logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 1

❝Abnormal❞
"My father just died two weeks ago. He can't sue them."
I gulped to what she said. Her father died recently. I didn't expect that.
"Sorry," I uttered and looked at her, equaling her sadness. "Condolence for the loss," dugtong ko.
She smiled.
"It's okay, tanggap ko rin naman eh. Nakasanayan ko lang talaga sabihin ang ganu'n since he always want me to said those words. Gusto niyang takutin ko ang mga nang-aayaw sa akin gamit ang pagiging abogado niya para wala nang magtatangkang i-bully ako. Lapitin kase ako ng bully dati. Nakakalungkot lang, iniwan niya ako ng maaga." She wiped her tears that came out from her lonely eyes. Ngumiti ako nang mapaait.
"My mother also died when I was 5 years old," and that another revelation broke me again. Nalulungkot ako para sa kan'ya but she still managed to smile.
"Kaya nga wala na rin sana sa akin kung ano man ang maging kahihinatnan ko dahil gusto ko na rin naman silang makasama. But not until you came!" sinamaan niya ako nang tingin.
I chuckled for the sudden warmness. We both laughed in between darkness.
"Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na patunayan sa sarili kong kaya kong makatakas dito at mamuhay nang mapayapa dahil na rin sa 'yo. I admired you dahil ayaw mong malungkot at masaktan ang mga taong mahal mo."
My eyes twinkled for her. Hindi ko inisip na ganu'n pala ang nakikita n'ya sa akin.
"But incase that we won't succeed, atleast we tried right?" her words were so warm. But what she meant slapped me. Yumuko ako at inaninag ang paa sa dilim. Atleast she tried. Did I tried too? Did I tried listening to his reason? Napamura ako sa isipan. I didn't. Naging makasarili ako. Natakot akong marinig ang eksplenasyon niya.
"If I'll die tonight, at least I'm gladly wearing a smile," she said.
Iniisip ko paano kung maibabalik ko ang panahon. Pipiliin ko pa rin ba ang hindi makinig? Pipiliin ko pa rin ba ang sarili kong nararamdaman? O gugustuhin ko na lang bumalik sa pinakauna, panahon kung saan unang umapak ang mga paa ko sa lupain ng Galadria. Kung maibabalik ko man ang panahon, sana pinigilan ko na lang ang sarili kong mahulog sa kan'ya para hindi na kami parehong nasasaktan ng ganito.
"Mom? Hindi na ba talaga kayo mapipigilan?" tanong ko kay Mommy habang nasa labas kami ng bahay. The weather is fine but my feeling were gloomy.
"I thought you understand it already, honey?" tanong ni mommy sa 'kin. Sinikop niya ang mga kamay ko at ngumiti sa akin.
"Pero Mom, iba pa rin kapag kasama n'yo ako. Paano ako rito? Ako lang mag-isa rito," sumimangot ako.
"Shai, year lang anak. Promise, pagkatapos nito everything will be settled down, alam mo naman kung bakit ayaw ka naming sumama 'di ba? Napag-usapan na natin 'to. We want you to experience a fresh environment. Lately naging toxic na ang living mo dahil sa involvement mo sa mga friends mo." Pangat'wiran ni Mommy. Alam ko naman 'yun. Naiintindihan ko, pero I still can't let them go. Tuwing maalala ko 'di ko talaga kayang mawalay sa kanila.
"Honey, I promise, after this, magkakasama rin tayo ulit, okay? I can let you study in Guam after this. Isang taon lang," lubag loob sa 'kin ni Daddy na sumali na sa pangungumbinse sa akin.
Pinigilan ko ang sariling h'wag mangiti. That's why I like him, he's been a spoiled father to me. 
"Kayong tatlo ang magkakasama. Ako, ako lang dito 'yung maiiwan. That's unfair, Dad," ani ko. I pouted.
Mommy look so problematic right now. Nag-aalala na ang mukha niya kaya gusto ko nalang itigil ang pag-iinarte ngunit kailangan ko munang masiguro na makakapag-aral ako sa Guam next year. Kaiden is there, my crush. Gusto ko rin doon mag-college.
"Please don't make us guilty of this decision, honey. Akala ko ba okay na tayo tungkol dito?" si mommy.
I bit my lowerlip. Gusto ko pang pigilan ang sarili ko. Ngunit may part din sa akin na naiingit.
My father, mother and twin brother will travel the world. At narito ako, maiiwan akong mag-isa rito kasama si Nanay Talisna. Pupunta silang States kasama si Cairo. Last week, Tito Pierce called Dad and told him that the company is not doing fine because some investor sold their shares to another company without telling. Hindi iyon sinabi ni Daddy sa akin ngunit ramdam ko dahil this month, may limit na ang card niya na ginagamit ko kapag nagsho-shopping.
At itong si Cairo, sasama kase gusto raw pag-aralan ang kompanya kahit hindi pa naman siya college. Ang sabihin niya gusto niya lang talaga mag-travel. Kaya pala sa tuwing aayain ko siyang mag-sneak out, ayaw niya. Ang ugag, alam pala na aalis sina Mommy kaya nagpapa-goodshot. Kaya maiiwan tuloy ako ngayon dahil sa mga pinanggagawa.
"Naiisip mo na naman ba na mas mahal namin ang kambal mo kaysa sa 'yo? Oh you look so sad right now, honey," Daddy chuckled.
"You know that you two are born to be the heir of our empire but you said it's not your thing and we let you enjoyed all your privileges. Please understand us, Shai, we can't go if your having doubts." Mommy said.
I know that, palagi n'yang sinasabi sa 'kin but 'di talaga mawala sa isipan ko na maiiwan ako rito. Medyo sumasama ang loob ko roon.
"I'll guarantee you, papayagan na kitang mag-aral sa Guam. Papayagan na kitang maging independent." Ani ni Daddy. Pa simple n'yang hinapit si Mama sa bewang kaya napa-irap akk. Tsk. PDA.
Last month when I opened that I want to study in Guam, he firmly said no. Ngayong pumayag na siya, hindi ko alam kong sasaya ba ako o malulungkot dahil aalis talaga sila ngayong araw.
"Stop it!" mahinang reklamo ni mommy. 
"Deal?" ani Papa at ngumiti sa 'kin, hindi pinapansin ang reklamo ng ina ko.
I parted my lips. Atleast nakuha ko na ang gusto ko, right? Mag-aaral ako sa Guam next year! Gosh, ngayon pa lang na-eexcite na ako!
"Sige na nga po. Basta dalian niyo lang ah. I'll count 365 days starting from now." Nagawa ko pang magbiro. 
"Alright. But I guess your time here wouldn't be boring, honey. Du'n ka naman mags-stay sa probinsya ng Nanay mo kaya siguradong hindi ka mabuburyo roon." Papa confidently said. 
And that one hit me again. Realizing my life in that province for one year? Yung tao, daan, palayan, amoy, I can't picture it out in my head. Sobrang opposite ng lugar na lugar na kinalakihan ko. Makakaya ko ba 'yun?
"Oh, baka magka-baha pa rito bago tayo umalis. Magpigil na ng luha ang isa diyan," sigaw ni Cairo mula loob ng sasakyan habang nakadungaw sa bintana para mang-asar.
Kainis ang mukha niyang suot ang isang ngisi. He's the most annoying twin brother ever.
"Shut up, Cairo! Palibhasa kase kasama ka! Sana maiwan ka sa airport mamaya!" I glared at him.
Nilaro niya ang labi gamit ang dila niya at dumila sa akin.
"Ckakndksdjahsj! Tara na nga Dad, Mom! Iwan n'yo na 'yan, ang drama!" ani nito.
Daddy chuckled. Si Mommy ay nangingiti na rin. Cairo stole the moment, grr!
"You wait there! Anong minamadali mo?" inangatan ko siya ng kilay.
"Atleast ako nagmamadali kase may pupuntahan. Ikaw maiiwan dito. Sad girl." Asar pa niya.
Sa inis binato ko siya ng tsinelas ko.
Ang ugag na 'to, abnormal talaga.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Felmar Ramos Cayasa

    good

    5d

      0
  • avatar
    OgrimanZenaida

    ok very nice

    17d

      0
  • avatar
    MijaresClaudine

    hhu

    21/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata