logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

“Where did my pen go?!” Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi pa rin makita ang lintik na ballpen na 'yon.
“Where's the papers, Saturn?” tanong niya habang inip na inip na nakatayo sa harapan ng lamesa ko.
Nagkunot-noo ako at humalukipkip. “Kung tulungan mo ako sa paghahanap ng ballpen ko nang mapirmahan ko na 'yan!”
Tumingin s'ya sa tambak-tambak na papel sa harap ko at napabuntong-hininga.
“Just use my pen and sign this first.”
“Ayoko ng ballpen mo, mas gusto ko 'yong akin. Maganda ang tinta!”
Napatigalgal s'yang tumingin sa akin. “What?! Kailangan ko na 'to ngayon na!” singhal n'ya at galit na tinuro ang sandamakmak na papel.
“Kaya nga nagpapatulong akong maghanap dahil nawawala 'di ba?” patol ko.
Yumuko ako at nahagip ng paningin ko ang ballpen kong nasa sulok na sulok ng lamesa ko.
Pilit ko 'tong inaabot pero hindi ko kaya. Masyadong maliit ang kamay ko. Grabe ang hirap talaga 'pag hindi mahaba ang biyas mo! Mapapasana all ka na lang talaga sa mga matatangkad.
“Let me get it,” aniya at walang kahirap-hirap na naabot ang ballpen ko.
"Thanks!" May bahid na pagtataray sa boses ko.
Umupo na ako at nagsimula nang pirmahan ang mga kontrata na binigay niya sa akin kanina. Wala pang sampung papel ay nasakit na agad ang kamay ko.
Siya naman ay kunot-noong nagtitipa sa laptop niya. We're on the same office, wala na kasing ibang building dito kun'di ito lang, saka malawak naman ang kwartong 'to kaya hindi na ito problema sa akin.
“Are you done?” tanong n'ya na nakatingin pa rin sa laptop niya.
“Hindi pa, saka pwede bang maghintay ka? Ako naman ang lalapit sa'yo kapag tapos na ako!”
Sa t'wing kausap ko s'ya nag-iinit ang dugo ko. Urgh! Kung pwede lang hindi makita ang pagmumukha n'ya.
“Halikan kaya kita? Baka sakaling tumahimik ka.” Napanganga akong tumitig sa kan'ya. Napakastraight-forward naman ng lalaking 'to.
“A-asa ka!” I stutter.
“See, wala pa akong ginagawa, nauutal kana. May tama ka pa rin ba sa akin, Ms. Vessaki?” He grinned and looked at me seriously.
“I'm here for business, Brennon, saka alam ko namang iba ang gusto mo at hindi ako.”
Bakit ba namin pinag-usapan 'to?
“Yes, I like Fiona Lhorilee but now she's married.”
Nanlaki ang mata ko at napahigpit ang hawak sa aking ballpen. Bakit kailangan n'ya pang isampal sa mukha ko na hindi na talaga ako?
Hindi naman sa nagseselos ako but respeto naman! Sasabihin mo 'yon sa harap ng ex mo na may gusto kang iba at parang proud na proud ka pa. That's being disrespectful!
“Keep that to yourself, Brennon. Hindi ako interesado,” ani ko at lumabas ng office nang matapos ko ang kalahati ng mga kailangan pirmahan. I need some fresh air. Kanina pa ako nakakulong sa malaimpyernong kwartong iyon.
“Anong ginagawa mo riyan?” tanong ni Jiji. My best friend since I was 6 years old.
“Nagpapalamig ng ulo.”
Ngumiti naman siya ng nakakaasar at tumabi sa gilid ko. “Kay Brennon na naman ba? Alam mo try n'yo rin kasing magmove-on, 'di ba?” aniya.
“Ji! Ten years na ha at tapos na kami! Alam mo 'yon.”
S'ya lang ang nakakaalam ng relasyon naming dalawa bukod kay Papa. Ayaw ko kasi ng public relationship dahil alam kong hadlang ang side ni Mama sa aming dalawa, lalo na ni Tita Maris. Sobrang strict n'ya when it comes to relationship. S'ya 'yong tipong magwawaldas ng pera maghiwalay lang kayong dalawa.
Gan'yan ang nangyari kay Papa no'ng nalaman ni Tita Maris na nanliligaw s'ya kay Mama pero sa huli sumuko rin s'ya dahil mahal na mahal nila ang isa't isa. Pinatunayan ni Papa na kahit anong pagpapahirap ang gawin sa kan'ya, mahal n'ya pa rin si Mama at hinding-hindi magbabago 'yon.
“Kung ten years na, hindi na 'yan babagabag pa sa utak mo, Saturn. Kahit ilang dekadang taon pa ang lumipas kung s'ya pa rin, hindi mo mapipigilan 'yon.”
“Ji, lumabas ako para magpalamig ng ulo hindi para pakinggan 'yang pangsusulsol mo sa akin ha! Mauna na ako!”
Tumayo na ako at iniwan siyang nakaupo ro'n. Walang sulok 'ata ng resort na 'to na pwedeng makapagpalamig ng ulo, lahat sila nasa paligid ko.
Bahagya akong napahinto sa paglalakad nang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko 'to sa 'king bulsa at sinagot ang tawag.
“Hello, Pa?”
“What's wrong with you, Saturn? Elvañia needs you, nasaan ka ba!?”
Kumabog ang dibdib ko sa kaba. I hate Papa when he's mad, dahil nakakabato s'ya ng bagay sa paligid n'ya. At ayokong atakihin na naman si Papa sa puso kaya sa akin n'ya binibilin ang lahat.
Ayon ang hindi alam ni Brennon. Kaya ako lang ang inaasahan ni Papa dahil hindi n'ya na kayang gumawa pa ng sobrang tagal, mabilis s'yang mapagod at kailangan laging nakapahinga ang katawan.
Papa's getting old that's why I will replace myself as his assistant because Mama is dead. Sa akin naka-alalay ang lahat.
“P-papa, calm down, baka atakihin ka na naman,” nag-aalala kong sabi.
“Nalulugi na ang resort, Saturn! Wala nang supply ng pagkain do'n at wala nang mahuling isda sa isla! Anong balak mo?! Sino ang pag-aasikasuhin mo ro'n—ako?!”
Hindi ako mapakali, nakalimutan ko na ang Elvañia dahil bisi ako sa pag-aasikaso ng lupa rito sa Cacienda. Hindi ko pa rin tapos pirmahan ang iba do'n dahil nababanas ako sa presensya ni Brennon. God!
“Huminahon ka muna Papa, ako ang bahala. Habang narito ako, tatawagan ko na lang si Jack para maghanap ng supply sa resort, tapos bukas ako babalik ng Elvañia kapag tapos ko na asikasuhin ang mga pipirmahan ko, pangako! Kaya please, 'wag kang sumigaw, just calm down!”
Napapasigaw na ako sa linya dahil ang lakas ng hangin. Hindi ko rin masyadong marinig ang sinasabi ni Papa. Kailangan ko ring itapat ang speaker ng phone ko sa aking tenga para marinig ko siya nang maayos.
“Jack is on Vaercesa, sinong tatawagan mo ngayon!?” sigaw n'ya ulit.
“Si Jules na lang, Pa. Nagtext s'ya sa 'kin kanina na wala naman daw s'yang gagawin pagkatapos n'ya sa bukid.”
We look like dumb, nagsisigawan kasi kami. Nagtitinginan ang mga trabahador dito sa direksyon ko. Kung may powers lang akong patigilin ang hangin na 'to edi okay na sana.
“May schedule na rin s'ya sa Vaercesa kaka-assist ko lang sa kan'ya kanina.”
Kingina naman, sinong isasama ko? Si Jiji naman ay busy rin sa trabaho niya ngayon sa kabilang planta. Hindi naman siya pwedeng hiramin kahit saglit dahil walang magbabantay.
“Sinong gusto mo pa? Si Brennon?!” singhal ko.
“Pwede naman at magkakilala naman kayong dalawa. Let him visit our Resort, igala mo s'ya.”
Sinasabi na nga ba't iyon lang ang nais iparating ni Papa. He's pushing me to be with Brennon again for this god damn resort.
“Pwede naman, basta sumama ka.”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Of course, sino pa ba? S'ya lang naman si Brennon Colton Casiendero, ang lalaking nagpapakulo ng dugo ko.
May dala-dala siyang papel at laptop. Kahit noon ay hindi mawawala sa kamay n'ya 'yan. Akala mo laging nanakawin 'yong cheap n'yang laptop.
Pinandilatan ko s'ya at nagtaas ng kilay. “At bakit?” bulong ko ngunit bakas dito ang diin.
“'Wag ka nang umangal pa, kung ayaw mong bumagsak nang tuluyan ang resort n'yo at hindi kana muling pagkatiwalaan ng Papa mo. Sinong gusto mong humawak ng lupa n'yo? Ang Tita mong pera lang ang iintindihin at hindi ang lupa n'yo?” aniya at yumuko para magpantay kami.
Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa n'ya. Tinitigan n'ya ang mata ko kaya napatitig din ako sa kan'ya.
“You'll come.. nope, scratch that. I'll come with you and we will solve it together.” He said huskily.
Napalunok ako at sa tingin ko ay narinig n'ya iyon dahil bahagya siyang natawa.
Hindi ko alam pero iba ang dating ng sinabi n'ya sa akin. Parang sa salitang together ay nangangahulugang, kasama na ako sa lulutas ng problema mo. Hindi kana mag-iisa, hindi na ako papayag na umalis ka.
Or maybe, I'm just assuming.
Sa sobrang pag-iisip ko sa bagay na 'yon ay hindi ko na namalayan na kausap ko pala si Papa. Hindi ko alam kung narinig n'ya ba ang sinabi ni Brennon dahil pinatayan n'ya na ako.
“Let's go—”
“Teka, may gagawin pa ako,” pigil ko sa kan'ya.
“You can do it later, take a rest.”
“Anong take a rest? Hindi naman sa bahay ang punta ko, sa Elvañia, ibig-sabihin mapapagod din ako dahil sandamakmak ang gagawin ko ro'n. That's a rest for you?”
He laughed. “Bakit? Kasama mo naman ako, hindi kita papagudin. Hangga't kaya kong kumilos, ako ang gagawa. You'll just sit and drink some coffee. I'll take it, Saturn.”

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    25/04

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    30/01

      0
  • avatar
    ObogKayeann

    nice one

    25/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata