logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Somewhere in Galadria

Somewhere in Galadria

hakudennn


Simula

❝Sue them❞
On a dark place, my eyes slowly opened. Nanghihina ang katawan kong bumangon sa kung ano mang kinalalagyan. Wala akong makita. Sobrang dilim ng lugar at halos sarili ko lamang ang naaaninag ko.
Agad akong napa ngiwi nang biglang kumirot ang ulo ko. Sa sakit ay nasapo ko ang ulo at napa daing sa sakit. Pero kahit sa sakit na nararamdaman, pinilit ko ang sariling bumangon hanggang sa may maaninag na pinto.
Sapo ang ulo ay dali dali kong tinungo ang pintuan at agad na pinihit ang siradura pero halos bagsakan ako ng langit nang malalamang naka lock ito.
From that moment, the scene before I got here subdued on my mind. I wast caught. I was kidnapped. And those abductors came from that black mysterious car.
How come this happened? How come I become so reckless even with Mommy's always reminder to keep safe?
"T-tulong! Tulong! Can someday hear me? Help!" sigaw ko, halos maputol na ang litid sa leeg. My tears then pulled off from my eyes. Pinaghalong kaba at sakit ang nararamdmaan.
Anong nangyari? Bakit ako nandito? Bakit ngayon pang may kailangan akong gawin?
Ang daming tanong sa isipan ko pero ang nagawa ko lamang ay ang sumigaw nang sumigaw ngunit wala ring sumasagot. No one heard me. Like no body care or no body's outside.
"Ilabas n'yo 'ko rito!" sigaw ko kahit na nanghihina na at nanginginig ang tuhod. Natatakot ako. All I feel right now is fear. Nothing but fear. Fear. Fear.
"Tulong!" sa nangingig na boses isigaw ko. Even with the situation, I don't want to be hopeless and helpless kaya kahit na maputol ang litid ko ay hindi ako tumigil sa kakasigaw.
"Kahit anong sigaw pa ang gawin mo, walang makakarinig sa 'yo," a cold strained voice appeared in my back that made my skin felt the cold unrecognizable wind. Ang takot ko ay nag-uumapaw na ngayon.
"Sino ka?!" matapang kong tanong. But inside me, I'm scared. Very scared.
"Magpakilala ka!" usal ko ulit. I'm not a fan of horror movies but in this crucial situation, that is what I'm thinking right now! Hindi ako matatakutin pero sa oras na 'to, oo!
The person laughed from somewhere. Malambing ang boses niya kaya nakilala kong babae ito.
I heard footsteps coming to me kaya idinikit ko ang sarili sa pinto dahil sa takot. Then I heard the steps stopped in front of me.
"Who are you?" I asked again, trying to recognize her beneath the unbeatable darkness inside the room.
She sighed. "Just like you. Abducted," she muttered and I slowly recognized her face in the dark.
Taglay ang matangos na ilong, malalim na mga mata, manipis na mga labi at ang buhok niyang kagaya rin sa akin, para akong nakakita ng anghel sa impyerno.
Ang takot ko ay agad naglaho nang makita ang mukha niya. Napa-atras ako sa gulat. She looks like me! Maliban sa suot niyang uniform ng paaralan sa kabilang bayan ng Capiz, magkaparehong-magkapareho kami.
She got abducted too? Just like me?
What is the meaning of this?
My throat throbbed.
Moments after, I found myself sitting beside her on the darkest part of the room we're in. She told me how she got here and I did too. Hindi ko alam ngunit mabilis na gumaan ang pakiramdam ko sa kan'ya sa kabila ng sitwasyon namin.
"We both know na walang kasiguraduhan ang buhay natin once makarating ang yate sa palawan. We shall make a plan." Sabi niya.
Tiningala ko ang kawalan. Nagpatibaya nalang ako. Hanggang ngayon, wala pa rin akong lakas. Hindi ko lubos maisip na narito ako ngayon. Kanina lang ay nasa eskwelahan pa ako at pumuntang bahay ampunan. And then... I texted him.
Memories then rushed down inside my head after remembering him. Bakit ngayon pa 'to nangyari kung saan sinusubukan kong itama ang pagkakamali?
I remember my Mother, my Father, Cairo, Nanay and Ate Abby. Ano nalang ang nararamdaman nila kapag malaman nilang nawawala ako? This will surely cause a huge cuss.
Kaya kahit nawawalan na nang pag-asa, I joined Reice in her plan to escape. Nagplano kaming dalawa kung paano tumakas and the first of it is to sneak out when the goons are asleep. Sabi niya ay bandang alas nuwebe pa ng gabi papasok ang kidnapper para magbigay ng pagkain.
Kung mangyari 'yon, tahimik na kukunin ni Reice and duplicate key para maka labas kami. If makalabas na, maghahanap kami ng life vest incase o talagang tatalon kami ng tubig. She's very sure na dadalhin kami nang alon sa pinaka malapit na isla. Ang gagawin namin ay maituturing nang suicidal at maliit lang ang porsyentong magtagumpay ngunit kung hindi namin lalakasan ang aming mga loob, hahayaan nalang ba namin mamatay kami nang hindi lumalaban?
"Wala bang mga pating?" tanong ko sa kan'ya.
"Hindi ko alam ngunit kung hindi natin susubukan, how can we know? Our main goal here is to escape kaya be positive." She encouraged me.
"You want to escape here and see your family, right?"
"Of... of course," mahinang sagot ko.
Naalala ko ang mga taong nagmamahal sa akin. Ang mga taong hindi ako iniwan. Ang mga taong nagmamahal sa akin. Paano nalang kung mawala ako? I don't want them to be in despair. Ayaw ko silang masaktan. Kaya tama si Reice, kailangan kong tumakas. Walang tutulong sa amin kun 'di ang mismong sarili rin namin.
"Nandito na sila," bulong ni Reice kaya dali dali akong bumalik sa kama kung nasaan ako. Tama nga siya dahil agad bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang dalawang lalakeng may dala-dalang tray ng pagkain. Bumaba ang tingin ko sa bewang nila at halos manginig ang katawan nang makita ang naka sukbit doon. Baril. May baril sila.
Napa lunok ako. Dad has so many guns but he wouldn't let us saw him holding it. Ayaw niyang ma-expose kami sa delikadong bagay na 'yon and he said that it is for emergency purposes only.
Kaya kahit papaano, naging mabuti ang pananaw ko sa mga baril but seeing it right now, on the waist of these two man, nanginig ang tuhod ko. Nakakatakot. Bigla ko nalang gustong umurong sa plano namin ni Mariece.
May dala silang flashlight para magsilbing ilaw nang madilim na kwarto. Walang ilaw ang kwarto. Sinadya ba nilang hindi lagyan?
"Kumain na kayo at mahaba-haba pa ang byahe natin." Ani nang naunang lalake at inilapag ang tray sa dulo ng kama ni Reice. Ang isang lalake naman ay sa kama ko.
Tahimik lang ako bagama't may plano na si Reice.
"Ah, kuya," napatingin kay Reice ang lalakeng armado.
"Nahihirapan kase akong kumain dahil may sugat ang kamay ko. Pwede mo ba akong subuan?" pilit isinaboses ni Reice.
That's it, the first plan.
Kumunot ang noo ng naunang lalake habang humagalpak naman sa tawa ang isa sa harapan ko.
"Nagpapatama ata sa 'yo, bro,"
"Tss," supladong ani ng naunang lalake at tumayo na. Tatalikod na sana siya nang pekeng dumaing si Reice.
"Masakit talaga ang kamay ko, Kuya. Kasalanan mo naman 'to kung bakit ako nagkasugat eh! Kaya dapat subuan mo ako!" mangiyak-ngiyak na daing ni Reice habang yakap yakap ang kamay.
"Kung mamamatay ako dahil sa gutom, patay ka rin sa boss n'yo!" dugtong pa niya.
Tahimik lang akong nakikimatyag. Halos tumalon ako sa saya nang nagtagumpay nga siya sa plano niya. Seryoso ang mukha, bumalik ang lalake at sinubuan siya. Naging seryoso ang lalake sa ginagawa kaya mabilis niyang nakuha ang duplicate key ng kwarto at itinago sa bulsa. Hindi 'yon nakita ng isa pang lalake dahil naninigarilyo ito sa labas ng pintuan habang pasulyap-sulyap lang.
"Tapos na, pati ba pag-inom ng tubig aalalayan pa kita?" sarkastikong tanong ng lalake na ikinangiti ni Reice.
"Hindi na kailangan, Kuya. Okay na ako," sagot niya.
The armed man looked at her amusedly.
"Hmm, himala at hindi ka nagwawala ngayon. Mabuti ba ang dinudulot nang bago mong kasama sa 'yo? Shall we add another one para tuluyan kang tumahimik?" ngisi ng lalake.
I gritted my teeth. Damn you! Mga tao rin kayo pero sariling kapwa tao n'yo ginaganito n'yo? Mga walang awa! Kidnapping a person is a sin and a violation to the law ngunit binabalewala lang nila ang batas. Para sa ano? Pera?
Yumuko si Riece ngunit alam kong nagalit din siya. Lumabas ang lalake na may ngisi sa labi.
"Mabuti at tanggap n'yo na ang magiging kapalaran nin'yong dalawa. Hindi na kam magkaka-problema," banggit niya bago lumabas.
The moment they closed the door, Reice lifted her head with anger flowing in her eyes.
"Damn you all! Makakalabas kami rito! Patay kayo sa Papa ko! He will sue you all!" mahina ngunit diin niyang sambit na puno ng galit.
"Your dad is a lawyer?" tanong ko matapos naming ipagsaya ang tagumpay ng naunang plano.
"Yeah, a judge," she answered weakly.
"Really?" ngumiti ako. Kaya pala ang lakas ng loob niya.
"Yeah. But I was just kidding when I said those lines earlier," she answered sadly and raised her head to the dark ceiling. Beneath the darkness, I saw how her eyes flickered with unshed tears.
"W-why?" nagdadalawang isip kong tanong.
Kahit kase na kanina lang kami nagkakilala, I already felt the bond between us thickened. Parang may connection kami sa isa't-isa maliban sa bagay na kailangan naming magtulungan para maka takas dito.
"My father just died two weeks ago. He can't sue them."

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    Felmar Ramos Cayasa

    good

    5d

      0
  • avatar
    OgrimanZenaida

    ok very nice

    17d

      0
  • avatar
    MijaresClaudine

    hhu

    21/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata