logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

SELENE’S POV
“PAK, MUKHANG love letter nga,” wika ko sa sarili ko habang pinipigilan ko ang pagngiti ko, pero kaagad din na nawala iyon nang may maalala ako.
Imposibleng love letter ‘to kasi may gusto na siyang iba, Selene!
‘Yan, ha. Sige, Selene, assume pa. Kaya ka nasasaktan eh. Marupok ka kasi.
Miss,
Alam kong babae ka dahil nakita kita kagabi na tumatakbo palayo, pero salamat.
- Kent
Kaagad akong tumayo at nagtatatalon nang mabasa ko ‘yong sulat ni Kent sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kilig o dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Hala, nakita niya pala ako? Nakakahiya. Ang haggard ko pa naman noon kasi nakalimutan kong magpulbo at umakyat pa ako ng puno noon na para bang isa akong unggoy! Dapat pala ay nagpaganda muna ako kahit kaunti kahit na maganda naman na ako, char! May magandang babae ba ang aakyat sa puno kahit nakapalda, self?
Pero grabe, hindi talaga ako makapaniwala! Destiny kaya namin ang isa't-isa?
Destiny ka riyan, self? Mag-aral ka muna para sa future n’yo. Buang ka.
Teka nga, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Ganito ba talaga ako kiligin? Nababaliw? Pero ano bang magagawa ko? Eh sa kinikilig talaga ako to the highest level of infinity!
At tulad ng ginagawa ko kanina, nagtatalon pa ako nang parang baliw pero napatigil ako agad nang maramdaman ko na parang may tao na nagmamasid sa akin. Medyo natakot pa ako noong una kasi naisip ko na baka multo ‘yon, pero dahil may araw ako ngayon, sure ako na hindi siya makakalapit sa akin kaagad dahil na rin sa masisikatan siya ng araw!
Ay, teka, bakit parang bampira na ang tinutukoy ko rito? Ay, ewan! Basta ‘yon, pakiramdam ko ay may ibang tao pa rito bukod sa akin!
Napalingon ako nang makarinig ako ng footsteps na papalapit sa direksyon ko. Hala, hindi kaya ay baka si Kent ‘yon o kaya naman ay isa sa barkada niya?
“Hala, self, takbo!” wika ko sa sarili ko pero hindi pa rin naman ako tumakbo pagkatapos no’n dahil luminga-linga pa ako sa paligid ko. Wala lang, nagbabakasakali lang kasi ako na makita ko si Kent nang malapitan ngayon, pero nang ma-realize ko na baka siya nga ang papalapit sa akin ay dali-dali akong tumayo at tumakbo na papunta sa room ko habang nakangiti pa rin.
Stressed man ako ngayon pero ngingiti pa rin ako, ‘no! Hindi ako nababaliw, ha! Kung sa iba rin naman mangyayari 'to, ganito rin naman ang magiging reaksyon nila. Right? 'Di ba?
KENT'S POV
Nandito ako ngayon sa likod ng puno para tingnan kung sino 'yong babaeng tumulong sa akin kagabi. Gusto ko sana siyang pasalamatan no’n dahil nakita ko noong nilagay niya ‘yong payong sa tabi ko, kaya lang inuna ko na munang ayusin ‘yong painting ko dahil baka mabasa pa iyon nang husto.
I owe her one. Nang dahil sa kanya, hindi nabasa ang painting ko na matagal ko nang pinagpupuyatan. I want to thank her yesterday, pero kaagad siyang nawala sa paningin ko kaya naman ay hindi ko na iyon nagawa.
I want to thank her again today, kaya lang ay tumakbo naman siya palayo nang maramdaman niyang papalapit ako sa kan’ya.
As I glanced at her, I noticed that she was familiar, but I can't remember where I exactly met her.
Have we met before?
SELENE’S POV
Nandito na ako ngayon sa classroom para humabol sa lesson ni ma'am mathematics. Hindi ako matandain sa pangalan ng teachers at wala rin naman akong balak tandaan ang mga pangalan nila kaya nagbabase na lang ako sa subject na itinuturo nila. Buti na lang talaga at uto-uto si ma'am at naniwala na may LBM talaga ako. Ang galing talaga ni Jane mang-uto!
Isa pa, mabuti na lang din at umabot ako sa lesson ni ma’am. Although naaral ko naman na ito, pero feeling ko ay mas maganda pa rin kung mapakikinggan ko ang lesson niya para na rin mas maintindihan ko pa ‘yong mga concept na naaral ko, at maintindihan ko naman nang husto ‘yong mga concept na hindi ko gaanong naintindihan kagabi.
Habang nagle-lesson kami, hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Nagmumukha akong baliw pero okay lang 'yon! Kinikilig talaga ako, eh! Ano'ng magagawa ko? Hay. Kent naman, oh. Isang kita ko lang sa kan’ya, isang love letter at sa simpleng gesture lang niya ng pagbabalik niya ng payong ko, kinikilig na ako kaagad at ramdam ko na buong-buo na ulit ang araw ko!
"Hoy, Selene.”
Grabe lang talaga, sana pala ay hindi na lang ako umalis doon at nagpakilala ako sa kan’ya, ano? Ano kaya ang mangyayari kung ginawa ko nga iyon?
“Selene, ang totoo niyan, ikaw talaga ‘yong babae na sinasabi ko na matagal ko nang nagugustuhan. Will you be my girlfriend?”
Mabuti na lang at kahit na sobrang kinikilig na ang buong kaluluwa ko ay aware pa rin naman ako na nasa loob ako ng classroom kaya naman ay iginalaw-galaw ko lang nang bahagya ang dalawang paa ko habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko. Patuloy lang din ang pagtitig ko sa math book ko pero ang mukha ni Kent ang nakikita ko roon.
Ang mukha niyang nakangiti sa akin… omg!
“Ang totoo niyan ay hindi kita gusto, kaya sana ay itigil mo na ang pagpapapansin mo sa akin. Naiintindihan mo ba? Ayoko nang makita ka pa.”
Na kaagad na nawala at napalitan ng mukha ni Kent, pero this time ay may dalawang sungay na sa tainga niya. Shit, tama lang, self!
Mabuti na lang at hindi ka nag-stay doon! Mahirap na dahil baka mabasted pa ako nang wala sa oras, at kaysa mabuo ang araw ko ay tuluyan pa iyong masisira kasama ng puso ko!

Komento sa Aklat (130)

  • avatar
    Shann John Estenote

    wow

    16d

      0
  • avatar
    SanteJ ver

    cute

    16/08

      0
  • avatar
    Jen Fajardo

    wowww

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata