makes square him look like a foreigner. The colors of his eyes were pitching black and he has a pointed nose and a small lip. Matangkad ito at sakto lang ang laki ng pangangatawan. Mukha siyang nasa thirties na pero mas nakapukaw ng atensyon ko ang pahabang peklat mula sa pisngi niya pababa sa gitnang leeg niya.
"S-sino ka ba?!"
He shrugged. "Ano ba sa tingin mo?" kunwari nag-isip siya, napangiwi siya at pinagpagan pa ang kanyang sumbrero. "Kasi kayong mga tao ang dami niyong tawag sa amin. Kilala ang katulad ko bilang Grim Reaper, si kamatayan at kung ano-ano pa," natatawa niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Nakukuha pa talaga niyang tumawa. "Kaming mga tao?" I paused. "Bakit hindi ka ba tao?" naguguluhan kong tanong.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam."
Mas lalo akong natakot sa kanya. Napaatras talaga ako at muntikan pang mapatid sa sarili ko. Nagdarasal na ako sa lahat ng santo na kilala ko para iligtas ako sa estranghero na ito.
"Eh?"
Tumango siya. "Kaya ba ng mga taong magteleport at gawin 'to?" unti-unti siyang umanggat sa lupa na lalong nagpagulat sa 'kin. Gusto ko na lang mahimatay pero hindi nandidilim ang paningin ko. Hindi ako magaling umarte kaya mahuhuli ako at paano kapag nahimitay ako ay may masama siyang gawin? Hindi ko na alam kung anong gagawin!
This man looks like having fun showing his powers to me. Pero hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Hindi ko maintindihan kung talaga bang totoo o prank lang 'to! Wala namang tali sa likod niya at hindi naman ito shooting.
OMG! Ano ang nakikita ko ngayon? Anong klaseng nilalang ang nasa harap ko?!
Nawala ang malapad niyang ngiti. "Okay tama na nga." lumapat ang mga paa niya ulit sa lupa. "Mukhang natatakot ka lang lalo e."
Naiihi na ako sa takot. "S-sino bang hindi matatakot?!" umiling-iling ako. "Hindi totoo 'tong nakikita ko. Nananaginip ka lang Emilia," bulong ko sa sarili ko habang nakapikit at sinampal-sampal ang mukha para magising.
Nang makitang nandyan pa rin siya sa harap ko ay tumalikod at mabilis na naglakad papunta sana sa may pinto para makapasok pero bigla siyang lumitaw sa harapan ko.
"Hindi ka na nanaginip," tamad niyang sabi.
Sa sobrang takot ko na may kasamang gulat dahil sa biglaan niyang pagsulpot ay nanlabo ang mata ko at nawalan ng lakas. Huli kong naramdaman ay nasa malamig na lupa ang katawan ko.
"Hmnhg..." kaagad akong nagmulat ng mata nang maalala ko ang mukha ng lalaking nakasunod sa akin kanina.
Pagtingin ko nasa sofa ako at mukhang nakatulog ako. Malakas akong napabuntong hininga at naisip na baka nananaginip lang ako.
Umiiling pa rin ako. "Hindi. Nakatulog ako sa bahay nila Haru. Tama. Nakatulog ako tapos umuwi ako rito at dito... natulog sa sofa?" pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko kahit na nalilito.
Pumikit ako habang pinapakalma ang sarili at humugot ng hininga. Tinapik-tapik ko pa ang ulo ko para lang mawala ang imahe ng lalaking nasa isip ko lang ata kanina.
"Hindi ka nga nanaginip," may nagsalita.
"Hindi ba?" taka kong tanong pero kaagad ding natauhan sa pagsagot ko. Ako lang mag-isa dito sa bahay kaya…
Unti-unti akong nagmulat ng tingin at talaga nga atang hindi ako nakatulog at nananaginip ngayon. Totoo ang lahat ng ito at nasa harap ko siya. Nakahilig siya sa sofa at halatang komportableng nakaupo roon.
Kaagad kong naibato sa kanya ang unan rito sa sofa.
"Totoo ako." pangungumbinsi niya.
Ang pangit naman ng panaginip ko. May nakakausap ako na kaluluwa.
Umiling ako at sinampal muli ang pisngi pero sumagi sa isip ko na nagawa ko na 'to. Tumingin ako sa orasan st nakitang alas dos na ng madaling araw. Hindi naman ako ng bloody Mary kaya bakit ganito?!
Tinapik niya ang balikat ko kaya napatalon ako na parang pusa sa gulat. Nahahawakan niya ako!
"Okay. Let's discuss our business," ani niya parang wala lang sa kanya ang reaksyon ko. Pinilit kong umayos sa harap niya kahit kabado.
"Our business?" nagtataka kong tanong. "Para saan naman? Anong kinalaman ko d'yan? Bakit? Magtitinda o magtatayo ba tayo ng negosyo? Wala akong maalalang pumasok ako sa ganoong usapan. Networking ba?" hinihingal pa ako dahil sa bilis kong magsalita.
Naningkit ang mata niya at umiling sabay inismiran ako.
"It's about Akiro."
Addlepated. I wasn't able to speak a word. Nanlamig ang aking mukha tila naubos lahat ng dugo ko sa aking katawan. Naguguluhan ako kung paano niya nakilala si Akiro. Doon ako lalong napatanong sa sarili ko kung sino ba talaga siya. Una, alam niya ang pangalan mo at ngayon naman kilala niya si Akiro.
"Sino ka ba talaga?" I half-whispered.
"You want to save him, right?" he crossed his arm as he asked that. Hindi man lang niya pinansin ang tanong ko.
I swallowed hard, looking way. Gusto ko nga siyang iligtas pero wala naman ng paraan.
"Paano mo nalaman niya?" I scoff, shaking my head as if it were the most ridiculous words I’ve heard. "Ano ngayon kung gusto ko siyang iligtas? May magagawa pa ba? Mababalik ba ang oras? Tsaka sino ka ba Diyos?" pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya at hindi naman mukhang pang-deity ang datingan niya maliban na nga kang kung si Kamatayan siya. Pero mas itsurang kamatayan talaga ang datingan nitong lalaki sa harap ko.
He clicks tongue and slowly nods his head.
Umirap ako sa hangin at sinamaan siya ng tingin. "Hindi mo na mabubuhay pa ang patay na. Let his soul rest in peace." Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"I'm not maybe God but what if I can give you a chance to save him?"
Pero napabalik din ako kaagad ng tingin sa kanya ng marinig ang magandang alok. Curious ako kung anong pinagsasabi niya pero hindi ako basta-basta maniniwala.
He's smiling as if he was thankful that I get what he means. Iyong ngiti na maloloko ka kasi hindi mo alam kung totoo ba o kunwari lang naman.
"So, may paraan?!" nanlalaki ang mata ko.
"Of course, meron."
Napaawang ang labi ko at bahagyang nabuhayan ako ng pag-asa sa sinabi niya kahit alam kong impossible. Malamang pinapaasa ko lang ang aking sarili sa bagay na alam kong impossible. Kumakapit ba ako sa alok niya kahit alam ko namang malabong mangyari?
Pero tinawanan ko siya kasabay na rin ng pagtawa ko sa aking naisip. Naging seryoso naman ang itsura niya na parang sinasabing walang nakakatawa sa sinabi niya. Wala naman talaga pero nababaliw na ata ako. Bakit ba mahalaga ito sa akin?
Kunwari akong umubo.
"Dapat natutulog na ako pero heto ako at nakikinig sa sinasabi mo. Seryoso ka ba talaga? Baka mamaya sabihin mong meron tapos kalagitnaan ng paliwanag mo bentahan mo lang ako ng produkto mo." usisa kong muli.
"Hindi ako magpapakita sa 'yo kung niloloko lang kita. At hindi ako nag-aalok ng produkto, Emilia," seryoso niyang sagot.
Saglit kaming nagtitigan bago ako tumingin sa kamay ko at bahagya iyong pinisil. Ramdam ko ang bawat pisil ko sa kamay ko kaya alam kong totoo ito. May pakiramdam ko at totoong-totoo ang lahat. Totoo naman kasi talaga pero nahihirapan akong tanggapin ang lahat pero dahil tungkol ito kay Akiro ay makikinig ako sa sasabihin niya.
I sighed. "Paano?" nahihiwagaan kong tanong.
He smirked and wore his hat again and then snapped his fingers. Just a blink of an eye we're in a different place. Napasinghap ako at humugot ng hininga habang hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya.
Nagulat ako sa lugar kung nasaan kami ngayon. Pansin ko rin na hindi naman nagbago ang takbo ng oras dahil madilim pa rin naman. Hindi ko nga alam kung anong eksaktong oras na ngayon dahil wala akong dalang wrist watch. Walang ilaw kung nasaan kami at tanging buwan lang nagbibigay liwanag kung nasaan kami. Kaya kung hindi mo siya tititigang maigi hindi mo gaanong makikita ang mukha niya.
And the scariest thing is that he has no shadow! Ngayon ko lang ito napansin dahil sa labis takot ko kanina. Pero bahagyang nakapag-adjust naman na kaagad ako, medyo nakakagulat na bahagyang magaan ang loob ko. He doesn't give me this kind of creepy vibe but I shouldn't let my guard down. Baka kung ano na lang ang gawin niya. May kapangyarihan nga siya kaya nandito na kaagad kami pero paano kung itulak niya ako?
Dahil sa nasa isip ko ay pasimple akong umatras sa gilid, nagbigay ako ng distansya para sa aming dalawa.
This place seems unfamiliar yet I feel like I've been here before. Hindi sa eksaktong lugar na ito kung saan kami nakatayo pero parang may ideya ako kung nasaan nga kami. Napansin kong may mga nakatambak dito at nasa rooftop kami. Mula dito ay may nakikita akong mga pamilyar na lugar at sa tingin ko ay hindi naman kami lumayo sa lugar namin.
"Nasa'n tayo?"
Tinuro niya ang isang malaking building sa may kanluran. Namukaan ko kaagad na iyon ang school namin. Kita ko lang din 'yong rooftop ng building namin.
"School niyo 'yun 'di ba?" sabi ng estranghero. Natatakot pa rin ako sa kanya lalo pa sa mga nalalaman niya.
Tumango ako, may kalayuan 'yon dito pero tanaw mo. At tumuro naman siya sa may silangan. "At doon naman ang bahay mo at ang eskinita papunta kila Akiro."
Saglit lang akong sumulyap sa tinuro niya at mas nagtagal ang mapanuri at nagtataka kong mga mata sa kanya.
“Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?” Ngayon pa lang kami nagkita pero parang alam na niya ang ilang impormasyon tungkol sa akin. Bigla na lang siyang susulpot at alam niya pa ang tungkol sa'kin. Hanggang saan ang nalalaman niya?
“Dahil alam ko lang. Marami pa akong alam.”
“Care to tell me? Para naman hindi ako nangangapa kung bakit ka nandito.”
“Malalaman mo rin naman.”
Well, he's not an ordinary human. Hindi nga sigurado kung tao ba siya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon.
Humakbang ako palapit sa kanya, wala na akong takot na naramdaman. "Hindi ba sabi mo may paraan para mailigtas si Akiro."
He raised his eyebrow at me and nodded. "Meron nga."
"Paano?" mabilis kong tanong.
"Let me ask you first," he narrowed his eyes at me like I did something unpleasant. "Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang nakita mo?"
I stiffed as my mouth hangs open in shock. Nanlamig ang buong katawan ko at pakiramdam ko nalagutan ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Gaano niya kaalam ang lahat?
Hindi ako makaligtas sa tingin niya. Bumuntong-hininga ako at pinigilang maiyak sa bigat na ilang araw ko nang kinikimkim.
I humorlessly scoffs but it doesn't stay long. "Bukod sa alam mo kung nasaan kami nakatira mukhang alam mo pa kung ano talaga ang nangyari. Are you for real? Baka na nanaginip na ako."
“I’m real. So, tell me now why you kept it?” kinilabutan ako sa tigas ng kanyang pagkakasabi.
Yes. I lied. I know what happened that day. I saw him.
He cocked his head to the side a bit as he smirked. "Nandoon ka nung araw na 'yon. Pero bakit hindi mo sinabi ang totoo mong nakita?"
I heaved a sigh of defeat and lower my head. "Kasi natakot ako sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya."
"He took his own life, Emi. Tama naman ang hinala ng iba." wala akong makitang emosyon sa mukha niya.
"Pero hindi gagawin 'yon ng walang dahilan!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko na ikinabigla din niya. "Ayokong maalala pa ang lahat," natatakot kong sabi at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.
Iyon ang pinaniniwalaan ko. Na hindi niya gagawin 'yon ng walang malalim na dahilan. Pinaniniwalaan ko ding aksidente ang lahat, ilang beses kong sinubukang lokohin ang sarili ko pero lagi akong bigo. Hindi ko man siya gaanong kilala pero hindi ko matanggap ang nangyari. Iyon ang totoo. Lalo pa't nakita ko siya nung araw na 'yon.
My eyes started to wet. I looked away and fixated my eyes on the floor, avoiding eye contact with him. "Nung araw na 'yon nakita ko lahat. Kung paano siya nagpakalaglag-" hindi ko tinapos ang sasabihin ko.
Tumakbo ako sa may railings at sumilip sa baba. Nalula pa ako saglit pero naaalala ko na ang lahat.
Ngayon lang ako nakaakyat dito sa taas kaya hindi ko kaagad napansin kung nasaan talaga kami. Pero ngayon na nakita ko ang baba at kung saan ang lugar na 'to tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
Mahigpit akong humawak sa railings dahil nanghihina ang tuhod ko na parang babagsak ako. Napapikit ako sa saglit bago itinuon ang tingin sa paa ko. Hindi ko kayang tumingin sa baba. Para akong nasusuka na hindi ko alam, bumaliktad ata ang sikmura ko.
Ito ang lumang warehouse kung saan nagpakamatay si Akiro.
"Bakit mo 'ko dinala dito?" tanong ko nang hindi siya nililingon.
"Para malaman mo ang katotohanan."
I shook my head, unable to comprehend what he said. "Hindi kita maintindihan. Alam ko ang lahat ng nangyari kaya ano pang katotohanan? Nakita ko siyang tumalon mula dito sa taas. Nakita ko kung paano dumanak…" kinagat ko ang labi ko at hinarap ko siya ng nakakunot ang aking noo. “Nakita ko ang lahat.”
"Alam ko at nakita ko rin ang lahat. Pero kaya ako nandito ay gusto kong tulungan mo si Akiro. Pero hindi ko lang will ‘yon, gusto ng puso mo na iligtas siya. Hindi ba sabi mo na may dahilan kung bakit niya 'yon ginawa? I'll give you a chance to know," he simply said.
"Paano ko siya matutulungan e patay na siya!" I wiped my tears and sobbed. "Don't give me hope. Please... hindi ito magandang prank. Hayaan na natin siya sa pinili niya," dagdag ko pa.
"This is real and I can help you. May kakayahan ako na hindi kaya ng tao," he paused. "Pwede kitang tulungan na makabalik sa nakaraan pero dapat magawa mong mailigtas siya."
Naningkit ang mga mata ko at isang beses na humakbang papalapit sa kanya. Lumakas ang ihip ng hangin pero hindi ko ito pinansin kahit na nanlamig ako "Bakit ako?" nalilito kong sabi.
"Bakit hindi ikaw?" pabalik niyang tanong.
I gritted my teeth and sighed.
"I heard the scream of your heart. Gusto mo siyang mailigtas 'di ba? Kaya sino pa ang gagawa kundi ikaw lang din. Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo na lang na tanggapin ang lahat?" dugtong niya pa.
"Syempre gusto ko. Pero paano kung hindi ko magawa?"
"He'll die,"
Kasabay nun ang muling malakas na pag-ihip ng hangin na siyang gumulo sa buhok ko pero wala akong pake kung anong itsura ko. Pero lahat ata ng balahibo ko sa katawan nagsitayuan. May kahalong kaba at takot ang hangin na tumama sa aking katawan. Napayakap ako sa katawan ko. Nasa taas kami kaya ang lamig pero mas nakadagdag ito sa kirot ng puso ko maisip lang na mauulit na naman ang pagpapakamatay ni Akiro kung mabigo ako. Pero posible ba talaga ang sinasabi niya?
"If you fail, he will die again, and if you accomplish your mission he'll stay alive," sabi niya na para bang madali lang ang gagawin. Kulang na lang sabihin niya na basic lang ang pagkakasabi niya.
Sana kung gaano kadaling sabihin, gano'n din kadaling gawin.
"Tell me, paano ko siya maliligtas?" I sounded so desperate.
"Hindi ko na problema 'yon dapat ikaw ang gumawa ng paraan kung paano mo siya mapipigilan sa gagawin niya."
A defining moment of silence crept to the both of us. Naguguluhan ang utak ko at hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Natatakot ako na baka hindi ko siya magawang iligtas at maulit pa rin ang nangyari.
Bahagya kong naitaas ang kamay ko pero walang ko din iyong naibagsak sa gilid ko.
Kinuyom ko ang mga kamay ko. "Gusto mo siyang iligtas ko si Akiro pero hindi mo sasabihin sa akin kung paano?"
"Kailan mo lang siyang pigilan na magpakamatay."
"Pwedeng be specific?" giit ko.
"Use your brain then," sinamaan ko siya lalo ng tingin. "Kaya nga 'yan nandyan para paganahin."
Nang-iinsulto ata 'tong estranghero na 'to e! I rolled my eyes at him, sulking.
Bago pa ako makasabat ulit sa kanya nagsalita siyang ulit.
"I'll give you one night to decide. Bukas ng gabi, tawagin mo lang ako kung handa ka ng tanggapin ang misyon at tutulungan kitang mailigtas si Akiro."
He looked at his wrist watch. "It's already time."
Humakbang ako papalapit sa kanya. "Sino ka ba talaga?" I confusedly asked.
He smiled and put his hand inside his pants pocket. "Mortals are unaware that we exist."
He snapped his fingers, and then again, we are back to where we were earlier; exact location, sa bahay ko - sa sofa kung nasaan ako kanina.
"May magbabago ba kapag ginawa ko 'to?"
"Walang magbabago kung wala kang gagawin."
Tumalikod siya pero muli din siyang sumulyap sa'kin. Sinuot niya ang kanyang sumbrero.
"I'm Damon, the guardian."

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    MJ Abad

    so cutee 🥺

    4d

      0
  • avatar
    Lanie Peratir

    sobrang Ganda nice

    18/08

      0
  • avatar
    Jonna Molinos Verzosa

    oo hhh

    15/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata