logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

❝Galadria❞
"Aalis na kami, honey. Take care here okay? Nay! Tatawag po kami kapag nakarating na kami ru'n, alam n'yo naman na po ang gagawin! Bye na 'Nay! Honey!" ani ni mommy at niyakap ako. 
Habang yakap-yakap ko si mommy, naka tingin ako kay Cairo na parang nang-iinsulto, tinitingnan ko pabalik s'ya na parang pinapatay ko sa paningin ngunit ngumiti lang ang ugag.
It's really his fetish to pissed me huh?
"Bye mom! Dad! I love you!! Uwi kayo agad ah!" bilin ko, ngumiti si mommy at lumapit kay Daddy. Daddy just smiled at me, making me feel calm.
Before they got inside the car, he mouthed 'take care and I love you' kaya lalong tumamis ang ngiti ko. I smiled sweetly at him.
"Sige na umalis na kayo at baka maiwan pa kayo sa in'yong flight. Mag-iingat kayo!" Nanay reminded. Tumabi siya sa akin at kumaway sa kanila.
Binigyan ako ni Mommy at Daddy ng goodbye look hanggang sa nawala na sila sa paningin ko, hindi ako kumurap. Nang mawala na sila, bumagsak ang balikat ko at nawala ang matamis na ngiti. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. I will surely miss them.
"Pasok na tayo 'nak, dumidilim na," hindi nagtagal ay usal ni Nanay sa 'kin at naunang nang pumasok sa bahay. Hinayaan ko lang siya at nanatili muna ng ilang minuto para pagmasdan ang paligid.
Tiningala ko ang kabuuan ng bahay namin upang pagmasdang mabuti. This modern mansion will be alone for I don't know how long. Siguradong aalikabukin ito dahil isang taon din 'yun pero siguro kumuha rin si Nanay nang pwedeng maglinis dito weekly.
I sighed. Next day na rin kase ang uwi namin ni Nanay sa probinsya nila. I can't remember the exact name kase lutang ako sa pag alis nina mommy. Mabuti na ngalang at summer ngayon kaya magbabakasyon ang feeling ko roon. Pasukan na ulit next month at mage-enroll ako para sa grade 11 ko roon sa probinsiya nila.
Nasaan ang hustisya 'di ba? Pero kailangan kung tanggapin 'to dahil kung maiiwan ako rito sa manila baka lalong mag-aalala sina Mommy sa akin. Kaya mas mabuting sumama raw ako kay nanay kahit na kalahating labag sa kalooban ko dahil baka ano raw ang mangyari sa akin.
Pero iniisip ko, may signal ba roon? May mga mall din ba? Nagkaka-traffic din?
"Asthriaelle!" napabalikwas ako sa muling pagtawag ni Nanay sa akin kaya dali-dali na akong pumasok habang napailing-iling.
Kailangan pa talagang sumigaw, Nanay? Natawa ako sa kan'ya.
"Coming, 'Nay!" 
Naging tahimik ang araw na iyon sa amin. Nagkulong ako sa kwarto at kinausap ang mga kaibigan habang nagluto naman si Nanay ng hapunan namin at sabay kaming kumain sa hapag. Matapos nu'n ay pumasok ulit ako sa kwarto at maya-maya ay tumawag na si Mommy upang ipaalam na nakarating na sila. Kaunting pag-uusap lang ang ginawa namin dahil alam kong pagod sila sa byahe kaya minabuti kong pagpapahingahin muna sila. Matapos nu'n ay maaga rin akong natulog para irefresh ang sarili ko.
Kinaumagahan ay naghanda na kami ni Nanay para sa aming pag-alis. Mabuti na lang at nakapag impake na kami. Mommy helped me packing. Ihahatid kami ng driver hanggang sa terminal. Wala na ang ibang katulong at tauhan sa bahay dahil una na silang pina-leave ni Mommy nu'ng isang araw pa. Mabuti raw kaseng pagpahingahin sila ng isang taon at babalik nalang ulit kapag bumalik na sila. Serve as vacation na nila iyon.
"Okay ka lang, 'nak? Sa may Aircon ba tayo sasakay o sa wala na?" tanong ni nanay sa 'kin nang makarating kami sa terminal matapos ihatid ng driver.
Nagpaalam pa ako kay Mang Fernando bago kami bumaba dahil mamimiss ko siya sigurado. Siya rin kase ang naging driver ko mula pagkabata kaya malapit sa kan'ya ang loob ko.
Naglinga-linga ako sa paligid at nakitang maraming tao ngayon sa lugar. This view is very unfamiliar with me.
"Sa walang aircon nalang siguro 'Nay, alam ko namang 'di kayo sanay sa may aircon na sasakyan." Ani ko at ngumiti sa kan'ya. 
Nalala ko kase noong sumakay kami ng bus one time dahil wala kaming driver, nahilo siya dahil sa aircon. Muntikan pang sumuka.
"Okay lang 'nak, medyo sanay na rin ako sa mga sasakyang may aircon." 
"Okay lang po talaga. Sa walang aircon nalang po. 'Tsaka gusto ko ring makalanghap ng sariwang hangin habang nagba-byahe po tayo." Paintindi ko. 
"Oh sige na ngalang. May gusto ka bang kainin? Bibilhan kita para hindi ka magutom sa byahe natin, lagpas tatlong oras din ang byahe." She informed me.
Napa-isip ako. Ang tagal nu'n. Pero marami ang kinain ko sa bahay kanina kaya hindi ako madaling gugutumin mamaya.
"Tubig nalang po at biscuit, nay," ani ko at ngumiti sa kan'ya.
She nodded at me.
"Sige, alis muna ako." Iniwan n'ya ako sa upuan kung saan ang mga gamit naming dala at naglakad papuntang grocery store malapit sa terminal.
Sinikop ko ang hita sa isa't-isa at tiningnan ang paligid. Sa tabing upuan, nahuli kong nakatingin sa akin ang isang lalake na palagay ko ay pasahero rin. Tipid akong ngumiti sa kan'ya. Napapaso siyang umiwas ng tingin. Hindi ko na lang pinansin.
Umabang nalang ako sa daan kung saan tumungo si Nanay. Tama naman na siguro 'yung pagkain na binilin ko sa kan'ya. Hindi naman kase ako maarte. Okay na sa 'kin yung biscuit kase parati kaming pinangaralan ni Mommy na kahit may pera kami, hindi sa lahat ng bagay ay kailangang maging sosyal.
Napa tingin ako sa dala namin. Dalawang malaking hand carry bag na damit ko ang laman, knapsack kung saan 'yung mga gamit ko like beauty necessities and such. May slingbag din akong dala. Syempre nando'n ang cellphone ko at panyo incase na pagpawisan.
I scowled after realizing how many baggage I brought. Lahat ata sa akin 'to eh. Si Nanay kase hindi na dumala ng gamit niya dahil marami pa raw ang gamit niya sa bahay nila doon sa probinsya. 
Not long after that, I saw Nanay coming back with a paper bag in her hands. Lumapit siya sa akin.
"Sakay na tayo." Ani niya.
Tumango ako at tumayo.
"Binilhan pala kita ng bonamin para sakaling mahilo ka sa byahe. Hindi ka pa naman sanay sa walang aircon na bus. Baka ikaw naman itong mahilo mamaya." Tawang saad niya.
Sinikop ko ang bangs at idinikit sa likuran ng tenga ko. H'wag naman sana.
"Galadria! Galadria! Aalis na!"
"Noy, sasakay kami." Tawag ni Nanay sa conductor. Nakatingin lang ako, nakikiramdam kung paano ang ginagawa ni Nanay. Para sa susunod ay alam ko na.
"Tulungan ko po kayo sa dala n'yo, 'nay." The conductor approached us and looked at me amazely. Truly, people in the province are kind than those in the city.
Pinadala ni Nanay sa kan'ya ang dalawang bagahe. Sumunod kami na umakyat sa bus na may nakalagay 'Galadria' sa harapan.
Sa bakanteng upuan sa pinakaunahan, umupo kaming dalawa. Saglit akong napa tingin sa paligid. Ito ang unang pagkakataon na mapunta ako rito. Nakakamangha. 'Yung mga tao, parang sanay na sila sa ganitong pamamaraan ng transportation. Namamangha ako. All my life, hatid-sundo ako ni Mang Fernando o hindi kaya ni Daddy kaya hindi ko alam ang feeling pero nakikita kong masaya sila.
The engene roared as the bus started. Huminga ako ng malalim at muling sinikop ang buhok. This is it. Kaya ko bang panindigan ang isang taon?
Be positive, Shaira. As what Mommy said, this is a great opportunity to experiencing a humble life far from toxicity. Magugustuhan mo rin siguro ang buhay roon. 'Yun ngalang, walang malls doon. Wala ring concert stadium.
"Nay? 'Yung mga tao ba sa in'yo mababait din tulad n'yo?" kuryusong tanong ko sa kan'ya out of boredom.
Nilingon ako ni Nanay na tahimik lang din sa tabi ko.
"Oo naman 'nak. 'Yung mga tao sa amin sobrang mababait at matulungin din sila doon. Mayaman pa sa mga tourist attraction ang lugar namin." Explain niya. 
"Really po?" 
"Oo. Kaya sigurado akong mae-enjoy mo ang pananatili roon. H'wag kang mabahala." She winked at me.
Binasa ko ang ibabang labi. I hope so.
"Sana po," umaasang tugon ko. 
"Oh siya, pwede kang matulog habang nasa byahe tayo. Mahaba-haba ang byahe natin, magpahinga ka muna. Matutulog din ako." Saad niya.
Tumango naman ako. Pinagmasdan ko siyang umayos ng upo at niyakap ang bag na dala niya pagkatapos ay pumikit. Hindi ako kumurap para siguraduhin kung mabilis ba siyang makakatulog. Nangyari nga.
Nang makitang tulog na si Nanay ay kinuha ko ang cellphone sa sling bag pati ang earphones para magpatugtog.
"See you in three hours, Galadria," I sighed and closed my eyes to feel the music.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Felmar Ramos Cayasa

    good

    5d

      0
  • avatar
    OgrimanZenaida

    ok very nice

    17d

      0
  • avatar
    MijaresClaudine

    hhu

    21/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata