logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2: His Brother

His Brother
My parents came and send their condolences to Akiro's Mom. Buti na lang din nakarating sila kasi hindi ko na alam ang gagawin ko pa dito. Akiro's mom was crying earlier while telling story about her son. Akala ko magbi-breakdown siya as in iyong hahandusay sa sahig dahil sa pag-iyak pero hindi naman.
Telling some information about him that I didn't know was fascinating. It was kind of amusing to me while his Mom was telling me those things about Akiro. Mga bagay na hindi ko alam. Halatang mahal na mahal niya ang anak niya which dapat naman talaga. Bigla tuloy sa isip ko si Mommy. She loves me but she doesn't have much time for me. Pero kapag nandiyan siya, lagi niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Mother's love is unconditional.
According to his Mom, Akiro was a type of guy na seryoso at tahimik. Wala namang kataka-taka doon at alam kong gano'n talaga siya. Pero ang kinagulat ko ay ang sabihin ng Mama niya na lagi daw itong ginagabi at kung minsan ay kinabukasan na kung umuwi. May trabaho naman daw si Akiro doon sa store nila pero nitong nakaraang alam, madalas wala si Akiro. Minsan daw ay hindi sila nagpapang-abot ng anak dahil may siya ang pumapalit sa pagtitinda. Kaya lang sa tingin ko may iba pang dahilan bukod doon.
Ewan ko ba kung masyado lang akong nag-iisip. Pero kasi, bakit siya aalis ng bahay nila tuwing gabi? May iba pa ba siyang pinagkakaabalhan sa buhay? Bakit hindi alam ng Mama niya?
Definitely, the only word that can describe what I'm feeling is being curious. And I don't get killed by being curious. Curiosity kills the cat.
Nakaupo ulit ako sa pwesto ko habang tinitignan ang parents ko at ang Mama ni Akiro na nag-uusap. Kalmada na ang Mama ni Akiro na paminsan-minsan na umiiyak habang nakikipag-usap sa parents ko. Gusto kong makinig sa usapan nila pero hindi ako makagalaw sa upuan ko.
"Mama!"
A little kid from five or six years old tagged the dress of Akiro's mom. My eyes got widen a bit, flabbergasted by what I saw. Kung tama ang naiisip ko kapatid niya ang batang iyon base na rin sa pagkakasabi nito, may hawig din siya kay Akiro na parang small version nito. Kinukulit niya ang mama niya sa kung anong bagay pero ayaw siyang pagbigyan dahil panay ang iling nito. The boy started to tantrum and even my parents are trying to please him.
Lumapit ako sa kanila at hinarap ang bata. Wala akong alam sa pagpapatahan ng bata pero kusang gumalaw ang katawan ko at lumapit na lang.
Napalunok ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin, wala akong maisip na paraan since wala naman akong kapatid. Wala din akong kamag-anak dito kaya hindi ako sanay na may bata. I wish I can control him or mauto man lang.
Masama ang tingin sa 'kin ng bata habang nakanguso, may butil pa ng luha sa mata niya. He's cute though.
"Ako na po muna ang bahala sa kanya," I said to them.
The amusement on my parents' faces was visible. I, on the other hand, shocked as well to what I said. Saglit na lumiwanag sa tuwa ang mukha ng bata bago mabilis na naglaho. Napangiti ako at bahagyang tinapik ang kanyang ulo. Okay na din sigurong magbantay ng bata sa ngayon tutal wala din naman akong ibang gagawin. Alangan namang tumitig ako sa bangkay ni Akiro mamaya bumangon 'yon at lumabas na lang.
"Sige," sabi nung Mama ni Akiro pero nanatiling nakasimangot pa ang bata. Gusto ko na lang ngayon ibalik ang ngiti niya.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kamay ko.
Well, hindi ko rin naman siya masisisi kung hindi siya sasama sa akin. We're strangers so it's natural but then he hold my hand using his small hands. He's so adorable.
They agreed and let us leave with sparkling in their eyes. Gusto kong matawa dahil sa nga itsura nila. Iniisip siguro ng parents ko na gusto ko ng kapatid. Nasabi ko na sa kanila 'yon noon pero hindi ko lang alam kung gusto ko pa rin ba ngayon. Masaya na rin kasi akong mag-isa.
Sumimangot tuloy lalo ang batang ito kahit na hawak niya ang kamay ko at sasama sa akin. He may be torn if ever sasama sa akin o susunod sa Mama niya para kulitin ito. Magkamukhang-magkamukha sila ni Akiro, magkapatid talaga sila. Parehong singkit ang mata.
Tumapat ako sa lebel niya at ngumiti. Their was trust in his eyes but the curiosity like mine never left it too. Nakatulala lang siya sa 'kin na parang naguguluhan kung anong ginagawa ko sa harap niya. He even tilted his head a bit with his lip pouting. Gosh! Pinagmamasdan niya ako. Pero ang cute niya! Gusto kong kurutin ang malulusog niyang pisngi. Pinunasan ko ang natirang luha sa gilid ng mata niya at hinayaan niya ako. Feeling ko madali ko lang makukuha ang loob ng batang ito.
"Sino ka?" It sounded unfriendly and a bit rude but I don't mind at all.
I suppressed my chuckles. "Hi! I'm Emi."
"Sino ka naman?"
"Emi," sabi ko ulit pero mabagal dahil mukhang hindi niya nakuha ang sinabi ko.
"Narinig ko po, Emi," he said and then sigh. "Sino ka po sa buhay ng kuya ko?"
Natulala ako at hindi kaagad nakasasagot. Teka! Bakit gano'n naman ang tanong ng batang ito? Napakabigat ng tanong daig pa ang matanda. Ano nga ba ako sa buhay ng kuya niya? We're totally strangers at heto ako hindi alam kung anong gagawin sa harap ng batang 'to. Wala namang magagawa kung nagsisinungaling ako at sabihin kong kaibigan ko ang kuya niya. Hindi iyon makakatulong at hindi ko rin gusto. Naisip ko lang na baka gumaan ang loob niya pero hindi pa rin magandang ideya.
I swallowed hard all the thoughts, smiling. "Classmate kami."
His eyes lit up. "Hindi ka niya po girlfriend?" nalilito niyang tanong.
Natawa ako at mabilis na umiling. "Hindi." gusto kong tumawa ng malakas. Bakit naman niya naisip na girlfriend ako ng kuya niya?
Nagkibit-balikat siya at tila narinig kung anong tanong ko sa aking isip. "Wala pa kasi akong nakikitang kaibigan niya na dumalaw dito. Ikaw pa lang," malungkot nitong sabi.
Hindi kami friends ng kuya niya pero syempre hindi ko 'yon sasabihin. Iyon na lang siguro ang magagawa ko para hindi siya masyadong maging malungkot. I did not lie but I did not correct him either.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin saglit. Masyadong malungkot ang mata ng batang ito, ang hirap tagalan ang tingin. He seems close to his brother. And losing his brother at this young age makes me want to hug this kid to comfort him. Kung mawawala lang ng isang yakap ang lahat ng sakit. Maingat kong hinawakan ang braso niya at hinayaan niya na naman ako ulit. Kinakabahan ako na baka bigla siyang magalit sa akin.
Bahagya kong ginulo ang buhok niya. "Anong name mo?"
Hindi naman siya nainis sa ginawa ko. Hindi siya mailap sa tao. I like him.
"Haru po," his tone was friendly now.
Namamangha akong napatango. So, nahalata ko na Japanese ang pangalan nila. May lahi kaya silang Japanese? Singkit naman si Akiro pati 'tong Haru pero hindi ko sure kong may lahi nga sila. Mestisa ang mama niya pero hindi mukhang Japanese. Pero pakiramdam ko may lahi din ang Mama niya.
Tulad ng sabi ko hindi kami close at wala akong alam sa kanya. Lahat ng nalalaman ko ngayon bago sa'kin. Ginapangan na naman ako ng guilt sa katawan ko. I want to know more about him. Pero mawawala ba nun ang guilty sa nararamdaman ko?
I got shocked when Haru pulled my hand. "Emi. Pwede po bang buhatin niyo ako." Tinago ko ang tawa ko dahil sa kaswal na pagtawag niya sa pangalan ko. "Gusto kong makita si Kuya," dugtong pa niya.
Makita? Nakasarado ang kabaong kaya hindi niya 'yon makikita.
"Haru, nakasarado 'yong kabaong paano mo makikita?"
"Edi buksan po natin."
Napailing ako. "Kaso hindi pwede," malungkot kong tinig. May dahilan kung bakit nakasarado ang kabaong kaya bakit hindi pwedeng makita ang mukha ni Akiro.
Biglang tumulo ang luha niya at umiyak ng malakas. Natawag namin ang atensyon ng parents ko at ng Mama niya. Kaagad naman kaming dinaluhan nila. Nataranta ako kung papaano siya papatahanin.
"Anong nangyari?" tanong ni Dad pero kalmado lang siya habang pinagmamasdan kami ni Haru. His eyes were still sparkling while staring at us like he was happy to see me with a child.
Napakamot ako sa ulo at napangiwi. "Kasi gustong makita ni Haru si Akiro pero nakasarado 'yong kabaong."
I heard Haru's mom sigh heavily. "Haru..."
"Pero gusto ko pong makita si Kuya Aki," malakas niyang sabi na sinabayan ng malakas na iyak. Halos gumalaw ang balikat niya sa labis na maghikbi. Inalo ko ang likod niya at sinubukan na patahanin pero mas lalo lang atang lumakas ang iyak niya. Mukhang hindi ko na gustong magkaroon ng kapatid.
"Malaki ba ang damage na nangyari sa ulo ni Akiro?" tanong ni Dad at ngayon ay seryoso na.
"Hindi naman pero... hindi pa rin kasi ako handang makita siya," sagot naman ng mama ni Akiro habang naluluha na ulit.
Inalo naman siya ni Mom at ako naman kay Haru na patuloy pa rin sa pag-iyak. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ni Akiro. Gosh, naiiyak na rin ako pero pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak.
"Baka pwede nating buksan para makita ni Haru. Nami-miss niya lang ang kapatid niya. Bigyan natin siya ng oras para makita ulit si Akiro," sabi naman ni Mom at mabilis din naman nakombinsi ang Mama ni Haru at binuksan na ni Dad ang kabaong.
Saglit sila tumingin bago muling umalis at muling umupo sa may upuan sa bakanteng lote nila. Nag-usap sila pero banayad ang pagmamasid nila sa amin lalo na kay Haru.
Pinunasan niya ang mukha niya bago muling hinila ang kamay ko.
"Buhatin niyo na ako. Gusto kong makita si Kuya," pagmamakaawa niya at nasinok pa sa sarili niyang luha.
Poor Haru. This melts my heart.
At doon hindi na ako tuluyang nakangiti pero sobrang nasasaktan akong makita siyang ganito. Napaisip tuloy ako kung nakita na ba niya ang kuya niya simula nung burol. Ito ba 'yong dahilan kung bakit kinukulit niya ang Mama niya? Ito pa lang ba ang una?
I looked at Akiro's mom who is still chatting with my parents. She's broken. Malamang ayaw niyang masaktan din si Haru. Wala namang magulang na gusting masaktan ang anak nila, 'di ba?
Huminga ako ng malalim bago binuhat si Haru. Kailangan kong ihanda ang sarili ko kahit may takot akong nararamdaman.
I didn't stare at first. Na kay Haru lang ako nakatingin. Habang pinagmamasdan ko siya, napansin kong nawala ang ekspresyon ng mukha niya at tulala lang sa kapatid niya. Clueless ako kung anong ipinakita niyang ekspresyon. It was as if he wasn't the child who just cried and throwing a tantrum earlier.
"Emilia..."
I got freeze for a while as I heard a deep voice calling my name. It wasn't Haru! Focus ang tingin ko kay Haru at hindi ko man lang nakita na ibinuka niya ang bibig niya kaya alam kong hindi siya! At higit sa lahat, nagpakilala ako biglang Emi hindi ko sinabi ang buo kong pangalan. Binalingan ko ang parents ko na abala pa rin sa pagkausap sa Mama ni Haru, malayo sila kaya imposibleng nakaabot dito ang kanilang bulong tsaka malalim ang boses. Wala ring tumatawag sa akin sa buo kong pangalan depende na lang kapag galit ang parents ko. Who was it then?! I got goosebumps, pati balahibo ko sa batok ramdam kong nagtaasan.
Napalunok ako at sinimulang kinilabutan. Nakaramdam ako ng takot kay Haru. Parang naging iba siyang bata. Pero hindi naman siya 'yong nagsalita?!
Hindi naman siya sinapian di'ba?! Guni-guni ko lang siguro. Masyado akong takot kaya kung ano na lang ang naiisip ko. Wala lang iyon! Wala!
I took a deep breath and tried to relax my mind. Ano ba 'tong iniisip ko? Hindi ako naniniwala sa multo pero parang ngayon gusto ko na. Gusto kong ibaba si Haru at baka maitulak ko 'tong kabaong ni Akiro. Malintikan na!
I tried to forget that and pretend that I didn't hear a voice. Not at all!
"I miss you, kuya," Haru whispered softly but I was able to hear him.
Malayo ang boses niya sa narinig ko kanina. Forget it already, Emi!
His eyes started to wet as his cheeks became red. Naiiyak na din tuloy ako habang pinagmamasdan ko siya.
I slowly motioned my head to look at Akiro's lifeless body. My tensed body got relaxed a bit as I saw that he looks like he's just sleeping. But it's hurt to think that he was never going to wake up sooner or later. He is now peacefully at rest forever.
Akiro, What really happened? What is the truth? May kapatid kang iniwan at hinahanap ka. I wish I could say it to him aloud. I have this feeling of guilt inside of me and hoping that I could turn back time and save him.
I was just a little bit late. Kung sana...
No! I wasn't able to save him. Una, hindi kami nagkakausap. Pangalawa, mukhang si Akiro ang taong away ng magulo sa buhay niya. Baka susubukan ko pa lang lumapit nakalayo na siya sa'kin. Pangatlo... hindi ko alam pero talagang malabo. Malabo dahil hindi ko na nasubukan pa at hindi ko masusubakan kahit kailan.
At tsaka, hindi ko naman maiisip ang naiisip ko ngayon kung hindi ito nangyari. Malamang kung buhay siya, wala ako dito ngayon at hindi ko makikilala ang kapatid niya... ang tungkol sa kanya. Pero mukhang mas gugustuhin ko pa 'yon kaysa naman sa ganito. Mas mabuti kung hindi ko siya kilala basta buhay siya.
Baka kahit tumanda na kami hindi pa rin kami mag-uusap. Hanggang sa naging magkaklase lang kami pero iyon lang 'yon kaya walang katuturan ang naiisip ko. I felt remorse.
Mas okay pa talaga 'yong hindi na kami magkakakilala pa kung mabubuhay siya dahil baka kalaunan, magkaroon din naman kami ng pagkakataon na makilala ang isa't-isa. That was all I hope for.
Pero lahat ng naiisip ko ngayon wala din namang silbi kasi tapos na, nangyari na.
"Salamat Emi," Haru said as I put him down.
I just smiled, not bothering myself from his way of calling my name without saying 'ate' before my name. Kung doon siya kumportable, okay lang naman sa akin.
"Haru,"
Simula nung makita niya ang kuya niya kanina hindi na siya ngumingiti. I can say na ngayon niya pa lang nakita ang kuya niya.
"Ano po 'yun?" taka niyang tanong sa akin. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.
"Ngayon mo lang ba nakita ang kuya mo?" tanong ko para makumpirma ko kung tama ba ang naiisip ko. And Haru nodded his head. "Bakit?" dagdag ko pa.
Kating-kati na akong itanong 'yon sa kanya.
"Hindi po kaya ni Mama."
Iyon nga ang narinig ko kanina.
Narrowing my eyes, I looked around the place back to Haru. Baka may ibang makarinig. "Bakit hindi kaya ng Mama mo? May problema ba o may sakit ba siya?" I was stupid to ask it before I shut my mouth. Of course, hindi kaya ng Mama niya kasi nasasaktan siya. Damn it! Ang tanga, Emi.
Pero sana pinagbigyan niya si Haru para hindi makita ang kapatid. Kita namang okay lang ang mukha ni Akiro at pero pansin ko ang lubog na bahagi sa ulo nito. Iyon marahil ang pinakanaapektuhan nung nahulog siya.
Marahang umiling si Haru. "Hindi ko po alam. Malungkot kami at galit si Mama," bahagya siyang yumuko na tila ba pinipigilan ang sarili na magsalita.
Tumango ako at muling pinakita ang magandang ngiti sa kanya. Tila naging malayo siya sa akin, iba sa batang umiiyak kanina na hinahayaan akong hawakan siya. Marahil gulat siyang makita ang kapatid at napagtanto na wala na talaga ito.
Baka nga hindi lang talaga kaya ng mama niya. Syempre masakit para sa isang magulang na makitang nawala ang kanilang anak.
"May problema ba?"
Natigilan ako pero pinilit kong makabawi kaagad. Humarap ang Mama ni Akiro sa'kin sabay lapit kay Haru at hinawakan niya ito sa balikat.
Napatuwid ako sa pagkakatayo at pinilit na umakto ng hindi kahina-hinala. Wala rin naman akong dapat na ikabahala. Pero ngayon lang akong natakot ng ganito sa buong buhay ko. Hindi kaagad ako nakapagsalita na parang umurong ang dila ko habang nakatingin sa akin ang Mama ni Haru. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na siya sa amin, buong akala ko kausap niya pa ang parents ko.
"Okay ka lang, hija?" taka nitong tanong.
"O-okay lang po," nautal ko pang sabi.
She just smiled. I looked at Haru na mahinang ngumiti sa akin. Her mom pointing his right hand to the door. Kaya lumingon ako, nakita ko ang parents ko na nag-aabang sa labas.
Uuwi na pala kami.
"Hinihintay ka na nila."
Bumalik ang tingin ko sa ginang bago kay Haru. I wish I could still talk to him.
I bow a bit. "Sige po. Una na kami." Tumalikod na ako at lumapit sa parents ko.
May agam-agam pa rin ako kung narinig ba ng Mama ni Akiro ang usapan namin ni Haru. Naging maingat naman ako kahit papaano pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay Haru. I'm worried about his feelings. I want to stay but I do not want to.
Do I have to worry about this matter?
Baka masyado ko lang binibigyan ng kahulugan ang simpleng bagay. She might not want to see Akiro's body because it was too painful for a parent to witness that their child is dead. Masyado akong apektado sa mga nangyari. Kung ako rin siya, malamang magagalit ako sa mundo.

Komento sa Aklat (36)

  • avatar
    MJ Abad

    so cutee 🥺

    4d

      0
  • avatar
    Lanie Peratir

    sobrang Ganda nice

    18/08

      0
  • avatar
    Jonna Molinos Verzosa

    oo hhh

    15/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata